Seeing my own place for the first time felt strange yet right. It was the perfect blend of fun and eclectic vibes. Ganitong-ganito ang na-imagine kong interior design noon na madalas ko ring ikwento mga taong malapit sa ‘kin.
Sa sala pa lang, kapansin-pansin na ‘yung teal-colored sofa na nakasandal sa pader. May mga throw pillows sa ibabaw nito na magkakaiba ang kulay. Samantalang katapat nito ay may wooden coffee table.
Parang blank canvas naman ang pader. May mga abstract paintings din kasi at iba pang art pieces na mukhang may kanya-kanyang kwento. Tamang-tama rin ang pasok ng natural light sa malaking bintana kung saan kita ang mga nagtataasang buildings sa labas.
Sumilip din ako sa kusina. Dito’y nagulat ako nang makitang kumpleto ang mga stainless steel na appliances. Lalo ring nag stand out ang mga ito dahil sa geometric-patterned tiles. At katulad sa sala, may rustic wooden dining table dito na may mismatched chairs.
Noong pinasok ko naman ang mga kwarto ay lalo akong namangha. May canopy bed ‘yung master bedroom na mukhang yayamanin. May mahaba at makapal ding kurtina ang bintana. Pero ang nakakatuwa ay ‘yung string lights na nakakabit sa pader malapit sa kama. May nakaipit ditong mga printed quotes na mukhang lahat ay galing sa mga paborito kong libro. Kaya naman hindi mapagkakailang ito ang kwarto ko.
‘Yung ikalawang kwarto naman ay parang opisina. May shelves sa pader na puno ng mga libro. May malaking lamesa malapit sa bintana kung saan maganda rin ang pasok ng liwanag. Ang galing lang talaga dahil parang naging reflection ng personality ko ang condo unit na ito.
“Kumusta ang pakiramdam mo?” tanong ni Frances na nagpabalik sa ‘kin sa kasalukuyan. Galing sa kusina’y bumalik na siya ng sala. May dala siyang juice para sa ‘ming dalawa.
Nandito pa kami sa condo ko dahil napagkasunduan naming dito manggagaling papuntang concert. “Hilo pa rin sa mga nangyayari,” sagot ko; tinawanan na lang ang sarili.
“Don’t worry. For sure babalik din ang memories mo. You probably just need a break from everything.” Sana nga tama si Frances. Pero nakakatakot lang isipin na marami akong hindi alam ngayon tungkol sa mga tao o bagay sa paligid ko – lalo’t higit sa sarili ko.
Huminga ako nang malalim at sumandal sa sofa. Pagtingin sa kaibigan ko’y may tanong na pumasok sa isip ko. “Kung dito na ako nakatira…e ikaw? Kumusta ka ba?” tanong ko kay Frances. Marami na siyang nakwento tungkol sa buhay ko pero wala akong alam tungkol sa kanya.
Natigilan siya sandali bago nakangiting sumagot sa tanong ko. “A lot can happen in five years. But I haven’t changed as much as you did. I’m currently staying with my parents. I’m looking for a job after completing my masters. Hopefully, magkaroon na ‘ko ng ambag sa pamilya,” tumawa siya ng mahina na sinubukan kong sabayan.
“Huy! Big deal ang makapag-masters ah! ‘Yan ‘yung pangarap mo ‘di ba? Congrats kasi natupad mo rin! Masaya ako para sa ‘yo,” sabi ko sabay yakap sa kanya. At least, sa loob ng five years, magkaibigan pa rin kami. Bibihira na ngayon makakita ng totoong kaibigan.
Paghiwalay ko kay Frances ay nakita ko ang pagpalis niya ng luha sa gilid ng mata. “Ang alikabok naman dito. Dapat yata mag general cleaning tayo,” pagtatago niya nito na tinawanan namin pareho. “Baka may gusto ka pang malaman,” alok niya na na-appreciate ko ng sobra.
Inalala ko lahat ng mga nasabi na niya sa ‘kin. I’m single. I currently live in a condominium. My mother is still in the province at wala pa itong alam sa nangyari sa ‘kin na mas gusto ko rin naman para ‘di na dumagdag pa sa problema.
“Wait. Paano ko na-afford bumili ng condo?” mabilis kong tanong. Para pa rin kasi akong nananaginip.
“Syempre may ipon ka,” may kumpyansang sagot ni Frances, “Look Ali, you’ve been working really hard in Coldwell Corporation for years—”
“Years?! Pero bakit ako nag-resign?” pagputol ko. Naalala ko ‘yung resignation letter na pinunit ko sa harapan ni Mr. Coldwell. Sana pala binasa ko man lang ang laman nito.
“You said you were tired of working there. You were obviously burned out. Kaya nag try kang maging freelancer and that’s what you’ve been doing for months now.”
Bumilog ang bibig ko. Kaya pala may sarili akong office dito sa condo. Sabagay, posible ngang mapagod ako kung nagtatrabaho ako sa isang malaking kumpanya. Mukhang hindi rin biro ang posisyon ko dahil talagang pinuntahan pa ako ni Mr. Coldwell sa ospital kahit ilang buwan na mula noong nag-resign ako.
My role must be really important to him if he's that desperate to have me back.
“Alam mo ba kung nasaan ang mga documents ko? Baka kailangan kong i-review lahat ng mayroon ako,” sabi ko pa dahil siguradong makakatulong ang mga ito para makilala ko si Ali ng 2024.
“You’re very organized, Ali. I think you have everything you need in your room. Pero sa ngayon, kailangan na muna nating umalis. Kung hindi, baka sa traffic tayo mag concert,” paalala ni Frances. Kaya nagmadali na kaming umalis nang makita ang oras.
***
“Here’s my old phone. Gamitin mo in case magkahiwalay tayo,” sabi ni Frances sabay abot sa ‘kin ng smartphone niya. Sinubukan kasi naming hanapin ang cellphone ko sa condo pero hindi namin nakita.
Nagpasalamat ako sa kaibigan ko. Ano na lang ang gagawin ko kung wala siya?
Nakarating na kami sa concert venue at pumila agad kami ni Frances papasok dito. Pila pa lang, ramdam ko na ang excitement ng lahat. Hindi naman nakapagtataka dahil five years din ang lumipas bago ulit nagkaroon ng concert ang paborito kong banda.
“Yes, hello?” Napatingin ako kay Frances nang may sagutin siyang tawag. Sumenyas siya sa ‘king aalis sa pila dahil maingay. Sasama sana ako pero umiling siya. “Sunod ako,” she mouthed sabay pakita ng hawak niyang ticket. Ayaw ko sanang maiwan mag-isa pero naalala kong matanda na ako ngayon para matakot pa sa ganitong bagay.
Itinuloy ko na lang ang pagpila hanggang sa makapasok sa loob. Namangha ako nang makita kung gaano kalaki ang venue pati na rin ang dami ng taong nagpunta rito ngayong gabi. Mukhang after five years ay mas sumikat pa ang favorite band ko.
Hinanap ko agad ang pwesto ko at nagulat dahil mukhang malapit ako sa stage. Ibang klase pala ang VIP pass na noon ay hindi namin afford. Sabi nga ni Frances ay nagpunta ako sa concert noong 2019 pero sa labas lang, kung saan may malaking TV, ako nanuod.
Nang makita ko ang upuan ko’y nagmadali ako papunta rito. Panay ang yuko ko dahil may ilan nang nakaupo sa dadaanan ko at bandang gitna pa ang pwesto ko.
Wala naman sanang problema. Ayon lang ay kakagalaw ng ulo ay medyo nahilo ako. Namali ako ng hakbang at nadapa sa hita ng isang concert attendee! Agad umakyat ang dugo sa mukha ko!
“Sorry—Mr. Coldwell?!” bulalas ko. Para akong binuhusan ng malamig na tubig lalo nang makita ang malamig niyang tingin.
Sobrang liit na ba ng mundo para magkita pa kami ng boss ko sa concert?!
Wala akong choice kundi panuorin ang pag-alis ni Mrs. Coldwell. Nalaglag ang panga ko nang bukod sa paglabas niya ng mansyon, ilang sandali lang ay narinig ko ang tunog ng car engine. Aba’t mukhang seryoso nga siya! Pero saan naman ang punta niya kung dito siya nakatira?Narinig ko ang pagtikhim ni Mr. Coldwell sa likuran ko. Tila naestatwa ako sa kinatatayuan. Mas lalo ‘kong naramdaman ang presensya niya ngayong naiwan akong mag-isa. Parang babaliktad ang sikmura ko kaya kinailangan kong huminga ng malalim.Inhale… exhale. You’re just here for your report, Ali. Pilit kong kinalma ang sarili bago muling hinarap si Mr. Coldwell. Paupo siya sa mahaba at kulay beige na sofa sa sala. Nakabaling pa rin ang tingin niya sa bintana pero tipid akong ngumiti nang maglakad palapit sa kanya. Inabot ko ang folder na may lamang printed copy ng report ko para ipaalala ang ipinunta ko.Pero parang sandaling tumigil ang oras. Paano’y nakatitig pa rin ang boss ko sa kawalan habang naghihintay akong k
Pagsakay ko sa kotse ni Mrs. Coldwell, nag-apologize kaagad ako sa kanya dahil sa abala. Pero naging professional pa rin siya, malayong-malayo ang attitude ngayon kumpara noong engkwentro namin sa elevator kasama si Matteo.“So, are you excited?” basag ni Mrs. Coldwell sa katahimikan bago lumiko sa kalsada.“Po?” balik ko, binukas-sara ang mga mata, hindi sigurado kung saan dapat ma-excite.Papunta lang naman kami sa bahay nila para sa report na inutos ni Mr. Coldwell. Kung tutuusin pwede namang siya na ang magbigay nito. Kaya hindi ko rin talaga maintindihan kung bakit isinama pa niya ‘ko.Unti-unting nanlamig ang katawan ko. Balak ba niya kaming hulihin ng asawa niya? Napalunok ako, parang may bumara sa lalamunan.Tumawa si Mrs. Coldwell, mahina at medyo pa-demure. “The Halloween party! It’s already this weekend—the day after tomorrow. May costume ka na ba? Plus one? Don’t tell me you forgot, Ms. Del Rosario.”Bumilog ang bibig ko. Halloween party pala ang tinutukoy niya. Imposibleng
Parang nag switch-off ang isip ko tungkol sa mga sinabi ni Frances nang maupo na ‘ko sa area ko.Ngayon ko naramdaman ang magkahalong antok at hangover dahil naglaho na ang adrenaline rush ko kaninang umaga. Palagay ko, kulang ang natitira kong lakas para kayanin ang araw na ‘to.“Okay ka lang?” tanong ni Vivienne, nakataas ang isang kilay pagharap sa ‘kin.Tumango ako, pero hindi napigilan ang paghikab pagkatapos. “Ah kulang lang sa tulog,” pag-amin ko kahit halata naman.Nailing naman siya. “Well, pasalamat ka medyo slow tayo today. Wala si boss.”Tatango lang sana ‘ko ulit nang maintindihan ang kanyang sinabi.“Wala si Mr. Coldwell?” medyo tumaas ang boses ko kaya pinagdikit ko agad ang labi.“Hindi raw makakapasok,” kaswal niyang saad, para bang balewala lang ito sa kanya.Hinigit ko ang hininga ko. Dahan-dahan akong humarap sa desktop at dito hindi napigilan ang pagsasalubong ng kilay.Bakit kinulit-kulit pa ‘ko ni Mr. Coldwell kagabi? Bakit nagsabi siya na kailangan niya ang repo
Maling-mali na uminom ako ng alak!Sobrang sakit ng ulo ko pagbangon ng madaling araw. Nagising ako sa alarm na sinet ko kagabi bago nagkasarapan ang kwentuhan namin nina Frances at Andre. Mabuti na lang at ginawa ko ito dahil kung hindi, mawawala talaga sa isip ko ang tungkol sa report na pinapa-submit ni Mr. Coldwell ng umaga.Pasalamat na lang ako at nagising ako sa sarili kong kama. Bigla na lang kasi akong nag blackout kagabi. Kung hindi ko pa nakita si Frances sa sala ng unit ko, hindi ko maiisip kung paano ako nakauwi.Kahit sobrang aga pa, nag-shower ako para magising at mawala ang kalasingan. Halos kalahating oras din ang itinagal ko sa ilalim ng shower head nang tila nalaglag ang puso ko, napilitan akong patayin ito.Napatingin ako sa paligid ng banyo, siniguradong mag-isa ako. Parang may narinig kasi akong boses ng lalaki? O baka naman sa isip ko lang ito?Wala namang ibang tao bukod sa ‘kin. Tulog din ang kaibigan ko sa sala.Napabuntong-hininga ako nang malakas bago naili
Pinausod ako ni Frances kaya ngayon, sila na ni Andre ang magkatapat sa lamesa. At dahil malapit ako sa bintana, napasulyap ako rito. Naningkit ang mga mata ko sa mga nakahintong sasakyan. May isa kasi rito na kakasarado lang ng bintana. Hindi ako sigurado pero parang nakita ko ito kanina habang nasa motor.Binalik ko ang tingin kay Frances. “Ano bang nangyari sa ‘yo? Tumakbo ka ba papunta rito?” tanong ko sabay abot ng panyo para mapunasan niya ang pawis niya. Binigyan naman siya ng tubig ni Andre na agad niyang ininom.Kinailangan ni Frances ng ilang minuto para makahinga. Pansin kong nagpabalik-balik ang tingin niya sa ‘min ni Andre kaya agad ko silang pinakilala sa isa’t isa.“Pasensya na, pinagmadali kasi ako papunta rito,” sabi ni Frances nang makahinga.Nagsalubong ang kilay ko. “Pinagmadali? Nino?” Sinabi ko naman kasi sa kanya na she can take her time. Tutal kasama ko rin si Andre.Agad umiling si Frances. “I mean, nagmadali. Nagmadali ako papunta rito kasi ayaw kitang paghin
“Kikitain ba natin ang kaibigan mong matagal mo nang gusto?” tanong ni Andre. Pinindot niya ang basement button ng elevator. “O baka naman kaibigan mong may one-sided love sa’yo?”Nalaglag ang panga ko. "Ano ba ‘yang mga tanong mo?" natawa ako, imbes na sagutin siya nang diretso. "Siguro writer ka, ang galing mong gumawa ng kwento."Nailing lang si Andre, halata ang amusement sa mukha. Nabaling ang tingin ko sa elevator panel at nakitang pataas kami ng palapag imbes na pababa. Kumunot ang noo ko. Hindi ko ba ito napindot kanina kaya bumukas ang elevator sa 8th floor?“Seryoso ako,” sabi pa ni Andre sa tabi ko. “Gusto ko lang malaman para handa ako.”“Babae ang kikitain natin,” sagot ko pero parang ‘di siya kumbinsido kaya napairap ako. Hindi ko inakalang makulit pala siya. “She’s my friend. A real best friend. Lalabas kami para makahanap ng potential partners. Okay na?”Pababa na ang elevator. Dadaanan pala namin ulit ang palapag na pinanggalingan!“So, technically, wingman pala ‘ko n