Umpisa na ang kwento ni SAMUEL WALKER! Ang panganay nina Samarah at Hendrix!
VALERIE KINABUKASAN, TULALA si Valerie habang nagluluto. Iniisip niya ang ginawang pagyakap sa kanya ni Samuel. Pati na ang sinabi nito sa kanya. Umiling-iling siya. "Tsk. Nakainom lang siya kaya nasabi niya ang bagay na iyon. Trip niya lang ako," bulong niya sa sarili bago nagprito ng itlog. Patapos na siyang magsangag nang bumaba si Samuel. Hinihilot-hilot ni Samuel ang kanyang ulo. Masakit ang ulo niya. Nakatingin lamang siya sa binata at pilit na pinakalma ang sarili. Nagsisimula na naman kasing bumilis ang tibok ng puso ni Valerie sa hindi maipaliwanag na dahilan. "Mag-almusal ka na. Nagluto ako ng soup para matanggal ang hang-over mo. Lasinggero ka talaga, 'no?" pagtataray niya sa binata. Humaba ang nguso ni Samuel. "Hindi naman. Kapag may okasyon lang ako umiinom." "Oo nga kapag may okasyon lang pero sobra-sobra naman ang paglaklak mo. Talagang sasakit ang ulo mo niyan. Nagmaneho ka pa ng lasing. Bahala ka sa buhay mo. Hindi mo masasabi ang disgrasya," saad niy
VALERIE Hinawakan ni Valerie ang kanyang sintido. Bahagyang sumakit ang kanyang ulo. Katatapos niya lang maglinis ng bahay ni Samuel. Wala roon ang binata dahil may pinuntahan ito. Kaya siya lang ang naroon. Tahimik sa bahay ni Samuel. Malaki ito masyado para sa iisang tao. Pero dahil mayaman naman si Samuel, naisip niyang sanay naman sa ganoong bahay ang binata. Humiga siya sa malaking sofa doon at saka itinuon ang tingin sa kisame. Mariin siyang napapikit nang maalala na naman kung paano naglapat ang labi nilang dalawa ni Samuel. Isang linggo na rin ang nakalipas simula nang mangyari iyon. "Kainis talaga ang lalaking iyon!" sabi niya sa sarili. Huminga siya ng malalim at pilit na iwinawaksi sa isipan ang kaganapang iyon. Ngunit lalo niya lang naiisip. At may parte sa kanya ang gusto ng umuwi ang binata. "Tsk! Ano ba itong naiisip ko! Yawa!" suway niya sa sarili. Nakaidlip siya sa sofa na iyon. Isang oras din. At nang magising siya, narinig niyang may kumakatok sa pinto.
VALERIE ISANG BUWAN ANG LUMIPAS, natanggap ni Valerie ang unang sahod niya bilang kasambahay ni Samuel. Masayang-masaya siya dahil ngayong lamang siya nakatanggap ng ganoong pera. Ipinadala niya agad sa pamilya niya ang kalahati. Masaya siyang makitang nagpapagaling na ang kanyang ama. Ang sumunod sa kanya na pinagkakatiwalaan niya, ang humahawak ng perang pinadadala niya. Ipinapakita ng kapatid niya kung ano ang mga pinamimili nito. "Masayang-masaya ka yata ngayon. Ang lawak ng ngiti mo sa labi," tanong ni Chase sa kanya. "Oo kasi sumahod na ako sa part time ko at nakapagdala kaagad ako sa pamilya ko," sagot niya sa binata. "Ah okay. Mabuti naman kung ganoon. Sa akin nag-o-offer si tita. Baka raw sa susunod na taon, dalhin niya ako sa ibang bansa. Gusto ko ring magtrabaho sa ibang bansa. Ikaw? May balak ka bang magtrabaho sa ibang bansa?" Pumiksi si Valerie. "Hindi ko alam eh. Baka kasi malungkot ako ng sobra doon. At isa pa, masyado pa akong bata. Eighteen years old pa
VALERIE Kinabukasan, kinausap ni Valerie ang tita Anne niya. Sinabi niya ang tungkol sa offer ni Samuel sa kanya. "Okay iyan tanggapin mo na. Maigi iyan para may extra ka g pera. Pero kagaya nga ng sinabi ko sa iyo, huwag mong aabusuhin ang katawan mo. Alam kong gusto mong kumita ng pera. Lahat naman tayo. Basta, magpapahinga ka kapag pagod ka na, okay?" paalala ng tita Anne niya. Mabilis na tumango si Valerie. "Yes po, tita. Marami pong salamat." Matapos ang usapan nilang iyon, nag-message na si Valerie kay Samuel at sinabing tinatanggap na niya ang offer nito. Sa susunod na linggo na siya mag-i-start. Hiling niya na sana maging maayos ang lahat. At sana, makaraos na ang papa niya. Makaligtas na. Panay ang message niya sa kapatid niya para alamin kung ano na ang nangyayari sa papa nila. Nawala ang kaba sa puso niya dahil inooperahan na pala ang papa niya. "Valerie." Napalingon siya sa lalaking tumawag sa kanya. Si Chase. Katrabaho niya. "Bakit? May kailangan ka?" ta
SAMUEL KINABUKASAN, MAY ngiti sa labi si Samuel nang pumasok siya sa klase. Kailangan niyang magsipag na sa pag-aaral para malaking allowance ang matatanggap niya sa mga magulang niya. Kapag nakapagtapos na siya, may makukuha siyang malaking pera. At siya na rin ang hahawak ng iba nilang negosyo. "Ganado ka yatang mag-aral ngayon?" tanong ni Shaun sa kanya. "Kailangan eh. Ayoko ng bumagsak pa. Ang tanda ko na. Twenty five years old na ako, nandito pa rin ako sa college. Gusto ko ng hawakan ang business ng pamilya namin," sagot ni Samuel sa kaibigan. "Ganoon? Sabagay, sana lang talaga pansindi mo iyan. Sana nga, makapagtapos ka na. Nang sa ganoon, hindi ka na pagagalitan pa ng mommy mo." Simpleng tango lang ang sinagot ni Samuel sa kanyang kaibigan. Talagang nakinig siya sa bawat subject na pinasukan niya. Gusto na rin talaga niyang makapagtapos ng pag-aaral. Hindi niya alam sa kanyang sarili kung bakit gusto niyang tulungan si Valerie. Pero hindi sa parang bibigyan niya la
VALERIE "AKIN NA nga iyan!" sigaw ni Samuel bago kinuha ang brief na dinampot niya. Pulang-pula ang mukha ni Samuel na isinuksok ang brief niya sa bulsa ng kanyang pants. Humalukipkip si Valerie. "Ano iyan? Diyan mo na lang sinuksok? Tapos makakalimutan mo iyan diyan napagpa-laundry ka? Babaho iyan. Mangangati talaga ang bayàg mo diyan," saad niya sabay iling. Tining siya ni Samuel ng masama. "Manahimik ka na nga. Ang ingay mo pala. Ang sakit mo sa tainga." Naningkit ang mata ni Valerie. "Sinong babae ang hindi mag-iingat kung pakalat-kalat ang hinubaran mong brief na may bulból pa? Bulbulïn ka siguro 'no? Naglalagas eh." Mariing napapikit si Samuel sa hiya habang si Valerie naman, hinanap na ang dustpan pati ang walis tambo. "Ilang oras ba akong maglilinis dito? Ayos lang ba kung may oras? Kasi magpapahinga pa. Papasok pa ako bukas sa work ko. Wala na akong pahinga. Baka mamatay naman ako nito," seryosong sabi niya sa binata. Tumikhim si Samuel. "Okay fine, siguro f