Papasok na si Naila sa entrance ng pinagtatrabauhan niya ng mapansin niya ang teenager na lalaki na tumatakbo na dinaanan siya. Napansin niya ang takot sa mga mata nito. Pagkatapos ay narinig niya ang boses ng isang lalaki,
“If I caught you, you’re a dead meat.”
Galit na pagbabanta ng lalaki. In all fairness, maganda ang boses nito. Lalaking-lalaki!
Sa sobrang bilis nitong tumakbo ay hindi na niya nakita ang mukha nito. She noticed how broad his shoulders are. It matches his masculine voice with that nice accent. Sa tagal ng pagtitig niya sa likod nito ay hindi agad nag-sink in sa kanya na hawak na ng lalaki ang damit ng teenager na lalaki.
Nakita niya ang panginginig ng teenager at mukhang maiiyak na ito. At sa tingin niya ay nagmamakaawa ito sa lalaki. Nakita na din niya ang pag-abot nito sa cellphone na maaaring ini-snatch nito kaya ito hinabol.
Naawa siya sa teenager. Siguro ay wala ng makain ito kaya nito nagawa iyon pero alam naman niyang hindi tama na magnakaw ito para makakain.
Awtomatikong gumalaw ang mga paa niya ng makita niya na itinaas ng lalaki ang kamao nito na parang susuntukin ang teenager. “Stop right there—” galit na sigaw niya. Masama ang ginawa ng teenager pero hindi tamang saktan ito atsaka bata lang ang bubugbugin nito.
Marahas ang paglingon na ginawa nito sa kanya. “And who are you to tell me that?” Pero biglang huminahon ang itsura nito ng pagmasdan ang mukha niya. Parang na-amuse ito.
Nagulat siya dahil hindi naman mukhang foreigner ito. Mukha itong Filipino na lumaki sa ibang bansa at nagkaroon ng accent. “I—I just want to…” She felt like there are falling petals beside this man and she lose her consciousness when their eyes met. Hindi niya inexpect na ganoon kagwapo ito. And the way he looked at her. Wala pang lalaking tumitig sa kanya ng ganoon. Paghanga ba iyon? Kung iyon man ay hindi siya sigurado basta uminit ang mga pisngi niya.
“Ang sabi ko sino ka para sabihin sa akin iyan?” He asked with an angry tone. Pero di niya makita sa mga mata nito na galit ito. Para pa ngang nagkukunwari lang na galit para i-tease siya.
Or it was just her imagination?
Siya naman ay parang biglang nagising. Nakakapagtagalog naman pala ito ay bakit paenglish-english pa ito sa Pilipinas. Sumakit tuloy ang ulo niya. “Sabihin na nating mali ang ginawa niya sa iyo pero hindi tamang suntukin mo siya. Hindi mo ba nakikita? Bata itong pinapatulan mo. Mahiya ka naman.”
Binitiwan nito ang teenager. “So ako na ang ninakawan ay ako pa ang mahihiya?” Sumeryoso ang itsura nito na parang hindi nagustuhan ang sinabi niya. “Is that what you mean? So, we should tolerate his wrongdoings just because he was a minor? Hindi mo ba naisip na lalo niyang ipagpapatuloy ang maling gawain niya dahil ipinagtatanggol mo siya?”
“Hindi naman sa ganoon. Ang sa akin lang ay huwag naman nating idaan sa ganyang paraan. Pwede mo naman siyang pagsabihan o ireport sa pulis. Pero huwag mo siyang sasaktan. Hindi mo alam ang pinagdadaanan niya. Hindi mo alam kung bakit kailangan niyang gawin ito.” She suddenly found herself on the snatcher’s shoes. Alam niya ang pakiramdam ng walang-wala. Iyong point na kailangang-kailangan mo ng pera pero wala kang makuhanan. Iyong may trabaho ka at nagsusweldo pero hindi pa din sapat kaya kakailanganin mo ng part time job na sobrang mahirap maghanap dahil halos lahat ng kumpanya ay full-time employee ang gusto.
Something pricked her heart when she thought about her present life and how hard it is. “May mga pagkakataon na kahit alam mong mali ay gagawin mo pa rin d-dahil w-wala kang choice.” Maiiyak ba siya? “Because poor people like us are always left with no choice. Hindi katulad ninyong mayayaman na palaging may choices.” She inhaled and exhaled. Dahil bumigat ang dibdib niya. Pakiramdam niya ay hindi ang bata ang ipinagtatanggol niya kundi ang sarili niya.
Maybe because she knew what it feels like to have nothing and do things you don’t really mean.
Nawala ang galit na ekspresiyon nito.
“Bakit mo ginawa ito? Alam mo naman na masama ito, hindi ba?” tanong niya sa teenager.
Tumango ito. “Hindi ko po sinasadya, ate. Gutom na gutom na po kami ng kapatid ko. Namalimos na po ako kung kani-kanino pero hindi po ako binibigyan. Ito na lang po ang naisip kong paraan. Patawad po.”
Mabilis na pinahid niya ang luhang tumulo sa kanyang mga mata. Ganoon siya kaemosyonal. “Bibilhan ka ni ate ng pagkain, ha. Huwag ka ng mag-alala.” Gusto yata niyang bawiin ang sinabi niya. Nasa five hundred pesos na lang kasi ang pera niya at isang linggo pa bago ang sweldo. Kung babawasan niya iyon ay hindi siya magsu-survive.
Sabay silang napatingin ng bata sa cellphone na nasa tapat na ng mukha ng teenager na lalaki. Iphone 16 pro max iyon. Iyon iyong cellphone na ini-snatch nito.
“Ano iyan?” tanong niya sa lalaki.
“Cellphone,” sagot nito.
Nang-iinis ba ito? “Alam ko. Anong ibig sabihin niyan? Binibigay mo sa kanya iyan? Ganoon ba?” Nang-iinsulto ba ito? Gusto pa nga nitong suntukin ang lalaki dahil sa cellphone na iyon tapos ay ibibigay na nito iyon ngayon?
“Yes,”
“Huh?” napanga-nga siya. Seryoso ba ito? E iyon iyong pinakalatest ng Apple e at kulang-kulang na sa isang daang libong piso iyon tapos ay ibibigay lang nito?
Hindi siya na-a-amaze sa mga mahal na bagay o nangangarap na magkaroon ng ganoon. Pero madalas na a-amaze siya sa presyo ng mga iyon.
“I’m serious.” Sabi pa nito.
Mukha ngang seryoso ito. Mukhang nakonsensiya ito sa mga sinabi niya.
“I’m sorry for punching away my frustration, kid. I just felt like how dare you mess with me.”
Lalo yatang lumuwag ang pagkakabuka ng bibig niya. So, natapakan lang ang pride nito kaya ito nagalit ng ganoon at hindi dahil mahal ang cellphone na iyon at nanghihinayang ito.
Kungsabagay, mukha namang mayaman ito kaya di kataka-takang ipamigay nito ang cellphone na iyon.
“Sell it to whomever and buy foods for your sibling.”
“Huwag na. Itago mo na lang iyan. Hindi rin naman niya alam ang halaga niyan at baka isipin pa ng pagbebentahan niya na ninakaw niya yan.” Hinawakan niya ang kamay ng teenager. “Halika. Ibibili kita ng pagkain doon.” Itinuro niya ang malapit na tindahan.
“Wait. Sasama ako—” Biglang tumunog ang cellphone nito. Sinagot nito iyon. Base sa pagsagot nito ay mukhang kailangan na ang presensiya nito ng kung sino man iyon. “I’m sorry. I need to go.” Tinignan nito ang teenager. “Pumunta ka dito ng ganitong oras bukas. May ibibigay ako sa iyo at para sa kapatid mo.”
Tumango ang teenager.
“Good,” ngumiti ito at pagkatapos ay tumingin sa kanya. “I’m sorry for acting that way. I’m Ashton. It was nice to meet such a gorgeous woman like you.”
Abot yata hanggang tenga ang ngiti nito na nagpakaba at nagpataba ng puso niya at imbes na sa sikat ng araw siya napapaso ay bakit sa titig na iyon? “O-Okey lang,” and for the first time in her life, ngayon lang siya nabulol dahil sa bola ng isang lalaki. May mga lalaking nagkagusto sa kanya o nagpaparamdam at sinabihan ng kung ano-ano pero wala ni isa sa mga iyon ang nagkaroon ng impact sa kanya.
Is it because of his accent? It sounds expensive.
Tumango ito. “Hope to see you here tomorrow. What is your name—Okay, okay, dad… I’m on my way there.” Tumingin muna ito sa kanya at ngumiti bago napilitang tumakbo palayo.
She saw that broad shoulder again, running away. May pagkakataon na lumilingon ito sa kinatatayuan nila. Dalawa o tatlong beses yata iyon. And he was smiling between those stares. And every time he does, she just couldn’t look away. She liked the feeling of being stared by those pair of brown eyes.
“Ate, ang sabi mo kakain tayo?”
“I won’t take much of your time. I’m Shania and I’m Ashton’s fiancé. Our wedding will be soon but—” Parang estatwa si Naila na nakikinig lang kay Shania. Nandoon siya sa sasakyan nito. Nasa driver seat ito at siya naman ay nasa passenger seat. Shania’s posture is full of authority, and she doesn’t want to be in a one frame with her. Tumitingkad masyado ang ganda nito at naninigaw ang salitang wealth sa awra nito.Heto na naman siya, feeling insecure dito. Lahat ng bagay na meron ito ay wala siya. Nanliliit siya na makatabi ito. Mabigat na nga ang pakiramdam niya ng wala ito, noong hindi niya nakikita ito at mas lalo pang bumigat iyon ng dumating ito. Para bang ipinagsisigawan ng mother earth na failure siya, worthless, burden… dahil kahit anong sikap niya o kahit anong paraan ang gawin niya ay hindi nag wo-work. Mapapahamak ang pamilya niya at wala siyang maitulong para maiwasan iyon. To think that she had already done everything. Iyon ay kung talagang na
“Babe, I want to see you. I will pick you up.” Basa ni Naila sa message na iyon ni Ashton. Nag reply siya at sinabing busy siya at sa susunod na lang sila magkita. Masakit para sa kanya na sabihin iyon pero iyon na ang dapat niyang gawin. Hindi na pagmamahal ang kailangan niya ngayon kundi pera. Hindi niya minamahal si Ashton dahil sa pera nito kaya hinding-hindi niya lalapitan ito. Hindi niya gagamitin ito. I’m sorry, Naila. Can we meet next week? I just got a family emergency. Basa niya sa message na galing kay Ivan. Kinailangan daw nitong umalis para puntahan ang pamilya nito na nasa ibang bansa. Pakiramdam niya ay gumuho ang pader ng bahay nila at tinambunan siya. Madilim na ang buong paligid at ganoon din ang pakiramdam niya at ang hinaharap nila. Alam niyang tuluyan na silang ipapahiya ng mga taong iyon. May gagawing masama ang mga ito sa kanila at kung ano iyon ay hindi niya alam pero ang sigurado siya na hinding-hindi nila magugustuhan i
Sa wakas ay nakalabas na ng ospital ang lola ni Naila. Okey na daw ito kaya lang ay importanteng mainom nito ang mga bagong gamot na inireseta ng doctor dito bukod pa syempre sa mga gamot na dati na nitong iniinom. Malalim siyang napabuntong-hininga. Isa-isa niyang tinignan ang pamilya niya. Lahat sila ay may takot sa mga mata dahil sa nangyari. Nalaman na din ng mga kapatid niya ang malaking utang ng kanyang mama. Pero isinekreto nila iyon sa lola nila dahil bawal ng mag-alala ito at siguradong mago-overthink ito kung sasabihin pa nila ang tungkol doon. Ang sinabi na lang nila ay mga scammer ang mga iyon at inireport na nila ang mga ito sa pulis para hindi na mag-alala ito. Mabuti na lang at wala ang tatay niya kundi ay mag-aalala din ito. Kasalanan niya ang nangyari. Kung hindi sana siya nagpabaya at naghanap ng pera ay hindi mangyayari iyon. Kung hindi sana niya inuuna ang sarili ay hindi mangyayari iyon. Nakatanggap din siya ng text message sa mga ito
Masayang umuwi si Naila sa kanila. Masaya siya dahil naging maayos ang pag-uusap nila ni Ivan. Iyong kailangan naman niyang harapin ngayon ay ang pinagkakautangan nila. Hindi niya alam kung pakikinggan siya pero siguro naman ay magagawan o mapag-uusapan nila ng maayos ang tungkol sa utang ng mama niya. Sana! Mahinang panalangin niya. Pag-uwi niya ng bahay ay nagulat siya ng makita ang mga halaman ng kanyang lola nanagkasira-sira na. Para bang sinadyang sirain ang mga iyon. Ang mga paso ay nagkabasag-basag na. Nasira ang mga bulaklak na inaalagaan nito. Anong nangyari habang wala siya? Bakit napakatahimik din ng bahay na parang walang tao doon? Tinawag niya ang mama niya at mga kapatid pero walang sumasagot isa man sa mga ito. Nilagpasan niya ang maduming paligid at pumasok sa kanila para tignan ang pamilya niya dahil baka natutulog lang ang mga ito o kaya naman ay may pinagkakaaalahan. Pero ng makapasok siya ay wala ni isa sa pamilya niya ang nandoon.
“I will miss you, Naila.” Narinig na sabi ni Ashton kay Naila. “Syempre, mami-miss din kita.” Sabi niya dito hanggang sa tuluyan ng naputol ang pag-uusap nila. Hanggang ngayon ay hindi pa din siya makapaniwala na sa isang iglap lang ay may boyfriend na siya. Halo-halo ang nararamdaman niya. Pero ang kilig, overwhelming feeling ay nandoon pa din. She likes how everything turned out. Hindi siya makapaniwala na kaya niyang magmahal ng ganoon. Na ganoon pala kasaya na malaman na may taong nagmamahal sa iyo. Sa totoo lang ay parang ayaw na niyang mahiwalay sa tabi ni Ashton. Pero hindi pwedeng hindi siya magtrabaho ngayon. Isa pa, kailangan na niyang maging totoo kay Ivan. Hindi siya para dito at kahit anong pilit ang gawin niya. Si Ashton ang mahal niya at ayaw niyang saktan ang binata. Kakausapin niya si Ivan at tatapatin na ito. Ivan is an understanding person kaya siguradong maiintindihan siya nito. May surprise ako sa iyo pagbalik mo dito pagk
“Alexa, anong problema?” sinagot ni Naila ang tawag na iyon ni Alexa. Agad na sinagot niya iyon kahit na nasa trabaho pa siya. Hindi naman kasi tumatawag ito ng ganoon kung hindi importante. “K-Kasi,” nauutal na sagot nito. “May problema ba?” “Si Boss A-Ash kasi—” “Anong nangyari kay Ashton?” kinakabahang tanong niya. “Tumawag kasi ang daddy niya. H-Hindi ko alam anong pinag-usapan nila. Pero pakiramdaman namin h-hindi maganda ang pinag-usapan nila at galit na umalis si Sir Ashton. Nang tanungin namin siya kung saan siya pupunta ang sabi niya ay magwawalwal daw siya.” Binalot siya agad ng pag-aalala. Baka nag-away ang mag-ama. Knowing Ashton, he seemed to be like he doesn’t care pero apektado pa rin ito sa mga nangyayari ayaw lang magpahalata nito. Kung magwawalwal ito ay siguradong iinom ito. Hindi naman ito tolerant sa alak at siguradong malalasing agad ito. Baka kung ano pa ang mangyari dito. “Alam mo ba saan siya pupunta?