Share

Part 3

Penulis: ROXIE
last update Terakhir Diperbarui: 2025-06-29 17:11:42

“Pumunta ka dito ng ganitong oras bukas. May ibibigay ako sa iyo at para sa kapatid mo.”

          Paulit-ulit na naririnig pa din ni Naila ang mga salitang iyon. Iyon ang huling sinabi ni Ashton sa teenager bago ito tumakbo papalayo kahapon.

          Pero bakit siya ang naghihintay doon kung saan niya unang nakita ang mga ito? Na sa tapat niyon ay ang kumpanya kung saan siya nagtatrabaho. Kaya nakatayo siya mismo sa tapat ng harap ng building nila. Na sag awing unahan naman ay ang restaurant kung saan na naman niya nakita ito at nakita siyang nakikipag-date. Parang kahihiyan yata ang inabot niya. He just caught her lying.

          Bakit nga ba? Tumingin siya sa orasan ng cellphone niya. Fifteen minutes before eight pa naman so may oras pa. Ayaw naman niyang pumasok ng masyadong maaga. At saka, curious lang naman siya kung tutuparin ba nito ang sinabi nito sa teenager. Iyon lang naman!

          But she couldn’t understand herself since yesterday. Kahit busy siya sa trabaho kahapon ay madalas na sumusulpot ito sa isipan niya. Katulad ngayon, hindi niya maintindihan ang sarili. She knew that even just a little excitement of seeing him makes her heart flustered.

          Alam din niyang masaya siya ng makita ito kagabi sa restaurant pero ayaw niyang nakita siya nito na may ka-date o sa ganoong sitwasyon. O sa ganoong estado, hindi siya kumportable. Kailan ka pa naconscious dahil sa lalaki? Tanong naman ng kabilang isip niya.

          Napatuwid siya ng tayo ng makita si Mr. Ivan Javier, ang presidente ng kumpanya na pinagtatrabauhan niya. Napakarespetado ng pananamit nito. He was wearing a black suit that matched his looks and height. “Good morning, Sir.” Bati niya dito ng makitang dadaan ito sa harap niya.

          “Good morning. Have a nice day.” Abot hanggang tenga yata ang ngiti nito.

          “Yes, Sir.” Napakafriendly talaga nito. At take note, at the age of thirty ay hinawakan na nito ang kumpanya ng pamilya nito na naging lalo pang successful dahil sa galing nitong magpatakbo. Bukod sa matalino at napakabata pa nito ay napakagwapo din nito. Napakaswerte ng magiging jowa nito. Bukod sa secured na ang future ng magiging asawa nito ay total package pa ito dahil lahat ng hahanapin ng isang babae sa isang lalaki ay nandoon na sa presidente nila. Kaya nga halos lahat ng single ladies sa kumpanya ay gustong pikutin ito. Minsan ay pati mga taken na din.

          Pero never niyang gagawing prospect ito dahil bukod sa posibilidad na mawalan siya ng trabaho ay alam niyang never siyang magugustuhan nito. She is nothing compared to those ladies he associates with. At saka, hindi na nito kailangang makipagchat para magkagirlfriend. Although may mga pagkakataon na minsan ay nahuhuli niya itong nakatingin sa kanya. Bibigyan pa ba niya ng kahulugan iyon. Boss ito at siguradong babantayan talaga nito ang mga pinapasweldo nito.

          Katulad ngayon ay nakita niya itong tumingin muna sa kanya bago ito tuluyang nawala sa paningin niya.

Agad naman siyang pumasok sa opisina dahil mukhang wala namang Ashton ang magpapakita pa doon. Ang ibig kong sabihin ay baka ma-late na ako!

Lanjutkan membaca buku ini secara gratis
Pindai kode untuk mengunduh Aplikasi

Bab terbaru

  • Here's Your Perfect   Part 27

    “I won’t take much of your time. I’m Shania and I’m Ashton’s fiancé. Our wedding will be soon but—” Parang estatwa si Naila na nakikinig lang kay Shania. Nandoon siya sa sasakyan nito. Nasa driver seat ito at siya naman ay nasa passenger seat. Shania’s posture is full of authority, and she doesn’t want to be in a one frame with her. Tumitingkad masyado ang ganda nito at naninigaw ang salitang wealth sa awra nito.Heto na naman siya, feeling insecure dito. Lahat ng bagay na meron ito ay wala siya. Nanliliit siya na makatabi ito. Mabigat na nga ang pakiramdam niya ng wala ito, noong hindi niya nakikita ito at mas lalo pang bumigat iyon ng dumating ito. Para bang ipinagsisigawan ng mother earth na failure siya, worthless, burden… dahil kahit anong sikap niya o kahit anong paraan ang gawin niya ay hindi nag wo-work. Mapapahamak ang pamilya niya at wala siyang maitulong para maiwasan iyon. To think that she had already done everything. Iyon ay kung talagang na

  • Here's Your Perfect   Part 26

    “Babe, I want to see you. I will pick you up.” Basa ni Naila sa message na iyon ni Ashton. Nag reply siya at sinabing busy siya at sa susunod na lang sila magkita. Masakit para sa kanya na sabihin iyon pero iyon na ang dapat niyang gawin. Hindi na pagmamahal ang kailangan niya ngayon kundi pera. Hindi niya minamahal si Ashton dahil sa pera nito kaya hinding-hindi niya lalapitan ito. Hindi niya gagamitin ito. I’m sorry, Naila. Can we meet next week? I just got a family emergency. Basa niya sa message na galing kay Ivan. Kinailangan daw nitong umalis para puntahan ang pamilya nito na nasa ibang bansa. Pakiramdam niya ay gumuho ang pader ng bahay nila at tinambunan siya. Madilim na ang buong paligid at ganoon din ang pakiramdam niya at ang hinaharap nila. Alam niyang tuluyan na silang ipapahiya ng mga taong iyon. May gagawing masama ang mga ito sa kanila at kung ano iyon ay hindi niya alam pero ang sigurado siya na hinding-hindi nila magugustuhan i

  • Here's Your Perfect   Part 25

    Sa wakas ay nakalabas na ng ospital ang lola ni Naila. Okey na daw ito kaya lang ay importanteng mainom nito ang mga bagong gamot na inireseta ng doctor dito bukod pa syempre sa mga gamot na dati na nitong iniinom. Malalim siyang napabuntong-hininga. Isa-isa niyang tinignan ang pamilya niya. Lahat sila ay may takot sa mga mata dahil sa nangyari. Nalaman na din ng mga kapatid niya ang malaking utang ng kanyang mama. Pero isinekreto nila iyon sa lola nila dahil bawal ng mag-alala ito at siguradong mago-overthink ito kung sasabihin pa nila ang tungkol doon. Ang sinabi na lang nila ay mga scammer ang mga iyon at inireport na nila ang mga ito sa pulis para hindi na mag-alala ito. Mabuti na lang at wala ang tatay niya kundi ay mag-aalala din ito. Kasalanan niya ang nangyari. Kung hindi sana siya nagpabaya at naghanap ng pera ay hindi mangyayari iyon. Kung hindi sana niya inuuna ang sarili ay hindi mangyayari iyon. Nakatanggap din siya ng text message sa mga ito

  • Here's Your Perfect   Part 24

    Masayang umuwi si Naila sa kanila. Masaya siya dahil naging maayos ang pag-uusap nila ni Ivan. Iyong kailangan naman niyang harapin ngayon ay ang pinagkakautangan nila. Hindi niya alam kung pakikinggan siya pero siguro naman ay magagawan o mapag-uusapan nila ng maayos ang tungkol sa utang ng mama niya. Sana! Mahinang panalangin niya. Pag-uwi niya ng bahay ay nagulat siya ng makita ang mga halaman ng kanyang lola nanagkasira-sira na. Para bang sinadyang sirain ang mga iyon. Ang mga paso ay nagkabasag-basag na. Nasira ang mga bulaklak na inaalagaan nito. Anong nangyari habang wala siya? Bakit napakatahimik din ng bahay na parang walang tao doon? Tinawag niya ang mama niya at mga kapatid pero walang sumasagot isa man sa mga ito. Nilagpasan niya ang maduming paligid at pumasok sa kanila para tignan ang pamilya niya dahil baka natutulog lang ang mga ito o kaya naman ay may pinagkakaaalahan. Pero ng makapasok siya ay wala ni isa sa pamilya niya ang nandoon.

  • Here's Your Perfect   Part 23

    “I will miss you, Naila.” Narinig na sabi ni Ashton kay Naila. “Syempre, mami-miss din kita.” Sabi niya dito hanggang sa tuluyan ng naputol ang pag-uusap nila. Hanggang ngayon ay hindi pa din siya makapaniwala na sa isang iglap lang ay may boyfriend na siya. Halo-halo ang nararamdaman niya. Pero ang kilig, overwhelming feeling ay nandoon pa din. She likes how everything turned out. Hindi siya makapaniwala na kaya niyang magmahal ng ganoon. Na ganoon pala kasaya na malaman na may taong nagmamahal sa iyo. Sa totoo lang ay parang ayaw na niyang mahiwalay sa tabi ni Ashton. Pero hindi pwedeng hindi siya magtrabaho ngayon. Isa pa, kailangan na niyang maging totoo kay Ivan. Hindi siya para dito at kahit anong pilit ang gawin niya. Si Ashton ang mahal niya at ayaw niyang saktan ang binata. Kakausapin niya si Ivan at tatapatin na ito. Ivan is an understanding person kaya siguradong maiintindihan siya nito. May surprise ako sa iyo pagbalik mo dito pagk

  • Here's Your Perfect   Part 22

    “Alexa, anong problema?” sinagot ni Naila ang tawag na iyon ni Alexa. Agad na sinagot niya iyon kahit na nasa trabaho pa siya. Hindi naman kasi tumatawag ito ng ganoon kung hindi importante. “K-Kasi,” nauutal na sagot nito. “May problema ba?” “Si Boss A-Ash kasi—” “Anong nangyari kay Ashton?” kinakabahang tanong niya. “Tumawag kasi ang daddy niya. H-Hindi ko alam anong pinag-usapan nila. Pero pakiramdaman namin h-hindi maganda ang pinag-usapan nila at galit na umalis si Sir Ashton. Nang tanungin namin siya kung saan siya pupunta ang sabi niya ay magwawalwal daw siya.” Binalot siya agad ng pag-aalala. Baka nag-away ang mag-ama. Knowing Ashton, he seemed to be like he doesn’t care pero apektado pa rin ito sa mga nangyayari ayaw lang magpahalata nito. Kung magwawalwal ito ay siguradong iinom ito. Hindi naman ito tolerant sa alak at siguradong malalasing agad ito. Baka kung ano pa ang mangyari dito. “Alam mo ba saan siya pupunta?

Bab Lainnya
Jelajahi dan baca novel bagus secara gratis
Akses gratis ke berbagai novel bagus di aplikasi GoodNovel. Unduh buku yang kamu suka dan baca di mana saja & kapan saja.
Baca buku gratis di Aplikasi
Pindai kode untuk membaca di Aplikasi
DMCA.com Protection Status