MABILIS AKONG bumaba ng Taxi nang makarating ako sa tapat ng mataas na gusaling iyon kung saan nagtatrabaho si Roven, ang kasintahan ko sa loob ng mahigit isang taon. Tinext niya kasi ako at sinabing lalabas daw kami, pumunta na lang daw ako sa office niya dahil may ilang bagay pa siyang gagawin.
Isang Human Resource si Roven sa pinapasukan niyang kompanya. Nakilala ko siya nang minsang pumunta ako kasama si Andrea, ang kaibigan ko sa isang bar. Hindi ko alam kung bakit lumapit na lang siya sa akin at tinanong ang pangalan ko, doon nagsimula ang lahat hanggang sa nalamayan ko na lang na mahal ko na siya.
Nakangiti akong pumasok sa gusaling iyon. Bumungad sa akin ang malawak na ground floor habang abala ang bawat empleyado paroon at parito habang hawak ang iba't ibang mga papeles.
Ilang araw na bang hindi nagpapakita sa akin si Roven? Kaya nga hindi na ako nagdalawang isip na puntahan siya nang sabihin niyang pumunta ako rito dahil pakiramdam ko'y nanlalamig na siya sa akin sa hindi ko alam na dahilan. Madalang na rin siyang mag-text at tumawag sa akin.
Ngumiti ako sa ilang empleyadong nakikita ko hanggang sa elevator. Kilala na rin ako ng ilang mga tao rito dahil ilang beses na rin akong dinala ni Roven sa lugar na ito. Nakaramdam ako ng excitement at pananabik nang sumakay ako sa elevator at pinindot iyon sa 11th floor.
Nang bumukas ang elevator, agad akong lumabas doon at naglakad pakanan patungo sa silid na inuukupa ni Roven. Inayos ko ang sarili ko at ngumiti nang makarating ako sa tapat ng pinto ng opisina niya. Nagbuga pa ako ng hangin. Ilang araw ko ng hindi nakikita si Roven at nananabik na akong makita muli siya.
Nang pakiramdam ko'y maayos na ang hitsura ko at magiging maganda sa harapan niya, hinawakan ko ang doorknob nang silid at dahan-dahan iyong itinulak papasok. Lumagitnit pa ang pagbukas niyon. Hindi ko maiwasang ngumiti sa tuwa. Hanggang sa tuluyan kong nabuksan ang pinto. Para akong naestatwa at binuhusan ng malamig na tubig sa tumambad sa akin.
Nanigas ang buo kong katawan. Nanlaki ang mga mata ko kasabay nang pag-awang ng bibig ko. Pakiramdam ko'y dinadaganan ang dibdib ko habang nakikita ko si Roven na may kahalikan at ang mas masakit hindi sa isang babae kung 'di sa lalaki. Daig ko pa ang sinampal sa nakikita ko. Nakatalikod siya, 'di kalayuan sa akin at hindi ko makita ang mukha ng lalaking iyon. Naghiwalay din agad ang mga ito nang marahil maramdaman ang presensiya ko.
"R-Roven?!"
Ganoon na lang din ang gulat ni Roven at ng lalaking iyon nang makita akong nakatayo roon habang hindi makagalaw. Gusto ko nang lumubog sa kinatatayuan ko ngayon. Gusto ko ring magpasampal ng malakas dahil baka panaginip lang ito. Gusto kong magising. Paanong magkikipaghalikan si Roven sa isang lalaki? Matagal ko na rin siyang kilala ni hindi ako nakakita ng senyales na lalaki rin ang gusto niya.
"You're wrong—"
"I'm sorry, Miles," tanging sabi ni Roven habang bahagya siyang nakayuko.
Napasinghap ako kasabay nang pagtulo ng luha sa mga mata ko. Pakiramdam ko'y si Roven mismo ang pumipisil sa puso ko dahil sa sakit na nararamdaman ko. Mas matatanggap ko siguro kung babae ang ipapalit niya sa akin pero ang lalaking iyon? Ang hirap tanggapin.
Binalingan ko ang lalaking kahalikan ni Roven. Hindi ito mukhang bakla, sa totoo nga napakagwapo nito para maging isang gay o kung ano pa man. Bumalik ang mga mata ko kay Roven. "Siya ba ang dahilan kung bakit halos hindi ka na nagpaparamdam sa akin nitong mga nakaraang araw?" kumpronta ko sa kaniya.
Yumuko lang si Roven at walang imik.
"I'll explain—"
"Huwag kang makialam dito!" sigaw ko sa lalaking iyon. "Roven, sumagot ka. I need your explanation at huwag kang manahimik lang! Sabihin mo sa aking mali ako sa nakita ko," balik ko sa kaniya. Ramdam doon ang galit at sakit.
"I deserve everything you'll say about me, Miles. Murahin mo ako. Saktan mo ako. I deserve all of those," balik ni Roven.
Mapait akong napatawa habang ramdam ko pa rin ang luhang bumabagsak sa pisngi ko. "Hindi ko maintindihan, Roven. Wala akong maintindihan! Ang labo mo, eh. Napakalabo mo!" Madilim ang mga tinging binalingan ko ang lalaking nasa tabi ni Roven, saka tumalikod at naglakad palabas ng silid na iyon kahit pakiramdam ko'y nanghihina ang tuhod ko.
Muling tumulo ang luha sa mga mata ko habang palabas ako ng gusaling iyon. Pinahid ko iyon. Kung kailan handa na akong ibigay ang buhay ko sa kaniya, saka naman mangyayari ito. Ni hindi man lang niya ako sinundan at nagpaliwanag. Iintindihin ko naman, eh. Papatawarin ko siya kung sasabihin niyang mali ako nang iniisip.
MARAHAN KONG inayos ang mga gamit ko sa table matapos kong ayusin ang mga articles na ginagawa ko para sa nalalapit na deadline niyon. Makakatulog na ako ng maayos dahil sa wakas ay natapos ko na ang nasabing articles na kailangan kong gawin. Tungkol iyon sa isang successful na babae na nagmula sa pagiging isang kahig isang tuka. Palaging ganoong tema ang binibigay sa akin kaya minsan nga nauumay na ako.Nakahinga ako ng maluwag matapos kong ayusin ang mga gamit sa table ko. Kasalukuyan akong nagtatrabaho bilang Journalist sa isang Magazine Publication. Mahigit limang taon na rin ako sa larangang ito at kung hindi nga lang dahil sa trabahong ito kaya naging maayos ang buhay namin, baka nagpalit na ako ng larangan. Hindi kasi madali ang trabaho ng isang Journalist, kailangan mong mag-invest ng halos lahat ng oras mo. Stressful din hindi lang sa mismomg trabaho pati na rin sa mga taong nakakasalamuha ko.Kahit pakiramdam ko'y hindi ko kayang magtrabaho at h
"HUH! IPAKAKASAL ka nila Tita at Tito sa anak ng kaibigan ni Tito? OMG! Seriously, Miles?" bayolenteng reaction ni Andrea nang sabihin ko sa kaniya ang naging usapan namin ng mga magulang ko nang nagdaang gabi na hindi nagpatulog sa akin. Sino nga ba namang makakatulog kung malalaman mong ikakasal ka na pala ng hindi mo nalalaman? Nasa labas kami ng kompanya habang kumakain ng lunch. Halos hindi ko magalaw ang pagkaing nasa harap ko. Malungkot akong tumango para ikompirma ang sinabi ko. "Nahihibang na sila para gawin iyon, Andrea. Just because of that damn f*cking curse na iyon na panahon pa ni kupongkupong pinaniniwalaan. Hello! Nasa year 2022 na tayo at wala sa 90's. Hindi na uso ang sumpa," pagra-rant ko sa kaniya. Seryoso akong tiningnan ni Andrea at kapagkuwa'y natawa rin. Tinaasan ko siya ng kilay. "I'm sorry, Miles. Natatawa pa rin ako every time na naririnig ko ang sumpang iyan. Mukhang naiwan ng nakaraan ang pamilya mo for believing in that old ritual. Pero kung sa bagay, m
"WHAT? SERIOUSLY, Miles?" gulat na gulat at hindi makapaniwalang reaction ni Andrea nang ikwento ko sa kaniya ang nangyari bago ako makarating sa opisina."Shh! Huwag kang maingay," agad kong saway sa kaniya at lumingon pa sa mga katrabaho namin na abala sa kani-kanilang trabaho. Katatapos ko lang kasi magpasa ng articles na in-edit ko at hihintayin ko na lang iyon kung ibabalik sa akin para i-revise pero sana naman ay hindi.Nandoon pa rin sa mukha ni Andrea ang pagkamangha sa narinig mula sa akin. "I just cant believe it will happen, Miles. Ang lalaking ipinagpalit sa iyo ng ex-boyfriend mo ay ang lalaking ipakakasal sa 'yo? Whoa! Parang teleserye lang. That's how destiny play, Miles there's a lot of twist," natatawang komento niya."Destiny ka riyan!" Umikot pa ang mga mata ko. "Hindi destiny iyon, kamalasan ang tawag doon," inis ko pang dagdag."Pero ano, kumusta ba ang hitsura ng lalaking—este ng baklang iyon?" usisa ni Andrea, sa pabulong na p
TAMA BA ang mga binitawang salita ng mga bibig ko? Nawindang ako nang mabalik sa normal ang pag-iisip ko at maalala ang lahat ng sinabi ko habang papunta kami sa hospital. Kasalukuyan nasa emergency room pa si papa at ini-examine ng mga doctor.Naihilamos ko ang mga palad ko sa sarili kong mukha. Hanggang ngayon sinisisi ko pa rin ang sarili ko sa nangyari kay papa. Kung hindi ko lang sana siya sinagot ng ganoon, baka hindi humantong sa ganito ang lahat. Puno ng kaba at takot ang puso ko ngayon dahil sa pwedeng mangyari kay papa at patuloy kong sisisihin ang sarili ko kung may mangyayaring masama sa kaniya.Naramdaman ko si mama sa tabi ko. Marahan niyang tinapik ang balikat ko at niyakap ako. "Anak, hindi mo kasalanan ang nangyari sa papa mo. Don't blame yourself," mahinahon pa ring ani mama.Hinarap ko siya. "I can't help but to blame myself. Kasalanan ko 'to, 'Ma kung pumayag lang sana ako sa gusto ni papa, eh, 'di sa
HANGGANG ngayon hindi pa rin makapaniwala si Andrea na ang Zandy na sinasabi kong bakla ay isang gwapong lalaki. Marahil iba ang inaasahan niyang katangian ng lalaking iyon. Nagduda rin si Andrea kung bakla ba talaga si Zandy o hindi dahil sa napaka-manly niyang tindig at boses na kahit ako'y hindi maniniwala kung hindi ko kilala kung sino si Zandy. "Seryoso ka na ba talaga na pakasalan ako?" Bahagya akong nagulat nang magsalita si Zandy sa gilid ko nang makalabas ako ng silid kung saan nandoon ang pamilya ko at ang pamilya niya na nag-uusap pa rin tungkol sa kasal naming dalawa. Ni hindi na nila nagawang hintaying makalabas si papa sa hospital para pag-usapan iyon. Talaga ngang excited sila para sa aming dalawa kabaliktaran ng nararamdaman ko. Saglit akong pumikit. Inipit ko sa likod ng tainga ko ang buhok na humaharang sa mukha ko, saka hinarap siya. Nakahalukipkip siya habang nakasandal sa wall malapit sa pintua
HINDI pa rin ako makapaniwala na ilang araw na lang ikakasal na ako kay Zandy, ang lalaki—este baklang iyon na umagaw sa boyfriend ko. Parang kahapon lang ang tahimik pa ng buhay ko at sa isang iglap nagulo sa pagdating ni Zandy sa buhay ko. Panaginip ba ito? Ni sa hinagap ko hindi ko naisip na ikakasal ako sa taong umagaw sa boyfriend ko. Grabi! Ganito ba maglaro ang tadhana? Ito na ba ang sinasabi ni Andrea na laro ng lintik na tadhana na 'yan? Pwes! Kung ganoon, makikipaglaro ako. Nasimulan ko na rin naman kaya tatapusin ko na lang ang larong gusto ng tadhana. "Wow! You look so gorgeous, hija," puri sa akin ni tita Mandy nang isukat ko ang gown na pinagawa niya sa isang kilalang bridal botique sa Manila. Kung ako nga lang ang masusunod, ok na sa akin na ikasal na lang kami sa mayor. Less gastos at isa pa hindi naman ito kasal ng dalawang taong totoong nagmamahalan. It's just a marriage in a paper. Pilit akong ngumiti. Bumaling ako kay
PUNO ng lungkot at panghihinayang ang mukha ko nang balingan ko ang wedding gown na napili ni tita Mandy para sa akin na nakapatong sa kama ko. Kalalabas lang ng baklang pinapunta ni tita Mandy para ayusan ako. Hindi ko alam pero parang hindi ko kayang suotin ang gown na nasa harap ko. Kung pwede nga lang umatras ako sa kasal, gagawin ko pero naiiisip ko ang kalagayan ni papa. Sigurado akong magagalit siya kapag ginawa ko iyon. Dahan-dahan akong lumapit sa kama at umupo sa gilid niyon. Marahan kong hinawakan ang magandang kasuotang iyon na pangarap ng bawat babae na masuot habang naglalakad sa aisle papunta sa lalaking mahal nila. Pero ako, paano ko maa-appreciate at mae-enjoy ang kasal na ito kung hindi ko naman mahal ang lalaking pakakasalan ko? "Miles!" narinig kong tawag ni Andrea sa akin. Kumatok pa siya bago binuksan ang pinto ng silid ko at lumapit sa akin. "Ano ka ba, Miles? Titingnan mo na lang ba ang wedding gown na iyan? Ano,
LUMAPIT sa akin si papa at mama para sabay nila akong ihatid sa naghihintay na groom na nasa unahan at nag-aabang sa pagdating ko. Walang expression ang gwapong mukha ni Zandy, ni hindi ko alam kung masaya ba siya o isinusumpa rin niya ang araw na ito. Dapat ko na lang sigurong isipin na ang groom na naghihintay sa akin, ay ang taong mahal ko at hindi si Zandy na umagaw sa boyfriend ko. "I'm happy for you, 'nak. Finally, nandito na tayo sa pangarap kong eksena sa buhay ko. To lead you to your groom," pabulong na sabi ni papa pero sapat para marinig ko. "Sobrang masaya kami ng papa mo, 'nak dahil finally mapuputol na ang sumpa sa iyo at magkakaroon ka na ng pamilya," segunda naman ni mama na muntik nang magpasamid sa akin. Gusto ko ring maging masaya para sa kanila pero hindi ko alam kung paano. Hanggang ngayon ba sumpa pa rin ang iniisip ni mama? Hindi ko alam ang iisipin ko sa kanila sa tuwi