Chris
One week has passed since the day I arrived here in Coron. At one week narin simula ng takasan ko ang buhay ko sa manila. Malayo sa gulo, sa ingay at mga problema. Pero mas naging magulo pa yata ang buhay ko simula ng dumating ako rito.
Hindi ko mahanap ang kapayapaan na inaasan at ninanais ko.
This girl. I'm so sick of this girl. Damn, she's so...argh! Never mind. Ang ingay ingay niya, wala na yatang magawa kung hindi ang bumuntot sakin. And it's freakin' annoying.
Katatapos ko lang maligo at magbihis ng maisipan kong buksan ang phone ko. Ilang days ko narin kasing hindi ito binubuksan dahilan na ayaw kong makontak ako ng kahit na sino.
Pag bukas na pag bukas ko palang ay inulan na ako ng maraming text messages. Ang ilan galing kay mama, sa kaibigan kong naghahanap din o nagtatanong kung nasaan ako. The hell I care! Napapailing nalang ako habang patuloy na nagbabasa. At galing syempre kay Nikki...
"Chris, I'm so sorry. Life's so unpredicted kaya iyon nangyari."
Agad na napalunok ako sa nabasa ko. Pero ang mas tumatak sa isipan ko ay ang huling sinabi nito.
"She needs you more than anything and anyone right now. It's your chance to be with her Chris, marry her whatever happens. She doesn't deserve him. And hey, I love you. Just take care there, wherever you are right now."
But thanks to Nikki. I know, at this moment, while I'm reading her message alam ko na kung ano ang dapat na gagawin ko...
---
"Good morning Sir!" Agad na bati sa akin ng waitress na nakaabang sa may entrance ng restaurant para isa-isang batiin ang mga customers na papasok. I smiled back at them atsaka mabilis na naghanap ng vacant table.
Pumwesto ako sa may round table at may pang dalawahang upuan in the right corner. Lumapit sa akin ang isang waiter na may dala dalang menu, paper at isang ballpen para kunin ang order ko.
"What's your order, sir?" He asked.
"1 Sirloin steak, fried egg, and a half cup of rice." I said to him habang hindi inaalis ang mata sa menu.
"How about drinks sir?" Tanong nitong muli habang nagsusulat parin. "I prefer mango lassi. And water, please!" Agad na sagot ko naman. Isa isa niyang binanggit ang mga order ko at ng masiguradong okay na lahat at wala ng kulang ay umalis na ito.
It's a lovely day for me. And thankfully mukhang wala yung babaeng sunod ng sunod sakin nitong mga nakaraang araw. She's like a creepy stalker man. I don't know what to do with her.
Habang nag aantay sa pagdating ng order ko ay tumayo ako at kumuha ng magazine sa may di kalayuan mula sa aking pwesto atsaka bumalik muli sa lamesa kung saan ako kanina.
Binuksan ko ito sa may sports page, nasa kalagitnaan na ako ng aking pagbabasa nang may mapansing umupo sa upuan na nasa harap ko kung saan ako nakapwesto.
Dahan dahan kong ini-angat ang aking paningin galing sa magazine na binabasa ko at sinalubong ang mga mata at ngiti nito, habang itinataas baba pa ang kanyang kilay.
"You know what? Para tayong magnet, kung nasaan ka nandoon ako at kung nasaan ako, nandoon ka." Amazed na amazed na sabi nito habang nakatingin lang sa buong mukha ko. "Hmmmm, di kaya meant to be talaga tayo?" She added while grinning at me like an idiot. Napatingin ako sa kawalan habang naiiling.
"Shut up! You're just ruining my day again." Saka pabalang na tumayo para lumipat ng pwesto.
Pero arggh! Nanggigigil sa inis na napahawak ako sa sintido ko.
Bakit siya na naman?!
"You can't just escape from me, Chris. I will always follow you even in the darkness." Saka muling naupo sa may harapan ko. "Waiter can I have my menu please!" Baling nito sa dumaang waiter dahilan para mapansin siya nito. Napakunot noo rin siya habang nakatingin sa paparating na waiter para ibigay ang hiling niya.
May pigil ngiti na sumipil sa mga labi ko dahil sa naging itsura niya.
Damn, why is she so cute in that way? Para siyang bata na nagproprotesta dahil hindi pa naibibigay ang gusto niya. Ngunit agad ko iyong itinago nang muling humarap ito sa akin.
Wait, did I say she's cute? That's so gross!
"What do you want?" Walang kagana ganang tanong ko rito.
"Excuse me?" Tanong nito na para bang hindi nakuha ang ibig kong sabihin.
"What do you want from me?" Pag-ulit ko para mas maging klaro sa kanya. Saglit itong napaisip, napahawak sa may baba at kunwaring nag-iisip.
"What if I tell you that I really want your full attention. I want you to show me your smile, your kindness. I want you to talk to me when I talk to you, and what if I tell you that I like you." Dire-diretsong sabi nito na para bang memorize niya ang mga sinabi.
"Will you give me all that?" Dagdag pa niya.
Saglit akong napatingin sa buong mukha niya saka napatango. "Is that be all?" I asked while smirking at her.
"Yup!" Agad na sagot nito habang tumatango tango. "Okay." Pag sang ayon ko sa sinabi niya para lang tumigil na siya.
"Fow now, let's eat our breakfast first." Musyon ko sa paparating na waiter at dalawang waitress habang bitbit ang dalawang tray na may laman na pagkain na order namin.
"We're going to somewhere after." Dagdag ko pa. Tila naman biglang na excite ang itsura niya dahil sa sinabi ko.
"Really? That would be nice!" Saka parang batang nagpapapalakpak siya sa tuwa. Naiiling nalang ako habang di ko na mapigilang ilabas na ang kanina ko pa pinipigilan na pag ngiti.
"Yay! Napangiti na siya, I hope uhmm--
Di na niya natuloy pa ang sasabihin dahil sa sinubuan ko na siya ng steak. Para tumahimik. Ang ingay ingay niya. Grabe!
Pagkatapos naming makapagpahinga after kumain ay umalis na kami, di ko alam kung saang parte ng town na naman ako pupunta pero mas okay narin na nandiyan si Jaz, at least di ako loner.
So ngayon biglang nagbago na ang isip mo? Mas gusto mo na ang may kasama. Ani ng aking isipan.
Sort of. Sagot ko naman rito.
Iyon nga lang kailangan ko ng mas mahabang pasensya, hindi siya nagsasawa sa kasasalita. Parang walang kapaguran yung bibig 'nya.
Nagulat ako at naputol ang pag iisip ko nang bigla ako nitong hilain sa aking braso.
"Picture mo'ko Chris daliiii!!" Sabay abot sakin ng hawak nitong camera at tumakbo sa may unahan. Nasa may boulevard kami ngayon, mataas na ang sikat ng araw ngunit hindi pa naman ito masakit sa balat. I took one picture of her atsaka lumapit at ibinalik na ang camera nito sa kanya.
Napasimangot siya atsaka nagpout. "Damn it. Don't do that." Magkasalubong ang kilay na saway ko sa kanya. Hays, bakit ba ang cute cute niya sa kahit anong paraan? Tss. Never mind.
"Gusto ko lang naman ng picture eh." Malungkot na sabi nito. Napakamot ako sa ulo ko. Para siyang bata. "Sige na. Isa pa please?" Nagpacute pa. Pinitik ko naman siya sa noo. "Awww. That's hurt. Walangya ka talaga!" Saka hinimas yung parte ng noo niya na pinitik ko.
"That won't work." Tamad na tamad akong naupo sa isang pahabang upuan na nandoon.
Tinignan lang ako nito ng masama atsaka padabog na umalis mula sa harapan ko at lumapit sa isang foreigner na nandoon na katulad niyang kumukuha rin ng pictures.
Pinagmamasdan ko siya mula rito sa inuupuan ko, may ibinulong sa kanya ang foreigner at para bang ikinatuwa niya iyon dahilan para matawa siya ng malakas. Isang malakas na tawa ang pinakawalan nito ngunit hindi ka maiinis o magsasawang pakinggan ang boses niya. At huli na nang mapansin kong nakangiti na pala ako ng hindi ko namamalayan habang nakatingin sa kanya.
"Ehem." Patikhim ako sa aking sarili atsaka mabilis na inalis ang aking mga mata mula sa kanila. Ilang sandali pa silang nag usap, bago ito bumalik sa inuupuan ko habang nakangiti ng nakakaloko.
"What?" tanong ko rito habang naka poker face. Ngunit mas lalo pang naging mapang asar ang naging itsura niya.
"Siguro kung nakakatunaw lang yang mga titig mo kanina pa ako naglaho." Napatayo ako dahil sa sinabi nito ngunit mabilis ako nitong nahawakan sa magkabilang balikat dahilan para mapaupong muli ako.
"Crush mo na ako 'no?" Atsaka ito ngumiti sa akin, iyong ngiti na niyang hindi mapang asar, hindi rin nakakaloko. Isang ngiting dahilan para mapaiwas ako ng tingin mula sa kanyang mukha.
"Pinagsasabi mo? You wish!" At tuluyan na nga akong tumayo at mabilis rin na umalis na sa kanyang harapan. Feeling ko kasi umiinit at namumula na ang mga tenga ko.
Pinagsasabi ba kasi niya? Tss.
But shit. She caught me. Buong akala ko kasi hindi niya iyon mapapansin since nakikipagkwentuhan siya sa labanos na kanong yun. Narinig ko pa siyang tatawa tawa habang papalayo ako mula sa kanya.
That girl. Hays!
Now playing: Here's Your Perfect by Jamie Miller Chris Three years. It's been three years magmula nang may marinig ako na huling balita kay Jazmine, dahil sa tatlong taon na iyon ay kusa ko nang pinutol ang lahat ng ugnayan na meron ako sa kanyang pamilya at mga kaibigan. Nagpapasalamat ako sa mga kamag anak ko at mga kaibigan, dahil iniiwasan talaga nila at hindi binabanggit ang pangalan nito sa harap ko. Inaamin kong nakatulong ang kanilang mga ginawa sa pag-momove forward ko. Isa sila sa malaking tulong sa hakbang ng pagkalimot ko sa malalim pagmamahal ko para kay Jazmine. Hindi ko akalain na makakayanan ko rin palang gawin ang bagay na akala ko noon ay hindi ko kaya, ang mag-move on. Pero kahit yata anong pilit kong gawin ay nakatatak na si Jazmine sa akin. Habambuhay ko nang dadalhin ang mga alaala nitong naiwan sa akin
Jazmine Ganoon nga yata talaga ang mundo, hindi lahat ng mga nangyayari sa mga pelikula at teleserye ay mangyayari rin sa totoong buhay. Madalas binubulag lamang tayo ng mga nakikita natin, kaya akala natin eh pati sa ating mga sarili eh mangyayari rin ito. Sabi nga nila, kayang maalala ng puso ang hindi kayang maalala ng isipan. Marahil tama sila sa kasabihang iyon, na anumang hindi kayang maabot ng ating isipan, eh kayang-kaya ng ating mga puso. Katulad na lamang nang kung paano maalala ng aking puso ang pagmamahal na meron ako para kay Chris. Katulad na lamang nang pag-alala ng aking puso, kahit na hindi ito natatandaan ng aking isipan, at kahit na ilang beses ko pang ipilit na alalahanin ay hindi ko na talaga magawa pang maibalik ang lahat ng aming mga alaala. Alam kong may dahilan ang lahat. Alam kong hindi namin parehong ginus
***This POV will explain what really happened behind Chris' POV*** Third Person POV Ang pagkukunwari na iyon ni Chris ay binigyan niya pa ng katotohanan nang sinimulan nitong yayain si Jazmine sa mga adventure sa isla. Iyong tila ba para silang bumabalik sa pagiging bata na dapat ay masaya lamang. Araw-araw silang magkasama, kahit saan sila magpunta ay palaging nakabuntot sa kanila ang bawat isa. Hindi nito pinababayaan ang dalaga at mas lalong hindi niya inaalis sa kanyang paningin. Hindi naging madali para kay Chris ang araw-araw, dahil sa halip na makalimot na siya at unti-unti nang maka move forward, ay mas lalong nahuhulog pa siya sa dalaga. Mas lalong lumalalim pa ang kanyang nadamara. Alam naman niya na isa rin ito sa kanyang kagustuhan kaya niya hinahayaan na mangyari. Pero ano bang magagawa niya? Parang hulog ng langit ang ibinigay sa kanya na pagkakataon
***This POV will explain what really happened behind Chris' POV*** Third Person POV *Flashbacks* Ang totoo, hindi natin kayang labanan ang mundo. Kung malupit ito, ay malupit ito at hinding-hindi ka sasantuhin. Mapaglaro ito, at pilit na ipagkakait sa atin ang mga bagay na gusto natin. Hindi palagi ay hahayaan tayong maging masaya, na maging malaya kasama ang tao na gusto talaga nating mahalin at makasama. Iyong tipo na pilit mo nang inilalayo ang sarili mo sa isang sitwasyon na alam mong mahihirapan kang tanggapin, at masasaktan ka lamang lalo, pero paulit-ulit ka paring ilalapit nito sa bagay na alam mong--- maaari na muling ikawasak ng iyong puso. Alam kasi nito kung ano ang kahinaan mo. Alam nito, kung saan tayo dapat na matututo. At hindi natin alam, walang makapagsasabi kung anong kapalaran ang mga naghihintay sa atin
JazmineHindi nagtagal noong makaalis si Chris ay dumating na rin si David. Agad na nagtaka ito kung bakit parang namamaga ang mga mata ko at kung bakit tila raw katatapos ko lamang sa pag-iyak.Napailing lamang ako at sinabing napuwing lamang kanina noong nasa may garden ako. Mabuti na lang at hindi na siya nagtanong pang muli pagkatapos.Hanggang sa nahiga na lamang kami nang magkatalikuran dahil patuloy pa rin akong binabagabag ng mga sinabi at ipinagtapat sa akin ni Chris. Hindi ko alam kung totoo ba ang lahat ng iyon. Dahil kahit konti, wala akong maalala, wala akong matandaan.Noon naman naalala ko ang camera na ibinigay nito sa akin.Maingat na gumalaw ako at bumangon mula sa higaan. Kinuha ko ang camera mula sa drawer na aking pinaglagyan. Dahan-dahan din ang mga hakbang na binuksan ko ang pintuan ng kwarto upang hindi makagawa ng anumang ingay, para na rin hindi ko magis
Jazmine"Chris!"Kahit na kinakabahan ay pinilit ko pa rin na ihakbang ang aking mga paa palapit sa kanya.Kasabay ng mga hakbang ko palapit rito ang malakas din na pagkabog ng dibdib ko.Hindi ko maintindihan ang aking sarili. Ang tanging alam ko lamang ay masaya ako na makita siyang muli, sa hindi inaasahan na pagkakataon."Ang daya mo. Na-miss kita!" Sabi ko sa kanya noong tuluyan akong huminto sa kanyang harapan at pagkatapos ay hindi nagdalawang isip na niyakap siya."You missed me." Malamig ang boses na sabi nito.Napatango ako."Oo naman!" Sagot ko sa kanya. "Hindi ka man lang pumunta sa o nagpakita sa kasal ko." Pagkatapos ay napanguso ako at kunwaring nagtatampo. "Ang daya mo!"Ngunit sa halip na sagutin ako ay isang malutong na tawa ang pinakawalan ni Chris dahilan upang matigilan ako. I