Chris
Panay lamang ang pag ngiti ni Jazmine sa mga taong dumadaan sa may table na kinauupuan namin. Ni hindi man lamang ako tinitignan o tinatapunan ng kahit ilang sulyap man lamang.
Mukhang nainis ko yata talaga ito ng sobra kanina. Ang sarap niya kasing asarin. Nakakagaan sa feeling. Nabaling ang tingin nito sakin dahil sa waitress na kanina pa daan ng daan sa aming harapan atsaka nagpapapansin sakin.
Ngumiti ako na para bang nagpapacute kay Jazmine. Sinadya ko talaga na hindi pansinin 'yung babae, ngunit isang mapakla na ngiti lamang ang iginawad nito sa akin bago napatirik ang kanyang mga mata.
"Ahem!" Pigil ang aking ngiti na napatikhim ako nang muli nitong ibinaling ang kanyang mga mata sa ibang direksyon.
Lumapit ako ng konti sa kanya, sakto lang para marinig nito ang boses ko.
"Are you jealous?" I teased her. Awtomatiko naman at mabilis pa sa alas kwatro na muli itong napatingin saking mukha habang magkasalubong ang mga kilay. Hindi ko tuloy mapigilan ang hindi mapangiti ng malawak. As in, malawak na malawak.
Kaso anak ng! Inirapan lang ako.
"Hmm...so you're jealous. I know, I know---"
"Hindi ako nagseselos!" Putol nito sakin saka ako pinaningkitan ng mga mata.
"Really?" Tuyo ko pa saka ngumiti ng mas nakakaloko.
Napailing na lamang ito na para bang hindi makapaniwala sa mga sinasabi ko at padamog na tumayo, sabay dampot ng cellphone nitong nakapatong sa ibabaw ng lamesa at mabilis na lumabas na ng resto.
"Teka lang, teka lang. Sandali naman, nagmamadali ka ba?" Tanong ko kahit na obvious naman na ang dahilan. Sabay hablot ko sa braso nito nang makalabas na kami ng resto.
Agad ko kasi itong sinundan. Hindi ko siya pwedeng basta na lamang pabayaan kaya malamang sa malamang eh susundan ko talaga siya. Mamaya mapahamak pa. Konsensya ko pa.
Agad naman nitong binawi ang kanyang braso mula sa pagkakahawak ko.
"Seriously? Nagtanong ka pa talaga?!" Pagtataray nito saka napahalukipkip sa aking harapan.
Bakit ba ang sungit niya yata ngayon? Tanong ko sa aking sarili.
Nangingiti na lamang ako sa loob loob ko. "Wag kang ngumiti riyan! Nakikita ko 'yang mga mata mo!" At dinuro pa ako nito. Naiiling nalang ako sa kasungitan ngayon ng babaeng ito. Hanep!
"Alright. I'm sorry okay?" I mean it. Alam ko kasing inis na inis na talaga siya. "I'm sorry, if I pissed you off." Saka malamlam na ngumiti ako sa kanya.
Sana umeffect. Sabi ko sa loob ko.
At mukhang umeffect naman dahil nahuli ko siyang napangiti kaya mas napangiti narin ako. Ang sarap sarap niya talagang titigan, hindi nakakasawa, the way she talks, her smile, her sweet voice, the way she laughs, her actions, her eyes...her lips..damn dude! She's perfect.
Ang swerte ng lalaking pakakasalan niya. 'Yung lalaking makakasama nito hanggang sa pagtanda. Lalaking---
"Hoy! Nakikinig ka ba?" Naputol ang pag dadaydream ko ng iniwagayway nito ang mga kamay sa harap ko.
Mapapatulala ka nalang kasi sa angkin nitong kagandahan. May minsan pang iniisip ko kung tao pa ba 'to o hindi eh. Ano kayang pinaglihi ng nanay niya noong pinagbubuntis pa lamang siya?
Hays, naiisip ko pa ba talaga yun? Mapaklang napaismid ako sa aking sarili.
Medyo nahihiyang napakamot ako sa aking batok habang dismayado naman iiling-iling itong naka tingin sa sakin.
"May sinasabi ka ba?" Maang na tanong ko rito pagkuwan.
"Gwapo nga bingi naman!" Muling himutok nito saka ako iniwanang nakatayo sa labas ng resto. Syempre malamang sa malamang susundan ko siyang muli. At lihim akong napapangiti, wag niyo na akong tanungin hindi ko rin alam kung bakit.
"Nakatulala ka diyan? May problema ba?" Pansin nito dahil kanina pa ako tahimik at nakatulala sa kawalan. "Share naman diyan!" Magiliw na pangungulit pa niya sabay tapik sa kaliwang braso ko.
Malamlam ang mga matang tumingin ako sa kanya at muli ay tinitigan na naman siya sa kanyang napakaamong mukha.
"Nagmahal ka na ba?" Sa 'di sinasadya ay bigla na lamang lumabas ang mga katagang iyon sa aking labi. Parang nabigla ko yata ito sa biglang itinanong ko dahil sa pagkunot ng kanyang noo.
"Kung oo, masaya ka ba? Naging masaya ka ba?" Dagdag ko pa. Noon naman ay awtomatikong napaiwas ito ng tingin mula sakin.
Muli, ay dismayadong napa face palm ako. Anong katangahan ba tong pinagsasabi mo, Chris? Suway ko sa aking sarili.
"Hmm, a-ayos lang naman kung---"
"Bakit mo naitanong?" Putol nito sakin. Medyo may panunuksong tinignan ako nito sa aking mukha. "O baka naman...in love kana sakin kaya mo naitatanong 'yan ngayon? Yiieee, aminin." Tuyo pa nito sakin.
'Di makapaniwala namang napatingin ako sa kanya ng nakakunot ang noo.
"Tss. You wish!" Pang aasar ko rin sa kanya.
Kung gaano ka giliw ang itsura nito kanina, ganoon din kabilis na nagbago ang mood nito at tila ba biglang may malaking problema na dinadala.
"Aminin mo nga sakin, bakit ka ba nandito?" May pagkaseryoso ang boses nito kaya naman napalunok ako. Saglit ko siyang tinapunan ng tingin ngunit binawi ko rin kaagad dahil baka mahuli niya akong nakatingin sa kanya.
May pagka assuming pa naman 'to! Sabi ng inner self ko.
Nanatili lamang akong tahimik habang hinihintay ang mga susunod na sasabihin nito. "Ako kasi, may gustong hanapin." Natigilan ako sandali sa aking narinig.
"H-Hanapin? At ano naman 'yun?" Walang emosyon na tanong ko rito. "Anong feeling mo dito sa Coron, hanapan ng ginto? Ng nawawalang bagay?" Dagdag na pang-aasar ko pa. Pansin ko kasing nagiging tense na ang aming paligid. Hindi pa naman ako sanay ng ganito. Ang corny kasi.
Ang buong akala ko ay mababago ko ang mood nito o kung hindi naman ay kahit konting supil ng ngiti ay mayroon akong makikita sa kanyang labi, ngunit nagkamali ako. Mas lalong sumeryoso ang itsura niya atsaka...what the fuck! Bigla ba namang umiyak.
"Gusto ko lang naman hanapin ang sarili ko. Takasan sandali ang buhay na meron ako. Huminga at magbakasakaling..." Bigla itong napahinto.
"M-magbakasakaling?" Curious na tanong ko rito nang nakakunot ang noo.
"W-wala." Tipid na sagot nito at mas lalo pang naiyak. Oh my gulay! Natataranta namang lumapit ako rito at hinawakan siya sa balikat.
"T-t-teka, wag ka ngang umiyak diyan. Baka isipin pa ng mga tao pinapaiyak kita. Ano bang gusto mo? Gusto mo bang kumain? May gusto ka bang puntahan? Ano? Laro tayo? Gusto m--"
"Aray! Ang sakit 'non ha!!" Pikon na tanong ko rito saka kakamot kamot sa ulo kong nabatukan niya. Ako na nga 'tong concern ako. Argh!
"Para ka kasing tanga! Anong laro? Ano ako bata? Siraulo!" At saka ito tuluyan nang muling natawa habang nagpupunas ng kanyang sariling luha. At last, kahit naman nabatukan ako napatawa ko naman siya.
Priceless! Ngiti ngiting sabi ko sa sarili ko. Hays, ang sakit talaga sa may bandang binatukan niya. Kung 'di lang 'to babae.
"Lika na nga. Bili mo nalang ako non! Daliiiii!!" At parang batang nagtatalon talon siya habang tumatakbo papunta sa itinuro niya.
"Tss! Hindi raw siya bata!" Dadabog dabog akong sumunod rito.
Barbeque. Masaya na siya diyan? Hayaan na nga.
Habang tumatagal mas lalo ko pang nakikilala si Jazmine. Alam kong hindi mo lubos masasabing kilala mo na ang isang tao sa loob ng iilang araw palang na samahan ninyo. Pero sa maikling panahon na iyon, pwede mong makita kung gaano kaganda o kabuti ang kalooban ng isang tao.
Parang 'yung babaeng tinitignan ko ngayon, sing ganda ng panlabas na anyo nito ang kanyang kalooban. At isa pa, sobrang napaka inosente...
Bigla tuloy akong napaisip. Dahil ang mga klase ng mga ganitong babae ay hindi lang basta dapat iniingatan, kundi nakakatakot silang saktan.
Napabuntong hininga na naman ako habang naiiling. Dahil basta na lamang mayroong pumasok sa isipan ko. Sa mga sandaling ito ay iisang tao lang naman ang nasa isip ko at 'twing naaalala ko siya, gustong-gusto ko siyang ikulong sa mga bisig ko.
Mabilis na napaiwas ako ng tingin mula kay Jazmine noong bigla itong napalingon sa akin. Hindi ko alam pero, madalas na yata akong napapatitig sa kanya? Weird.
Hindi ko alam kung bakit kami pinagtagpo sa islang ito. Pero ngayon nagiging malinaw na. At inaamin kong nakakatulong siya. Well, thanks to her.
Now playing: Here's Your Perfect by Jamie Miller Chris Three years. It's been three years magmula nang may marinig ako na huling balita kay Jazmine, dahil sa tatlong taon na iyon ay kusa ko nang pinutol ang lahat ng ugnayan na meron ako sa kanyang pamilya at mga kaibigan. Nagpapasalamat ako sa mga kamag anak ko at mga kaibigan, dahil iniiwasan talaga nila at hindi binabanggit ang pangalan nito sa harap ko. Inaamin kong nakatulong ang kanilang mga ginawa sa pag-momove forward ko. Isa sila sa malaking tulong sa hakbang ng pagkalimot ko sa malalim pagmamahal ko para kay Jazmine. Hindi ko akalain na makakayanan ko rin palang gawin ang bagay na akala ko noon ay hindi ko kaya, ang mag-move on. Pero kahit yata anong pilit kong gawin ay nakatatak na si Jazmine sa akin. Habambuhay ko nang dadalhin ang mga alaala nitong naiwan sa akin
Jazmine Ganoon nga yata talaga ang mundo, hindi lahat ng mga nangyayari sa mga pelikula at teleserye ay mangyayari rin sa totoong buhay. Madalas binubulag lamang tayo ng mga nakikita natin, kaya akala natin eh pati sa ating mga sarili eh mangyayari rin ito. Sabi nga nila, kayang maalala ng puso ang hindi kayang maalala ng isipan. Marahil tama sila sa kasabihang iyon, na anumang hindi kayang maabot ng ating isipan, eh kayang-kaya ng ating mga puso. Katulad na lamang nang kung paano maalala ng aking puso ang pagmamahal na meron ako para kay Chris. Katulad na lamang nang pag-alala ng aking puso, kahit na hindi ito natatandaan ng aking isipan, at kahit na ilang beses ko pang ipilit na alalahanin ay hindi ko na talaga magawa pang maibalik ang lahat ng aming mga alaala. Alam kong may dahilan ang lahat. Alam kong hindi namin parehong ginus
***This POV will explain what really happened behind Chris' POV*** Third Person POV Ang pagkukunwari na iyon ni Chris ay binigyan niya pa ng katotohanan nang sinimulan nitong yayain si Jazmine sa mga adventure sa isla. Iyong tila ba para silang bumabalik sa pagiging bata na dapat ay masaya lamang. Araw-araw silang magkasama, kahit saan sila magpunta ay palaging nakabuntot sa kanila ang bawat isa. Hindi nito pinababayaan ang dalaga at mas lalong hindi niya inaalis sa kanyang paningin. Hindi naging madali para kay Chris ang araw-araw, dahil sa halip na makalimot na siya at unti-unti nang maka move forward, ay mas lalong nahuhulog pa siya sa dalaga. Mas lalong lumalalim pa ang kanyang nadamara. Alam naman niya na isa rin ito sa kanyang kagustuhan kaya niya hinahayaan na mangyari. Pero ano bang magagawa niya? Parang hulog ng langit ang ibinigay sa kanya na pagkakataon
***This POV will explain what really happened behind Chris' POV*** Third Person POV *Flashbacks* Ang totoo, hindi natin kayang labanan ang mundo. Kung malupit ito, ay malupit ito at hinding-hindi ka sasantuhin. Mapaglaro ito, at pilit na ipagkakait sa atin ang mga bagay na gusto natin. Hindi palagi ay hahayaan tayong maging masaya, na maging malaya kasama ang tao na gusto talaga nating mahalin at makasama. Iyong tipo na pilit mo nang inilalayo ang sarili mo sa isang sitwasyon na alam mong mahihirapan kang tanggapin, at masasaktan ka lamang lalo, pero paulit-ulit ka paring ilalapit nito sa bagay na alam mong--- maaari na muling ikawasak ng iyong puso. Alam kasi nito kung ano ang kahinaan mo. Alam nito, kung saan tayo dapat na matututo. At hindi natin alam, walang makapagsasabi kung anong kapalaran ang mga naghihintay sa atin
JazmineHindi nagtagal noong makaalis si Chris ay dumating na rin si David. Agad na nagtaka ito kung bakit parang namamaga ang mga mata ko at kung bakit tila raw katatapos ko lamang sa pag-iyak.Napailing lamang ako at sinabing napuwing lamang kanina noong nasa may garden ako. Mabuti na lang at hindi na siya nagtanong pang muli pagkatapos.Hanggang sa nahiga na lamang kami nang magkatalikuran dahil patuloy pa rin akong binabagabag ng mga sinabi at ipinagtapat sa akin ni Chris. Hindi ko alam kung totoo ba ang lahat ng iyon. Dahil kahit konti, wala akong maalala, wala akong matandaan.Noon naman naalala ko ang camera na ibinigay nito sa akin.Maingat na gumalaw ako at bumangon mula sa higaan. Kinuha ko ang camera mula sa drawer na aking pinaglagyan. Dahan-dahan din ang mga hakbang na binuksan ko ang pintuan ng kwarto upang hindi makagawa ng anumang ingay, para na rin hindi ko magis
Jazmine"Chris!"Kahit na kinakabahan ay pinilit ko pa rin na ihakbang ang aking mga paa palapit sa kanya.Kasabay ng mga hakbang ko palapit rito ang malakas din na pagkabog ng dibdib ko.Hindi ko maintindihan ang aking sarili. Ang tanging alam ko lamang ay masaya ako na makita siyang muli, sa hindi inaasahan na pagkakataon."Ang daya mo. Na-miss kita!" Sabi ko sa kanya noong tuluyan akong huminto sa kanyang harapan at pagkatapos ay hindi nagdalawang isip na niyakap siya."You missed me." Malamig ang boses na sabi nito.Napatango ako."Oo naman!" Sagot ko sa kanya. "Hindi ka man lang pumunta sa o nagpakita sa kasal ko." Pagkatapos ay napanguso ako at kunwaring nagtatampo. "Ang daya mo!"Ngunit sa halip na sagutin ako ay isang malutong na tawa ang pinakawalan ni Chris dahilan upang matigilan ako. I