SAMARAH
Napanganga si Samarah sa laki ng bahay na pinuntahan nila. Malawak ang garahe doon kung saan nakapila ang iba't ibang magagarang sasakyan mula sa mga bisita doon. "Kaloka naman po dito! Ang laki ng bahay! Sure ka po ba na bahay talaga ito o baka mansyon na?" bulalas niya sabay tinging muli sa malamansyong bahay na iyon. "Isa sa pinakamagandang bahay iyan ng kaibigan kong si Nathaniel. Siya ang may birthday ngayon. At puwede ba, huwag kang mag-po. Remember, I'm your boyfriend tonight. Ipakikilala kita sa kanila na girlfriend ko. Secret girlfriend kita. Tatlong buwan na tayong magkarelasyon." Mabilis na tumango si Samarah. "Sige po, boyfriend." Umarko ang kilay ni Hendrix. "Ayan ka naman sa po! At anong boyfriend? You can call me, baby." Napangiwi si Samarah. "Baby? Eh 'di damulag ka na." "What?" "Wala! Sabi ko ang guwapo mo. Sarap mong kagatin. Sige na, baby. Baby damulag. Este baby ko," wika ni Samarah sabay tawa. Napailing si Hendrix. "Umayos ka nga. Para kang isip bata." "Bata pa naman talaga ako, baby. Ikaw ang matanda sa ating dalawa. Pero hindi halata sa mukha mo. Mukhang alagang derma ka. Nagpapa-botox ka ba?" "Fúck? No! Sadyang pinanganak lang akong guwapo. Manahimik ka na nga lang, Samarah. Ingay mong babae ka. Ayoko sa babaeng maingay," naiinis na wika ni Hendrix. Nauna ng maglakad si Hendrix kaya sumunod na lamang siya. Hindi pa man tuluyang nakapapasok sa loob ng malaking bahay na iyon nang kalabitin niya ito. "Bakit nauuna kang maglakad diyan? Ganiyan ba ang boyfriend? Parang hindi sila maniniwala kasi dapat sweet ka sa akin eh," nakangusong sabi ni Samarah. Tiningnan siya ng ilang minuto ni Hendrix bago napailing. "Okay fine. You have a point. Hold my hand." Napalunok ng laway si Samarah nang magsalop ang kanilang palad. Tila nanigas siya kasabay ng mabilis na pagtibok ng kanyang puso. "What?!" Alanganin siyang ngumiti. "Pasensya ka na, baby. First time ko kasing maranasang hawakan ang kamay ko ng isang lalaki kaya medyo nakakagulat. Parang may kuryente ang kamay mo. May super powers ka ba?" Napanganga si Hendrix bago siya nito pinitik sa noo. "Ano ka ba? Tagabundok? Mga tanong mo pang tanga. Paano naman ako magkakaroon ng powers? Tanga mo." Nawala ang ngiti sa labi ni Samarah. "Sobra ka naman sa akin kung makatanga." "Shut up, Samarah. Hindi ko akalaing madaldal ka pa lang babae. Tatahimik ka o lalamasín ko iyang malusog mong dibdib sa harap ng maraming tao dito? Ano?" Napanganga si Samarah sa sinabing iyon ni Hendrix. "Ibang klase ka namang manakot! Masyadong mahalay pero sige na. Tatahimik na ako." Hindi na nagsalita pa si Samarah. Magkahawak ang kamay nilang pumasok sa malaking bahay na iyon kung saan mayroong mahabang lamesa at napakaraming handang pagkain. Napalunok ng laway si Samarah at biglaang natakam. Pinisil ni Hendrix ang palad niya nang makita ang kanyang reaksyon sa pagkain. "You're here my friend, the one and only, Hendrix!" wika ng isang lalaki nang lumapit ito sa kanila. "Yes, ofcourse. Happy birthday, Nathaniel. Next year, forty ka na. What's your plan? Where's your wife?" nakangising sabi ni Hendrix. Biglang natawa si Nathaniel. "Wife? Sinong nagsabing mayroon ako no'n? Like you, I'm still single and ready to mingle! But I'm not into marriage pa. Gusto ko nung magpakasaya bilang single. Siguro pagdating ko ng age forty five, doon na ako hahanap ng mapapangasawa ko." Dumako ang tingin ni Nathaniel sa kanya. "Wait, who's that beautiful lady?" Tumingin sa kanya si Hendrix. "Her name is Samarah. My girlfriend." Napanganga si Nathaniel. "You're what? Girlfriend? At kailan ka pa nagkaroon ng girlfriend? Akala ko ba fling lang ang gusto mo?" Tumikhim si Hendrix. "Well, matagal nang may kami ni Samarah. Three months na rin. Hindi ko lang sinabi sa iyo dahil gusto kong maging private ang relationships naming dalawa," pagsisinungaling ni Hendrix. Pinukol ni Nathaniel ang tingin nito sa kanya. "Is that true, Samarah? Three months na kayong magkarelasyon ni Hendrix?" Malawak na ngumiti si Samarah bago tumango. "Yes. That's true." Natatawang kumamot sa kanyang ulo si Nathaniel. "Fúck you, Hendrix! Akala ko, babaero ka pa rin. Pasimple ka na pa lang nagbabago. Well, hindi na rin tayo pabata that's why understand kung bakit gusto mo na ng commitment. Congratulations, Hendrix. Wish ko lang na sana, siya na ang babaeng pakakasalan mo. Halina kayo't kumain. Masarap ang lahat ng pagkaing nasa mesa." Napalunok ng laway si Samarah bago humigpit ang hawak sa kamay ni Hendrix dahil hindi niya maiwasang masabik na kumuha ng pagkain. "Dahan-dahan lang sa pagkuha ng pagkain, Samarah. You must act rich and classy. Huwag iyong astang patay gutom," bulong sa kanya ni Hendrix. Inirapan niya ito. "Okay fine. Every one hour bago ako ulit kukuha ng pagkain. Mga pitong balik, ayos na sa akin iyon," wika ni Samarah bago nagtungo na sa malaking mesa para kumuha ng pagkain.Nakaupo si Valerie sa gilid ng kama, nakalaylay ang buhok sa balikat, habang pinapanood si Samuel na nagsasara ng pinto. May kakaibang tahimik na namagitan sa kanila—hindi katahimikan ng pagkawalang masabi, kundi katahimikan ng dalawang taong alam na kung saan patutungo ang gabing iyon. Lumapit si Samuel, mabagal na parang sinasadyang pahabain ang bawat segundo. Tumigil siya sa harap ni Valerie at hinawakan ang kanyang baba, pinapatingala siya. “Tulog na ang mga bata, oras na para paligayahin natin ang isa't isa,” mahina niyang sabi. Sa isang iglap, nagsalubong ang kanilang labi. Una’y marahan, tila nag-aalangan, ngunit mabilis na naging mas malalim, mas mariin. Narinig ni Valerie ang sariling paghinga na humahaba at bumibigat, habang ang kanyang kamay ay kusa nang sumayad sa dibdib ni Samuel, ramdam ang tibok ng puso nito. Dumulas ang mga daliri ni Samuel mula sa panga ni Valerie pababa sa kanyang leeg, patungo sa balikat. Hinaplos niya ang balat na tila tinatandaan ang bawa
Mainit-init ang hapon nang magpasya sina Samuel at Valerie na mag-grocery. Hindi dahil wala na silang pagkain—sa totoo lang, puno pa ang ref nila—pero dahil na rin sa hilig ni Valerie na mag-"check lang" ng sale kahit kadalasan ay nauuwi sa tatlong bag ng hindi planadong binili. "Love, mabilis lang ‘to ha," sabi ni Valerie habang umaayos ng listahan sa phone. "Ayaw mo bang dalhin na rin ‘yung banig at unan? Para kung matagalan tayo, may matutulugan ako sa aisle ng bigas," biro ni Samuel habang naglalakad papasok sa grocery. Tinawanan siya ni Valerie. "Eh kung suntukin na lang kaya kita para makatulog ka?" Natawa si Samuel bago umiling. "Biro lang, love. Ito naman." Mabilis lang silang nakarating sa malaking mall doon. Dumiretso kaagad sila sa supermarket. Kinuha nila ang isang cart, at gaya ng nakasanayan, si Valerie ang may hawak ng listahan habang si Samuel ang designated taga-tulak. Habang nasa aisle sila ng mga de-lata, biglang may boses na tumawag. "Valerie?!" Napa
LUMIPAS PA ANG DALAWANG TAON, mainit ang hapon sa isang maliit na restaurant sa gilid ng baybayin. Sa labas, pinapainit ng araw ang buhangin at pinapalamig ng hangin mula sa dagat ang paligid. Sa loob naman, bahagyang malamig ang simoy mula sa aircon, at humahalo sa amoy ng kape at tinapay ang bahid ng alat ng dagat. Magkaharap sina Samuel at Valerie sa isang mesa na gawa sa kahoy. Nakaipit sa pagitan nila ang maliit na paso ng halaman. Hawak ni Valerie ang menu, pero hindi talaga nagbabasa. Kanina pa siya nagmamasid sa asawa niya. Tahimik si Samuel, gaya ng nakasanayan. May maamo siyang mga mata, at bawat galaw niya ay may kabagalan na parang sinasadya. Pero sa kabila ng katahimikang iyon, alam ni Valerie na marami siyang hindi pa ganap na nauunawaan sa lalaking ito—lalo na’t may mga bahagi ng kanyang nakaraan na hindi basta-basta ikinukwento.Ang mga anak nila ay naiwan sa kanilang lolo at lola. Bale nagde-date silang dalawa ngayon. “Anong gusto mo, love?” tanong ni Samuel haba
Maliwanag ang buong simbahan. Puno ito ng puting bulaklak, malalambot na kurtina, at mga ngiting sabik sa pagdating ng bride. Sa harap, nakatayo si Samuel sa tabi ng pari, naka-three-piece suit na parang lumabas sa magazine cover, pero halatang kinakabahan.Sa gilid, nakangiting binubulungan siya ng best man:“Relax, Samuel. Para ka namang sasabak sa boxing, eh," natatawang sabi ni Shaun.Pero hindi sumagot si Samuel. Kanina pa kasi siya naka-focus sa pintuan ng simbahan, hinihintay ang sandaling makita si Valerie.Nang bumukas ang pintuan, halos huminto ang oras. Naka-gown si Valerie na simple pero elegant, gawa ng designer na minahal niya sa kanyang kabaitan. Lahat ng tao ay humihinga ng malalim, pero si Samuel — para bang iyon lang ang araw na nagkaroon ng kulay ang mundo niya.Habang naglalakad si Valerie sa aisle, naririnig niya ang mahihinang bulong ng ilang bisita:"Ang ganda ng mapapangasa ni Mr. Walker...""Parang artista lang...""Grabe dyosa sa ganda!"Nang makarating si Va
VALERIE LUMIPAS PA ANG DALAWANG BUWAN mula nang mangyari ang kapalpakang ginawa ni Jess na muntik nang sumira kay Valerie. Ngayon, tuwing papasok siya sa Amber’s Corporation, palaging may bumabati at ngumingiti sa kanya — hindi na tulad dati na may nagbubulungan at nambabastos sa likod. Kahit ang dating supladang si Jess ay hindi na rin nagpapakita sa kumpanya; balita’y nagpunta na ito abroad. Sa kabila ng respeto at atensyon na natatanggap niya, pinili pa rin ni Valerie na manatili sa kanyang posisyon bilang staff. Kahit ilang beses siyang inalok ni Samuel na maging department head o bigyan ng mas magaan na trabaho, lagi niyang tinatanggihan. Pinatitigil din siya ni Samuel sa trabaho doon at sinabing maging assistant na lang ng mommy Samarah niya pero tinanggihan niya iyon. Masaya si Valerie sa trabaho niya bilang staff. “Love, hindi sa ayaw ko, pero gusto ko kasi na may sarili akong kita. Iba pa rin iyong pakiramdam na may naipapasok akong pera sa sarili kong account na ga
VALERIE MAKALIPAS ANG HALOS isang linggo mula sa pagkapahiya ni Jess, tila mas naging tahimik si Jess sa harap ni Valerie. Pero alam ni Valerie na hindi iyon kabaitan — kun'di paghahanda para sa mas malupit na galaw.'Ano na naman kaya ang nasa isip ng babaeng ito? Nadadama kong may pinaplano siyang masama laban sa akin,' sabi ni Valerie nang sundan niya ng tingin si Jess. Biyernes ng hapon, tinawag si Valerie ni department head. “Valerie, ikaw ang maghahanda ng presentation para sa Monday meeting with the investors. Nasa shared folder ang files," mabilis na sabi ng department head. “Noted po,” mahinahong sagot niya bago inikot ang kanyang mata. Kumunot ang noo niya nang mahagip ng kanyang mata si Jess sa loob ng kanilang departamento. Walang ibang staff sa mga table doon dahil ngayon, kausap niya ang head. Pagbalik niya sa desk, binuksan niya ang shared folder… pero halos walang laman. Tanging ilang lumang files na outdated na ang nandoon. 'Hmm… interesting,' bulong niya s