Share

IMPROVING

Noah Oliver

"WALANG HIYA KA!"

Tinadyakan niya ako patalikod. Kaya nahulog ako mula sa pinagkakaupuan ko.

Aba eh, sipain ka ba naman.

"KABAYO KA BA?!" Sigaw ko sa kanya pabalik.

Sinigawan niya ako, edi sisigawan ko rin siya para it's a tie.

"A-anong ginawa mo?" Utal niyang tanong sa akin matapos umupo ng maayos.

Tumayo naman ako sa pagkaka-sipa niya sa akin.

Ako na nga concern, ako pa ata mababalian ng buto.

"I was trying to help you." Sagot ko. "Balik ulit sa pwesto, ipapakita ko sa iyo na hindi masama ang intensiyon ko." Dagdag at lumapit sa kanya para pataubin ulit siya ng higa.

Wala naman siyang reklamo at sumunod sa pinapagawa ko sa kanya..

"Oh, itataas ko na yung damit mo sa likod PERO KAUNTI LANG," Saad ko sa kanya dahil baka sipain nanaman ako ng wala sa oras. "Kalmahan mo muna, hayaan mo muna akong gawin. Bago ka maghurumentado." Dagdag na sabi ko bago kunin ang efficascent oil at buksan ito.

I searched while we are having a lesson a while ago. They said this oil can help lessen the pain, so I will try to do it to her.

Tulad nung napanuod ko ay nag-lagay ako ng sapat na oil sa kamay bago ilagay sa likod niya.

She arched her body when she felt the contact with my hands. Tulad nung natutunan ko sa video, hinilot ko yung babang likod niya pati na rin yung gilid ng tyan niya.

"This is what I wanted to do. I searched about this and they said this will help you para mabawasan sakit ng likod at balakang mo." I told her, habang hilot hilot ko ang likod niya. "Grabe ka naman manipa, Arwen. May pagka-kabayo ka ba?" Tanong ko sa kanya.

Lakas ng sipa niya eh. Tumilapon talaga ako mula sa pwesto ko. Hindi ako handa doon ah.

Ako na nga nagkukusa ako pa ang napasama.

"S-sorry. Akala ko kasi kung ano nanamang trip balak mo gawin sa akin." Paliwanag niya. "Sana sinabi mo agad, nasipa tuloy kita ng malakas." Sagot niya pa sa akin.

Tumango naman ako bilang pag-tanggap sa nagawa niya sa akin.

"Oo na, tutal kasalanan ko naman lahat." Pag iinarte ko sa kanya at hinahantay ang sagot niya.

"No, it is not your fault. I just over reacted kasi nagulat talaga ako." Paliwanag niya sa akin.

"Wow! First time mo 'to." Sabi ko sa kanya.

"First time ang alin?" Tanong naman niya sa akin pabalik.

"First time mo na mag-sorry dahil alam mo sa sarili mo na kasalanan mo. Improving ka na ha." Natatawang sabi ko.

Dama ko pa rin sipa niya sa akin. Grabe. Pero nag sorry naman kaya hindi na ako gaganti pabalik.

'Yan ba yung masakit ang puson, likod, at balakang. Kung makasipa parang nagsu-super saiyan.

Ilang minuto rin na hinilot ko yung likod niya. Hindi naman siya nagre-reklamo kasi masarap siguro ako mang-hilot.

"Would you do this to me if I ask you next time?" I asked her, breaking the silence.

She paused for a few seconds before glancing at me. "It depends." She answered.

"Ba't may pa it depends, it depends ka pang nalalaman?" Tanong ko.

Ako, I did it on my own accord. So why can't she? Why can't she do the same?

"Kasi depende dahil minsan bano ka mag-isip. Hindi kita maintindihan, mamaya trip mo lang at kung ano nanaman gagawin mo sa akin. Ikaw pa ba? Madalas wala na akong tiwala sa iyo eh." Paliwanag niya.

Salamat na lang sa explanation, Arwen. Hindi ka masarap ka bonding. Real talk lang talaga.

"Pero alam ko naman kung kailangan mo o hindi. I will give it and would not even ask you if you want me to do it. I will do it on my own din, like what you did today." She added.

Napatigil ako.

Akalain mo yun? May tira pa siyang kabaitan kahit papaano.

"Sana ganito ka na lang lagi." Saad ko sa kanya. "Yung may red days."

"Gusto mo sipain din kita ulit?" Maangas na tanong niya sa akin. "Hindi mo alam ang feeling ng meron, hindi mo kasi alam gaano kasakit kaya nasasabi mo yan no." Pangangaral niya sa akin.

Natameme ako.

Tama naman kasi siya.

Hindi ko alam feeling.

"Are you my Mom?" Tanong ko sa kanya. "You sound just like her. Hindi ata talaga kita asawa, baka ikaw talaga totoo kong Mom. Batang ina, is that you?"

Naramdaman ko ang paggalaw ng paa niya kaya agad ko na 'yon hinawakan para pigilan, baka totohanin at masipa ako ng hindi nanaman ako handa.

Napa-tigil naman ako nang marinig ang doorbell.

"Nandito na yung order, wait lang. Kunin ko." Sabi ko at tinungo na ang pinto.

Pag open ko ay inabot naman na sa akin nung courier yung in-order ko.

"Thank you." I said before closing the door.

Wala naman na si Arwen pagbalik ko sa sala.

"Arwen?" Tawag ko sa kanya.

"Why?" Rinig kong tanong niya mula sa kusina.

Lumabas siya na may dalang utensils.

We do not use the utensils from the shop, kasi hindi ko rin alam. Natutunan ko lang sa kanya. Pag nag-oorder kasi kami lagi siyang kukuha nito tapos itatabi niya lang yung plastic utensils.

"Love, bakit mo tinatago yung plastic utensils tapos gagamitin natin 'tong atin?" Patungkol ko sa gamit namin.

Umupo naman siya at inabot sa akin yung kinuha niyang utensils mula sa kusina.

"Kasi parang ang uncomfy. Ang hirap gamitin especially sa chicken. Kaya mas prefer ko ito." Sagot niya.

Ahh, kaya pala. May tama siya ulit doon. Usually sa mga plastic utensils ay malalambot. Mukhang mababali pag diniinan.

Inilabas ko naman na sa paper bag yung in-order ko.

I ordered chicken and spaghetti. I also added some extra order such as yogurt and chocolates.

They said this is the best food we can offer to those people who have red days, according on g****e.

Matapos ko ilabas mga order namin, nakita ko agad yung ngiti niya sa chocolates.

"Heps!" Pigil ko sa kanya at tinapik ang kamay na inaabot na sana ang chocolates. "Eat lunch before everything else." Paalala ko sa kanya.

"Are you Kuya Arlo?" Tanong niya naman pabalik, ngumuso, bago kunin ang pagkain niya.

Wow. First time ulit magpaka-bibe.

Ito ba side effects kapag may menstruation period? Pabago bago mood? Se-search ko nga mamaya.

Baka ibang side effects kasi tapos nababaliw na pala talaga siya. Need ko rin mag-ingat.

Speaking of Kuya Arlo...

"Arwen, ayaw ba sa akin ni Kuya Arlo?" Tanong ko sa kanya.

Arwen nodded immediately.

"Wow ha. Nakaka-sakit ka na, Arwen. Sana aware ka kahit kaunti." Parinig ko sa kanya.

"Kuya Arlo and Atticus was very against about this marriage thing since then." She shared. "At first, they tried to convince lolo and lola to stop it, but they were not able to do so." She added.

"So that is why they are mad at me before." I concluded.

Whenever we will visit their house before to have dinner or more like family dinner, Kuya Arlo and Atticus will look at me as if they wanted to kill me.

Maybe they know already about the wedding, kaya ganoon na lang ang trato nila sa akin.

Naiintindihan ko naman yung galit nila sa akin noon. Valid, dahil sino ba naman gusto ipakasal ang kapatid nang ganito kaaga.

Pero tulad nga ng sabi nila Mom and Dad, we don't have any choice kasi we are in this kind of family and business.

Usually sa mga angkan namin nagmula rin sa ganito, business marriage. Kaya nga tanggap ko na noon pa man, exposed na exposed ako sa mga ganitong pangyayari.

"Pero wala ba siyang nasasabing tungkol sa akin na hindi maganda?" Tanong ko.

Kahit papaano gusto ko rin malaman side ni Kuya Arlo. We do not talk that much, medyo natatakot din ako dahil parang hindi siya approachable.

Kung titignan mo si Arwen na mukhang hindi approachable kahit saan mo banda tignan, paano pa kaya yung aura ng Kuya niya? Kuya Arlo has this aura na when you talk to him tapos hindi ka niya gusto, yung titig niya sayo pamatay.

It's like a male version of Arwen.

Unlike Kuya Atticus, oo ayaw niya sa akin before pero after a few years, he started to open up with me. Kaya nga minsan magka-inuman kami eh.

Sa kanilang tatlo na magka-kapatid, Atticus is the most approachable.

Arwen shook her head. "Wala naman, tinatanong ka niya lagi sa akin. Kung anong pinag-gagawa mo sa buhay o kung pinapahirapan mo ba ako. So sinasabi ko na oo lagi mong sinisira araw ko." Kwento niya na parang hindi ako ang pinag-uusapan.

"Kaya siguro mas lalong ayaw sa akin nang Kuya mo, kasi you are feeding him some malicious informations." Saway ko sa kanya.

Tinignan naman niya akong mapang-lait. "Anong malicious informations, panira ka naman talaga ng araw." Sagot niya sa akin.

Bakit ko nga ba 'to naisipan hilutin? Sana pala binawian ko na lang 'to ng tadyak eh.

"Kaya siguro lagi nagagalit sa akin si Kuya Arlo, kasalanan mo pala. Susumbong din kita kay lolo, akala mo ikaw lang." Pagbabanta ko sa kanya.

"Hindi ako takot. Your lolo and my lolo likes me too much eh." Boring pa niyang sagot sa akin habang kumakain.

Natameme nanaman ako ulit doon. Kasi tama nanaman siya.

Kailan ba 'to magiging mali?

Her lolo and my lolo really adores her. Kahit ano pa sabihin niya masusunod. Wala silang sasabihin na kahit ano, pero pag ako madalas may questions. Tapos tatanungin pa ako minsan kung saan ko gagamitin o para saan.

Nakaka-sakit ng damdamin minsan.

"But Kuya Arlo said na you are doing good naman daw." Rinig kong sabi niya kaya napalingon ako agad sa kanya. "He said, mas better ka pa raw kaysa sa iba. Sa loob ng tatlong taon na magkasama tayo, wala ka namang ginawa sa akin na ikinaka-pahamak ko." Dagdag niya.

"You should have told me that sooner!" Excited na sabi ko sa kanya. "Do you think pag inaya ko siya mag-inuman with Kuya Atticus, sasama siya?" Tanong ko.

Nagkibit balikat naman siya sa akin.

"Hindi ko alam. Hindi naman kami pareho ng desisyon ni Kuya, bakit hindi mo tanungin sa family dinner sa Sunday?" Tanong niya sa akin.

Kakatakot Kuya Arlo eh. Ikaw lang ba pwede hindi matakot?

"You should try. He is nice naman." Saad niya pa.

Tumango na lang ako at bumalik sa pagkain. Tatanungin ko muna si Kuya Atticus kung papayag ba siya sa inuman session after dinner, para makapag-isip na ako nang masasabi ko kay Kuya Arlo.

Pagkatapos namin kumain at mag-ligpit ng pinagkain ay bumalik na kami sa kanya kanya naming kwarto.

Magpapahinga daw si Arwen. Ako na bo-bored ako. Hindi ko naman siya pwede kulitin.

I opened my phone and tried to call Mico and Felix through messenger.

"Dude!" Bati ni Felix sa akin.

"What's up?" Tanong naman ni Mico.

"I am bored." Sagot ko sa kanila at umikot sa mesa.

Natawa naman silang dalawa sa akin. "Mukha nga. How about Keziah?" Mico asked about Keziah.

"No, he can't touch Keziah today. May period." Felix answered.

Taka naman na tinignan ni Mico si Felix. "How did you know? Am I missing something?" Tanong ni Mico sa aming dalawa.

Felix and I shook our heads. "Wala no. Noah asked me to buy warm compress, bago pumasok sa school kasi nga meron si Keziah." Paliwanag ni Felix.

Mico and Felix are my friends. I can call them my bestfriends, high school days nung nakilala ko sila and we are still sticking to each other until now.

They know about my relationship with Keziah. They know we are married. They know about the business talk and everything.

"Kaya pala you can't bother her. What a nice dude you are?" Sabi ni Mico.

Kahit kating kati ako na guluhin siya, I still cared about her condition. Time out talaga pag may ganitong situation.

"Let's go sa club?" Felix invited.

Agad naman akong napatayo sa higaan ko.

"I will just change. See you sa club!" Excited na sabi ko bago i-end ang tawag.

After changing, kinatok ko pinto ni Arwen.

"Arwen, I will go clubbing. Sama ka?" Tanong ko.

"Siraulo ka ba talaga?" Sigaw niya sa akin mula sa kwarto niya.

"Joke lang. I will go out, I will be home late." Paalam ko sa kanya.

"Bring your extra key, baka hindi kita magisingan. Ingat." Sagot niya.

Wow. Improving ka talaga ngayon ha.

"Bye, Love!"

Kaugnay na kabanata

Pinakabagong kabanata

DMCA.com Protection Status