“Ali! Anong nangyari sa ‘yo?”
Napalingon ako sa bukas na pinto ng kwarto at nabuhayan ng loob pagkakita kay Frances. Magkababata kami at matalik na magkaibigan kaya palagi kaming magkabuntot. We graduated from the same university and were job hunting together in the same year—at least from what I recall.
Si Frances talaga ang gusto kong makita pagkatapos kong malaman ang pagkawala ng alaala ko. Kaya lang ay wala akong cellphone pantawag. Sinubukan kong tanungin sa mga nurses kung nasaan ang mga gamit ko kaya lang parang ayaw nila akong kausapin. Mabuti at may isang nagsabi sa ‘kin na wala akong gamit nang isugod sa ospital.
Sa totoo lang ay gulong-gulo pa rin ako sa sitwasyon ko kaya sinabi ko kay Frances ang lahat. Nakatulong naman ito para makahinga ako kahit papaano.
“Ikaw ah… baka joke time lang ‘to, Ali. Pang best actress pa naman ang arte mo,” may panunuyang komento ni Frances kaya napairap ako sabay iling. How I wish I’m just acting.
“Wait. Paano mo pala nalamang nandito ako?” tanong ko sa kaibigan dahil hindi ko naman siya natawagan. And it’s not as if someone here in the hospital knows her.
Binukas-sara niya nang mabilis ang mga mata bago sumagot, “Ako kaya ang nagdala sa ‘yo rito! Umalis lang ako para kumuha ng mga gamit mo. Pagdalaw ko sa condo mo, naabutan kitang nakabulagta sa sahig. Walang malay. Nag-resign ka na nga sa trabaho pero parang wala ka pa ring pahinga,” sagot ni Frances na muling nagpasakit ng ulo ko dahil sa bagong impormasyon.
“Ikaw ang nagdala sa ‘kin dito? Tsaka anong condo?”
Tinapik niya ang bibig na para bang nagkamali ng sinabi. “Sorry. Oo nga pala, may amnesia ka. For sure nakalimutan mo ang tungkol doon.” Huminga siya nang malalim at dito inisa-isa ang mga gusto kong malaman.
***
Sinamahan ako ni Frances sa ospital hanggang sa payagan na akong lumabas. Kailangan ko pa rin daw magpahinga pag-uwi dahil mahina pa ang katawan ko.
I used to be full of energy and strength five years ago. But now, everything in my body hurts all of a sudden. Sabagay ay hindi na ako bumabata. I may still think like a twenty-one-year-old, but I’m in the body of a twenty-six-year-old woman.
Paglabas namin ni Frances ng ospital, nag-abang na kami ng taxi. Ihahatid niya ako sa condo ko para maniwala akong totoo ito.
Sa kanya ko nalaman na hindi na pala kami nakatira sa iisang apartment. I moved out not more than a year after I got hired in Coldwell Corporation dahil gusto kong magkaroon ng sariling space. Kumuha ako ng rent-to-own hanggang sa nakaipon ng sapat na pera para mabayaran ito ng buo.
May humintong sasakyan sa harapan namin pero hindi taxi. Pagbaba ng bintana, nakita ko sa driver’s seat si Mr. Coldwell. Napakaway ako nang nakangiti pero dahil seryoso lang siya, dahan-dahan kong itinigil ang ginagawa.
"Do you need a ride? Your place is on my way,” alok ng boss ko. Bumaba na siya agad ng kotse at lumapit sa amin.
Nanlaki naman ang mga mata ko sabay iling. Nang tangkain niyang kuhanin ang gamit ko, para akong napaso nang dumaplis ang kamay niya sa ‘kin. “Ay hindi na ho! May iba pa kaming pupuntahan,” dahilan ko. Napatingin naman siya kay Frances na saktong nagsalita.
“Saan tayo pupunta—”
“Pero salamat! Ingat!” pagputol ko kay Frances.
Mabilis kong tinalikuran si Mr. Coldwell at dito muntik makabangga. Nahawakan lang niya ‘ko kaagad sa braso at walang kahirap-hirap na hinila palapit sa kanya. Tumama ang mukha ko sa matigas na dibdib ng boss ko. Ilang segundo ang lumipas bago ako nailang sa sobrang lapit namin!
“Sorry—thank you po, Sir!”
Agad akong humiwalay sa kanya. Hindi na ako nagtangka pang tingnan siya. Bago makapagsalita si Frances ay hinila ko na siya pasakay sa kasunod na taxi ng kotse ni Mr. Coldwell. Sa bintana’y huli kong nakita ang pagkabigla sa mukha niya.
Pag-andar ng taxi ay tsaka ako nakahinga kahit na parang sasabog ang dibdib ko sa lakas ng kabog nito. Bahagya akong niyugyog ni Frances, “Uy! Anong problema mo at hindi ka pa sumabay sa boss mo?”
“Kilala mo ang boss ko?” pagtataka ko.
“Ha? Ah oo naman! Napakita mo na siya sa ‘kin noon. Tsaka sikat siya,” sagot ni Frances sabay tawa. “Pero ano ngang problema mo sa kanya?”
“Empleyado niya ako. Hindi naman tamang sumabay tayo sa kanya,” sagot ko. I know we had an awkward start, pero tumaas ang tingin ko kay Mr. Coldwell nang malamang boss ko siya at CEO pa ng pangarap kong kumpanya.
“Ano naman ngayon kung empleyado ka at boss siya? He just offered a ride! Tsaka hindi mo ba na-feel ‘yung sparks kanina?” natatawang balik ni Frances. But I don’t want to entertain the idea.
“Ayaw ko lang ng issue.” Ito na lang ang nasabi ko para ‘di na humaba ang usapan. Napatingin ako sa bintana at dito nakita ‘yong babaeng kasama ni Mr. Coldwell noong unang beses ko siyang nakita sa ospital. Hawak-hawak nito si Matteo na anak ng boss ko.
Masyadong kumplikado ang ma-associate sa tulad ni Mr. Coldwell – after all, he has a child and a wife. Hindi magandang tingnan na may isinasabay siyang babaeng empleyado. Ako na ang iiwas. Naalala ko kasi kung paano niya ‘ko basta niyakap noong unang kita namin at hindi ito tama.
I may have lost my memories, but I hope I wasn't the kind of woman who could destroy a family.
***
“Sure ka bang dito ‘ko nakatira?” pigil-hiningang tanong ko kay Frances. Huminto kami sa eight-floor ng condominium at pumasok sa isang unit dito pero hindi ako makapaniwala sa bumungad sa ‘min.
It’s what I’ve always dreamed of! A two-bedroom condo unit with big windows and balcony. Para akong nananaginip habang sinusuyod ng mga mata ang paligid.
“Oo nga, Ali. Sa ‘yo ‘to! You worked hard all these years to buy your own place,” pagkumpirma ni Frances na alam kong walang dahilan para magsinungaling.
Bukod sa condo unit, mayroon din daw akong sasakyang naka-park sa basement ng building na ‘to. Mas maayos na raw akong magmaneho na sana ay hindi nasama sa mga nalimutan ko. To be honest, these were the things I had hoped for five years ago. Who would've imagined I'd accomplish all of these?
“Frances, question.” Lumingon sa ‘kin ang kaibigan ko at naghintay. “Am I still single?”
Parang nagulat pa si Frances sa tanong ko kaya natawa ako. “I mean… have I ever been in a relationship? Syempre nasa edad na ‘ko para lumandi.”
Napalunok siya sabay iling. “Nope. Zero records.” Napaisip tuloy ako kung masyado ba akong naging busy sa loob ng five years kaya nawalan ng oras sa love life. “But speaking of paglandi, baka it’s time. I know you’re still recovering, but I secured us tickets for that band you love. It’s for tonight. VIP pass with backstage access.”
“Don’t tell me…” ‘Di pa tapos ang tanong ay tumango na siya. Tuloy ay napatili ako sa excitement.
Isa sa mga nakwento ni Frances sa akin ang pag-attend ko sa concert ng favorite band ko noong 2019. Kaya kung pupunta kami sa concert nila ngayon, baka makatulong ito para magbalik ang alaala ko!
Wala akong choice kundi panuorin ang pag-alis ni Mrs. Coldwell. Nalaglag ang panga ko nang bukod sa paglabas niya ng mansyon, ilang sandali lang ay narinig ko ang tunog ng car engine. Aba’t mukhang seryoso nga siya! Pero saan naman ang punta niya kung dito siya nakatira?Narinig ko ang pagtikhim ni Mr. Coldwell sa likuran ko. Tila naestatwa ako sa kinatatayuan. Mas lalo ‘kong naramdaman ang presensya niya ngayong naiwan akong mag-isa. Parang babaliktad ang sikmura ko kaya kinailangan kong huminga ng malalim.Inhale… exhale. You’re just here for your report, Ali. Pilit kong kinalma ang sarili bago muling hinarap si Mr. Coldwell. Paupo siya sa mahaba at kulay beige na sofa sa sala. Nakabaling pa rin ang tingin niya sa bintana pero tipid akong ngumiti nang maglakad palapit sa kanya. Inabot ko ang folder na may lamang printed copy ng report ko para ipaalala ang ipinunta ko.Pero parang sandaling tumigil ang oras. Paano’y nakatitig pa rin ang boss ko sa kawalan habang naghihintay akong k
Pagsakay ko sa kotse ni Mrs. Coldwell, nag-apologize kaagad ako sa kanya dahil sa abala. Pero naging professional pa rin siya, malayong-malayo ang attitude ngayon kumpara noong engkwentro namin sa elevator kasama si Matteo.“So, are you excited?” basag ni Mrs. Coldwell sa katahimikan bago lumiko sa kalsada.“Po?” balik ko, binukas-sara ang mga mata, hindi sigurado kung saan dapat ma-excite.Papunta lang naman kami sa bahay nila para sa report na inutos ni Mr. Coldwell. Kung tutuusin pwede namang siya na ang magbigay nito. Kaya hindi ko rin talaga maintindihan kung bakit isinama pa niya ‘ko.Unti-unting nanlamig ang katawan ko. Balak ba niya kaming hulihin ng asawa niya? Napalunok ako, parang may bumara sa lalamunan.Tumawa si Mrs. Coldwell, mahina at medyo pa-demure. “The Halloween party! It’s already this weekend—the day after tomorrow. May costume ka na ba? Plus one? Don’t tell me you forgot, Ms. Del Rosario.”Bumilog ang bibig ko. Halloween party pala ang tinutukoy niya. Imposibleng
Parang nag switch-off ang isip ko tungkol sa mga sinabi ni Frances nang maupo na ‘ko sa area ko.Ngayon ko naramdaman ang magkahalong antok at hangover dahil naglaho na ang adrenaline rush ko kaninang umaga. Palagay ko, kulang ang natitira kong lakas para kayanin ang araw na ‘to.“Okay ka lang?” tanong ni Vivienne, nakataas ang isang kilay pagharap sa ‘kin.Tumango ako, pero hindi napigilan ang paghikab pagkatapos. “Ah kulang lang sa tulog,” pag-amin ko kahit halata naman.Nailing naman siya. “Well, pasalamat ka medyo slow tayo today. Wala si boss.”Tatango lang sana ‘ko ulit nang maintindihan ang kanyang sinabi.“Wala si Mr. Coldwell?” medyo tumaas ang boses ko kaya pinagdikit ko agad ang labi.“Hindi raw makakapasok,” kaswal niyang saad, para bang balewala lang ito sa kanya.Hinigit ko ang hininga ko. Dahan-dahan akong humarap sa desktop at dito hindi napigilan ang pagsasalubong ng kilay.Bakit kinulit-kulit pa ‘ko ni Mr. Coldwell kagabi? Bakit nagsabi siya na kailangan niya ang repo
Maling-mali na uminom ako ng alak!Sobrang sakit ng ulo ko pagbangon ng madaling araw. Nagising ako sa alarm na sinet ko kagabi bago nagkasarapan ang kwentuhan namin nina Frances at Andre. Mabuti na lang at ginawa ko ito dahil kung hindi, mawawala talaga sa isip ko ang tungkol sa report na pinapa-submit ni Mr. Coldwell ng umaga.Pasalamat na lang ako at nagising ako sa sarili kong kama. Bigla na lang kasi akong nag blackout kagabi. Kung hindi ko pa nakita si Frances sa sala ng unit ko, hindi ko maiisip kung paano ako nakauwi.Kahit sobrang aga pa, nag-shower ako para magising at mawala ang kalasingan. Halos kalahating oras din ang itinagal ko sa ilalim ng shower head nang tila nalaglag ang puso ko, napilitan akong patayin ito.Napatingin ako sa paligid ng banyo, siniguradong mag-isa ako. Parang may narinig kasi akong boses ng lalaki? O baka naman sa isip ko lang ito?Wala namang ibang tao bukod sa ‘kin. Tulog din ang kaibigan ko sa sala.Napabuntong-hininga ako nang malakas bago naili
Pinausod ako ni Frances kaya ngayon, sila na ni Andre ang magkatapat sa lamesa. At dahil malapit ako sa bintana, napasulyap ako rito. Naningkit ang mga mata ko sa mga nakahintong sasakyan. May isa kasi rito na kakasarado lang ng bintana. Hindi ako sigurado pero parang nakita ko ito kanina habang nasa motor.Binalik ko ang tingin kay Frances. “Ano bang nangyari sa ‘yo? Tumakbo ka ba papunta rito?” tanong ko sabay abot ng panyo para mapunasan niya ang pawis niya. Binigyan naman siya ng tubig ni Andre na agad niyang ininom.Kinailangan ni Frances ng ilang minuto para makahinga. Pansin kong nagpabalik-balik ang tingin niya sa ‘min ni Andre kaya agad ko silang pinakilala sa isa’t isa.“Pasensya na, pinagmadali kasi ako papunta rito,” sabi ni Frances nang makahinga.Nagsalubong ang kilay ko. “Pinagmadali? Nino?” Sinabi ko naman kasi sa kanya na she can take her time. Tutal kasama ko rin si Andre.Agad umiling si Frances. “I mean, nagmadali. Nagmadali ako papunta rito kasi ayaw kitang paghin
“Kikitain ba natin ang kaibigan mong matagal mo nang gusto?” tanong ni Andre. Pinindot niya ang basement button ng elevator. “O baka naman kaibigan mong may one-sided love sa’yo?”Nalaglag ang panga ko. "Ano ba ‘yang mga tanong mo?" natawa ako, imbes na sagutin siya nang diretso. "Siguro writer ka, ang galing mong gumawa ng kwento."Nailing lang si Andre, halata ang amusement sa mukha. Nabaling ang tingin ko sa elevator panel at nakitang pataas kami ng palapag imbes na pababa. Kumunot ang noo ko. Hindi ko ba ito napindot kanina kaya bumukas ang elevator sa 8th floor?“Seryoso ako,” sabi pa ni Andre sa tabi ko. “Gusto ko lang malaman para handa ako.”“Babae ang kikitain natin,” sagot ko pero parang ‘di siya kumbinsido kaya napairap ako. Hindi ko inakalang makulit pala siya. “She’s my friend. A real best friend. Lalabas kami para makahanap ng potential partners. Okay na?”Pababa na ang elevator. Dadaanan pala namin ulit ang palapag na pinanggalingan!“So, technically, wingman pala ‘ko n