Share

Chapter 4

It's been a week since seeing Aizayah at the university. Hanggang ngayon ay nagtataka pa din ako sa pinakitang reaksiyon niya ng makita niya ako sa parking lot ng eskwelahan nila. Pagkapasok niya kasi sa kanyang kotse ay pinasibad niya agad iyon paalis. Akala mo ay may tinatakbuhang utang!

Wearing my white coat, black tube top, white pants, and white Christian Louboutin heels I went out of my room. Today, I was invited to watch the tune-up game between Quatro University and Southwest University. I decided to sponsor the sports club of Quatro University if they will show good sportsmanship skills and talents during the tune-up game. Isa sa mga plano ko para makalapit sa kay Aizayah. Pero kahit hindi maganda resulta ng magiging laro nila ay tatanggapin ko pa rin naman! Oh, the things I will do for him!

Isasama ko ngayon sina Vini and Vito. They will give me advice on what should I do to get Aizayah's attention. Ayaw ko sanang maniwala but then I remembered that they are pro's when it comes to this thing kaya pumayag agad ako. I've seen how they approached women and I can say that they are really good 'coz after a minute of talking they're already making out! Akala nila hindi ko alam iyon, pero hindi nila alam ay patago ko din silang sinusundan especially during our first week staying here. Pagdating namin dito sa Pinas nambabae agad kaya ayun nawili din ako kaka party dahil sa kakamanman ko sa kanila!

Pagbaba ko ay dumiretso na ako sa dining and found the two of them drinking their coffee habang nagbubulong-bulungan. Nasa harap na nila ang pagkain pero hindi pa din sila nagsisimulang kumain, malamang ay hinintay nila ako para sabay kaming tatlo kumain. Narinig ata nila 'yung bawat pag-apak ng takong ko sa sahig kaya natigil sila sa pagbubulungan. Pag-upo ko sa harap nila ay nakita ko agad ang nakangisi nilang mukha. Parehong nanunukso at may masamang pinaplano. Hindi ko na lamang pinansin iyon at nagsimula nang pumili ng makakain at itinuro iyon sa serbidura para ilagay sa aking pinggan.

"Stop, "I said when I saw a handful of food already on my plate. Pagkatapos niyon ay nilagyan na din niya ng pineapple juice ang baso ko tsaka pumunta sa gilid ko at tumayo doon. Tinaasan ko naman ng kilay si Vito ng makitang nilalandi niya ang batang serbidura. Kahit sino na lang ay papatusin, basta babae!

Namula naman ang mukha ng babae ng makitang nakatingin ako sa kanila at yumukong sumandok ng ulam sa plato. Tiningnan ko naman si Vini at nakitang nakangisi ang mukhang nakatingin sa kuya niya. Nang-aasar. Inirapan ko din siya at nagsimula nang kumain. Tahimik lang kaming kumain pero ramdam ko ang panaka-nakang sulyap ng dalawa sa harap ko at paminsan-minsang pag-ubo.

"Do I need to send you two to the nearest health care center?" seryosong sabi ko sa dalawa na napatigil sa hindi ko naiintindihang ginagawa nila. Ilang linggo ko na itong napapansin sa kanila. Parating may tinging nanunukso at ngising hindi kaaya-ayang tingnan. Dagdag na din ang pag-uubo nila every time na magkaharap kaming tatlo. Kulang na lang ay patingnan ko sila sa doktor dahil matagal na din ang ubo nilang dalawa, baka malala na ang lagay.

Nakita ko pa ang pasimpleng pagsiko ni Vito kay Vini na seryoso nang kumakain ngayon. Nang mapansin na hindi siya nito binibigyan ng pansin ay nagkamot ulo ito at ngumiti sa akin ng pilit.

"N-no need to do that, Schyte. We're both fine and well," wika niya sabay lunok.

Ibinaba ko ang kutsarang hawak at sumimsim sa baso, "kay." Sabay iwas ko ng tingin at tumayo na.

Palabas ng pinto ay sumalubong sa akin ang isang katulong bitbit ang puting Prada handbag. Ngumiti ako sa kanya at kinuha ito bago tumungo sa SUV. Doon ko na lamang hihintayin ang dalawa sa loob.

An hour later, we finally arrived in front of Quatro University. Bago bumaba ay nagtinginan muna kaming tatlo. Naunang bumaba si Vini at pinagbuksan ako ng pinto.

As I went out of the car sumalubong agad sa akin ang nakangiting Presidente ng University kasama ang Secretary nito, the Basketball's Coach at ang Sports Committee President. Their vibrant smile radiated as they offered their hand for a handshake. Tumango naman ako sa kanila at tinanggap ang pakikipagkamayan.

"Welcome to Quatro University, Miss Romanov. We are pleased to know of your today's arrival. This is President Kyle San Diego, Coach Anzai Himeno, and Sir Alvin Mostes." Pagpapakilala sa kanila ni Anna Suarez, ang sekretarya na nakausap ko noong isang linggo tungkol sa pagpapaunlak ng imbitasyon nila.

"Glad to know each one of you and thank you for inviting me here." Nakangiting tiningnan ko sila isa-isa.

Tumango sila isa-isa at inilahad ang malaking tarangkahan ng paaralan.

Pinauna nila kaming pumasok at bumungad agad sa amin ang malaking Angel-inspired fountain. It was carved magnificent and impressively. Sa paligid nito ay namumukadkad na yellow bells. Wide green fields and benches at the side of it. There are a few tall Acacia Trees surrounded by pavements. Pwedeng tambayan at maupuan ng mga estudyante kapag lunch breaks or kapag vacant nila. It was nice actually, mahangin at pwedeng masilungan. Malayo sa maingay na cafeteria at classrooms. May mga poste ng lampara rin sa gilid ng daanan at maliliit na salamin ng ilaw sa ilalim ng sementong daanan. Magkalayo rin ang magkaibang gusali ng iba't-ibang kurso na iniaalok ng University. I also saw a few dormitories inside the campus and a room made of glass. Nasa gitna ng Unibersidad ang malaki at mataas na orasan. Sa sobrang laki nito ay kahit saang banda ka ng gusali nakatayo ay kitang-kita pa rin ito sa malayo. It was wide and classic. Tumigil ako ng makita ang dalawang magkaibang daan sa harapan. Hindi ko alam kung saan ako liliko kaya lumingon ako sa likod ko kung saan nakasunod sina Vini at ang apat na opisyales ng paaralan. Nauna talaga akong maglakad kahit hindi ko alam ang pasikot-sikot dito at kung saan kami pupunta!

Kaugnay na kabanata

Pinakabagong kabanata

DMCA.com Protection Status