SAMARAH Labis ang kabang nadarama ni Samarah habang nasa byahe sila patungo sa kinaroroonan ni Fiona. Kahit na hindi naging maganda ang trato sa kanya ni Fiona, ayaw naman niyang makitang nagdudusa ang kapatid nitong si Flora. At isa pa, hindi naman masama ang ugali ni Samarah para basta na lang hayaan ang kanyang pinsan lalo pa't nag-aagaw buhay pala ito. "A-Ate," nanginginig ang labing sabi ni Flora. "Flora," sambit niya bago niyakap ang kanyang pinsan. Napatingin siya sa kanyang tiyahin na halos hindi na makahinga sa kaiiyak. Nagpaalam si Hendrix sa kanya upang bumili ng tubig at pagkain nila doon. Hinagod ni Samarah ang likod ng kanyang pinsan at saka niyakap ng mahigpit. "Huwag kang mag-alala, ako na ang bahala sa lahat ng babayaran niyo. Okay? Huwag kayong panghinaan ng loob. Gagaling ang kapatid mo," mahinahon niyang sabi kay Flora. Nang tumigil sa pag-iyak si Flora, kinausap ni Samarah ang doctor. Sinabi niyang siya na ang bahala sa lahat ng babayaran basta ili
SAMARAH Sumunod na araw, pinuntahan ni Samarah ang kanyang amang si Jackson Ambers. Naabutan niyang hinang-hina na ang kanyang ama. Pero nang mahawakan niya ito, tila lumakas ang kanyang ama. Tila sumigla.Habang nakatitig si Samarah sa kanyang ama, hindi niya maitatangging masaya siya. May galak sa kanyang puso. May kakaibang saya siyang nararamdaman sa mga oras na iyon. "Sa-Samarah... anak ko," nangingilid ang luhang sabi ni Mr. Ambers. "Da-Daddy..." Sa unang pagkakataon, tinawag niyang daddy si Mr. Ambers ka labis na ikinatuwa ng matanda. Nakita ni Samarah ang pagningning sa mga mata ng kanyang ama. Napaluha na si Mr. Ambers kaya niyakap na niya ito. Nag-iyakan silang dalawa habang lumuluha. Nakangiting nakatingin si Hendrix sa kanila. Hinila ni Samarah si Hendrix kaya naman nakiyakap na rin ito sa kanilang mag-ama. "Anak, salamat. Salamat dahil kinilala mo ako bilang iyong ama. Hindi na ako umasa na mapapatawad mo ako at kikilalaning ama mo dahil sa ginawa ko sa inyo
SAMARAH Nakangiting pinagmamasdan ni Samarah si Hendrix sa kanyang tabi. Katatapos lang ng mainit na sandaling kanilang pinagsaluhan. Ngayong nasa bahay na siya ulit ni Hendrix, mas masaya. Mas magaan sa pakiramdam lalo pa't wala na si Ligaya. Siya ang reyna sa bahay na iyon. "Gising ka pa pala. Bakit hindi ka pa natutulog?" tanong ni Hendrix sa kanya. Alas tres na kasi ng madaling araw. Hindi makatulog si Samarah. Dahan-dahan siyang bumangon at saka tinali ang kanyang buhok. "Muntik ko ng makalimutan, may sasabihin pala ako sa iyo," sabi niya sabay hagikhik. Kumunot ang noo ni Hendrix. "Ano iyon?" Ngumisi si Samarah. "Mamaya na. Ipagluto mo muna ako. Parang gusto kong kumain ng letchong kawali ngayon. Please? Ayoko ng kanin. Letchong kawali lang." Agad na tumayo si Hendrix at saka pinulot ang salawal niya. Umalis na rin sa kama si Samarah. Kumuha siya ng malaking shirt ni Hendrix at saka iyon sinuot. Sumunod siya kay Hendrix. Pinagmasdan niya ang binata bago niya
ANGELA Nang magtungo si Samarah sa bahay ni Hendrix, nahihiya man ngunit nilapitan niya si Samarah. Kinakabahan siya pero pinilit niyang pakalmahin ang sarili. "Samarah, ahm... gusto ko sanang humingi ng tawad sa nagawa ko sa iyo. Nasaktan ko ang damdamin mo dahil nagsinungaling ako sa iyo. Patawarin mo ako," nahihiya niyang sabi sabay yuko. Hinawakan siya sa balikat ni Samarah. "Ayos lang. Sinabi na sa akin ni Hendrix na inutusan ka lang ni Ligaya. At syempre, naintindihan ko naman ang side mo kung bakit mo ginawa mo. Mabuti na lang, natauhan ka rin kaagad. Hindi ka nagbida-bida pa. Dahil kung sakaling ginawa mo iyon, baka pinasabog ko na ang pagmumukha mo," sabi ni Samarah sabay tawa. Bahagyang nanlaki ang mata niya sabay kamot sa ulo. Sa isip niya, mukhang palaban ngang talaga si Samarah. "Pasensya ka na talaga. Bukas na bukas, aalis na kami. May lilipatan na kami kaagad. Patitirahin kami ni Hendrix sa mga paupahan niyang apartment. Kapag nagkatrabaho na ako, magbabayad
ANGELA Kinabukasan, maagang nagising si Angela upang ipaghanda ng almusal si Hendrix. Nakatulog na siya kagabi at hindi na nahintay pang dumating ang binata. Nang makita niyang pababa ng hagdan si Hendrix, napangiti kaagad siya. Inayos niya ang mga pagkain sa mesa at saka malawak ang ngiting tumingin kay Hendrix."Good morning, Hendrix. Mag-almusal ka na," malawak ang ngiti sa labing sabi niya.Tinitigan siya ni Hendrix. Imbes na kiligin, nakaramdam siya ng kilabot sa klase ng titig ni Hendrix. Nakatikom ang bibig nito habang nakatingin sa kanya. Tila ba may kung ano sa mga mata ni Hendrix ang tumatagos sa loob niya."He-Hendrix? Ba-Bakit?" nauutal niyang tanong sabay kagat-labi.Asar na tumawa si Hendrix. "Napansin ko ang bigla mong pagiging maasikaso sa akin. Bigla kang naging papansin at muntik mo pa akong halikan noong lasing ako. Bakit mo ginagawa iyon? Inaakit mo ba ako? Inutusan ka ba ni ate na gawin iyon? Para tayo ang magkatuluyan at magkaroon ng ama ang anak mo?"Nagimbal a
SAMARAH Marahang iminulat ni Samarah ang kanyang mga mata at napapikit nang masilaw sa liwanag ng ilaw. Kumurap-kurap siya. At napagtantong wala siya sa kanyang silid. "Nasaan ako?" tanong niya sa kanyang sarili. Ilang sandali pa, bumukas na ang pinto ng silid na iyon. Pumasok sa loob si Dina. Ngumiti ito ng malawak nang makita siya. "Gising ka na pala. Kumusta ang pakiramdam mo?" tanong sa kanya ni Dina. Kumunot ang noo niya. "Ayos naman pero bakit ako nandito sa ospital? Sa pagkakaalam ko, nasa bahay lang ako, ha. At may kukunin sana ako sa kuwarto." Humagikhik si Dina. "Oo kanina pero nawalan ka ng malay! And I want to say.... congratulations! Inamoka bundat ka na! Napunlaan na ni Hendrix ang matres mo!" Nanlaki ang mga mata ni Samarah sa sinabi ng kanyang kaibigan. Hindi siya makapaniwala sa kanyang narinig. Nakatingin lamang siya kay Dina at hinihintay itong makapagsalitang muli. "Oh, ano ka na? Hindi ka na nakapagsalita diyan! Nakatulala ka na lang!" tumatawang