MARAHAN KONG inayos ang mga gamit ko sa table matapos kong ayusin ang mga articles na ginagawa ko para sa nalalapit na deadline niyon. Makakatulog na ako ng maayos dahil sa wakas ay natapos ko na ang nasabing articles na kailangan kong gawin. Tungkol iyon sa isang successful na babae na nagmula sa pagiging isang kahig isang tuka. Palaging ganoong tema ang binibigay sa akin kaya minsan nga nauumay na ako.
Nakahinga ako ng maluwag matapos kong ayusin ang mga gamit sa table ko. Kasalukuyan akong nagtatrabaho bilang Journalist sa isang Magazine Publication. Mahigit limang taon na rin ako sa larangang ito at kung hindi nga lang dahil sa trabahong ito kaya naging maayos ang buhay namin, baka nagpalit na ako ng larangan. Hindi kasi madali ang trabaho ng isang Journalist, kailangan mong mag-invest ng halos lahat ng oras mo. Stressful din hindi lang sa mismomg trabaho pati na rin sa mga taong nakakasalamuha ko.
Kahit pakiramdam ko'y hindi ko kayang magtrabaho at hindi gumagana ang utak ko, kailangan ko pa ring gawin dahil may deadline na kailangan kong tapusin ang certain articles para hindi madakdakan ng senior editor.
"Miles, are you done? Let's go."
Pinatay ko muna ang computer sa harap ko, saka tumayo at humarap kay Andrea ang long time friend ko. Nagkakilala kami sa high school and untill now we're still together with the same profession. Journalist din siya sa Magazine Publication na pinapasukan ko pero nasa line siya ng sports habang ako sa mga kilalang personality.
Tumango ako. "Yeah, let's go!" balik ko habang matamis na nakangiti. "Finally, I'm done with my article. Huwag na lang sanang ipa-revise ng head," sambit ko pa.
"Article ba 'yan tungkol kay Miss Yua?"
Tumango ako. "Yeah! One of the most inspiring people I've ever known," komento ko. "She worked hard for her position right now."
Ngumiti ako sa mga co-workers ko na nandoon sa silid habang palabas na kami ni Andrea. Abala pa ang iba na marahil naghahabol din sa deadline ng kanilang mga article. Ganito na ang nagiging sistema every time na malapit na ang deadline ng bawat isa.
"Bye!" paalam pa ni Andrea sa mga ito. Lumabas kami ng silid at sabay na sumakay ng elevator.
"Siyanga pala, Andrea how was your date last night?" usisa ko sa nakaraang blind date niya habang nakasakay kami sa elevator.
Natawa ako sa nakita kong reaction ng mukha niya. Para siyang nandidiri at pinagsisisihan iyon. "Don't ask me again about that, Miles, ok? Gusto kong kalimutan ang karanasan kong iyon. Eww! Ang dugyot niya, Miles. Kumain kami sa isang well-known restaurant tapos mangungulangot siya sa harap ko at bibilugin niya sa mga daliri niya. like, eww! Ayaw ko ng maalala iyon!" Itinaas pa ang kamay niya at pumikit habang umiiling.
Mas lalo akong natawa sa mga sinabi niya. "Seriously?" Tumango siya habang hindi ko na napigilang mapahagalpak ng tawa. "Sabi ko naman kasi sa iyo, huwag ka ng maghanap sa blind date, blind date na iyan. Mahirap ng maghanap ng lalaki ngayon, gwapo nga, mayaman, pero may dugyot, may immature, walang pangarap sa buhay at ang masaklap ka lalaki rin ang hanap," sambit ko dahil ranas ko na ang blind date na iyan dahil sa mga magulang ko na atat nang makahanap ako ng lalaking pakakasalan.
Natigilan si Andrea at makahulugang tumingin sa akin. "Wait." Saglit siyang tumigil at sinuri ako. "Parang familiar 'yong last sentence na sinabi mo. Relate ba, Miles?" Natawa si Andrea. "Kung sabagay, gwapo nga naman si Roven, mayaman pero lalaki ang hanap," aniya pa.
Natigilan ako sa pagtawa at saka ko lang na-realize ang mga sinabi ko. Bumakas ang lungkot sa mukha ko at ang pagkadismaya roon. Bumukas ang elevator at sabay kaming lumabas. "Kaya nga hindi ka dapat magtiwala kahit pa kilala mo na ang lalaki dahil palaging may itinatago ang mga iyan," paalala ko na seryoso na ang boses.
"Marahil tama ka pero hindi naman ata lahat. Bakit hindi mo subukan si Sir Troy? Hindi ba't mukhang gusto ka naman no'n?"
Kumunot ang noo ko. "I'm not yet ready, Andrea," pakli ko.
Kumibit-balikat si Andrea. "Fine," aniya.
Tuluyan na kaming nakalabas sa gusaling iyon. Naghiwalay na kami ni Andrea dahil sa magkaiba ng direksyon ang daan pauwi sa mga bahay namin.
Sumakay ako sa sasakyan ko. Hindi ko agad iyon pinaandar. Bumalik sa isip ko ang nakaraan na pilit kong kinalilimutan. Bumuntong-hininga ako at pilit iyong inaalis sa isipan ko. Ganito rin kaya ang nararamdaman ni Roven para sa akin?
—
NAGTATAKA AKONG tumingin kay Mama Emma at Papa Wesley na tila naghihintay sa akin sa sala dahil mukhang may sasabihin na naman ang mga ito at may idea na ako kung tungkol saan iyon. Kumunot ang noo ko nang makarating ako sa kanila at nagmano. Kagagaling ko lang sa trabaho at inaasahan kong tulog na sila.
"Ano pong meron?" nagtataka kong tanong. Nagkatinginan pa ang dalawa.
"Umupo ka muna riyan, anak," ani mama na agad kong sinunod. Umupo ako sa tapat nilang dalawa habang sinusuri ang mga mukha ng mga ito.
"Kumusta ang trabaho, nak?" tanong naman ni papa na halatang nagpapa-segway lang sa gusto talaga nitong sabihin.
"As usual, ganoon pa rin naman, 'Pa," kunot noo kong sagot. "You guys so weird tonight," komento ko pa.
Ngumiti si mama at lumapit sa tabi ko. Marahan niyang hinawakan ang kamay ko at hinimas iyon. "Alam mo naman na ikaw lang ang nag-iisang anak namin ng papa mo, 'di ba?" simula ni mama.
Tinaasan ko ng kilay si mama. "Di tayo sure, 'Ma. Baka ikaw sure si Papa hindi. Baka bigla may anak sa labas na lumitaw," pagbibiro ko. Napangiti ako sa nakita kong reaction ng mga ito sa sinabi ko.
"Alam ng mama mo kung gaano ako ka-loyal sa kaniya. Hundred percent sure ako na ikaw ang nag-iisang anak ko," paliwanag agad ni papa.
Natawa ako. "Chill! I'm just joking, ok? Ba't defensive, 'Pa?" patuloy ko sa pagbibiro.
"Sure ako, anak na ikaw lang ang nag-iisang anak ng iyong ama. Sa akin nga hirap 'yang makabuo sa iba pa kaya," balik naman ni mama na natawa pa.
Natawa na lang kami ni mama habang napapailing si papa sa mga pinagsasabi ko at ni mama. Sumeryoso rin ako makalipas ang ilang minuto. "So, ano ngang mayroon? Bakit mukhang may surprise kayo sa akin?" balik ko sa usapan kanina.
Tumingin muna si mama kay papa at tumango naman ito sa kaniya. "Ilang blind date pa ba ang kailangan naming gawin para makahanap ka ng lalaking pakakasalan mo, anak?" tanong ni mama.
Kumunot muli ang noo ko dahil sa tanong na iyon ni mama. "Kung balak niyo uli akong isabak sa blind date, I'm not going, 'Ma. Pare-pareho lang tayo mapapagod dahil kahit sinong lalaki iharap niyo sa akin, I'm not ready to get married," paliwanag ko. Hindi pa nga ako tuluyang nakaka-move on sa nakaraang relasyon ko tapos ipipilit nila sa akin ang kasal na iyon.
"Pero anak, you're going thirty this year," sabat naman ni papa.
Umikot ang mga mata ko sa sinabi ni papa at suminghap. "Iniisip niyo pa rin na totoo ang sumpang iyon? 'Ma, 'Pa, nasa makabagong mundo na tayo hindi na uso ang mga witchcraft sa panahon ngayon. Hindi na tatalab iyon," saad ko.
"Paano kung totoo, anak? Nag-aalala lang kami para sa iyo. Kilala ang lola mo noon sa probinsya na nagkakatotoo ang sumpa niya at hindi malabong mangyari iyon," giit ni mama.
Nasapo ko ang noo ko dahil doon. Paulit-ulit na lang kasing pinag-uusapan ang sumpa na iyon at ang kasalan na puputol daw sa sumpang iyon.
"'Ma, I don't believe in curse. Kung tatanda man akong dalaga, dahil iyon ang magiging choice ko at hindi iyon dahil sa sumpa. Kung gusto kong magpakasal pagkatapos kong mag-thirty, gagawin ko," pilit ko sa kanila.
"Anak, natatakot kami ng mama mo para sa future mo. Matanda na kami at paano kung hindi ka magkaasawa? Sinong mag-aalaga sa iyo? Paano ka? Gusto rin naming makita ang pamilyang bubuuin mo," wika naman ni papa.
"Hindi ko naman sinabing hindi ako mag-aasawa, eh. What I'm saying is, I'm not ready to get married. Hindi pa ako handang ibigay ang sarili ko sa lalaking darating sa buhay ko," paliwanag ko sa side ko.
"I'm sorry, anak kung pakiramdam mo pini-pressure ka namin ng papa mo pero iniisip lang namin ang kapakanan mo sa future. Natatakot kami sa sumpa ng iyong Lola Flora," malumanay na sambit ni mama.
Bumuntong-hininga ako. "Walang patutungahan ang usapang ito, 'Ma I need to take rest, I'm tired." Tatayo na sana ako ng pigilan ako ni mama.
"I'm sorry, 'nak kung gagawin namin ito ng papa mo." Malungkot na tumingin sa akin si mama. Kinabahan ako sa sinabi niya.
"Alam naming napi-pressure ka sa paulit-ulit naming pagpipilit sa iyo na magpakasal pero ito lang ang nakikita naming paraan para maputol ang sumpa ng iyong lola. Hindi iyon biro, anak," segunda ni papa.
Nagtatanong at nagtatakang tiningnan ko silang dalawa. Bakas ang lungkot sa kanilang mga mukha. "Nagtagpo muli ang landas ng iyong papa at ng high school friends niya na si Andrew. May pamilya na rin ito at may nag-iisang anak na lalaki." Huminto si mama at bahagyang yumuko habang kinakabahan ako sa maririnig ko sa kaniya. "And we made an agreement na ipakasal ka at ang anak nilang lalaki."
Para akong nabingi sa narinig ko mula kay mama at hindi nga nagkamali ang kutob ko sa maari niyang sabihin. Paulit-ulit na bumabalik sa isip ko ang mga katagang binitawan ni mama. Ipapakasal ako sa lalaking hindi ko kilala?
"K-kasal?" gulat kong sambit. "Sa lalaking hindi ko kilala and even you and Papa don't know who he is. 'Ma, naman hindi naman ata katanggap-tanggap iyon. Mas matatanggap ko pa kung blind date na lang uli, pero kasal?" Umiling-iling ako. "I can't do that, 'Ma."
Tumayo ako at naglakad palayo sa kanilang dalawa. Nahihibang na ba sila para ipakasal ako sa lalaking anak ng kaibigan nila? Ni hindi nga nila kilala kung sino at ano'ng klaseng lalaki ang anak ng kaibigan ni papa na iyon para ipakasal nila sa akin.
Padabog na sinara ko ang pinto ng silid ko at pabagsak na humiga sa kama ko. Mariin akong pumikit habang bakas sa mukha ko ang lungkot at pagkagulo. Ipapakasal ako? Kanino? Sino at ano'ng klaseng ugali mayroon ang lalaking iyon? Dapat ba akong pumayag sa gusto nila?
"HUH! IPAKAKASAL ka nila Tita at Tito sa anak ng kaibigan ni Tito? OMG! Seriously, Miles?" bayolenteng reaction ni Andrea nang sabihin ko sa kaniya ang naging usapan namin ng mga magulang ko nang nagdaang gabi na hindi nagpatulog sa akin. Sino nga ba namang makakatulog kung malalaman mong ikakasal ka na pala ng hindi mo nalalaman? Nasa labas kami ng kompanya habang kumakain ng lunch. Halos hindi ko magalaw ang pagkaing nasa harap ko. Malungkot akong tumango para ikompirma ang sinabi ko. "Nahihibang na sila para gawin iyon, Andrea. Just because of that damn f*cking curse na iyon na panahon pa ni kupongkupong pinaniniwalaan. Hello! Nasa year 2022 na tayo at wala sa 90's. Hindi na uso ang sumpa," pagra-rant ko sa kaniya. Seryoso akong tiningnan ni Andrea at kapagkuwa'y natawa rin. Tinaasan ko siya ng kilay. "I'm sorry, Miles. Natatawa pa rin ako every time na naririnig ko ang sumpang iyan. Mukhang naiwan ng nakaraan ang pamilya mo for believing in that old ritual. Pero kung sa bagay, m
"WHAT? SERIOUSLY, Miles?" gulat na gulat at hindi makapaniwalang reaction ni Andrea nang ikwento ko sa kaniya ang nangyari bago ako makarating sa opisina."Shh! Huwag kang maingay," agad kong saway sa kaniya at lumingon pa sa mga katrabaho namin na abala sa kani-kanilang trabaho. Katatapos ko lang kasi magpasa ng articles na in-edit ko at hihintayin ko na lang iyon kung ibabalik sa akin para i-revise pero sana naman ay hindi.Nandoon pa rin sa mukha ni Andrea ang pagkamangha sa narinig mula sa akin. "I just cant believe it will happen, Miles. Ang lalaking ipinagpalit sa iyo ng ex-boyfriend mo ay ang lalaking ipakakasal sa 'yo? Whoa! Parang teleserye lang. That's how destiny play, Miles there's a lot of twist," natatawang komento niya."Destiny ka riyan!" Umikot pa ang mga mata ko. "Hindi destiny iyon, kamalasan ang tawag doon," inis ko pang dagdag."Pero ano, kumusta ba ang hitsura ng lalaking—este ng baklang iyon?" usisa ni Andrea, sa pabulong na p
TAMA BA ang mga binitawang salita ng mga bibig ko? Nawindang ako nang mabalik sa normal ang pag-iisip ko at maalala ang lahat ng sinabi ko habang papunta kami sa hospital. Kasalukuyan nasa emergency room pa si papa at ini-examine ng mga doctor.Naihilamos ko ang mga palad ko sa sarili kong mukha. Hanggang ngayon sinisisi ko pa rin ang sarili ko sa nangyari kay papa. Kung hindi ko lang sana siya sinagot ng ganoon, baka hindi humantong sa ganito ang lahat. Puno ng kaba at takot ang puso ko ngayon dahil sa pwedeng mangyari kay papa at patuloy kong sisisihin ang sarili ko kung may mangyayaring masama sa kaniya.Naramdaman ko si mama sa tabi ko. Marahan niyang tinapik ang balikat ko at niyakap ako. "Anak, hindi mo kasalanan ang nangyari sa papa mo. Don't blame yourself," mahinahon pa ring ani mama.Hinarap ko siya. "I can't help but to blame myself. Kasalanan ko 'to, 'Ma kung pumayag lang sana ako sa gusto ni papa, eh, 'di sa
HANGGANG ngayon hindi pa rin makapaniwala si Andrea na ang Zandy na sinasabi kong bakla ay isang gwapong lalaki. Marahil iba ang inaasahan niyang katangian ng lalaking iyon. Nagduda rin si Andrea kung bakla ba talaga si Zandy o hindi dahil sa napaka-manly niyang tindig at boses na kahit ako'y hindi maniniwala kung hindi ko kilala kung sino si Zandy. "Seryoso ka na ba talaga na pakasalan ako?" Bahagya akong nagulat nang magsalita si Zandy sa gilid ko nang makalabas ako ng silid kung saan nandoon ang pamilya ko at ang pamilya niya na nag-uusap pa rin tungkol sa kasal naming dalawa. Ni hindi na nila nagawang hintaying makalabas si papa sa hospital para pag-usapan iyon. Talaga ngang excited sila para sa aming dalawa kabaliktaran ng nararamdaman ko. Saglit akong pumikit. Inipit ko sa likod ng tainga ko ang buhok na humaharang sa mukha ko, saka hinarap siya. Nakahalukipkip siya habang nakasandal sa wall malapit sa pintua
HINDI pa rin ako makapaniwala na ilang araw na lang ikakasal na ako kay Zandy, ang lalaki—este baklang iyon na umagaw sa boyfriend ko. Parang kahapon lang ang tahimik pa ng buhay ko at sa isang iglap nagulo sa pagdating ni Zandy sa buhay ko. Panaginip ba ito? Ni sa hinagap ko hindi ko naisip na ikakasal ako sa taong umagaw sa boyfriend ko. Grabi! Ganito ba maglaro ang tadhana? Ito na ba ang sinasabi ni Andrea na laro ng lintik na tadhana na 'yan? Pwes! Kung ganoon, makikipaglaro ako. Nasimulan ko na rin naman kaya tatapusin ko na lang ang larong gusto ng tadhana. "Wow! You look so gorgeous, hija," puri sa akin ni tita Mandy nang isukat ko ang gown na pinagawa niya sa isang kilalang bridal botique sa Manila. Kung ako nga lang ang masusunod, ok na sa akin na ikasal na lang kami sa mayor. Less gastos at isa pa hindi naman ito kasal ng dalawang taong totoong nagmamahalan. It's just a marriage in a paper. Pilit akong ngumiti. Bumaling ako kay
PUNO ng lungkot at panghihinayang ang mukha ko nang balingan ko ang wedding gown na napili ni tita Mandy para sa akin na nakapatong sa kama ko. Kalalabas lang ng baklang pinapunta ni tita Mandy para ayusan ako. Hindi ko alam pero parang hindi ko kayang suotin ang gown na nasa harap ko. Kung pwede nga lang umatras ako sa kasal, gagawin ko pero naiiisip ko ang kalagayan ni papa. Sigurado akong magagalit siya kapag ginawa ko iyon. Dahan-dahan akong lumapit sa kama at umupo sa gilid niyon. Marahan kong hinawakan ang magandang kasuotang iyon na pangarap ng bawat babae na masuot habang naglalakad sa aisle papunta sa lalaking mahal nila. Pero ako, paano ko maa-appreciate at mae-enjoy ang kasal na ito kung hindi ko naman mahal ang lalaking pakakasalan ko? "Miles!" narinig kong tawag ni Andrea sa akin. Kumatok pa siya bago binuksan ang pinto ng silid ko at lumapit sa akin. "Ano ka ba, Miles? Titingnan mo na lang ba ang wedding gown na iyan? Ano,
LUMAPIT sa akin si papa at mama para sabay nila akong ihatid sa naghihintay na groom na nasa unahan at nag-aabang sa pagdating ko. Walang expression ang gwapong mukha ni Zandy, ni hindi ko alam kung masaya ba siya o isinusumpa rin niya ang araw na ito. Dapat ko na lang sigurong isipin na ang groom na naghihintay sa akin, ay ang taong mahal ko at hindi si Zandy na umagaw sa boyfriend ko. "I'm happy for you, 'nak. Finally, nandito na tayo sa pangarap kong eksena sa buhay ko. To lead you to your groom," pabulong na sabi ni papa pero sapat para marinig ko. "Sobrang masaya kami ng papa mo, 'nak dahil finally mapuputol na ang sumpa sa iyo at magkakaroon ka na ng pamilya," segunda naman ni mama na muntik nang magpasamid sa akin. Gusto ko ring maging masaya para sa kanila pero hindi ko alam kung paano. Hanggang ngayon ba sumpa pa rin ang iniisip ni mama? Hindi ko alam ang iisipin ko sa kanila sa tuwi
MABILIS akong napalingon sa nagsalita, maging si Zandy at ang lahat ng nandoon sa simbahan. Lahat ng atensyon ay nasa babaeng kararating lang at tumututol daw sa kasal. Sino ba siya? Ni hindi ko kilala ang babaeng iyon. Nagkaroon ako ng konting pag-asa na hindi matutuloy ang kasal."Sino ka, Miss at bakit tutol ka sa kasal ng dalawang ito?" tanong ng pari.Hindi agad nakaimik ang babae at napalinga sa paligid at bumagsak ang mga mata sa amin ni Zandy. Kita ko ang gulat at pagkadismaya sa mukha ng babae at ang pagkapahiya niya."Pa-p-pasensiya na, ho kayo m-mali po ata ako ng simabahang napasukan," sabi ng babae na nakagat pa ang pang-ibabang labi. Nawala ang pag-asa kong hindi matuloy ang kasal. Sayang! May tutol na sana sa kasal namin pero false alarm pala. "I-ituloy niyo na po ang kasal. S-sorry po uli. Pasensiya na po," paulit-ulit na ani ng babae, saka tumalikod at mabilis na lumabas ng simbahan.