Share

RULES

Keziah Arwen

Matamlay kong ibinagsak ang sarili sa sofa pagpasok na pagpasok sa apartment namin. Grabe ang pagod ko. Naisip ko na nga kanina na tumakas at umuwi pero muntik ko na malimutan na kasal ko pala 'yon.

Hays.

"I will head first to the bathroom, okay?" Rinig kong sabi ni Noah sa akin bago pumasok sa kwarto niya.

Tahimik na lang akong tumango. Wala na akong lakas para mag-salita pa o kung ano man na pwede kong gawin. Ang gusto ko na mangyari ay makapag-pahinga na ako. Iyon ang mas importante sa lahat.

Bukod sa makipag-chismisan ako sa mga kamag-anak ko, buong araw ako nakatayo. Hindi ko rin alam kung bakit pa kasi kailangan namin kausapin ng kausapin mga kamag-anak namin eh lagi naman kami nag-uusap.

Ilang minuto bago lumabas si Noah sa banyo.

"Your turn, panget." Saad niya pero hindi ko pinansin. "Hoy, ikaw na doon. Ligo ligo din amoy kili-kili power ka na ho" Dagdag niya pa, pero mas pinili ko pa ring ipikit ang mata ko at magpahinga pa saglit. "Kita panty mo hoy! Ikaw ha, hindi dahil mag-asawa na tayo ganyan ka na agad sa akin."

Dahilan para mapadilat at bumangon ako.

"Joke lang. Uto-uto ka naman." Tawang sabi niya kaya agad kong tinanggal ang sandal ko at ihinagis ito sa kanya ng pagka-lakas lakas.

Pasalamat siya at mabilis siyang naka-iwas, dahil kung hindi humanda siya sa takong ng sandal ko.

"Pwede ba? Anong oras na. Ipagpahinga mo na 'yang kaaasar mo sa akin. Matulog ka na tapos huwag ka na gumising kung maaari. Ipagpapa-salamat ko pa." Saad ko sa kanya.

"Huwag naman. Gusto mo maging biyuda agad agad? Lasapin mo naman married life mo, sa sunod wala na yan. Malabo pa naman na may magka-gusto sayo mukha ka kasing nambubugbog ng asawa eh." Komento niya kaya ay ibinato ko ang isa ko pang sandal sa kanya.

"Mas magandang ma-biyuda agad agad. Kaysa naman kasama kita ng ilang taon." Sabi ko bago tumayo at pumasok sa kwarto ko.

Hinubad ko na ang suot ko na dress at binalot ang sarili ng tuwalya bago lumabas patungo sa banyo.

"Yuck! Porn! Susumbong kita sa Mama ko!" Komento niyang may pa takip takip pa sa mata.

"Dami mo alam." Sabi ko at pumasok na sa banyo.

"Sexy mo po. Gusto mo gawa na tayo baby?"

"F*ck you!" Sigaw ko.

Ilang minuto rin ang itinagal ko sa banyo bago lumabas. Naabutan ko si Noah na may kinakalikot sa cellphone habang bukas yung TV.

"Ano gusto mo food? Order na lang tayo for now. Bukas pa tayo mamimili, right?" Tanong niya. "Teka lang, baka busog ka na. Puro ka pa naman lamon kanina sa venue. Nakita kita." Sunod na sabi niya.

"Anong puro lamon? Hindi nga ako masiyado nakakain dahil puro usap ginawa ko. Baka ikaw. Ikaw nagsabi eh." Komento ko. "Gawain mo papasa mo sa akin." Dagdag ko.

"Ako rin kaya. Hard-working husband kaya ako." Maangas pa na sagot niya.

Yabang. Saksakan ng kayabangan ni buang.

"Chicken with spaghetti sa akin. Sprite drinks with fries." Pagbabalik ko sa usapan namin para hindi na humaba pa.

Agad naman siyang tumango. "Okay." Sabi niya bago ako tuluyang pumasok sa kwarto ko.

Humiga na ako sa kama at tahimik na tinitigan ang kisame.

Kasal na kami.

Sana panaginip na lang lahat ng 'to.

Kung buhay pa kaya sila Mom and Dad, pipigilan din ba nila na mangyari 'to? O isa rin sila sa pipilit sa akin na magpa-kasal para mas mapalago ang company?

Sana sa normal na pamilya na lang pala ako nabuhay. Bakit naman kasi sa mga rich family pa ako ibinagsak ng baby corp?

At bakit kasi kay Noah Oliver buang pa. Wala na bang ibang choice, Lolo? Panget naman ng choice mo eh. Inis.

Bakit pa sa dami dami ng pwedeng makipag-dare na kaibigan ay doon pa sa Lolo ni Noah? Wala na bang ibang friends si Lolo?

"Keziah Arwen, dito na foods. Lalabas ka ba o kakainin ko 'to lahat?" Sigaw ni Noah mula sa sala.

"Palabas na!" Sigaw ko rin pabalik at tumayo na para pumunta sa sala.

Tahimik kong kinuha ang pagkain ko at pumwesto sa kabilang gilid at naki-nood na rin.

"Keziah Arwen, paano tayo bukas? Ano gagawin natin?" Tanong niya habang binubuksan ang pagkain niya.

"Huwag kang maingay. Kumain ka muna ng tahimik diyan at baka maisungalngal ko sa iyo 'tong chicken ko." Pagbabanta ko sa kanya.

Gusto ko lang naman kumain ng tahimik. Nang hindi siya nagsasalita. Para sa ikakasaya at kalma ng gabi ko.

"Bakit ka nagagalit agad? Tatanong lang naman eh." Komento niya bago tuluyang tumahimik.

Ipinag-pasalamat ko naman na tumahimik siya at kumain ng tahimik. Nanuod naman ako ng kung anong meron sa TV habang kinakain ang pagkain ko.

Matapos ko kumain ay inilagay ko ito sa lagayan niya kanina para isahang kain na lang. Inantay ko siyang matapos kumain para naman ay mapag-usapan na namin ang dapat pag usapan.

"Baka gusto mo bilisan ang pag nguya? Gusto ko na mag-pahinga." Komento ko sa kanya.

"Grabe ka naman sa asawa mo. Pakainin mo naman ako ng matiwasay." Buwelta naman niya sa akin.

Inismiran ko na lang siya at ipinagpatuloy ang panunuod. Naghintay pa ako ng ilang minuto bago siya tuluyang matapos.

"Game na." Sabi niya.

Kinuha ko ang cellphone ko sa mesa at binuksan ang notes.

"Rule number one, walang makakaalam ng relasyon natin. Especially sa school." Saad ko.

He nodded. "No problem." Ngiting sagot nito sa akin.

Ibinalik ko ang tingin sa aking cellphone at nag type. "Rule number two. Sarili mo, sarili ko. Gets mo ba?" Tanong ko.

Tumango siya ulit. "Oo naman. Ano kala mo sa akin bobo?" Tanong niya pabalik.

"Ganun na nga." Matipid na sagot ko.

"Sakit mo naman mag salita sa asawa mo." Malungkot na pag-arte niya. May pahawak hawak pa siya sa puso niya na parang nasasaktan siya. "Susumbong kita sa mama ko, 'kala mo ha." Banta niya pa sa akin.

"Rule number three, walang pakialamanan ng gamit." Saad ko.

"Sige."

"Rule number four, walang magpapa-punta ng friends dito sa apartment. Kung tanga ka at malaman ang meron sa atin, sasampalin talaga kita." Banta ko ulit.

Hindi pwedeng malaman ng lahat ang tungkol sa amin.

Kaya nga secret wedding at puro kamag-anak lang namin ang bisita.

Napag-usapan na namin 'to ni Noah. Gusto niya rin naman itago dahil hello? eighteen pa lang kami at kilala na kaming magka-away sa school tapos ano, bigla na lang mag-asawa na pala kami. Ano 'yon magic?

"And last rule, sabay tayong mamimili ng kailangan dito sa bahay. Ayoko na may marinig na kesho hindi ka makaka-punta dahil may ginagawa ka o gagawin. Every Sunday morning if needed." Huling sabi ko patungkol sa rules namin.

"Why does it need to be at morning? Can we change it to afternoon, please?" Komento niya.

I shook my head. "Sorry, but that is the safest time we can go together." Sagot ko.

Ngumuso naman siya bago tumango. "Okay." Sagot niya.

"Ikaw? May gusto ka bang idagdag?" Tanong ko para malaman ang opinion niya.

Agad naman siyang tumanggi. "Wala naman na. Pero paano naman yung sa food natin?" Tanong niya pabalik.

Oo nga pala.

"Do you know how to cook ba?" Tanong ko.

Tipid siyang ngumiti. "Hehe, ako? Shempre hindi." Proud na sagot niya pa sa akin.

"I would not sacrifice myself to make food for the both of us for the rest of our lives." Komento ko. "I will teach you how on Sunday too." Dagdag ko.

"What?" Tanong niya. "And if I do not want to?"

"Easy. Eat fast food every day. We need to do things here together. If ako maglu-luto tomorrow, you should be the one who cooks the next day. We are talking about fairness here, just so you know." Paliwanag ko.

Muli nanaman siyang ngumuso na parang pato sa harap ko. Ang sarap niyang tsinelasin.

"Opo, Ma'am." Sagot niya.

"That's all." Saad ko at tumayo na.

"Tutulog ka na?" Pahabol na tanong niya sa akin.

"Malamang. Anong gusto mong gawin ko dito, tumunganga?" Mataray na sagot ko.

Magtatanong ng alam naman na dapat ang sagot. Nag-iisip pa ba to?

"Bakit ka agad matutulog? Ho-honeymoon pa nga tayo." Ngising sabi niya sa akin. "This is our first day and night together. Baka want mo i-celebrate. Hindi naman tayo gagawa ng baby eh. Unless..."

"Gusto mo i-celebrate ko rin first day and last night mo?" Sagot ko pabalik.

Agad naman siyang natawa sa sagot. "Napaka-pikon mo talaga. Kaya sarap mo asarin eh." Saad niya.

"Hindi ko hinihingi opinyon mo." Sagot ko at pumasok na sa kwarto ko.

Sinigurado ko rin na nai-lock ko 'to ng mabuti.

"Grabe, takot na takot pasukin ang kwarto? Takot much?" Asar pa nito sa akin.

Hindi ko na lang siya sinagot at humiga na sa kama.

Back to present day...

"Mamatay ka na! Pag nahuli talaga kita isasaksak ko 'tong takong ko diyan sa mata mo!" Nanggagalaiti kong sigaw kay Noah na tumatakbo.

"Keziah, ikalma mo sarili mo. Ikaw lang na-s-stress kay Noah eh." Saway sa akin ni Hazel.

"Oo nga naman. Huwag mo na lang kasi pansinin." Dagdag pa ni Macy.

"Anong 'wag na pansinin. Kita mo nga kahit hindi na sila mag-classmate, dinadayo pa rin siya ni Noah para mang-asar." Tawang saad ni Belle.

Fourth year na kami at matagumpay kong naiwasan na maging kaklase si buang. Pero nagagawa niya pa rin akong puntahan sa room every break time para mang-asar.

Baka nabuhay talaga ang siraulo na 'yon para asarin ako? Hayop siya. Ang sarap niyang kitilan ng buhay.

Lord when na ba his turn?

"Tara na at pumunta na tayo sa cafeteria." Yaya ko sa kanila.

Bumaba na kami patungo sa cafeteria. Agad kaming pumila para makabili ng makakain.

Matapos namin bumili ay humanap na kami ng vacant seats.

"Are you guys free ba sa Sunday? Hang out tayo ulit. Matagal na tayong hindi lumalabas." Anyaya ni Belle.

"What time? I am not available in morning." Sagot ko.

"Napapansin ko na hindi ka available every Sunday morning." Komento ni Macy. "You are keeping a secret 'no?" Dagdag na sabi niya.

"Family bond with my family kasi yung time. Kuya Arlo and Atticus wants to see me every Sunday since busy sila sa work." Pagpapalusot ko na lang. "But in the afternoon onwards I am free na." Dagdag ko, paninigurado para hindi na sila muling mag-tanong pa.

"So Sunday afternoon it is?" Tanong ni Hazel.

Belle nodded. "Oo, where should we go? Let's plan it." Sagot ni Belle.

"Ano pa ba hindi natin nagagawa? Aside from going out of the town.  We can't since we have class monday morning." Saad ko.

"Oh! I know one!" Macy said excitedly. "Shall we try ice skating. It is very trend right now. We have not been into skating since then diba?" She suggested.

Macy is right. We have never tried ice skating before.

"She is right! Let's do that on Sunday!" Excited na sabi ni Hazel.

"Kahit na we do not know how to skate?" Belle asked.

"We will learn naman after a few minutes of trying." Paliwanag ko.

"Mamaya mag-swimming lang tayo ron ha?" Natatawang saad ni Belle. "Pagtawanan tayo roon ng marurunong."

"Subukan nila, huhubarin ko yung shoes at isasampal sa kanila isa isa." Banta ko agad.

Natawa naman ang tatlo sa akin.

"Alam mo nasobrahan na ang tapang mo dahil sa kakaaway niyo ni Noah." Pang-aasar na ni Macy.

Hazel nodding her head aggresively and said, "Wala na ba talagang pag-asa m*****i kayo? Kaming lahat ang na-s-stress sa inyong dalawa." Sabi niya pa.

"Baka mamaya magulat kami kayo na pala. Tapos you are just using this tactics para hindi kayo asarin." Belle suggested na ikinatahimik ko.

I composed myself and glared at Belle. "Ngayon nga na hindi naman kami, yung asar niyo sa akin wala ng humpay." Komento ko.

"Since birth enemy talaga kayo. Imagine, mula bata pa kayo hanggang ga-graduate na lang tayo. Yung away niyo hindi pa tapos." Natatawang sabi ni Hazel.

Kung hindi naman kasi ako pinangungunahan ni Noah, edi sana walang away na nagaganap. Eh mukha naman kasing kulang sa pansin yung buang na 'yon. Walang araw, walang mintis ang pang-aasar niya sa akin.

Partida hindi na nga kami mag-classmate pero dinadayo pa ako sa room para lang mang-asar? Ano ba nahithit non?

"Kung maging okay man kayo soon, that would be a miracle." Ani ni Macy sa tabi ko at uminom sa juice niya.

"We will see, pag nagka-girlfriend na si Noah. For sure matitigil ang pang-aasar niya kay Keziah and would he do that to his future girlfriend kaya?" Tanong ni Belle.

"Pag nangyari 'yon, ako na pinaka-masayang babae sa balat ng lupa. Juice colored. Sawang sawa na ako sa buang na 'yon na walang alam kung hindi buwisitin ang araw ko." Sagot ko.

"Baka ma-miss mo naman pang-aasar niya, Keziah Arwen?" Pang-aasar na sabi ni Hazel kaya agad ko siyang tinapunan ng masamang tingin.

Natawa naman sila sa ginawa ko.

"Kaibigan ko ba talaga kayo? Post na ako sa social media ko. Lf, new friends. Yung friends ko kasi talkshit na." Saad ko na ikinatawa ulit nila. "Sige, salamat na lang sa lahat mga gaga." Dagdag ko. "Mabulunan sana kayo."

"Love! Balita ko may notes ka raw kay Ma'am. Juliet? Pahiram naman." Tawag pansin sa akin ni Noah pero hindi ko pinansin. "Love~ bingi ka minsan no?" Dagdag niya pa. "Sige na, pahiram naman ako notes, parang wala naman tayong pinag-samahan."

"Gusto mo isama kita sa impyerno?"

Kaugnay na kabanata

Pinakabagong kabanata

DMCA.com Protection Status