LOGINTULALA ako habang naglalakad sa kalsada not minding the tears that continuing flowing down to my face.
Ang sakit lang kasi na nagawa niyang pagsalitaan ng ganon ang bata. Alam kong galit siya sakin pero sana naman hindi niya idinamay ang anak ko-- anak namin sa galit na nararamdaman niya sakin. Walang kasalanan ang bata pero hindi ko inaasahan na magagawa niyang ipapatay ang sarili niyang anak. Sobrang sakit sa puso ko at parang ilang milyon akong sinasaksak nang paulit-ulit. Ano bang nagawa ko sa past life at bakit ko ito nararanasan? Of all people bakit ako pa? Mabait naman ako at wala akong tinatapakang ibang tao at wala din akong naagrabiyado. 'So why? Why is this all happening to me? Is this really my fate? To experience all of this?' Noon, umaaasa ako na sana babalik pa kami sa dati. Na sana makikita ko pa siyang ngumiti ulit sakin ng totoo na sana mapatawad din niya ko sa kasalanan ko pero ang lahat ng iyon ay hanggang sana nalang dahil wala ng mangyayare sa mga sana na iyon. "MISS WATCH OUT! MABABANGGA KA!" Gusto ko ng sumuko. Gusto nang sumuko ng katawan ko dahil hindi ko na kaya ang bigat at sakit na nararamdaman ko. "MISS UMALIS KA DIYAN!" Pero hindi ako pwedeng sumuko dahil may buhay na nakasalalay sakin. Hindi ako pwedeng sumuko alang-alang sa batang nasa sinapupunan ko. *BEEP!* BEEP!* BEEP!* Napalingon ako sa malakas na ingay at napapikit din nang masilaw ako sa sobrang liwanag. Sigaw ng mga tao ang huli kong narinig bago tuluyang nandilim ang mga paningin ko. Ashleigh's POV Lakad at takbo ngayon nga ginagawa ko para makarating sa kwarto na kina roroonan ni December. Grabe din ang kaba ko ng tinawagan ako ng nurse ng ospital na nandito daw si December. Marami akong tanong kung bakit siya nasa ospital, anong nangyare sakanya at kung nasabi na ba niya sa g*gong lalaki na iyon ang tungkol sa pagbubuntis niya. Tanaw ko na ang room ni December mula sa pwesto ko kaya mas binilisan ko pa ang lakad. Napakunot noo ako ng makita ang isang lalaki na naghihintay sa harap ng pinto pero nakatalikod ito sa gawi ko. "Sino ka?" Agad na tanong ko ng makalapit ako dito. Lumingon naman siya sakin at napanganga nalang ako dahil sa sobrang gwapo ng lalaking nasa harap ko. I mean marami na din akong nakitang mga gwapo since i'm a model pero iba ang kagwapuhan ng isang to. Angat na angat e. "May dumi ba ko sa mukha miss?" Napakurap-kurap ako ng magsalita siya at tumikhim dahil sa pagkapahiya. Pero tinaasan ko din siya ng kilay. "Sabi ko sino ka? Anong ginawa mo sa kaibigan ko?" "I'm Wyatt Dawson. Ako yong muntik ng makabangga sakan--" i cut him off dahil sa pagsigaw ko. "WHAT?! NABANGGA MO SIYA? ABA'T G*GO KA HINDI MO BA ALAM NA BUNTIS SIYA AT BAKA KUNG MAPAANO IYONG BATA HA?!" Sigaw ko dahil sa sobrang frustration na nadarama ko. I really worried about December and to her unborn child. What if may masamang mangyare sa bata? Paano kung makunan siya because of this incident? "Hindi ko naman siya totally nabangga. MUNTIK lang kaya agad ko siyang dinala dito ng mawalan siya ng malay." Sisigawan ko pa sana ulit siya ng lumabas na ang doctor. It is the same doctor na tumingin sakanya nong time na nalaman namin na buntis siya. "Kamusta siya doc? Kamusta yong bata? Maayos lang ba sila?" Agaran kong tanong ng makalapit dito. Nasa likod ko lang naman ang lalaking si Wyatt. "Calm down miss Herrer. Maayos na ang kalagayan niya maging ang batang nasa sinapupunan niya. Malakas ang kapit ng bata kaya walang problema. Due to stress kaya siya nahimatay. Mukhang nagkaroon din siya ng emotional break down. So i suggest you to tell her to stop stressing herself for the sake of her baby. I'll just give you the list of the vitamins that she must take. If you don't mind come with me to my office." Aniya ni Doc. Nakahinga naman ako dahil sa sinabi niyang ayos lang ang mag-ina. Binalingan ko ng tingin si Wyatt na nakikinig din pala. "Hey you ikaw na muna ang magbantay dito. Babalik din ako agad and i'm warning you don't try to do something with my bestie kundi mata mo lang ang walang latay sinasabi ko sayo." Mataray na sabi ko at matalim muna siyang tinignan bago sumama kay Doc. Suares. December's POV PUTING kisame ang bumungad sakin paggising ko. Nakaramdam ako ng uhaw kaya dahan-dahan akong bumangon pero may biglang umalalay sakin. "Dahan-dahan. You want water?" Tinignan ko ang lalaking umalalay sakin at nagtatakang tinitigan siya dahil hindi ko siya kilala pero tumango din ako sa sinabi niya kaya kinuha na niya ko ng tubig at inabot sakin. Diniretsong lagok ko naman ito at nagpunas ng bibig. "Thank you." Mahinang sabi ko sabay abot ulit ng baso na kinuha naman siya. "Sino ka nga pala? Why are you here?" Tanong ko. "I'm Wyatt Dawson. I'm sorry kung muntik na kitang mabangga hindi ko sinasadya. I'm sorry din kung muntik ng mapahamak ang baby mo." Dahil sa sinabi niya ay napahawak ako sa tiyan ko. "A.. ang anak ko ayos lang ba siya? Wala namang nangyare sakanya diba?" Kinakabahang tanong ko. "The baby is fine so don't worry. Ang sabi ng doctor malakas ang kapit ng bata that's why hindi siya napahamak." Nakahinga naman ako ng maluwag dahil don. Hindi ko alam ang gagawin ko kapag may nangyareng masama sa anak ko. Sakanya nalang ako kumukuha ng lakas kaya hindi ko alam ang gagawin ko kapag pati siya ay mawala sakin. Baka hindi ko kayanin at tuluyan ng sumuko. "Thank you Wyatt. Ah siya nga pala may babae bang pumunta dito?" I'm referring to Ashleigh. Baka kasi alam na niyang nandito ako. "Yeah. Lumabas lang siya sandali to buy you a food." Tumango-tango naman ako. "You can go home na Wyatt salamat nalang sa pagbantay sakin. Baka may iba kapang gagawin sorry kung naabala pa kita." Nakakahiya naman sakanya e baka may importante pa siyang gagawin tas naperwisyo ko pa siya. "It's okay, wala din naman akong gagawin at saka sakin ka binilin ng kaibigan mo at baka magalit pa yon sakin kapag iniwan kita." Aish si Leigh talaga. Talagang dinamay pa niya itong si Wyatt e hindi naman gaanong kakilala yong tao pero nararamdaman ko naman na mabait siya so kahit papano e kampante ang loob ko sakanya. Napatulala nalang ako habang hawak ang impis kong tiyan habang napapa- isip sa mga nangyare. Muntik ng mapahamak ang anak ko dahil sa pagdurog sakin ng ama niya. I almost put my child's life in danger dahil sa sobra akong nasasaktan. Siguro panahon na para tumigil. Ititigil ko na ang pag-asang maibabalik pa sa dati ang lahat dahil the time when he push me away and my child.. is the time that end everything.. 'I'll give up Sage.. I'll give up.'"Mommy!" Nakangiting sinalubong ko ng yakap ang anak ko pagkapasok niya sa office ko.Tumawag kasi kanina si tita na dito sila didiretso after nila sa school."How's your day Gust?" Tanong ko at pina-upo siya sa kandunga ko nang maka-upo ako sa sofa."It's fine Mommy. Ang ganda po ng school na pinuntahan namin. I'm so excited to study there." Nakangiting hinalikan ko ito sa pisngi."Naka-usap na namin ang principal ng school na lilipatan ni August at sabi niya maayos naman na daw ang mga papeles ni Gust kaya by monday ay pwede na siyang pumasok." Aniya ni tita na naka-upo sa harap ko."Thank you po tita, tito. Kung hindi lang po ako busy dito ay ako na sumama kay Gust." Actually wala naman talaga akong masyadong ginagawa dito pero hindi ko rin ito pwedeng iwan. I still need to check the food that they served and the performance of all the crew kung maayos naman ba."Wala yon hija. Dito na namin idiniretso si Gust dahil hindi na siya makapaghintay na makita ka." I just smile at mas hin
Gaya nga ng napag-usapan ay sila tita at tito ang sumama kay Gust na mag punta sa lilipatan niyang school since kailangan ako dito sa Cafe dahil sa mga bagong dating na pangangailangan ng Cafe.Maaga palang ay pumasok na ko dahil gusto ko ding makita ang Cafe. Anim na taon ba naman akong hindi naka tapak sa lugar na ito. May mga nagbago na dito dahil mukhang pina- iba ni Leigh ang interior design ng Cafe."Welcome back miss December. Nasabi na po samin ni miss Leigh ang pagdating niyo." Bati sakin ng isang crew pagkapasok ko palang sa Cafe. Konti palang naman ang tao so hindi naman kami ganoong nakaka agaw ng pansin ng mga customers.Iilan sa mga crew ay ngayon ko lang nakita while yong iba naman ay familiar na sakin. At itong kumausap sakin ay si Merna."Mukhang maraming nagbago dito ah. Kamusta naman kayo?" Tanong ko habang nililibot ang aking paningin."Ah opo. Marami nga pong nagbago dito simula nong umalis kayo. May mga pina-iba po kasi si miss Leigh pero yong iba ay katulad pari
"Mom why do we need to move to manila? We're fine naman dito e." Tanong ni Gust habang nakatingin pa din sa librong kasalukuyan niyang binabasa.Ngayon ang alis namin papuntang manila. Nag-presinta din si Wyatt na ihatid kami don. Ayoko sana pero mapilit siya e kaya hinayaan ko nalang and about Leigh tumawag siya last night that she's in Paris dahil medyo urgent daw ang photoshoot niya kaya agad silang umalis ng bansa."Wala kasing magm-manage sa Cafe natin don Gust kasi wala ang tita Leigh mo so i need to replace her for the meantime." Sagot ko habang inaayos ang mga gamit na dadalhin namin. Hindi ko naman dadalhin lahat ng gamit namin since babalik din kami dito pagka-uwe ni Leigh.We're staying at her parents house for the meantime. Sinabi ko naman sakanya na magc-condo nalang kami pero ayaw niya at nami-miss din daw kami nila tita at tito lalo na si Gust so i had no choice but to stay with them. Mabait naman sila tita para na nga ding anak ang turing nila sakin e."But what about
December's POV"O anong itsura yan Gust? Inis na inis ka ata nak?" Natatawang tanong ko. Kanina ko pa kasi napapansin ang itsura niya. Parang may naka-away siya dahil sa sama ng tingin niya. Hanggang ngayong naka-uwe na kami ay ganon parin."I'm pissed mom." Lumapit naman ako dito at umupo sa tabi niya. We're already here in his room. It's 6 in the evening ng maka-uwe kami. Wala na dito si Leight dahil bumalik na sa manila pinatawag kasi siya ng mommy niya at may importante daw sasabihin. Si Wyatt naman ay hinatid lang kami at umalis din agad. May lakad din daw sa kompanya nila."And why is that?" Tanong ko at inayos ang magulo niyang buhok. Yumakap naman ito sakin kaya sinuklay-suklay ko lang ang buhok niya."I meet an old man earlier." Aniya at mas humigpit ang yakap sakin."Old man? Siya ba ang rason kaya ka inis na inis?""Yes mom. I don't that old man he keeps on pestering me and calling me a kid." Natatawa ko namang ginulo ang buhok niya. Ayaw na ayaw talaga niyang tinatawag siy
"D*mn dude! Bakit ba kailangan ko pang sumama?" Inis na reklamo ni Jenkins. Actually kanina pa siya reklamo ng reklamo magmula nong umalis kami sa kompanya.It's not my fault though. Siya ang nag punta sa company ko para mangbwesit and since i don't have a driver because he's in a vacation might as well isama na tong playboy na ito."I need a driver." Tipid na sabi ko at pinikit ang mga mata. I'm tired at kulang na kulang din ang tulog ko dahil sobrang busy sa kompanya.Meeting dito meeting duon. Hindi na matapos-tapos."Kaya ako ang ginawa mong driver ganon? Sa gwapo kong to gagawin mo lang driver woah iba ka dude." Sarcastic na sabi niya na hindi ko na lang pinansin.Para siyang babae sa sobrang daldal niya that i want to put a f*cking tape in his d*mn annoying mouth."Tss. Hindi ka talaga maka-usap ng matino." Inis paring sabi niya at nag patuloy sa pagmamaneho. Ilang minuto kaming natahimik nang mag salita na naman siya. "Ano ba kasing gagawin natin sa Palawan? Wala ka namang busi
Nandito kami ngayon sa isang amusement park. We're having a picnic right now. Tamang-tama at maganda ang sikat ng araw.Maraming mga bata ang nandito with their families.Naglatag kami ni Leigh ng tela para maupuan at para duon ilagay ang mga pagkain na dala namin. Kaming dalawa lang ang nandito dahil sinamahan ni Wyatt si Gust sa kung saan. Hindi naman ako nagw-worry dahil alam kong safe ang anak ko kay Wyatt."Ang lalim yata ng iniisip mo. Care to share?" Napalingon ako kay Leigh na patuloy sa pag-aayos ng mga pagkaing dala namin.Bumuntong hininga ako. Hindi ko alam kung dapat ko bang sabihin kay Leigh ang mga gumugulo sa isip ko."Today is our bonding, you can't make that kind of face dahil kapag nakita 'yan ng anak mo for sure magtatanong na naman 'yon." Aniya at tumingin sakin saka ako inabutan ng bottled water. Tamang-tama at nakakaramdam na din ako ng uhaw.Ininom ko ito at pinunasan muna ang labi ko bago sumagot."I'm just thinking if my decision was right." Wala naman siguro







