Share

Hidden Marriage: Mr. President, I adore You
Hidden Marriage: Mr. President, I adore You
Author: Roses are Ryd

Chapter 1

Habang kagat-kagat ang hawak na tinapay, nakatingin si Madeleine sa mga taong kasalukuyang umaarte sa harap ng camera. Kahit ang mga mata niya ay sumusunod sa bawat galaw ng mga aktor ay nasa ibang lugar naman ang kanyang isip. Hindi kalaunan ay nabilaukan siya at napainom ng maraming tubig.

She was estimating her money on the bank to see if she can pay her rent and bills this month at sa tantiya niya'y makaka-abot pa naman, pero for her daily expenses? Not sure if she can, nababahala siya na kung hindi siya makahanap ng racket sa lalong madaling panahon ay baka magtitiis na naman siya nito sa tinapay at tubig ulit.

However, she can't really decide kung maghahanap ba siya ng racket o hindi, lalo na't hindi kaaya-aya ang alaala niya sa huli niyang racket na ginawa.

Sinubukan din naman ni Madeleine mag-apply ng trabaho katulad nalang sa mga fast food chain o di kaya'y sa mga convenience store pero sa nakakapagtakang kadahilanan ay hinding-hindi siya rito natatanggap. Buti nalang nahanap niya ang pag-arte bilang pagkuhanan ng pera.

Madeleine was a member of theater troupe before she dropped out of school on her third year of college, kaya hindi na iba sa kanyang ang pag-arte. Malaki-laki din ang kinikita niya rito kahit ang ginagawa lang niya ay mostly maging side character, at double body lang, pero dahil sa kanyang sitwasyon ay kinakailangan pa rin niya ang humanap ng ibang trabaho to gain more money.

Last year, Madeleine's ex-boyfriend left her after borrowing 20 million from a certain bank and made her the third party to pay his debts. She was beyond livid but what can she do? Kahit anong gawin niya hindi na niya mahanap ang kanyang ex at wala na rin siyang oras para hanapin ito. Hanggang ngayon, kaunti pa lang ang kanyang nababayaran. Dahil sa laki ng pera na inutang nito hindi niya alam kung mababayaran pa niya ito. Nagsimula na siyang mag-alala.

"Okay, cut! Good job everyone! Let's continue tomorrow for the next scene," anunsyo ng direktor.

Dali-dali namang inubos ni Madeleine ang tinapay at tumayo para umalis. Nakita niyang sinenyasan siya ng direktor na lumapit kaya agad naman siyang tumalima.

"Madeleine, last take mo na ngayon. May plano ka ba sa susunod mong gagawin?" tanong ni Carl kay Madeleine.

Carl Diaz was slightly fond of Madeleine kasi nakikita niyang magaling itong umarte. Kahit isang side character lang ito sa palabas niya ay nakikita niyang may potensyal ito sa pag-acting, masipag din ito at hindi nagrereklamo kahit paulit-ulit man i-take ang isang scene dahil parating nagkakamali ang ibang mga aktor. Minsan nga ay nakikita niya itong tumutulong sa pag-aayos at paghahanda sa set. Isa pa, kahit tahimik ito at hindi masyadong nakikipaghalubilo sa iba ay hindi din naman ito tumatanggi kung may gustong makipag-usap o humihingi ng tulong dito. In this aspect, Madeleine was able to stay away from getting into trouble and still keep her place from any malicious and arrogant actors.

Nahihiyang napakamot sa ulo si Madeleine at napailing.  "Wala pa direk eh, naghahanap pa po ako ng bagong mapapasukan. Siguro po bukas maghahanap agad ako," sagot niya kay Director Diaz.

Carl's heart softened while looking at Madeleine's pitiful appearance. Hindi niya maiwasang maawa rito lalo na't may anak din siyang babae kaedad lang nito. Alam niyang kailangan nito ng pera kaya palagi itong suma-sideline kasabay ang pag-arte, hindi niya alam kung saan nito ginagastos ang pera pero lahat naman ng tao may sariling dahilan at kwento ng kanilang buhay.  People have different level of hardships and obstacles, it's either you help them or not.

Mahinang tinapik ni Carl ito sa balikat bago nagsalita, "How about being an actress, Madeleine? I really think na may potensyal ka sa pag-arte, although it will be hard since wala ka pang manager at hindi ka pa belong sa isang agency but I can help you enter a drama as one of its main characters. The director is my friend, and I recommend you to the role of the Male lead's sister. So what do you think?"

Nagulat si Madeleine sa sinabi nito. "Direk, pakiramdam ko ay hindi ko yata kaya 'yon. Masyadong mabigat ang role, at saka wala pa po akong experience maging isa sa mga main characters alam niyo po 'yon," aniya.

"Alam ko Madeleine, but this is a chance for you. At isa pa, malaki ang makukuha mong pera pag naging artista ka na. It's up to you kung gusto mong maging sikat o gusto mo lang maging lowkey artist. Don't settle for just being a side character or double body, malay mo diyan ka yayaman sa pagiging artista. If you want after ma-expire ng contract mo sa agency you can retire after saving some money. Do whatever you want." Pagpipilit ni Carl kay Madeleine.

Natahimik si Madeleine wari'y nag-iisip sa kung anong magiging desisyon, ibinigay ni Carl ang script kay Madeleine habang ito ay nakatulala. "Here's the script, pag-isipan mo ng mabuti Madeleine. If you ever come to the conclusion na tanggapin ang offer ko, go to this place for the script reading and if not, then don't come at all. But Madeleine, I hope you do, no one understand better than you that entering in the entertainment circle doesn't just give you fame but also easy money," sabi nito bago tumalikod papaalis.

Paglabas ng gusali, sinalubong si Madeleine ng malamig na hangin ng gabi. Napabuntong-hininga siya at bahagyang ninanamnam ang malamig na hangin na tumatama sa kanyang mukha at tumingala sa madilim na kalangitan. Hanggang ngayon ay nasa isip pa rin niya ang sinabi ni Director Diaz sa kanya, anyone would likely fall for this opportunity at isa na si Madeleine doon, lalo na pag ang usapan ay kasama ang pera.

Niyakap ni Madeleine ang kanyang backpack bago naglakad sa kabilang direksyon. Hindi na siya  pumunta sa paborito niyang karenderya at dumiretso nalang sa bahay para matulog dahil nakakain na naman siya ng tinapay kanina. Papara na sana siya ng dyip nang biglang may naaninag siyang nakaparadang mamahalin na kotse, at hindi lang basta mamahalin na kotse, it’s a freaking Limousine!

Napatingin siya sa paligid at katulad niya, marami ding sumusulyap-sulyap sa kotse at nagtataka kung bakit may nakaparadang sasakyan na ganito sa lugar. Maya-maya pa ay may lumabas na malaking lalaki na nakablack suit at lumapit sa direksyon niya. Bigla siyang kinabahan at napaatras, aalis na sana siya nang biglang may humarang sa kanyang daraanan.

Bumugad sa kanya ang malapad na dibdib na sa tantiya niya’y pagmamay-ari ng isang bodyguard dahilan para manigas siya sa kanyang kinatatayuan.

“Ms. Madeleine Lodrigo, sumama ka sa amin. Mr. President wants to see you,” a bulky man said.

Kulang na lang ay lumabas sa katawan niya ang kanyang puso dahil sa lakas ng tibok nito dulot ng kaba. Hindi siya makapag-isip ng maayos sa mga nangyayari kaya tumingin siya sa paligid para humingi ng tulong, pero dahil sa takot na rin ay walang may lakas ng loob na lumapit.

Walang may alam kung anong tumatakbo sa mga isip ng mga tao na nandoon, whether if the woman had done something wrong or these bunch of shady looking men were trying to kidnap a woman in front of many people. However, either with these two no one dared to step in for feared they will face danger instead.

Nakita niya ang paglapit ng isang pang bodyguard sa kanya kaya wala na siyang nagawa kundi ang sumunod para umiwas sa gulo. Nang makarating sila malapit sa kotse ay bigla bumaba ang bintana ng kotse at bumungad  sa kanya ang pamilyar na mukha.

“I-ikaw?” gulat niyang bulalas sabay turo sa mukha nito.

Mahinang napahiyaw siya nang biglang may tumulak sa kanya papasok ng sasakyan.

Humigpit ang pagkakayakap niya sa kanyang backpack at nanlaki ang mga matang nakatitig sa lalaking kaharap.

It was the guy she met at the hotel three months ago!

Perez sat there with his straightened back and serious face looking so stiff and gloomy. His hair was neatly done but a few of his hair strands escaped and fell on his forehead making his visual more highlighted. May hawak itong mga papeles at nakatingin din sa kanya, Madeleine felt a chill on her back so she shut her mouth close and turned her gaze away.

After a while, naramdaman niyang biglang huminto ang sasakyan sa isang walang taong lugar at lumabas ang driver pati nadin ang isa pang bodyguard. Silang dalawa nalang ang natira sa loob ng kotse at walang ni isang nagsalita sa kanilang dalawa.

“Madeleine Lodrigo, 25 years old. Girlfriend of Lawrence Dela Cruz who borrowed 20 million in El Salva Bank. Became the third party for the debt and is paying it off for a year. Don't you know that the debt became 30 million because of the interest?" sabi ni Perez habang nakatingin sa mga papel na hawak.

Napaangat ang tingin niya at napahiyaw sa gulat. Nagtagpo ulit ang mga mata nila at napataas ang kilay ni Perez sa kanyang reaksyon.

"He-he's my ex-boyfriend," sambit ni Madeleine sa mahinang boses.

Gustong sapakin ni Madeleine ang sarili sa katangahan. Gusto niya sanang tanungin at kompormahin kung bakit naging 30 million

pero ang lumabas sa kanyang bibig ay ang mga katagang kanyang nasabi.

"So?" walang pakeng tanong ni Perez at hindi na siya pinansin.

"Now, Ms. Lodrigo don't you know na may nakasunduang due date ang inutang ng boyfriend mo? The due date is within one year. Guess what day is today?"

Napalunok si Madeliene at namutla. One year, today is the due date for the debt. Biglang nanlamig si Madeleine na para bang binuhusan siya ng malamig na tubig. Sino bang hindi matatakot? If she can't pay the debt now, malaki ang chances na makulong siya dahil hindi siya makabayad ng utang.

"I-I can't pay the debt today. Wala pa po akong pera," kinakabahang pag-aamin niya dito.

Perez's mouth twitched when he saw Madeleine's ghastly face and teary eyes. He frowned and put down the papers.

"That's why I have a proposal to you. Since you helped me before, I am considering nulling the contract only if you accept  my terms and hear me out. Do I have your full attention?" Perez said as he crossed his arms on his chest looking arrogant and overbearing.

Napakurap si Madeleine at hindi nagsalita. Silence means yes, wala din naman siyang magagawa. Kung hindi niya ito pakikinggan, siguradong magiging bagong bahay na niya ang presinto bukas.

"Be my wife and help me cure my illness. After that you are free," wika ni Perez sa malalim na boses.

Mga Comments (1)
goodnovel comment avatar
Irma Datu
Bakit wala na pong kasunod na chapters
Tignan lahat ng Komento

Kaugnay na kabanata

Pinakabagong kabanata

DMCA.com Protection Status