SAMUEL ISANG BUWAN PA ang lumipas. Tila hindi na ganoon nasisiyahan si Samuel sa kanyang buhay. Panay ang inom niya, babae at minsan gumagamit siya ng marijuana. Kapag binibigyan niya siya ni Damon, madalas siyang tumanggi. Bihira lang siya kung gumamit. Pinagagamit pa nga siya ni Damon ng pinagbabawal na gamot pero ayaw niya talaga. Iyon ang bagay na ayaw n'yang matikman. Kahit ano pa ang mangyari. "Ano, Samuel? Ayaw mo talagang magtino, ha? Talagang tinatarantadó mo ako?!" galit na sabi ng kararating niyang daddy Hendrix. Isang malakas na suntok ang natamo niya sa kanyang ama. Bumagsak siya sa sahig. Pakiramdam niya, na-dislocate ang kanyang panga sa lakas ng pagkakasuntok ng kanyang ama. "Alam mo bang hindi ko pa rin pinaaalam sa mommy mo ang kagaguhan mo? Dahil sigurado akong malalagot ka sa kanya! Binibigyan kita ng chance ng ayusin ang buhay mo pero patuloy mo pa rin itong sinisira! Bakit nakikinig ka sa hayop na Damon na iyon? Alam mo bang siya ang nagpadala sa akin ng p
VALERIE ISANG LINGGO PA lumipas, pilit inaalis ni Valerie sa kanyang isipan si Samuel lalo pa't gusto na niyang makapag-move on sa binata. Nabalitaan niya kasing may mga kalandian na naman si Samuel. Mga kilalang model pa at influencers. Inis na inis siya at hindi maiwasang magselos. Ngunit wala naman siyang magagawa kun'di ang manahimik lang sa tabi. "Hi, Valerie! Out mo na ba? Tara, kain tayo!" magiliw na sabi ni Shaun. Tatlong araw na rin ang magkakasunod na nagpupunta si Shaun sa kanyang pinapasukang trabaho para ilibre siyang kumain sa labas. O 'di naman kaya maglibang-libang sa gabi. "Ikaw, ha... napapadalas yata ang pagpunta mo sa akin dito at pagyayayang kumain sa labas. Anong mayroon? Balak mo yata akong isama sa mga babae mo," nakataas ang kilay niyang sabi. Tinawanan siya ni Shaun. "Bilisan mo na diyan mag-out. Mamaya ko sasabihin sa iyo," sabi ng binata sabay kindat. Napailing na lang si Valerie. Guwapo rin si Shaun ngunit iyong guwapo na halatang fück boy. Ng
VALERIE "ANG GALING! May ibang branch na rin ang unli wings mo at may puwesto na rin sa mall!" magiliw na sabi ni Valerie kay Chase. Ngumiti si Chase. "Yes at sobrang saya ko dahil nakikilala na ang business kong ito. At hindi ko maaabot ang ganito kung hindi dahil sa inyo. Kaya sa susunod na buwan, magkakaroon tayo ng party. Pasasalamat ko sa inyo at may mga pa-games ako. Pa-raffle at cash." Napangiti si Valerie at nakaramdam ng pananabik. "Wow! Nakaka-excite naman iyan!" "Lahat kayo mababait at talagang maayos kayo sa trabaho ninyo. Kaya tama lang na bigyan ko kayo ng bonus at kung anu-ano pang magpapasaya sa inyo," dagdag pang sabi ni Chase. Mabilis na lumipas ang buong maghapon, tapos na ang oras ng trabaho ni Valerie. Pauwi na siya ng mga oras na iyon nang biglang may humarang sa kanyang daan. Isang magarang sasakyan. Kumunot ang noo niya nang makilala ang sasakyang iyon. "Samuel?" mahinang usal niya. Lumabas sa sasakyan na iyon si Samuel. Napalunok ng laway si Valer
Valerie MABILIS NA LUMIPAS ANG DALAWANG buwan, nagtungo si Valerie sa mall upang mamasyal saglit at bumili na rin ng bago niyang damit. Naisip niya kasing maiging may mabili naman siya para sa kanyang sarili. Kahit papaano, may naitabi siya para sa kanyang sarili mula sa pagiging kasambahay niya kay Samuel. Masaya na siya sa pasahod ni Chase sa kanya. Ang mahalaga, nag-e-enjoy siya sa kanyang trabaho at alam niyang hindi siya masusumbatan. "Valerie?" Napatigil sa paglalakad si Valerie at nilingon ang lalaking tumawag sa kanyang pangalan. Kumunot ang noo niya nang makita si Shaun. Lumakad ito palapit sa kanya. "Ikaw pala. Bakit?" sabi niya sa binata. "Wala lang. Nakita lang kita kaya tinawag kita. Kumusta ka naman?" sabi ni Shaun sa kanya. "Ayos lang naman ako. Gano'n pa rin naman." Tumikhim si Shaun. "Nag-uusap pa ba kayo ni Samuel?" Mabilis siyang umiling. "Hindi. Hindi naman siya nagme-message sa akin kaya bakit ako magme-message sa kanya? At saka biglang nag-iba a
VALERIE ISANG LINGGO na ang lumipas simula nang umalis si Valerie sa pamamahay ni Samuel, walang kahit anong message o paramdam sa kanya si Samuel. Umasa kasi si Valerie na baka pagod lang sa trabaho si Samuel kaya ganoon ang sinabi nito sa kanya. Ngunit wala talaga siyang natanggap mula kay Samuel na message. Nakikita niya rin ang mga post ni Samuel online na madalas siyang nasa club. May mga babae sa tabi niya palagi at alak. Kapag nakikita iyon ni Valerie, naninikip ang dibdib niya. Kaya madalas, hindi na lang niya binubuksan ang kanyang account. "Ayos ka lang ba?" tanong ni Chase sa kanya. Bumisita si Chase sa unling wings na pagmamay-ari nito kung saan siya ay isang waitress. Nakakatuwa nga dahil unti-unting lumalakas ang business na iyon ni Chase. Masarap kasi ang mga sauces ng mga manok doon. Dagdag pa roon, hindi siya masyadong mahal. "Oo ayos lang ako kahit na hindi," sagot niya sabay tawa. Naupo sa kanyang tabi si Chase. "Iniisip mo na naman ang lalaking iyon."
VALERIE PINILIT NI VALERIE NA kinalma bago pa dumating si Chase. Kaya nang sunduin siya nito, kalmado na siya at hindi na masyadong halatang umiyak siya. "Bakit? Ano ang nangyari?" tanong sa kanya ni Chase. Inayos ni Chase ang mga gamit niya sa backseat. Humugot ng malalim na paghinga si Valerie. "Ewan ko ba. Basta, parang nag-iba ang ugali ni Samuel kaya naisip kong umalis na lang. Matagal din naman niya akong naging kasambahay. Bayad na ang utang ko sa kanya at may naipon naman ako kahit papaano. Hahanap na lang ako ng ibang trabaho," wika ni Valerie. Pinaandar na ni Chase ang kanyang sasakyan. "Kung gusto mo, mag-waitress ka na lang sa bago kong tayong unli wings. Kulang pa sa tao doon." Namilog ang mata ni Valerie. "Talaga? May unli wings ka na? Congrats, Chase! Masaya ako sa pagiging successful mo sa buhay!" Nginitian siya ni Chase. "Salamat, Valerie. Pero alam mo iyon, kahit na successful na ako ngayon, ayokong magmalaki. What I mean is mananatili ang paa ko sa lupa