6 years ago
"Seira, ang bagal mo! Huwag ka na magpaganda, walang magkakagusto sa 'yo. Nangungulangot ka tapos pinapahid mo sa pader!" sigaw ni Jairus.
Niyukom ko ang kamao ko at nagpipigil ng inis. Umagang-umaga, mamumwisit siya. Palibhasa, nag-aayos ako para magmukhang presentable sa kaniya. Siya lang naman 'tong manhid, hindi makaramdam.
"Seira, kanina pa sa sala si Jairus. Napakatagal mo namang gumayak, school ang pupuntahan mo, ha? Hindi mo na kailangan mag-make up." Pumasok si Mama sa kwarto ko.
Binaba ko na ang hawak kong suklay. Kinuha ko ang pouch ko na may lamang pampaganda. Inilagay ko 'yon sa loob ng bag ko.
"Hindi pa naman kami late, maaga lang gumayak si Jairus," reklamo ko at sinakbit ang aking bag.
"Sige na, umalis na kayo at matutulog na ako. Buong gabi ako sa call center. Ngayon pa lang ako matutulog," ani Mama at tinulak ako palabas ng kwarto ko.
Nakita ko si Jairus sa sala. Wala kaming hagdanan dahil simple lang ang bahay namin, paglabas ko ng kwarto, sala agad ang makikita ko. Nakaupo si Jairus sa sofa namin habang nakataas pa ang paa sa lamesa. Napangiwi naman ako dahil mabaho ang paa niya.
"Tayo na, napakabwisit mo. Pati pangungulangot ko kabisado mo," irita kong sabi at inirapan siya.
Tumayo siya at inayos ang kaniyang bag. Medyo malayo ang school namin, isa itong university dahil fourth year college na kami, pero imbis na mag-jeep ay nagta-trycicle kami. Mula pagkabata, sabay kaming pumasok sa school dahil iisa lang ang school na pinapasukan namin.
"Sabi ni Papa, balak niya kumuha ng driver kasi bumili siya ng isa pang kotse para sa ating dalawa," aniya habang naglalakad kami.
Tumingin ako sa bahay nila na katabi ng bahay namin. Sa totoo lang, nakakahiyang tignan na magkatabi ang bahay namin nina Jairus. Sobrang simple at maliit ang bahay namin tapos ang bahay nila Jairus ay mayroon pang third floor. Modern at mamahaling tignan ang bahay. Nakita ko ang isang grey na kotse sa garahe nila, mukhang iyon ang tinutukoy ni Jairus.
"Iyon ba?" tanong ko.
"Oo, gusto mo ba sabihin ko kuha na siya ng driver? Sagot na ni Papa gas noon, tapos hindi ka na gagastos ng pamasahe natin sa trycicle," aniya.
"Psh, ayoko kalatan yung kotse niyo. Natatandaan mo ba yung huli kong sakay sa kotse ng Papa mo last year?" ani ko sa kaniya.
Tumawa ito bigla at hinampas pa ang likod ko.
"G*go! Oo nga pala, sumuka ka!"
Halos hindi na siya makahinga kakatawa. Inirapan ko siya at iniwan sa paglalakad.
"Kasalanan ko bang may travel sickness ako," bulong ko.
Tumakbo naman siya at hinabol ako, inakbayan niya pa ako habang naglalakad kami sa kalsada. Kaya palagi kaming pinagkakalamang mag-jowa. Dahil clingy kami sa isa't isa, hindi lang clingy. Sa totoo lang, may ginagawa kaming magkaibigan na dapat magkarelasyon lang ang gumagawa.
"Ginawa ko yung assignment mo sa business math. Baka naman gusto mong ilibre ako ng pamasahe ngayon," ani ko sa kaniya.
"No problem. All money is on me!" mayabang niyang sabi.
Napangiti ako, walang araw na malungkot kami dahil palagi kaming magkasama. Nauna akong sumakay sa trycicle at tinabihan niya ako.
"Napalago na ulit ni Papa yung company ni Lolo noon. Dati nababaon kami sa utang, pero ngayon ang laki na ng kinikita nila Mama," kwento ni Jairus.
"Sana all, siguro kung buhay si Papa, baka maganda rin bahay namin kagaya ng sa inyo," ani ko.
Namatay si Papa noong bata ako, matapos na bilhin ni Papa ang lupa na binebenta ng magulang ni Jairus, kung saan nakatayo ang bahay namin ngayon. Noong bata ako ay nagje-jeepney driver si Papa habang si Mama ay nasa bahay lang para alagaan kami ni Kuya. Ngunit umuwi ng lasing si Papa, isang gabi bumangga siya sa poste, nayupi ang unahan ng jeep at may bakal na tumusok sa kaniya na dahilan ng kaniyang pagkamatay. Matagal na 'yon pero nami-miss ko pa rin si Papa. Kaya ngayon, si Mama ang nagtatrabaho bilang Call Center Agent, para sa amin ni Kuya. Ang problema, si Kuya noong college na siya, nakabuntis siya at huminto ng pag-aaral para magtrabaho.
Nang makarating kami sa school ay sabay pa rin kaming maglakad ni Jairus sa loob ng campus.
"Ayos ba buhok ko?" tanong niya.
Tinignan ko siya habang hinahawi ang kaniyang buhok. Napalunok ako ng ilang beses. Sa totoo lang, sobrang gwapo niya talaga. Dagdag pa ang ngiti niya, yung mga mata niya ay ngumingiti rin.
"Ang pangit mo," ani ko at tinalikuran siya.
"Tarantado, baka magkasalubong kami ni Vinalyn, gusto ko maging pogi sa paningin niya," ani Jairus.
Napabuntong hininga naman ako. Kaya hindi ko magawang aminin ang nararamdaman ko sa kaniya, ay dahil may babae siyang napupusuan. Isang taon na niyang nililigawan si Vinalyn, hindi ko alam sa babaeng 'yon kung may balak pa siyang sagutin si Jairus, sana nga busted-in na niya para maka-amin na ako kay Jairus.
"Tignan mo 'to! Ang snob mo p*ta!" ani Jairus at inakbayan pa ako.
"Tanga, baka makita ka ni Vinalyn. Mag-iisip 'yon tungkol sa atin," ani ko at tinanggal ang kamay niya.
"Bugok ka ba? Alam naman niyang magkaibigan tayo since elementary. Nakwento ko pa nga yung natae ka sa panty mo tapos sabi ko sa teacher natin sasamahan kita umuwi. Ayon napaaga uwi natin pero ang baho mo talaga noon," aniya at tinakpan ang ilong niya.
Hindi ko na pinigilan ang sarili ko. Binatukan ko siya, napahawak siya sa batok niya at napadaing sa sakit.
"Siraulo ka talaga! Bakit mo naman sinabi 'yon?"
"Magka-video call kami palagi," aniya.
"Lahat na lang ng nakakadiri at nakakakilabot na nangyare sa buhay ko alam na alam mo! Wala ka bang ikukwento na maganda?" ani ko.
"Wala, ikaw."
"Anong ako?"
"Ikaw, maganda."
Napakurap ako ng ilang beses sa sinabi niya. Pakiramdam ko ay sulit ang pag-aayos ko ng matagal para mabati niya ako na maganda.
"We?"
"Ito naman, hindi mabiro. Tara na, male-late na tayo."
Nawala ang saya ko dahil sa sinabi nito. Sinipa ko ang paa niya, muntik ma siyang matalisod pero tumakbo ako patungo sa building namin. BS Accountancy ang course ko at siya naman ay BS Entrepreneurship since may business sila. Iisa lang ang building naming Business Administration.
"Hoy, Seira!" sigaw ni Jairus.
Tumatawa ako habang paakyat ng hagdanan, hindi ko naman inaasahang makasalubong si Vinalyn. Ang babaeng gusto ni Jairus.
Napatitig ako sa kagandahan niya, kumikinang ang suot niyang alahas. Ngumiti siya sa akin.
"Seira, nasaan si Jai--"
"Nandito ako, baby!" ani Jairus at nilapitan si Vinalyn.
"Nakatulog ka sa video call natin," ani Vinalyn.
Napayuko ako. Masaya nang nag-uusap ang dalawa kaya iniwanan ko sila. Muli akong lumingon, hindi man lang naramdaman ni Jairus na nawala ako sa tabi niya, basta nandyan si Vinalyn.
Sino ba naman ako para kalabanin si Vinalyn. Dean's lister siya, mayaman, maganda, social media influencer. Samantalang ako? Heto, kailangan magtapos ng pag-aaral para may magandang buhay. Ni-hindi nga ako sanay sumakay sa kotse tapos siya araw-araw hatid sundo ng kotse nila.
"Oh, ang lungkot ng mukha mo," ani Anne pagpasok ko ng classroom.
"Pagod lang, sana may elevator na 'tong building," ani ko at bumagsak sa upuan ko.
***************
Seira Anthonette's P. O. V.Dahan-dahan kong iminulat ang mga mata ko. Amoy ko ang bango ng alcohol sa paligid, noon ko napagtanto na nasa loob ako ng hospital. Nakita ko si Dorothy na nasa tabi ko at nakayuko."D-Dorothy..." bulong ko.Napaangat siya ng tingin sa akin, bakas ang pagkadismaya sa kaniyang mukha. Hinawakan ko ang braso niya."How come that you're pregnant?" tanong niya kaagad."K-Kamusta ba ang baby ko?" Napaiwas siya ng tingin."Okay naman, you bleed due to stress. The Doctor said, you must rest atleast a week." Tumayo siya. Pinanood ko siyang kumuha ng isang paper bag na puno ng pagkain."Binili ni Iverson bago siya umalis," cold niyang sabi sabay abot sa akin ng paper bag.Sinilip ko ito, una kong kinuha ang vegetables salad. Akmang kakainin ko na ito pero pansin ko pa rin ang galit sa mukha ni Dorothy."Dorothy... Sorry, hindi ko lang alam kung paano ko aaminin 'to.""Seira, kumain ka na. Kailangan 'yan ng baby mo. Magkwento ka lang, makikinig ako sa 'yo." Sumanda
Jairus Gael's P. O. V Hawak ko ang aking cellphone, hindi pa rin nase-seen ni Seira ang mga messages ko. Mag-iisang buwan na siyang out of reach. "Babe, here's your cookies. Malamig na, let's eat it in our balcony. What do you think?" nakangiting tanong ni Vinalyn.Narito ako ngayon sa bahay nila, wala ang parents niya at kukuhanin ang gown na pinatahi pa. Nahahanda na ang lahat para sa kasal, ngunit hindi pa rin matahimik ang loob ko patungkol kay Seira."Babe?" biglang hinawakan ni Vinalyn ang pisngi ko kaya napatingin ako sa kaniya."Y-Yes, Babe. Let's go." Hinawakan ko ang kamay niya.Sabay kaming naglakad paakyat ng hagdanan patungo sa kaniyang kuwarto kung saan mayroong balcony. Nilapag ko ang cookies sa lamesa.Binulsa ko na ang cellphone ko dahil baka makita pa niya ang messages ko kay Seira, baka mag-away na naman kami."Babe, check my dresses. Pumili ka ng isusuot ko bukas kapag pumunta tayo sa reception ng kasal," aniya at hinila ang kamay ko.Sumama ako sa kaniya patungo
Jairus Gael's P. O. V Hawak ko ang aking cellphone, hindi pa rin nase-seen ni Seira ang mga messages ko. Mag-iisang buwan na siyang out of reach. "Babe, here's your cookies. Malamig na, let's eat it in our balcony. What do you think?" nakangiting tanong ni Vinalyn.Narito ako ngayon sa bahay nila, wala ang parents niya at kukuhanin ang gown na pinatahi pa. Nahahanda na ang lahat para sa kasal, ngunit hindi pa rin matahimik ang loob ko patungkol kay Seira."Babe?" biglang hinawakan ni Vinalyn ang pisngi ko kaya napatingin ako sa kaniya."Y-Yes, Babe. Let's go." Hinawakan ko ang kamay niya.Sabay kaming naglakad paakyat ng hagdanan patungo sa kaniyang kuwarto kung saan mayroong balcony. Nilapag ko ang cookies sa lamesa.Binulsa ko na ang cellphone ko dahil baka makita pa niya ang messages ko kay Seira, baka mag-away na naman kami."Babe, check my dresses. Pumili ka ng isusuot ko bukas kapag pumunta tayo sa reception ng kasal," aniya at hinila ang kamay ko.Sumama ako sa kaniya patungo
Jairus Gael P. O. V. Hindi na ako makapag-isip ng maayos. Isang linggo na akong nababaliw kakahanap kay Seira, dahil isang linggo na rin siyang hindi nagpaparamdam sa akin. Minsan ay nakikita ko na lang ang sarili kong umiiyak, hindi ko kailan man kinaya na hindi siya kausapin sa loob ng isang araw. Sampung taon, hindi ko akalain na mawawala na lang siya bigla.Narito ako ngayon sa tapat ng pinto ng bahay nila Seira, nagbabakasakali na kakausapin na ako ni Tita Sonya matapos niya akong palayasin kahapon dahil sa kakatanong ko kung nasaan si Seira. Tila ba naglayas siya, galit sa kaniya si Tita Sonya. Hindi man lang siya nagpaalam sa akin, kung pwede ko naman siyang ampunin na lang, dito na lang siya sa bahay."Tita Sonya!" sigaw ko at muling kinatok ang pinto.Ilang minuto na akong nakatayo rito. Pakiramdam ko maiiyak na naman ako dahil hindi ako mapakali. Kailangan ko malaman kung nasaan siya, kung may problema ba, kung napaano na ba siya, at kung anong lagay niya ngayon?"Tita Sony
Seira Anthonette's P. O. V.Paglapag ng eroplano, muli kong binuksan ang cellphone ko para i-message si Dorothy na nandito na ako. Nag-usap kami na susunduin niya ako sa terminal three, dahil dito ang labas ko. Kinuha ko na ang baggage ko mula sa baggage center saka tumayo sa labas. Ramdam ko ang malamig na simoy ng hangin, palubog na ang araw. Biglang lumabas ang notification sa aking cellphone, ang daming missed calls ni Jairus at messages. Wala na akong balak i-seen ang mga iyon. Hindi na niya ako kailangan, nariyan na si Vinalyn sa tabi niya habambuhay.Tinanggal ko ang sim card ng aking cellphone. "Seira!" napalingon ako sa gilid ko.Nakita ko si Dorothy, nakangiti ito habang sinasalubong ako. Hindi ko napigilan ang maiyak, sa wakas ay nagkita na kami matapos ang ilang taon na sa cellphone lang kami nag-uusap.Niyakap ko siya, napasubsob ako sa balikat niya at hinayaang bumuhos ang luha ko. Hinagod niya ang aking likod. "Oh, Seira! Bakit ka umiiyak? Does something happened?" a
Jairus Gael's P. O. V.Hawak ko ang isang magazine, puno ito ng litrato pangkasal. Gusto kong si Seira mismo ang pumili ng gusto niyang masuot sa araw ng kasal ko. Kailangan ko ito gawin, this is the only way I thought of... Para manatili kaming magkaibigan."Seira?" tawag ko at akmang bubuksan ang gate ng bahay nila.Bigla kong nakita si Tita Sonya na may hawak na isang walis tambo. Lumakad ito papalapit sa akin. "Tita, nasaan po si Seira?" tanong ko at tuluyan kong binuksan ang gate nila.Lumapit ako at kinuha ang kamay ni Tita Sonya para magmano. Rinig ko naman malalim nitong paghinga."Umalis." Tumango ako at ngumiti, itinago ko sa likuran ko ang magazine na hawak ko."Saan po pumunta?""Hindi ko alam," walang gana niyang sagot."Anong oras po kaya siya babalik?"Hindi niya ako sinagot, nawala ang ngiti sa aking labi nang talikuran niya ako. Akmang hahabulin ko si Tita Sonya pero mukhang galit siya. Napabuntong hininga lamang ako at kinuha ang cellphone ko na nasa aking bulsa."
Seira Anthonette's P. O. V.Kakatapos lamang ng graduation namin, nakita ko ang mga tropa ko na nagtatalunan sa tuwa. Gusto ko ring makitalon pero may iniingatan akong bata sa sinapupunan ko. Bigla akong nilapitan ni Sammy."Girl! Picture naman tayo," aniya sabay ayos sa aking suot na toga."Tara, barkada goals!" ani ko.Tumayo kami sa harapan ng stage. Tinawag ni Sammy ang isang kaklase nila para picture-an kami nina Gil, Raiko at Sammy. Bigla namang tumakbo si Jairus papalapit sa amin. "T*ngina niyo! Hindi niyo 'ko inaaya!" sigaw ni Jairus. Nagulat ako nang tumabi ito sa akin. Ipinatong niya ang kaniyang braso sa aking balikat at mahigpit na hinawakan ang balikat ko. Dikit na dikit ang katawan niya sa akin."Tingin na dito!" sigaw ng estudyante na kukuha sa amin ng litrato."One! Two! Three! Smile!"This is, our last picture together...Balak ko nang bumili ng ticket ngayong araw. Bibilhin ko ang maagang flight dahil gusto ko na agad makaalis, makalayo, makapagsimulang muli.Nanin
Seira Anthonette's P. O. V. Hawak ko ang aking tiyan, hindi ko maintindihan ang sarili ko. Ngayong alam ko na talaga na buntis ako, parang sobrang arte ng pag-iingat ko sa sarili ko. Ngayon kasi ay nagpa-practice kami ng graduation ceremony, paulit-ulit kaming lumalakad sa stage at nagba-bow. Kinakabahan naman ako na baka matagtag ang katawan ko at mapasama ang baby ko. Ganito pala ang pakiramdam kapag alam mong may laman ang tiyan mo, nabubuhay na kailangan mong ingatan. Nagiging praning na ako."Seira, gusto mo ng tubig?" Napatingin ako kay Jairus, nakatayo ito sa gilid ko at may hawak na bottled of water."Salamat," ani ko at tinanggap ito.Pinunasan ko ang aking pawis saka uminom ng tubig na ibinigay niya. Umupo siya sa tabi ko, napakunot naman ang noo ko, baka mamaya makita na naman kami ni Vinalyn at bumunganga na naman siya."Seira, mamaya alam mo na." Napabuntong hininga ako, heto na naman siya para ipaalala ang proposal na magaganap mamaya. "Oo, na-set up naman na." "Bu
Seira Anthonette's P. O. V.Itinago ko ang pregnancy test at ultrasound sa isang kahon ng luma kong sapatos. Inilagay ko ito sa ilalim ng vanity mirror ko, nagdarasal na huwag iyon galawin ni Mama. Hindi ko pa alam paano ko sasabihin sa kaniya, hindi niya pwedeng malaman 'to lalo na't hindi pa ako guma-graduate ng kolehiyo.Ano na lang ang iisipin niya? Na kagaya lang ako ni Kuya Benjie, nagpabaya sa pag-aaral at nabuntis. Saka ko na sasabihin kay Mama ito. Kailangan ko lang maging settled financially. Kailangan ko ng pera para sa ultrasound at vitamins na kailangan ko i-take ngayong buntis ako. Ayoko ito ipalaglag, hindi ko papatayin ang sarili kong anak. Kinuha ko ang cellphone ko at napahiga sa kama ko. Tinawagan ko si Dorothy, nakakadalawang missed ko na ako, ayaw niya sumagot. Kailangan ko ng pera..."Dorothy!" hiyaw ko nang sagutin niya ang tawag."Ano na? Kamusta pagpapakatanga mo. Ang dami mo pa lang missed call, naliligo ako, beh!" aniya.Napangiti ako, siya lang ang malalap