Nakatambay kami ni Quen sa rooftop, sinasayang ang oras habang hinihintay ang mga klase namin. One hour pa bago ang sa’kin, two hours naman kay Quen. Gusto sana naming umuwi, pero sa totoo lang, sobrang miss na namin ang isa’t isa.Ang tagal na rin namin hindi nagagawa ‘yung mga ganitong bagay. Kaya naisipan namin na dito na lang muna kaming dalawa. Tahimik pero magaan naman sa pakiramdam.Madalas siyang busy sa pagiging varsity, habang ako naman, laging kasama si Lucas at Kuya. Kaya ngayong pareho kaming may free time, why not spend it together?Dati pa naming tambayan ’tong rooftop. Hindi ko rin alam kung bakit, wala lang—mahangin, presko, at kita mo lahat mula sa taas. Lalo na ’yung volleyball court sa quadrangle. Hilig ko siyang samahan manood dito sa rooftop kahit medyo takot ako sa bola.“Tuturuan kita mag-volleyball pag may free time ako,” basag ni Quen sa katahimikan.Napating
“Ilang buwan na lang, ga-graduate na kayong lahat. Hindi na kayo elementary o high school para habulin ko pa kayo sa requirements. Kapag may kulang, cinco agad. Madali akong kausap.”Iyan ang bilin ni Ma’am Dizon bago niya iniwan ang silid, kasabay ng pagbagsak ng katahimikan.Nag-unat ang ilang kaklase ko, habang ang iba’y abala sa pagbubuklat ng notebooks at pag-double check kung may kulang ba sila sa requirements. Ako nama’y tahimik na tumayo at ipinasok ang mga gamit sa bag. Mabuti na lang talaga at naipapasa ko ang mga output ko kahit pa hindi ko gusto ang kursong ito.Sapat na ang stress ko sa course—hindi ko na hahayaang magkaproblema ako sa grades.Nilingon ko ang upuan ni Candice. May babaeng tumayo roon, ngunit agad akong nagdikit-kilay nang marealize kong hindi pala siya si Candice. Wala ni isang gamit sa silya—mukhang ibang kaklase lang ang lumipat ng upuan. Kaya pala hindi siya tumayo kanina nang banggitin ni Ma’am na siya ang highest. Akala ko wala lang siya sa mood.Lum
Kanina pa ako naiilang sa mga taong kasama ko. Hindi ako sanay makihalobilo sa mga taong hindi ko kilala pero wala akong choice kundi ngumiti at makipag-usap sa kanila. Nasanay akong sina Quen ang kasama ko kaya’t medyo nahihirapan ako sa mga ganitong sitwasyon. Ilang beses ko na nakakasama ang mga kaibigan ni Kuya at Lucas pero hindi ko pa rin maiwasan ang mailang.Lahat sila ay successful na’t may mga bigating negosyo. Bigla na lang ako nananahimik kapag nag u-usap sila ng tungkol sa mga career at pag a-asawa lalo na kapag tungkol sa negosyo ang usapan. Parang gusto kong mag walk out na lang at umuwi na lang. Parang bigla akong na-pressure sa buhay kasi successful na silang lahat, e. No one chose the wrong path. Walang kahit na isa sa kanila ang naligaw sa landas.Habang ako, nagtitiis sa kurso na hind
"Enough, Nathalie!" Singhal sa akin nung isa nilang kasama na hirap na hirap din sa pag pigil kay Niko. "Bakit hindi 'yang kaibigan niyo ang pag sabihan niyo? Masyadong affected sa mga sinabi ko," sabi ko bago ako bahagyang ngumiti at tapunan ng tingin ang mga kuko ko. Pilit nilang pinipigilan si Niko sa pamamagitan ng paghawak sa braso nito habang nakatayo lang kami ni Quen sa harap nila. Kanina pa 'kong niyayaya ni Quen na umalis na lang pero nag matigas ako. Hindi naman ako ang nauna, hindi naman ako ang nagsimula ng gulo, at mas lalong hindi naman ako 'yung nauna na magsambit ng mga masasakit na salita. Malinaw na malinaw naman na payapa lang kaming naka-upo ni Quen kanina. Just minding our own business, but they ruined it. He looked so pissed. Wala naman akong sinabing mali o kasinungalingan para magalit siya ng ganito. Who would have thought that this guy in front of me, who looks like a gentleman, wants to punch a girl? "Pasalamat ka dahil babae ka!" sigaw sa akin ni Ni
“You see, I’m just concerned about your friend. Napansin ko rin kasi na napapadalas ang pagiging maliyuhin at pagsusuka niya,” dagdag pa niya. “I’m not forcing her to take the test. Pero kung makukumbinsi mo s’ya, much better.”“Susubukan ko po,” tipid kong sagot.“Hindi naman kita kakausapin tungkol dito kung hindi siya pa ulit-ulit na bumabalik dito dahil sa liyo at pagsusuka. Ang sa’kin lang kasi, baka mapasama sa kanya ‘yung mga gamot na naibigay ko last time, dahil nga humihingi siya sa akin at wala naman akong alam sa nararamdaman niya. If you can talk to her, kumbinsihin mo na lang na magpa check-up siya. Kasi iniiwasan naman n’ya ang mga tanong ko,” ani pa ni Nurse Georgia.
Tumahan din ako nang mapansin kong pinagtatawanan ako ni Lucas. Paano ba naman kasi, ilang minuto na ‘kong umiiyak at hindi na niya maintindihan ang mga sinasabi ko. Madalas kasing hindi ko masabi ang mga nararamdaman ko kaya’t sa pag iyak ko na lang naidaan."Salamat talaga, Lucas."He chuckled. "Can you stop thanking me? You already said that a thousand times," he said before kissing me on the head."Natutuwa lang ako kasi nagagawa mong posible ang mga bagay na inakala kong imposible," sabi ko sa kanya bago ako tumingala sa kanya at muling tapunan ng tingin ang mga kagamitan dito sa studio."Basta para sa'yo. I'll make everything possible," he added.