로그인"Okay, Dj Bini. Let's get to our final speech," saad ni Chum at tinapunan siya ng tingin.
Tumango si Bini sa intern para sabay na bitawan ang pinakamahalagang parte ng kaniyang show. Kung saan magbibigay na siya ng payo para sa problema nito. "Ang payong kababaihan," may tono pa nila iyong sinambit. "Listen, caller," seryosong panimula niya. "Kahit kailan hindi mahal ang magmahal. Hindi iyan ipinipilit o nanghihingi ng kapalit. Libreng ibinibigay iyan at buong puso namang tinatanggap." Tanging ang malamig at manipis niyang boses ang namamayani sa ere. Tahimik ang lahat, si Chum at ganoon na rin ang ilang kasamahan niyang nasa labas ng booth. "Kailangan mong mamili ng lalake, and I don't know kung mayroon pa. O 'yung ibang mga babae na makakilala ng lalake na, magbibigay ng totoong pagmamahal." "Mayroon pa iyan, Dj Bini!" sagot naman ni Chum. Inirapan niya ito, napag-usapan na nila ng management ang pagtatanggol ni Chum sa mga lalake, para raw hindi bias at babae lang ang kinakampihan. Dahil bukod sa masusugid na babaeng sumusuporta at nakikinig sa show niya ay marami ring lalake ang inis na inis sa kaniya. May mga caller na lalake na tumatawag sa kaniya para lang murahin at sabihan siya ng kung anu-ano. But she didn't care, sanay siya sa ganoon. At hindi magiging sapat iyong dahilan para ihinto niya ang kaniyang show lalo na ang kaniyang ipinaglalaban. "Caller, maghanap ka lang. Alam mo kung maraming lalakeng manloloko, mas hamak na maraming matitino," sundot pa ni Chum. "Chum, pare-pareho lang ang mga lalake. Iisa lang iyan ng mukha," paninindigan ni Bini. Muli niyang pinagtuunan ng pansin ang caller. Hinawakan niya ang mikropono at muling nagtanong. "Ngayon, ateng? Anong balak mo?' "Kakausapin ko po siya baka maayos pa naming dalawa," mukhang mas kalmado na ito ngayon. "What?!" Come on, Hindi na kailangan!" malakas niyang kontra. "Mahal ko po kasi siya, Dj Bini!" "Kaysa sa sarili mo?" mapait niyang balik-tanong. Hindi niya talaga naiintindihan kung bakit may mga tao lalo na ang mga babaeng hinayaang lokohin lang ng lalake. Hindi nga lang basta niloloko, ginagawa pang alkansya. "Ang payong kababaihan ko para sa iyo ay mas pagtuunan mo ng pansin ang sarili mo. Mahalin at walang ibang magpahalaga sa iyo kung 'di ikaw mismo." "I am sure that woman can live without a man. And I don't know if a man can live without woman in his life!" "Sila ang kauna-unahang mahina. Kung walang babae, wala rin sila!' tuloy-tuloy niyang daldal. "Oo, Dj Bini. Kalma lang tayo 'no," awat sa kaniya ni Chum nang mapansing nadadala na siya ng emosyon. "Ngayon, caller, kung sasabihin mo pa rin sa akin ngayon na ikaw pa mismo ang pupunta sa walang kwentang lalake na iyon ay masasaktan talaga ako." Bahagyang niyang itinungo ang ulo. Ibinaba niya ang tingin sa ibabaw ng mesa. Kung pipiliin ng caller niya ang bumalik sa ganoong klaseng relasyon ay hindi siya nagtagumpay na maisalba pa ito kahit papaano. Hindi niya matutulungan ang kapwa niya babae na magdesisyon ng tama para sa buhay nila. "Please, caller. This time, piliin mo naman ang sarili mo," malungkot niyang dgadag. "Mauna na ako, Dj Bini!" Sandaling yumakap si Chum kay Bini para magpaalam. Kasalukuyan silang nasa labas at tapat ng building kung nasaan ang kanilang radio station. "Nanalo ka na naman sa caller, ha!" Nakangiting nagkibit-balikat siya. Nang matapos ang usapan nila kanina ay nagtagumpay na naman siya. Bago kasi maputol ang linya ay na kumbinsi pa rin niya ang babae na huwag ng balikan ang ex-boyfriend nito. "Tama lang ang payo ko. Atsaka, parang sobra-sobra na yata ang pagtatanggol mo sa mga lalake, ha?!" asik niya nang maalala ang patuloy na paglaban nito sa mga lalake kanina. "Ano ka ba?! Hindi ko sinasabi iyon dahil lang utos ng management. I'm saying this, on behalf of men!" Natawa ng pagak si Bini at umiling-iling. Mukhang seryoso ang intern niya sa mga sinasabi nito. "Remember, lalake rin ako?" Inihilig pa ni Chum ang mukha para harapin siya. "Kahit naman, lalake ang gusto ko ay naniniwala pa rin ako sa kanila." "Hindi sila lahat manloloko, hindi lahat kailangan lang ng pera. May matitino pa riyan, mahirap nga lang talagang hanapin," seryosong paliwanag nito. "Hindi ako naniniwala. Para sa akin, ang lalake, hindi marunong makuntento. Hindi iyan nagkakasya sa iisa, gusto laging may reserba!" pakikipagtalo ni Bini. "Aba, nandito pa pala ang mga bitter ng High Vibe Radio station!" Pareho silang napalinga sa lumapit. Napangiti si Bini, nang makita si Seya. Dj Sey, kung tawagin sa istasyon nila. Nakatalaga ito sa morning show, nagpapatugtog ng kung anu-anong foreign song. Pinag-uusapan kung anong trend sa bansa, random stuffs. "Hi, Dj Bini! Ang babaeng napag-iwanan na ng panahon at sibilisasyon. Ang nagtatatag ng bitter na asosasyon," pag-iiba nito ng intro niya habang nakahalulipkip at nakangiti. "Nakinig ako sa inyo kagabi. Not bad but not good." "Kumusta naman ang pagkakalat ng bitterness sa ere?" dugtong naman nito. "Hoy, Dj Sey!" napipikon na awat ni Chum at pinameywangan ang ka-trabaho. Hinawakan ni Bini ang braso ng intern. Sinalubong niya ang tingin ni Seya. Hinintay niya lang ang panlalait nito. "Hayaan mo siyang magkakahol, Dj Chum." Sinipat niya ito ng tingin mula ulo hanggang paa bago matamis na ngumiti sa babaeng galit na galit sa kaniya sa hindi niya malaman na dahilan. "Ganiyan ang mga inggetera!" "Kuda ng kuda kapag hindi ka kayang pantayan!" "W-what did you say?!" nagkakandautal sa galit na sambit ni Seya habang nakayukom ang mga palad. "I'm spreading awareness not bitterness. Kung hindi mo alam ang pag-kakaiba no'n ay hindi ko na problema iyon." "And last time I checked, hindi ka parte ng show, as well as my beautiful life so back off," matapang niyang litanya."Ano? Tell me," patuloy na panunudyo ni Seya kay Bini."Dj Bini, relax," Hinawakan siya ni Chum sa braso nang mapansin ang pagbabaga niya sa galit.Napapikit siya ng mariin, minabuting kontrolin ang emosyon. Kung papatulan niya ang letseng ka-trabaho niya ay nakahihiya lamang sa kanilang mga kasamahan. Lalo na sa kanilang Station Manager.Nakangiti na iminulat ni Bini ang mga mata. Diretsong tinitigan si Seya, na nakatikwas ang isang kilay at nakangisi."Seya, that was six years ago, and here you are. Ako nga na ate naka-move on na, mukhang ikaw, issue pa rin iyon. Alam mo, young girls are closer to make mistakes at napatunayan iyon ng kapatid ko.""At hindi ko hahayaang may magdagdagan pa sa mga batang babae iyon," mahabang paliwanag niya habang nakangiti.Tila natameme naman si Seya. Taas-noong lumakad si Bini, inihagis pa niya ang buhok sa hangin bago tuluyang lagpasan ang ka-trabaho."Magandang gabi para sa magagandang babae!"Sumigaw siya ng buong lakas nang magbukas ang kaniyang
"Bini, dito ka na sumakay!" alok ng isang tricycle driver nang dumaan siya sa kanto.Nagbingi-bingihan si Bini at tumanaw ng jeep sa kalsada. Matapos ang usapan nilang mag-ina ay agad siyang umalis ng bahay. Ayaw na niyang makipagtalo rito baka hindi lang sila magkaintindihan."Bini," Lumapit si Mark, ang kaklase niya noong highschool at ka-baranggay."Hatid na kita," malambing na alok nito nang magsalubong ang tingin nila."Hindi na kailangan. Kaya ko, hindi naman ako tanga," muling tumanaw si Bini sa mga parating na sasakyan.Narinig niya ang tila pambubuyo at panunukso ng kapwa driver ni Mark sa kanila. Pinilit niyang sumeryoso, sa tuwing pumapasok siya sa trabaho ay lagi na lang ganito ang senario.Katulad niya, single rin si Mark, kasing-tanda at kalapit bahay niya lang kaya madalas silang gawing loveteam."Bini, ihatid na kita sa trabaho."Mabilis siyang luminga rito habang pinipigilan ang pagbaha ng inis sa mukha. Sandali pa niyang tinapunan ng masamang tingin ang grupo ng mata
"O, Bini, Bituin!"Agad silang nagkalas sa pagkakayakap mag-ate at nagpunas ng mga luha. Nagtataka ang anyo ng kanilang ina na si Susan habang palapit sa mesa at dala ang eco-bag na punong-puno ng pinamili sa palengke."O, anong mayroon? At bakit kayo umiiyak?""Hindi po, wala!" pagsisinungaling ni Bini at pasimpleng pinunasan ang luha. Ganoon na rin si Bituin na nakaharap sa gilid.Tiningan sila nang makuhulugan ng ina. Kahit tila binabasa ang kanilang mga hitsura. Naglakad siya at kunyaring hinalungkat ang mga binili nito."Kadadating mo lang ba?" usisa ni Susan habang nakaharap na sa mesa at naghahanda ng maghiwa ng mga gulay."Opo. Si Blessi nga pala?" tanong niya sa ina, tinutukoy niya ang kapatid na bunso."Ate!" masayang bati ni Blessima.Luminga siya sa pinto ng kusina at nang makita ang kapatid ay agad na nagsalubong ang mga kilay niya."Mama!" masiglang-masiglang bati nito at lumapit kay Susan."Anong basura na naman 'yang dala mo?" asik ni Bini habang sinusundan ng masamang
"Aba, malayo pa ang semana santa, ba't nandito na si hudas?" bungad agad ni Bini hindi pa man nakapapasok ng gate.Naabutan kasi niya ang dating live-in partner ng kapatid niya at ama ng kambal niyang pamangkin."A-ate Bini naman," nahihiyang sagot ni William."Ate? Hindi kita kapatid!" pambabara niya rito.Dire-diretso siyang pumasok sa gate. Saglit niyang sinulyapan ang pangalawang kapatid na si Bituin bago binalikan ng masamang tingin ang hilaw niyang bayaw."Ano na namang masamang polusyon ang nagdala sa iyo rito?" pagtataray ni Bini habang ang isang kamay ay nakalagay sa bewang."Binibisita ko lang po si Bitu-""Ang ibig kong sabihin, 'yong mga bata!" nadulas na tugon nito at hindi alam kung paano sasalubungin ang tingin niya.Napangiti si Bini dahil sa inis. Nayayamot siyang kumamot sa batok bago muling binato ng tingin si William."Nabisita mo na? O, alis na!" pagtataboy niya rito."Ate," awat sa kaniya ni Bituin at humawak pa sa braso niya."Ano?" pikon niyang sagot."Sige, Bi
Dahil umaga na natatapos ang trabaho niya, sa iba naman ay nagsisimula pa lang. Karamihan ay nagmamadali pumasok sa trabaho, at may iba't-ibang klase ng estudyante. Abalang-abala rin ang ilang daan na punong-puno ng pribado at pampublikong sasakyan. Habang naglalakad naman sa gilid ng daan si Bini para maghintay ng pampasaherong jeep pauwi.Saglit na sinilip niya ang suot na relo. Ilang minuto na rin siyang naghihintay matapos ang bangayan nila ni Seya.Mabilis siyang naglakad nang maaninag ang isang kulay asul na jeep na madalas niyang sakyan. Agad siyang kumilos palapit doon. Nakipagpatintero siya sa mga taxi at kotse para lang maabutan ang jeep na patuloy na umaandar."Sandali!" sigaw ni Bini habang nagmamadaling tumawid.Awtomatikong inapakan ni Adamson ang preno matapos may walang-ingat na tumawid. Napamura siya dahil sa labis na pagkabigla.Lumingon si Bini na matalas ang mga mata sa isang itim na pick up truck na ilang pulgada na lang ang layo sa kaniya. Dahil tinted ay hindi n
"Okay, Dj Bini. Let's get to our final speech," saad ni Chum at tinapunan siya ng tingin.Tumango si Bini sa intern para sabay na bitawan ang pinakamahalagang parte ng kaniyang show. Kung saan magbibigay na siya ng payo para sa problema nito."Ang payong kababaihan," may tono pa nila iyong sinambit."Listen, caller," seryosong panimula niya."Kahit kailan hindi mahal ang magmahal. Hindi iyan ipinipilit o nanghihingi ng kapalit. Libreng ibinibigay iyan at buong puso namang tinatanggap."Tanging ang malamig at manipis niyang boses ang namamayani sa ere. Tahimik ang lahat, si Chum at ganoon na rin ang ilang kasamahan niyang nasa labas ng booth."Kailangan mong mamili ng lalake, and I don't know kung mayroon pa. O 'yung ibang mga babae na makakilala ng lalake na, magbibigay ng totoong pagmamahal.""Mayroon pa iyan, Dj Bini!" sagot naman ni Chum.Inirapan niya ito, napag-usapan na nila ng management ang pagtatanggol ni Chum sa mga lalake, para raw hindi bias at babae lang ang kinakampihan.







