Share

Part 2

Author: ROXIE
last update Last Updated: 2025-06-29 16:56:05

“Bagong prospect na naman ba iyan, Naila?”

          Narinig niyang tanong ni Alexa sa kanya at sosyal na sosyal siyang nakaupo doon sa napakamahal na restaurant.

          “Medyo,” sagot niya.

          “Tawagin mo na lang ako pag oorder na kayo.”

          “Oo,” ngumiti muna sila sa isa’t-isa bago ito naging abala sa ibang customers.

          Alexa is a waitress in that expensive restaurant. Naging kaklase at naging bestfriend niya ito since highschool. Alam din nito ang lahat ng pinagdaanan niya simula noon at hanggang ngayon. Alam din nito ang kagustuhan niyang makahanap ng boyfriend. Nag-sorry nga ito sa kanya dahil wala daw itong maitulong sa kanya. And she could trust her with all her secrets.

          At oo, nandoon siya ngayon sa napakamahal na restaurant na iyon para makipag-date at hindi dahil sosyal siya.

          Yes, she was looking for a boyfriend. Hindi dahil tumatanda na siyang dalaga at kailangan na niyang mag-asawa kundi dahil kailangan niya ng napakalaking pera at paghahanap ng isang mayamang lalaki ang tinarget niya.

          Nakatapos siya ng kolehiyo dahil naging working student siya sa eskwelahang pinagtapusan niya. Madalas na wala pa siyang allowance noon. Pero dahil pursigido siyang makatapos at maiahon sa kahirapan ang pamilya niya ay nagpursigi siya hanggang sa makatapos siya.

          Akala niya ay giginhawa na ang buhay nila. Pero lalo lang yata lumaki ang obligasyon niya dahil biglang nagsiasawa ang mga babaeng kapatid niya na mas bata pa sa kanya. So ang ending napunta sa kanya ang lahat ng responsibilidad kaya madalas ay nakakapag-utang pa siya dahil nagkukulang ang budget niya. That led her to more than what she owes. Dahil sa interest palang ay lulubog at mababaon ka na.

          Nagtatrabaho siya sa magandang kumpanya pero dahil baguhan palang siya ay hindi ganoon kalaki ang sweldo niya. Pero every year naman ay nag-i-increase sila. At saka, maganda naman ang benefits kaya nag-go na siya.

Lima silang magkakapatid. Siya ang panganay at dalawang babae ang sumunod sa kanya at pareho pang nag-asawa na. Yung pang-apat ay lalaki na pinag-aaral niya para naman kahit silang dalawa lang ang may matatapos. Hindi naman ganoon kalaki ang tuition f*e nito pero yung baon lang nito araw-araw ay medyo mabigat na din. Tapos ay malalaman pa niya na bumagsak ito sa isang subject kaya di na tuluyang pumasok. Nang marinig niya iyon ay pakiramdam niya ay pinagsakluban siya ng langit at lupa. Parang nasayang ang dalawang taong pagbibigay niya ng baon at pambayad dito. Ang bunso naman ay babae at pitong taong gulang palang ito.

          Pero kahit ganoon kahirap ang buhay ay masaya siya dahil alam niyang nakakatulong siya sa pamilya at masaya sila.

Hanggang sa malaman niya isang araw na may malaking pagkakautang ang mama niya. Tinanong niya ito at kung anong nangyari at magkano ang utang nito. Nasa five hundred thousand na daw. Muntik na siyang mahimatay ng malaman iyon.

          “Ma, paano nangyari iyon?” tanong niya sa ina.

          “Hindi ko din alam.” Umiiyak na sambit nito.

          Alam niya na madalas mangutang ang mama niya pero hindi niya alam na umabot na sa ganoong halaga at naiintindihan niya kung bakit umuutang ito. Dahil nga madalas na walang trabaho ang tatay niya at nag-aaral palang siya noon kaya natukso sa pang-uutang ang kanyang mama para sa pang-araw-araw nila hanggang parang naging habit na iyon at ngayon ay humantong na talaga sa ganoong sitwasyon.

          “Inaamin ko na may mga tinulungan akong umutang dun sa nakilala ko at iyong mga tinulungan ko ay tinakbuhan ako at hindi na nagpakita. Kaya sa akin niya pinapabayad lahat. Pero wala akong mailabas na pambayad kaya ginawa niya ay tinubuan niya ng tinubuan ng interes hanggang sa lumaki ng ganoon.”

          Pero ang masaklap pala ay nagtatrabaho ang babaeng iyon sa isang loan shark company. Ang loan shark company ay isang ilegal o hindi rehistradong kumpanya ng pagpapautang na nag-aalok ng pautang na may napakataas na interes. Madalas silang gumagamit ng mapanlinlang o marahas na pamamaraan sa paniningil, tulad ng pananakot, pangha-harass, o pang-iinsulto sa mga may utang.

          Noong isang araw lang ng mahuli niya ang mama niya na may binabasang sulat habang pansin na pansin niya ang panginginig ng katawan nito. Nang tanungin niya ito ay nilukot nito iyon at sinabing wala lang iyon. Sinasadya nitong itago iyon sa kanya pero alam niyang may mali kaya agad na hinablot niya iyon at binasa. Nagulat siya ng makitang binibigyan lang daw ang mama niya ng dalawang buwan para makapagbayad. Kung hindi ay sa ibang paraan nito pagbabayaran ang mama niya.

          Hindi lang nanginig ang buo niyang katawan kundi nanlambot din ang mga paa niya. Parang mawawalan din siya ng hininga. Mabilis na niyakap niya ang ina. Isipin palang na mawawala ito ay hindi na niya kinakaya paano pa kung tototohanin ng kumpanyang iyon ang pagbabanta. Base na rin sa mga napapanood at nababalitaan niya tungkol sa mga loan shark na iyon ay hindi magdadalawang isip ang mga ito na totohanin iyon.

          Nangako siya sa kanyang ina na maghahanap sila ng paraan. Kahit na alam niya sa sarili niya na wala talaga siyang magagawa dahil siya mismo ay may mga utang din na kailangang bayaran. Nagtatrabaho ang ama niya pero hindi nila masabi dito dahil baka atakihin ito. Mahina kasi ang loob ng tatay niya at baka hindi nito kayanin.

          Kahit na araw-araw siyang magovertime ay hindi siya makakaipon ng ganoong kalaking pera lalo na at hindi sila pwedeng mag-overtime basta-basta.

          Siguro para sa ibang tao ay pera lang iyon. Na hindi mo naman dadalhin iyon kapag namatay ka. Kaya lang ay siguradong hindi sila titigilan ng naniningil at walang taong magpapahiram sa kanya ng ganoong kalaking halaga dahil wala siyang kilalang mayayaman.

          Kaya iyon lang ang naisip niyang paraan. Ang maghanap ng lalaki na may kakayahang bayaran ang utang na iyon.

          Hindi siya user at hindi siya ganoong klaseng babae. Pero wala na siyang choice. Nilapitan na lahat niya ang mga taong pwede niyang lapitan pero wala pa rin. Nandoon yung nag-apply na siya sa mga online jobs sa internet pero wala din. Kung meron man ay hindi pa rin sasapat iyon. Kaya iyon na lang ang pwede niyang gawin at dalawang buwan lang ang meron sila. Mahigit dalawang linggo na ang dumaan.

          Isa pa, maraming babae diyan ang umahon sa hirap o naging maganda ang buhay dahil sa mga lalaking napangasawa nila o naging jowa nila. Kaya naman siguro ay posible din sa kanya iyon. Unfair naman sa kanya kung sa iba nag-work tapos sa kanya ay hindi!

          Isa pa ay desperado na siya! Ginawa na din ng mama niya ang lahat pero wala talagang nangyayari. Wala silage makitang 500,000.

          Walang siyang boyfriend at never pa siyang nagkaroon. Wala pa kasing lalaki ang nagpatibok ng puso niya. Siguro may mga manliligaw siya pero hindi napatibok ng mga ito ang pihikan niyang puso. Meron namang iba diyan na sinasabi na pumatol na lang siya sa foreigner para makaahon sila sa kahirapan noon. Pero nunca na gagawin niya iyon. Hindi siya iyong tipo ng babae na gagamitin ang lalaki para magkaroon ng magandang buhay at hindi niya kayang pakisamahan ang lalaki kung hindi niya ito mahal. She has always been saying the word N E V E R. Never siyang papatol sa taong hindi niya mahal. Never siyang gagamit ng lalaki para sa pera. Never! Never! Never!

          Pero kinakain na niya ang salitang never na iyon ngayon dahil iyon ang mismong ginagawa niya ngayon. Nandoon iyong naghanap siya ng mga foreigner sa internet na pwede niyang patulan. Pero wala siyang nakitang pwedeng mag-aahon sa kanya at sa kanyang pamilya. O hindi lang siya marunong dumiskarte? Nandoon iyong naghanap na lang din siya sa internet ng mga businessman o kahit na sinong lalaki na sa tingin niya ay mayaman. Pero wala din. Hindi nag-work ang pakikipagchat niya.

          Ngayon naman ay sumali siya sa isang dating app. Siguro ay pangatlong lalaki na ang lalaking makakadate niya. Sana naman ay magwork na. Iyong una kasi… poser lang pala na nagpakilala na isang businessman. Noong mag-date sila ay share pa sila sa pagbabayad ng kinain nila. Iyong pangalawa naman, mayaman nga pero hindi totoong may business ito dahil umaasa lang din ito sa mga magulang nito sa edad nitong trenta. Ngayon ay pangatlo na at hindi niya alam kung anong klaseng lalaki ito. Sana naman ay good catch na ito dahil nauubusan na siya ng panahon.

          May lalaking kumaway sa kanya at ngumiti.

          Mukhang iyon na ang hinihintay niya. Base sa suot nito at sa itsura nito ay parang mayaman nga ito. Mukhang suswertihin na siya.

          Nagsimula na silang kumain at magkwentuhan.

          Lahat ng tinanong nito sa kanya ay puro kasinungalingan ang isinagot niya.

Kung sasabihin niya ang totoong background ng pamilya niya o ang estado nila sa buhay ay baka maghesitate ito na i-date siya. Baka isipin nito na gold digger siya, which is somehow true. Pero kailangan niyang gawin iyon. Ililigtas ng pagsisinungaling na iyon ang mama niya. Pati ang pananamit niya ay para siyang mayaman. Pero hindi branded ang mga suot niya. Mumurahin lang ang mga iyon. Marunong daw siyang magdala ng damit kaya nagmumukha siyang sosyal sabi ng mga taong pumupuna ng mga sinusuot niya.

          Pati ang pagkilos niya ay pangmayaman na din at kaya sa restaurant na iyon niya dinadala ang mga lalaki ay dahil nga mahal doon. Kapag na-afford ng ka-date niya sa restaurant na iyon ay totoong mayaman nga ito.

          “Bro?”

          Napalingon siya sa nagsalita. Parang mabibilaukan siya ng makita ang lalaki. Iyon iyong lalaking muntik ng ma-snatch ang cellphone. Ang lalaking may magandang balikat, accent at mga mata. Ano namang ginagawa nito doon?

          “Bro,” agad na tumayo ang kanyang ka-date at binati ito. Guys usual greetings.

          Nagkamustahan ang mga ito.

          “By the way, this is Naila, my date. Isn’t she lovely?” Pagpapakilala ng ka-date niya sa kanya.

          “Yes, she is.”

          She suddenly felt her cheeks feeling so hot when she heard those words coming from that guy. Naramdaman niya kung gaano kasincere ang pagkakasabi nito niyon. Umiwas siya ng tingin ng makita ang paghanga sa mga mata nito habang nakatingin sa kanya.

          Tinaggap niya ang kamay nito. “Nice to meet you, Naila.”

          “Nice to meet you too.” Sabi niya. She felt the warmth and the softness of his hand. Parang napapaso siya kaya binawi niya agad ang kamay. Parang may panghihinayang siyang naramdaman sa kanyang puso, dahil mas masarap sa pakiramdam na hawak niya ang kamay nito.

“This is Ashton, my former classmate in college.” Pahabol pa ng ka-date niya.

Well, kahit hindi nito sabihin ang pangalan nito ay memorize na memorize niya iyon. She doesn’t know why but the moment he told her his name. She didn’t forget about it.

“By the way, Naila has a very good family background. Her family owned a lot of businesses outside the town.” Sabi ng ka-date niya.

“Oh, I see.” Tumango si Ashton pero bakit parang hindi nito nagustuhan na may ka-date siya. A fake smile is written on his smile. “She must be rich.” Sagot naman nito maya-maya.

Napansin niya na pinagdikdikan pa nito ang salitang rich.

“Because poor people like us are always left with no choice. Hindi katulad ninyong mayayaman na palaging may choices.”

Napakagat siya ng pang-ibabang labi. Alam nga pala nito na mahirap lang siya. Pasikreto siyang tumingin dito at nababasa niya ang nasa isip nito. Na nahuli siya nito. Alam nito na nagsisinungaling lang siya. Ibubuko kaya siya nito?

Kinakabahan siya.

“Nice to see you here.” Sabi nito sa ka-date niya. “Wait,” kunwari ay may naalala ito pero halata namang uma-acting lang ito. “May nakilala pala akong babae kaninang umaga—” Sinadya nitong mag-pause atsaka tumingin sa kanya. “She kind of look like—”

Ibubuko ba siya nito? Napahawak siya sa dalawang kamay niya at napadasal na sana ay huwag ng ituloy nito ang susunod na sasabihin nito.

“Pero hindi. Hindi pala sila magmukha. At saka, sinabi nung babae na mahirap lang siya. Well, Ms. Naila is one rich woman.”

Bakit parang nag-e-enjoy ito sa pang-gu-good time sa kanya?

Naiinis siya sa halatang paglalaro nito sa kanya. But he was cute at the same time.

“Of c-course,” ngumiti siya dito para hindi makahalata ang ka-date niya.

Sa wakas ay nawala sa kanya ang topic ng mga ito.

“How’s your business?” seryosong tanong ni Ashton sa ka-date niya. “Balita ko maganda ang itinatakbo nun.”

Lumungkot ang itsura nito. “It’s going bankrupt, dude.”

Parang biglang naglaho ang mga tao sa paligid niya. Kung naba-bankrupt na ang business nito ay ibig sabihin ay wala siyang mapapala dito. Walang pupuntahan ang pakikipag-date niya dito.

Nahulog ang mga balikat niya. Hindi pa ito ang lalaking hinahanap niya.

“Goodbye, Naila.” Narinig niyang sabi ni Ashton.

“Goodbye,” sagot niya. Tapos ng mag-usap ang mga ito.

At dahil sa narinig ay parang lasing siya sa mga sumunod na nangyari. Parang lutang na ang isip niya.

Babalik na naman siya sa Plan A. Ang maghanap na naman ng susunod na prospect.

Continue to read this book for free
Scan code to download App

Latest chapter

  • Here's Your Perfect   Part 27

    “I won’t take much of your time. I’m Shania and I’m Ashton’s fiancé. Our wedding will be soon but—” Parang estatwa si Naila na nakikinig lang kay Shania. Nandoon siya sa sasakyan nito. Nasa driver seat ito at siya naman ay nasa passenger seat. Shania’s posture is full of authority, and she doesn’t want to be in a one frame with her. Tumitingkad masyado ang ganda nito at naninigaw ang salitang wealth sa awra nito.Heto na naman siya, feeling insecure dito. Lahat ng bagay na meron ito ay wala siya. Nanliliit siya na makatabi ito. Mabigat na nga ang pakiramdam niya ng wala ito, noong hindi niya nakikita ito at mas lalo pang bumigat iyon ng dumating ito. Para bang ipinagsisigawan ng mother earth na failure siya, worthless, burden… dahil kahit anong sikap niya o kahit anong paraan ang gawin niya ay hindi nag wo-work. Mapapahamak ang pamilya niya at wala siyang maitulong para maiwasan iyon. To think that she had already done everything. Iyon ay kung talagang na

  • Here's Your Perfect   Part 26

    “Babe, I want to see you. I will pick you up.” Basa ni Naila sa message na iyon ni Ashton. Nag reply siya at sinabing busy siya at sa susunod na lang sila magkita. Masakit para sa kanya na sabihin iyon pero iyon na ang dapat niyang gawin. Hindi na pagmamahal ang kailangan niya ngayon kundi pera. Hindi niya minamahal si Ashton dahil sa pera nito kaya hinding-hindi niya lalapitan ito. Hindi niya gagamitin ito. I’m sorry, Naila. Can we meet next week? I just got a family emergency. Basa niya sa message na galing kay Ivan. Kinailangan daw nitong umalis para puntahan ang pamilya nito na nasa ibang bansa. Pakiramdam niya ay gumuho ang pader ng bahay nila at tinambunan siya. Madilim na ang buong paligid at ganoon din ang pakiramdam niya at ang hinaharap nila. Alam niyang tuluyan na silang ipapahiya ng mga taong iyon. May gagawing masama ang mga ito sa kanila at kung ano iyon ay hindi niya alam pero ang sigurado siya na hinding-hindi nila magugustuhan i

  • Here's Your Perfect   Part 25

    Sa wakas ay nakalabas na ng ospital ang lola ni Naila. Okey na daw ito kaya lang ay importanteng mainom nito ang mga bagong gamot na inireseta ng doctor dito bukod pa syempre sa mga gamot na dati na nitong iniinom. Malalim siyang napabuntong-hininga. Isa-isa niyang tinignan ang pamilya niya. Lahat sila ay may takot sa mga mata dahil sa nangyari. Nalaman na din ng mga kapatid niya ang malaking utang ng kanyang mama. Pero isinekreto nila iyon sa lola nila dahil bawal ng mag-alala ito at siguradong mago-overthink ito kung sasabihin pa nila ang tungkol doon. Ang sinabi na lang nila ay mga scammer ang mga iyon at inireport na nila ang mga ito sa pulis para hindi na mag-alala ito. Mabuti na lang at wala ang tatay niya kundi ay mag-aalala din ito. Kasalanan niya ang nangyari. Kung hindi sana siya nagpabaya at naghanap ng pera ay hindi mangyayari iyon. Kung hindi sana niya inuuna ang sarili ay hindi mangyayari iyon. Nakatanggap din siya ng text message sa mga ito

  • Here's Your Perfect   Part 24

    Masayang umuwi si Naila sa kanila. Masaya siya dahil naging maayos ang pag-uusap nila ni Ivan. Iyong kailangan naman niyang harapin ngayon ay ang pinagkakautangan nila. Hindi niya alam kung pakikinggan siya pero siguro naman ay magagawan o mapag-uusapan nila ng maayos ang tungkol sa utang ng mama niya. Sana! Mahinang panalangin niya. Pag-uwi niya ng bahay ay nagulat siya ng makita ang mga halaman ng kanyang lola nanagkasira-sira na. Para bang sinadyang sirain ang mga iyon. Ang mga paso ay nagkabasag-basag na. Nasira ang mga bulaklak na inaalagaan nito. Anong nangyari habang wala siya? Bakit napakatahimik din ng bahay na parang walang tao doon? Tinawag niya ang mama niya at mga kapatid pero walang sumasagot isa man sa mga ito. Nilagpasan niya ang maduming paligid at pumasok sa kanila para tignan ang pamilya niya dahil baka natutulog lang ang mga ito o kaya naman ay may pinagkakaaalahan. Pero ng makapasok siya ay wala ni isa sa pamilya niya ang nandoon.

  • Here's Your Perfect   Part 23

    “I will miss you, Naila.” Narinig na sabi ni Ashton kay Naila. “Syempre, mami-miss din kita.” Sabi niya dito hanggang sa tuluyan ng naputol ang pag-uusap nila. Hanggang ngayon ay hindi pa din siya makapaniwala na sa isang iglap lang ay may boyfriend na siya. Halo-halo ang nararamdaman niya. Pero ang kilig, overwhelming feeling ay nandoon pa din. She likes how everything turned out. Hindi siya makapaniwala na kaya niyang magmahal ng ganoon. Na ganoon pala kasaya na malaman na may taong nagmamahal sa iyo. Sa totoo lang ay parang ayaw na niyang mahiwalay sa tabi ni Ashton. Pero hindi pwedeng hindi siya magtrabaho ngayon. Isa pa, kailangan na niyang maging totoo kay Ivan. Hindi siya para dito at kahit anong pilit ang gawin niya. Si Ashton ang mahal niya at ayaw niyang saktan ang binata. Kakausapin niya si Ivan at tatapatin na ito. Ivan is an understanding person kaya siguradong maiintindihan siya nito. May surprise ako sa iyo pagbalik mo dito pagk

  • Here's Your Perfect   Part 22

    “Alexa, anong problema?” sinagot ni Naila ang tawag na iyon ni Alexa. Agad na sinagot niya iyon kahit na nasa trabaho pa siya. Hindi naman kasi tumatawag ito ng ganoon kung hindi importante. “K-Kasi,” nauutal na sagot nito. “May problema ba?” “Si Boss A-Ash kasi—” “Anong nangyari kay Ashton?” kinakabahang tanong niya. “Tumawag kasi ang daddy niya. H-Hindi ko alam anong pinag-usapan nila. Pero pakiramdaman namin h-hindi maganda ang pinag-usapan nila at galit na umalis si Sir Ashton. Nang tanungin namin siya kung saan siya pupunta ang sabi niya ay magwawalwal daw siya.” Binalot siya agad ng pag-aalala. Baka nag-away ang mag-ama. Knowing Ashton, he seemed to be like he doesn’t care pero apektado pa rin ito sa mga nangyayari ayaw lang magpahalata nito. Kung magwawalwal ito ay siguradong iinom ito. Hindi naman ito tolerant sa alak at siguradong malalasing agad ito. Baka kung ano pa ang mangyari dito. “Alam mo ba saan siya pupunta?

More Chapters
Explore and read good novels for free
Free access to a vast number of good novels on GoodNovel app. Download the books you like and read anywhere & anytime.
Read books for free on the app
SCAN CODE TO READ ON APP
DMCA.com Protection Status