Share

CHAPTER 2

Kumunot and noo ko nang maramdaman ang sinag ng araw na tumatama sa akin. Nakakasilaw at mainit. Unti-unti kong minulat ang aking mga mata upang makita lamang ang nakabukas na bintana kung saan makikita ang mataas at matingkad na haring araw. Lumingon ako sa bandang kanan ng kwarto nang naramdaman kong may gumalaw sa banda roon. Parehong nakatingin sa akin si Vini at si Vito, parehong may nag-aalala at naguguluhang tingin na naglalakad papalapit sa akin. Sinubukan kong bumangon kaya lang ay napaigik ng maramdaman ang hapdi sa gitna ng aking hita. Mabilis akong inalalayan ng dalawa at tinulungang makaupo sa kama. I've realized na nasa aking kwarto na ako at nakasuot na din ng panibagong damit. I am now wearing my pair of white silky pajamas.

"What happened?" Paos na tanong ko kay Vini.

"You lost consciousness 15 hours ago on the sofa. Doctora Velasco checked on you right away and said you're already okay but you are refrained from moving. She'll be back later to give you your medicines and to explain what happened to you." Vini explained.

Vito cleared his throat before he speak.

"Ayaw man sabihin ni Doc kung ano talaga ang nangyari sa 'yo ay may hinala na kami ni Vini." Of course, alam nila. Siguro nakita nila ang mga hickeys ko kahapon since kitang-kita iyon sa suot kung strapless dress.

Napatango ako sa sinabi nilang dalawa at napayuko.

"Sorry for making you worry about my rendezvous last night, I didn't know it will happen."

Naramdaman ko ang buntong hininga ni Vito sa gilid ko at ang mahinang pagsuklay ni Vini ng buhok ko.

"It's okay as long as nag-enjoy ka naman-" napaubo si Vito bigla ng binatukan siya ni Vini.

"Just inform as before you go somewhere else, Scythe. If you dont want us to tag with you just don't forget to tell us your whereabouts hindi yung bigla-bigla ka na lang aalis sa gitna ng gabi." Pagpapatuloy ni Vini sa sasabihin sana ni Vito.

"Noted." I simply replied while looking at the door when I heard someone knocking on the doorstep. Lumapit si Vito doon at tiningnan kung sino ang naroon. After a minute of talking, pumasok siyang muli pero may dala-dala ng tray na puno ng pagkain. After nilang ayusin ang pagkain ko ay nagpaalam din ang dalawang lalabas at may aasikasukin pa daw sila. Nang nakita kong pareho ng nakalabas sina Vini ay dali-dali akong kumain. Damn, gutom na gutom ako! Sunod-sunod kung sinubo ang kanin at ham at ng maubos ay mabilis kong tinungga ang isang baso ng gatas.

Matapos kung kumain ay isinandal ko na ang aking katawan sa headrest ng kama. Tulala sa puting kurtina na hinahangin ay hindi ko napansin ang pagpasok ng isang babae sa kwarto ko.

Isang mahinang ubo ang pumukaw sa malayong tanglaw ng aking isipan. Napatingin ako sa nagmamay ari ng ubong ito at nakita ang isang babae na nakakulay puting coat. It was Doctora Alicia Velasco, our family's physician.

Ngumiti ako sa kanya at sinenyasan siyang lumapit at maupo sa puting upuan sa gilid ng aking kama. Bago siya maupo ay tiningnan niya muna ang aking vital statistics and explained the reason why I lost my consciousness. She found some traces of semen and small cuts or lacerations sa aking pagkababae. Dagdag pa ang pamumula at pamamaga nito na naging dahilan kung bakit hindi ako makagalaw ng maayos. Expected daw na may nangyayaring ganito lalo na pag first time tsaka kung masyadong malaki ang pumasok sa lungga ko.

Hindi naman daw malala pero kailangan ko muna daw tumigil sa kakagalaw at kakalakad.

"If possible, magpahinga ka na lang muna at ‘wag kalimutang inumin ang mga gamot na nireseta sayo para mas mabilis na gumaling ang mga sugat mo. 2 weeks ang you are good to go. And please no sex muna sayo hanggang hindi ka pa gumagaling." She advised.

Tumango tango lang ako sa sinabi niya kahit ramdam ko ang pamumula ng aking mukha. Ghad, this is embarrassing.

After giving me my prescriptions ay nagpaalam na din siyang umalis kaya naman ay muli akong nahiga at nagpahinga.

Naasar na minulat ko ang aking mata ng maramdaman ang mahinang pagtapik ni Vini ng pisngi ko. Nakanguso siya pero may bahid ng ngiti sa kanyang mga labi.

"I prepared your bath, maligo kana doon at isang araw ka nang walang ligo." Tukso niya pa.

Inirapan siya at dahan dahang bumangon. Kahit sa simpleng paggalaw ko lang ay ramdam na ramdam ko pa din ang hapdi ng pagkababae ko.

"Masakit?" Nag aalalang tanong ni Vini. Naniningkit ang matang tumingin ako sa kanya bago siya tinaasan ng kilay. Hindi ba halata?!

"Stop asking stupid questions." Asik ko sa kanya bago ako tumayo.

"Woah. Chill, baby, I'm just asking." Natatawang tinaas niya ang kanyang dalawang kamay. Bago pa ako makasagot sa kanya ay bigla na lang may bumuhat sa akin galing sa likod at dinala ako papasok sa aking bathroom. I found Vito carrying me with a smile on his face. Bakit ba parehong nakangiti ang mga damuhong magkapatid na ito?

Naiinis pa rin ay bumaba na ako galing sa pagkakabuhat niya at tiningnan silang dalawa ng masama bago malakas na sinarado ang pinto ng bathroom ko.

I can hear them laughing outside the room, I don’t know the reason why but I don’t care. Normal lang sa kanilang dalawa ang tumawa kahit walang nakakatawa.

Vini and Vito are brothers. I grow up with them kahit hindi ko sila kaano-ano. My father found them in the streets, nangangalkal ng basura so he took them with him. I am ten that time, nag-iisa at walang kalaro. Nag-aaral o di kaya ay nagbabasa ng libro at walang oras sa paglalaro. Kaya ng dumating sila ay sila na ang palagi kong kasama. Kinukulit nila ako para makipaglaro sa kanila kahit palagi ko silang tinatarayan. Later on, I just found myself laughing and playing with them. They’re both protective and funny at the same time, iyong nadapa ka pero bago ka nila tutulungan ay pagtatawanan ka muna nila.

Vito is a year older than Vini. They both offered to guard me even though dad offered them a position in the company. They chose to stay with me na kahit saan man ako mapunta ay nakasunod sila. They're like my brothers, not in blood but by heart. Talagang magaling lang ako kaya nakatakas ako sa pagbabantay nilang dalawa kagabi.

Noon, ay ako ang nan ti-trip sa kanila especially Vito because he’s gullible pero hindi na ngayon. After what happened yesterday I know may bago na silang itutukso sa akin. I pouted.

Hmmm. I remember the guy who I claimed yesterday night. I need to find him but I don’t even know his name. Basta-basta na lang umalis matapos magpakasarap! Natakot siguro dahil nakuha niya ang kainosentihan ko. Of course, I care but what matters to me right now is to compromise and panindigan siya. We are not obligated to take responsibility for what happened between us. But I feel to do so. He got my attention and poor him because I'll do anything to be with him and take him with me.

He’s hot but there’s something in him that makes me feel like he should be taken care of and must be protected.

Mahina kong tinapik ang mga bulang nasa harap ko. I even have red roses splattered all over my tub mixed with sweetly scented bubbles. It's refreshing. The warm water makes me calm, unti-unting inaalis ang kirot na nararamdaman ko sa aking katawan. Nakapikit akong nakalubog sa tubig, pilit inaalala ang nangyari sa amin ng lalaking iyon. The memories are still vivid to me. I can still remember the fragments of how he panted and groaned and even how I clawed my nails on his bare back. I can't forget how he gritted his teeth when he's reaching his peak. His veins protruded as he gripped my hips tightly. Damn, so hot.

Bumangon na ako ng mapansin kong unti-unti ng kumulubot ang aking balat dahil sa matagal na pagkakalublob sa tubig. Huminga ako ng malalim bago tumayo upang abutin ang roba. Matapos ayusin ang sinturon ay pumasok na ako sa isang pinto na kumukonekta sa walk-in closet ko. I picked the pair of a white crop top, white tube bra, white shorts at white seamless panty at sinuot ito. All white coz why not?

Matapos kong pahiran ng concealer at kung ano-ano ang mukha ko ay lumabas na ako at nagtungo sa kwarto ko pabalik. My room smells like lavender and strawberries at the same time. Lumapit ako sa kama at naupo roon habang nagsusuklay ng buhok. Napalingon ako sa orasan na nasa bedside table to find out that it's already 3 pm. Mahina akong napamura dahil sa nakitang oras. Tumawag na lang ako at nagpadala ng pagkain sa kwarto ko. Hindi ako pwedeng lumabas ng kwarto dahil mahihirapan lang akong maglakad at umakya't bumaba sa hagdan.

The door creaked open. Natigil ako sa pag-iisip at nilingon ito. Vito went inside with a huge tray of foods and beverages. Tumayo ako at lumapit sa table na inaayos niya. Nang umapak ako sa balkonahe ay sinalubong ako ng banayad na ihip ng hangin. Bahagyang natatabunan ng malaking sanga ng pine tree ang matingkad na araw. The wind blew my hair softly. Umupo ako sa upuang iniharap ni Vito sa akin. I saw some buttered seafood on the table specifically shrimps and crabs. Mayroon ding scallops sa gilid katabi ng isang cup ng kanin at isang bowl ng vegetable salad. Hinawakan ko ang isang baso ng pineapple juice at sumimsim dito habang nakatingin kay Vito na hindi mapakali sa kinatatayuan niya. I cleared my throat before asking him.

"Do you want to say something?"

Mabilis niyang inalis ang pagkakatingin sa akin at tumingin sa kung saan-saan. Bahagyang namumula ang kanyang tenga bago siya muling lumingon sa akin. I saw how his adam apple moved as he swallowed the bile in his throat.

"A-ahh ano...s-sino?" Putol-putol na tanong niya. Hindi ko mawari kung ano ang ibig niyang sabihin kaya tinaasan ko na lang siya ng kilay bago nagsimulang magbukas ng shell ng alimango.

"G-gusto ko lang itanong kung sino ang k-kasama mo kahapon?" He stuttered.

Kaya pala! Gusto lang makasagap ng tsismis!

Kinunutan ko siya ng noo bago sinagot.

"I don't know" I simply replied.

Nanlaki ang kanyang matang tumingin sa akin bago magpipindot sa cellphone na kinuha niya sa kanyang bulsa. Nagtatakang tumingin lang sa kanya bago nagpatuloy sa pagkain. Hindi ko pa man nasusubo ang kutsarang may lamang kanin at scallop ay nakita kong humahangos papasok si Vini sa balkonahe ng kwarto ko at nagmamadaling tumabi sa kapatid niya na nakaharap sa akin. Napabuntong-hininga na lang ako. They are both eager to know what happened to me that night. Parehong tsismoso at di mapakali pag hindi nalaman ang totoong nangyari. Hinayaan ko lang silang tumunganga sa harap ko at nagpatuloy sa pagkain. Mabagal ang bawat subo ko. Umubo-ubo pa si Vini pero hindi ko na pinansin. Bahala silang maghintay hanggang matapos akong kumain.

Napangiti ako ng palihim ng makita ko kung pano binuksan nilang dalawa ang hipon at shell ng alimango para hindi na ako mahirapan. Napansin ko pa kung pano paminsan-minsang kumakain sila ng palihim sa harap ko. Tiningnan ko silang dalawa at nahuli ko pa ang dali-daling pagsubo ni Vini ng isang hipon sa bibig niya at napaubo ng makita akong nakatingin sa kanya. Tsk. Huling-huli sa akto. Mabilis niyang kinuha ang baso ng pineapple juice ko at uminom doon. Nabilaukan ang gago.

"Get me another glass of pineapple juice." Utos ko kay Vito ng makitang naubos niya ang juice ko. Kaya nagpunas muna siya ng kamay niya bago nanghingi ng juice sa kasambahay.

After eating, ay hinarap ko na ang dalawang nakapalumbaba sa harap ko. Parehong excited ang mukha at hindi mapakali. Nagmamadali. Hinayaan ko munang matapos linisin ng isang kasambahay ang lamesang pinagkainan namin bago sinimulang ikwento sa kanila ang nangyari. Of course, not the detailed one. Sinabi ko lang na may nangyari sa amin ng hindi ko kilalang lalaki na iniwan ako pagkagising ko nang umaga. Tulala silang dalawa pagkatapos. Parehong nanlalaki ang mata at hindi makapaniwala.

Related chapters

Latest chapter

DMCA.com Protection Status