เข้าสู่ระบบ"And again, we are now back to the show with our very beautiful sista in the air," Sinulyapan ni Bini ang kaharap na si Chum na maluwag ang ngiti sa mapupulang labi.
"Ang Dj na kasama natin sa pagtayo ng bandera ng mga kababaihan!" "Dj Chu, chu, chum!" mahabang pakilala niya kasabay nang pagtaas ng dalawang kamay. Awtomatikong inilapit ni Chum ang upuan sa mesa at maingat na inabot ang mikropono. Saglit pa silang nagkatinginan nito bago bumati sa mga nakikinig. "Hello and Hi!" "Hi and hello!" ito ang paraan ng kaniyang intern para bumati sa kanilang mga listeners. "Hello, sa mga babaeng pauwi, naglalakad man, nakasakay sa karwahe, lumilipad sa ere o mga babaeng nakasakay man sa walis. Kumusta natapos ang buong araw ninyo?" Naibaba ni Bini ang isang headset na nakatapat sa tenga. Sa sobrang taas ng energy ng intern niya ay masakit na sa tenga at sikip pa sa loob ng booth. Pero proud na proud siya kay Chum, from shy type to shameless ang peg ng intern niyang ito. Ilang buwan man nangapa ang primetime show nila sa rating simula no'ng una ay bumabawi naman ito ngayon. Kaya talagang pinagbubutihan nilang dalawa. Lalo na siya, this platform give her a chance to do her passion. At ang ninanais niyang goal noon pa man, ang maging boses ng mga babaeng api. She wanted to be a strong voice for each and every woman. "What time is it, sista?" tanong niya matapos i-on ang sariling mikropono. "It's already midnight, Dj Bini!" patuloy na sigaw ni Chum with matching dance pa. Napailing na lang siya habang natawa. Mas nilakasan niya ang party sound habang pinanood ang intern na para bang nasa isang party. "Midnight means, midnight chikahan! Let's get down to the center of the show!" nahawa na siya sa lakas ng boses at energy ng ka-trabaho. Nagtinginan sila at sabay na hinawakan ang sari-sariling mikropono para makuha ang tamang tiyempo at sabay na sabihin ang sentro ng kanilang palabas. "Ang say ng Dj Bini n'yo!" sabay nilang anunsyo. Sa show na ito ay may iba't-ibang babaeng tatawag. Iba't-ibang problema in short, iba't-ibang klase ng sakit sa ulo. Susubukan niya at ni Chum na tulungan at payuhan ang mga ito ng tamang gagawin. "Here's our first caller, Dj Bini!" Pininidot na ni Chum ang speaker para marinig na rin sa ere ang una nilang caller. "H-hello?" tanong mula sa kabilang linya. "Magandang gabi para sa magandang babae. Anong maipaglilingkod namin sa iyo?" bungad agad ni Bini at inihanda ang sarili para makinig. "Dj Bini!" Mabilis niyang ibinaba ang headset nang bumunghalit ng iyak ang babaeng nasa kabilang linya. Saglit silang nagkatinginan ni Chum, napalunok siya at umayos nang pagkakaupo. "Relax, ateng. Pag-usapan natin 'yan," pakalma niya habang bumabaha ang kalungkutan sa mukha. She hates to hear woman crying hard like this! "Dj Chum at Dj Bini, ano pong gagawin ko?" humahagulgol pa rin na sagot nito. "Ang gagawin mo ay huminto ka sa pag-iyak para maintindihan ka namin," tugon ni Chum na hindi na makapagpigil marinig ang kwento ng caller. Rinig nila ang pagsinghot ng babae. Muli silang nagkatinginan ng makahulugan ni Chum. Mukhang pinakalma na nito mismo ang sarili para makapagsalita ng maayos. "Dj Bini, 'yong boyfriend ko iniwan na ako!" muli na namang nagpakawala ito ng atungal. "Sabi-" hindi pa man siya nakatatapos sa pagsasalita ay nagtuloy-tuloy ang caller sa pagkwe-kwento. "Matapos kong ibigay ang lahat sa kaniya! Ipinagpalit niya lang ako sa mas bata at mas-" "Teka, teka, mas bata?" takang tanong ni Bini. "Opo." Mukhang hindi niya nagugustuhan ang naririnig. Well, since then naman, lahat ng problema ng caller ay nakabwi-bwisit! "Ilang taon na po ba kayo at 'yung g*g*-" "Dj Bini, relax ang puso mo!" agap ni Chum nang maramdaman siguro ang pag-iinit ng bungo niya. Nagtama ang mga mata ni Bini at ng intern. Kahit na midnight at tulog na ang mga bata ay iniiwasan pa rin nilang magmura o magsalita ng kahit anong hindi maganda sa pandinig. Kaya nga nagkaroon siya ng intern, intern na magpipigil sa kaniya na magmura. "Ilang taon po ba ang tanda ninyo sa ex ninyo, caller?" boluntaryong tanong ni Chum. "15 po." "Kayo po ay ilang taon na?" interesado namang tanong niya. "30 po." "Dj Bini, meet your batchmate!" biro ni Chum kasabay nang pagpatutugtog ng ilang sikat na english boyband noong 90's. Matalim na tingin ang ipinukol niya sa intern bago iniusod ang upuan sa mesa, iniligay niya rin ang magkabilang braso sa ibabaw nito at inihanda ang sarili sa isang malalim na usapan. "Halos dalawang taon na kami. Nagsasama sa apartment niya, ako ang nagbayad ng lahat mula sa upa, kuryente at tubig." "Ateng, hindi mo pinaalala sa kaniya na babae ka at hindi bangko," mariin niyang sagot. "Tiniis ko iyon lahat para lang makasama ko siya," isang nakadudurog pusong iyak na naman ang pinakawalan ng kanilang caller. Bumuntong hininga si Bini, kahit lahat na yata ng klase ng problema ay narinig na niya. Pero kakaiba pa rin ang problema nito. Isang may edad na babae, magmahal sa isang mas bata pero ginamit lang! It's not acceptable! "Anong gagawin ko?" patuloy na iyak nito. "Singilin mo!" sigaw ni Chum na bakas na rin sa hitsura ang pagkainis. "Kung magkano lahat ng nagastos mo sa kaniya!" dagdag pa nito. "Hindi ko po kaya, wala siyang trabaho," katwiran pa rin ng caller. "Ateng, makinig ka." Sumeryoso si Bini, kahit nagagalit siya ay dapat unahin niyang mapayuhan ng tama ang listener. Kung siya ang tinawagan nito sa ganitong klaseng problema ang ibig sabihin ay may tiwala ito sa kaniya. "Noong una pa lang dapat naramdaman mo na kaya ka lang mahal dahil kailangan ka." "Kailangan ka para literal na mabuhay. Kailangan kang magbayad ng bills, upa at kung anu-ano pa!" "Mahal na mahal ko po siya," muli na namang lumakas ang iyak ng nasa kabilang linya. "But, he didn't feel the same way! At mayroon ka na nga agad kapalit!" Isang mabigat na paghinga ang pinakawalan niya bago muling nagsalita. Diretso siyang nakatitig sa glass wall ng kanilang booth. "Tayo dapat na mga babae ay hindi hinahayaang lang na gamitin ng mga lalakeng sa pansarili nilang kaligayahan." "Woman, don't deserve it!" "Just let that jerk go! Mas higit ka niyang kailangan, kaysa kung gaano mo siya kailangan!"Anong plano mo?" usisa ni Bini sa caller at tinitigan ang telepono.Isang buntong hininga ang pinakawalan ng caller. May iilan na tunog ng tricycle pa silang naririnig mula sa kabilang linya."H-hindi ko po alam," muli na namang humagulgol ito."Ano namang plano no'ng lalakeng magaling na iyon sa inyong dalawa?" nayayamot niyang tanong."A-ang sabi niya po sa akin ay maghintay lang daw ako. At hihiwalayan niya ang asawa niya."Natigilan siya at hindi nakakibo. Sa oras na hiwalayan ng lalake na iyon ang asawa niya ay siguradong may isang babae na naman ang masasaktan."Nakakaloka! And after that, magsasama kayo, ganoon ba?" nawiwindang sagot naman ni Chum."O-opo.""Sa oras na maghiwalay sila at magsama kayo. Tingin mo, magiging masaya ka?" pormal na tanong ni Bini."H-hindi ko po alam. May anak din po kasi siya."Sa tono ng babae ay mukhang nakokonsensya naman ito sa mga nangyayari. Muling nagtagpo ang mga mata nila ni Chum, katulad niya ay malungkot ang mata ng kaniyang intern."Ang
"Mark my word dude," siguradong sambit ni Adamson at humarap ng seryoso sa kaibigan."Sa oras na matapos ang bidding. I will get rid of that Dj."'Wait, what do you mean?" Nakangiting usisa ni Malcom habang tinitigan siya sa mga mata.Muling niyang binalik ang tingin sa unahan ng sasakyan matapos magsimulang umusad ang ilang kotse sa harapan nila. Tumango-tango ang binata dahil sa naiisip na plano sa disc jockey na gumugulo sa isip niya."Hey, Adam! What are you going to do with Dj Bini?""Just sit back and watch," Nakangising pabitin niya sa kaibigan.Nagtagpo ang mga mata ni Bini at Chum at sabay na nag-on ng mikropono. Ilang patalastas na rin ang lumipas at kailangan na nilang simulan ang kanilang midnight show."Again, good evening to all the woman in our country, the beautiful land, Philippines," mala-beauty queen niyang pagbati sa muling pagbalik sa ere."Nagbabalik na tayo matapos ang ilang maikling commercials. Alas-onse na! Ang bilis ng oras, kasing-bilis magpalit ng mga lala
"Ano? Tell me," patuloy na panunudyo ni Seya kay Bini."Dj Bini, relax," Hinawakan siya ni Chum sa braso nang mapansin ang pagbabaga niya sa galit.Napapikit siya ng mariin, minabuting kontrolin ang emosyon. Kung papatulan niya ang letseng ka-trabaho niya ay nakahihiya lamang sa kanilang mga kasamahan. Lalo na sa kanilang Station Manager.Nakangiti na iminulat ni Bini ang mga mata. Diretsong tinitigan si Seya, na nakatikwas ang isang kilay at nakangisi."Seya, that was six years ago, and here you are. Ako nga na ate naka-move on na, mukhang ikaw, issue pa rin iyon. Alam mo, young girls are closer to make mistakes at napatunayan iyon ng kapatid ko.""At hindi ko hahayaang may magdagdagan pa sa mga batang babae iyon," mahabang paliwanag niya habang nakangiti.Tila natameme naman si Seya. Taas-noong lumakad si Bini, inihagis pa niya ang buhok sa hangin bago tuluyang lagpasan ang ka-trabaho."Magandang gabi para sa magagandang babae!"Sumigaw siya ng buong lakas nang magbukas ang kaniyang
"Bini, dito ka na sumakay!" alok ng isang tricycle driver nang dumaan siya sa kanto.Nagbingi-bingihan si Bini at tumanaw ng jeep sa kalsada. Matapos ang usapan nilang mag-ina ay agad siyang umalis ng bahay. Ayaw na niyang makipagtalo rito baka hindi lang sila magkaintindihan."Bini," Lumapit si Mark, ang kaklase niya noong highschool at ka-baranggay."Hatid na kita," malambing na alok nito nang magsalubong ang tingin nila."Hindi na kailangan. Kaya ko, hindi naman ako tanga," muling tumanaw si Bini sa mga parating na sasakyan.Narinig niya ang tila pambubuyo at panunukso ng kapwa driver ni Mark sa kanila. Pinilit niyang sumeryoso, sa tuwing pumapasok siya sa trabaho ay lagi na lang ganito ang senario.Katulad niya, single rin si Mark, kasing-tanda at kalapit bahay niya lang kaya madalas silang gawing loveteam."Bini, ihatid na kita sa trabaho."Mabilis siyang luminga rito habang pinipigilan ang pagbaha ng inis sa mukha. Sandali pa niyang tinapunan ng masamang tingin ang grupo ng mata
"O, Bini, Bituin!"Agad silang nagkalas sa pagkakayakap mag-ate at nagpunas ng mga luha. Nagtataka ang anyo ng kanilang ina na si Susan habang palapit sa mesa at dala ang eco-bag na punong-puno ng pinamili sa palengke."O, anong mayroon? At bakit kayo umiiyak?""Hindi po, wala!" pagsisinungaling ni Bini at pasimpleng pinunasan ang luha. Ganoon na rin si Bituin na nakaharap sa gilid.Tiningan sila nang makuhulugan ng ina. Kahit tila binabasa ang kanilang mga hitsura. Naglakad siya at kunyaring hinalungkat ang mga binili nito."Kadadating mo lang ba?" usisa ni Susan habang nakaharap na sa mesa at naghahanda ng maghiwa ng mga gulay."Opo. Si Blessi nga pala?" tanong niya sa ina, tinutukoy niya ang kapatid na bunso."Ate!" masayang bati ni Blessima.Luminga siya sa pinto ng kusina at nang makita ang kapatid ay agad na nagsalubong ang mga kilay niya."Mama!" masiglang-masiglang bati nito at lumapit kay Susan."Anong basura na naman 'yang dala mo?" asik ni Bini habang sinusundan ng masamang
"Aba, malayo pa ang semana santa, ba't nandito na si hudas?" bungad agad ni Bini hindi pa man nakapapasok ng gate.Naabutan kasi niya ang dating live-in partner ng kapatid niya at ama ng kambal niyang pamangkin."A-ate Bini naman," nahihiyang sagot ni William."Ate? Hindi kita kapatid!" pambabara niya rito.Dire-diretso siyang pumasok sa gate. Saglit niyang sinulyapan ang pangalawang kapatid na si Bituin bago binalikan ng masamang tingin ang hilaw niyang bayaw."Ano na namang masamang polusyon ang nagdala sa iyo rito?" pagtataray ni Bini habang ang isang kamay ay nakalagay sa bewang."Binibisita ko lang po si Bitu-""Ang ibig kong sabihin, 'yong mga bata!" nadulas na tugon nito at hindi alam kung paano sasalubungin ang tingin niya.Napangiti si Bini dahil sa inis. Nayayamot siyang kumamot sa batok bago muling binato ng tingin si William."Nabisita mo na? O, alis na!" pagtataboy niya rito."Ate," awat sa kaniya ni Bituin at humawak pa sa braso niya."Ano?" pikon niyang sagot."Sige, Bi







