Share

KABANATA 7

HR07

“Hoy! Anong sinabi mo kay Sir Yusuf? Zeynep!” sabay hila sa akin ni Celene papunta sa loob ng silid namin.

Nagkunwari akong walang alam, kinunot ko pa ang noo ko.

Pagkatapos nang pag-uusap namin ni Sir Yusuf ay kaagad niyang pinatawag si Celene. Ngayon, kakabalik lang ni Celene dito at kakatapos lang siguro ng kanilang pag-uusap tungkol sa napagkasunduan namin ni Sir Yusuf.

“Ha? Anong sinasabi kay Sir?” pagkukunwari ko.

Inirapan niya ako, “Nako! Bakit magiging doble ang sahod namin? Tapos mabibigay pa si Sir Yusuf ng pera sa pamilya namin?” strikatang aniya.

Pinigilan ko naman ang aking pagtawa sa kanya. Halata naman sa mukha niya na gustong gusto niya iyon dahil nagpipigil ito ng tawa ngunit pinapairal niya ang pagkukunwaring galit siya.

Kibit-balikat ako at nagkunwari pa ring walang alam, “

Locked Chapter
Ituloy basahin ang aklat na ito sa APP

Kaugnay na kabanata

Pinakabagong kabanata

DMCA.com Protection Status