VALERIE ISANG BUWAN ANG LUMIPAS, natanggap ni Valerie ang unang sahod niya bilang kasambahay ni Samuel. Masayang-masaya siya dahil ngayong lamang siya nakatanggap ng ganoong pera. Ipinadala niya agad sa pamilya niya ang kalahati. Masaya siyang makitang nagpapagaling na ang kanyang ama. Ang sumunod sa kanya na pinagkakatiwalaan niya, ang humahawak ng perang pinadadala niya. Ipinapakita ng kapatid niya kung ano ang mga pinamimili nito. "Masayang-masaya ka yata ngayon. Ang lawak ng ngiti mo sa labi," tanong ni Chase sa kanya. "Oo kasi sumahod na ako sa part time ko at nakapagdala kaagad ako sa pamilya ko," sagot niya sa binata. "Ah okay. Mabuti naman kung ganoon. Sa akin nag-o-offer si tita. Baka raw sa susunod na taon, dalhin niya ako sa ibang bansa. Gusto ko ring magtrabaho sa ibang bansa. Ikaw? May balak ka bang magtrabaho sa ibang bansa?" Pumiksi si Valerie. "Hindi ko alam eh. Baka kasi malungkot ako ng sobra doon. At isa pa, masyado pa akong bata. Eighteen years old pa
VALERIE Kinabukasan, kinausap ni Valerie ang tita Anne niya. Sinabi niya ang tungkol sa offer ni Samuel sa kanya. "Okay iyan tanggapin mo na. Maigi iyan para may extra ka g pera. Pero kagaya nga ng sinabi ko sa iyo, huwag mong aabusuhin ang katawan mo. Alam kong gusto mong kumita ng pera. Lahat naman tayo. Basta, magpapahinga ka kapag pagod ka na, okay?" paalala ng tita Anne niya. Mabilis na tumango si Valerie. "Yes po, tita. Marami pong salamat." Matapos ang usapan nilang iyon, nag-message na si Valerie kay Samuel at sinabing tinatanggap na niya ang offer nito. Sa susunod na linggo na siya mag-i-start. Hiling niya na sana maging maayos ang lahat. At sana, makaraos na ang papa niya. Makaligtas na. Panay ang message niya sa kapatid niya para alamin kung ano na ang nangyayari sa papa nila. Nawala ang kaba sa puso niya dahil inooperahan na pala ang papa niya. "Valerie." Napalingon siya sa lalaking tumawag sa kanya. Si Chase. Katrabaho niya. "Bakit? May kailangan ka?" ta
SAMUEL KINABUKASAN, MAY ngiti sa labi si Samuel nang pumasok siya sa klase. Kailangan niyang magsipag na sa pag-aaral para malaking allowance ang matatanggap niya sa mga magulang niya. Kapag nakapagtapos na siya, may makukuha siyang malaking pera. At siya na rin ang hahawak ng iba nilang negosyo. "Ganado ka yatang mag-aral ngayon?" tanong ni Shaun sa kanya. "Kailangan eh. Ayoko ng bumagsak pa. Ang tanda ko na. Twenty five years old na ako, nandito pa rin ako sa college. Gusto ko ng hawakan ang business ng pamilya namin," sagot ni Samuel sa kaibigan. "Ganoon? Sabagay, sana lang talaga pansindi mo iyan. Sana nga, makapagtapos ka na. Nang sa ganoon, hindi ka na pagagalitan pa ng mommy mo." Simpleng tango lang ang sinagot ni Samuel sa kanyang kaibigan. Talagang nakinig siya sa bawat subject na pinasukan niya. Gusto na rin talaga niyang makapagtapos ng pag-aaral. Hindi niya alam sa kanyang sarili kung bakit gusto niyang tulungan si Valerie. Pero hindi sa parang bibigyan niya la
VALERIE "AKIN NA nga iyan!" sigaw ni Samuel bago kinuha ang brief na dinampot niya. Pulang-pula ang mukha ni Samuel na isinuksok ang brief niya sa bulsa ng kanyang pants. Humalukipkip si Valerie. "Ano iyan? Diyan mo na lang sinuksok? Tapos makakalimutan mo iyan diyan napagpa-laundry ka? Babaho iyan. Mangangati talaga ang bayàg mo diyan," saad niya sabay iling. Tining siya ni Samuel ng masama. "Manahimik ka na nga. Ang ingay mo pala. Ang sakit mo sa tainga." Naningkit ang mata ni Valerie. "Sinong babae ang hindi mag-iingat kung pakalat-kalat ang hinubaran mong brief na may bulból pa? Bulbulïn ka siguro 'no? Naglalagas eh." Mariing napapikit si Samuel sa hiya habang si Valerie naman, hinanap na ang dustpan pati ang walis tambo. "Ilang oras ba akong maglilinis dito? Ayos lang ba kung may oras? Kasi magpapahinga pa. Papasok pa ako bukas sa work ko. Wala na akong pahinga. Baka mamatay naman ako nito," seryosong sabi niya sa binata. Tumikhim si Samuel. "Okay fine, siguro f
SAMUEL "Interesado ka ba talaga kay Valerie? Iyong crew? Bakit? Porke maganda siya? Ang dami-daming babae diyan, Samuel! Huwag ka naman sa ganoon!" saad ni Shaun. Matalim niyang tiningnan ang kaibigan niya. "Gagó ka talaga. Parang ayoko ng maging kaibigan ka." Napalunok ng laway si Shaun. "Ha? Bakit naman? Ano ba ang ginawa ko sa iyo?" "Wala pero masyado kang mayabang. Si mommy, hindi kami tinuruan ng ganiyan. Kahit na napakayaman ni mommy, ni minsan hindi ko siya narinig na nagyabang. Kaya kaming dalawa ng kapatid kong si Hector, hindi kami nagyayabang eh.. Ba't ikaw, ang yabang mo?" inis na tanong niya kay Shaun. Napayuko si Shaun at tila napahiya. Kahit si Samuel, naa-amaze sa kayamanan ng mommy Samarah niya. Pero hindi talaga nagyayabang ang mommy niya. Ganoon din ang daddy Hendrix niya. Kaya bilib siya sa mga magulang niya. Mahilig pang tumulong sa kapwa. "Pasensya na, Samuel. Nahahawa kasi ako sa mga magulang ko. Alam mo na, anak nila ako," nakayukong sabi ni Shaun.
VALERIE ISANG BUWAN ang lumipas, talagang kumukulo ang dugo ni Valerie kapag nakikita niya si Samuel. Palagi kasi siya nitong inaasar. At ang kinaiinis pa niya, iniisip ni Samuel na may gusto siya sa binata kahit wala naman talaga. "Hi, baby!" mapang-asar na sabi ni Samuel nang magpunta doon. Mariing pumikit si Valerie bago mabilis na lumakad palayo sa binata. Pinuntahan niya ang mesang madumi. Mabilis niyang nilinis iyon. Nang matapos niyang linisin ang mesa, muntik pa siyang mapasigaw nang makita si Samuel sa harapan niya. "Bakit ka nandito?!" inis niyang tanong. Umarko ang kilay ni Samuel. "Bawal ba? Nilinis mo ang table na ito, at wala ng ibang bakanteng table kaya malamang dito ako pupuwesto." Malawak ang ngiti sa labi ni Samuel habang nakatingin sa kanya. Hindi naman niya maitatanggi ang kaguwapuhang taglay ng binata. Kulay asul ang mata nito, nagmana sa kanyang amang si Hendrix. Ngunit naiinis talaga si Valerie kay Samuel. "Papansin ka 'no? Ano? Gandang-ganda ka s