Share

Chapter 1

Kakabalik lamang ni karrie sa kanilang kompanya matapos tumungo sa ministop at pagtulong sa pulubing lalake. Naglakad ang dalaga papunta sa kanyang opisina nang biglang bumungad sa kanya ang titig

ng isang lalaking matagal niya nang kinamumuhian.

Mukhang bagong ligo ito

at kakagaling lamang ng salon.

Almost 1 hour din ang tinagal niya bago siya nakabalik, dahil matapos makaalis ng pulubi, nakasalubong niya ang batchmate niya nuong nasa highschool pa lamang siya.

Napakadaldal parin nitong si heart Malonzo, na inaya pa siya uminom ng dalgona coffee  na katabi lamang ng

ministop kanina. Patuloy parin nakapukaw ang atensyon niya sa lalake.

" yeah, he's cute. Pero hindi parin mawawala pagiging masama ng ugali niya".

Pabulong na sambit ng dalaga, umiwas ang dalaga sa titig ng lalaking ito at marahan naglakad diretsyo sa kanyang patutunguhan.

Habang patuloy na naglalakad, bigla na lamang sumagi sa isip ng dalaga ang itsura ng pulubing tinulungan niya kanina, na parang humahawig sa pagmumukha ng lalaking pinaka- aayawan niya. Napa- angat ang magkabilang labi ni karrie at kaonting napatawa. Bagay naman sa lalaking yan na maging pulubi dahil mas masahol pa ang ugali nito kaysa sa tinulungan niya kanina. Hamak naman na mas deserve ng pulubing yon ang buhay ngayon na kinalalagyan ni Dyke Vlor De Luna na

sobrang gaspang ng ugali.

Kung pu- puwede lang mabura sa landas niya ang De luna na yon, sobra siguro ang maidudulot nitong saya sa kanya. Lingid sa kaalaman ng iba na magkababata sila ngunit walang araw na hindi sila nagkasundo, dahil nga sa ugali ng binatang ito.

Wala nga din sa bokabularyo

ni karrie na magagawa nitong manligaw sa kanya mula nuong makatapos sila sa kolehiyo, hanggang ngayon, sa loob ng

limang taong panliligaw wala parin siyang balak na sagutin ito.

Malabong mangyari yun hangga't

bumabalot parin sa binata ang katigasan ng puso nito. Siguro masasagot niya lamang ito kapag nagbago o nagiba na ang pag-uugali ng binata.

Nakapasok na si karrie sa kanyang opisina, ngunit pagka-upo niya pa lamang ay bigla na lang tumambad sa harapan niya ang binata, bakas sa mga mukha nito ang pang- aakit at nakakalokong ngiti sa kanya, hindi rin naman namalayan ng dalaga na sumunod pala ang pilyong lalaking ito.

"What are you doing here, dyke?"

inis na napabuntong hininga ang dalaga saka ibinalin na lamang ang atensyon sa mga papeles na pipirmahan. Kaysa naman mas piliin niyang ibalin ang atensyon sa lalakeng kinaayawan niya.

Ngumiti ang binata saka tumayo ng tuwid at pinasok ang kamay sa magkabilang bulsa ng kaniyang supistikadong pants.

"Do you want to go out with me? Yes or Yes?, my mind told me you'd agree to get dinner with me tonight"

Walang pag- aalinlangang tanong ni dyke sa babaing pinapangarap niya. Alam niyang medyo mahirap kumbinsihin ang dalaga, ngunit hindi siya titigil hangga't hindi ito pumapayag.

"No!, i don't want to go out with you, i have a lot of paper works. Just leave me alone, please!"

Walang prenong tugon ng dalaga, saka ito nagpatuloy muli sa pagbabasa ng mga pinipirmahang papeles.

Nakaramdam ng inis ang kaninang

maamong binata saka ito tuluyang

umukupa sa upuan na kaharap lamang ng dalaga.

Napaka pilyo talaga ng binatang ito, lahat na lang ng puwedeng magawang pag- iinis sa dalaga ay gagawin nito. Sa totoo nga lang napakaseryoso ng binatang ito sa labas ng opisina at pakikitungo sa mga impleyado nila. Ngunit pag dating sa dalagang nais niya ay nawawala ang pagiging seryoso at self- entitled nito.

Iba talaga ang epekto ng pagmamahal, kahit sino o ano pang personalidad yan, hindi makakaligtas.

Ibinalin ng binata ang kanyang atensyon sa mapungay na mukha ng dalaga, nakapinta sa mukha nito ang labis na inis at galit sa kaniya, ngunit wala lang sa binata iyon. Nalilibang siyang pagmasdan ang pagiging perpekto ng mukha nito.

Hindi namalayan ni dyke na mistulang nalukot ang mukha ng dalaga hanggang sa huminto ito sa ginagawa.

"Stop!, nakakairita ka!. Puwede ba umalis kana sa harapan ko, mas mabuting bumalik ka na lang sa company nyo dyke. Hindi

ako makapagtrabaho ng maayos!"

Apura ng inis ang dalaga hanggang sa

tumayo muli ang binata at hinawakan ang kamay niya. Nilapit ng binatang ito ang kaniyang mukha sa dalaga kasabay ng malamig na pakiramdam ni karrie sa kaniyang buong katawan, walang nagawa ang dalaga kundi pumikit na lamang. Hindi niya alam ang gagawin ng lalake, ngunit bigla nitong nilapat ang dalawang kamay sa kanyang taenga, saka hinawi ang kapiraso ng buhok ng dalaga na sagabal para sa kaniya at bumulong.

"Papayag ka o stop partnership with your phone company?"

Marahang lumayo ang lalake saka bumalin ulit ng tingin kay karrie. Naliwanagan ang pag-iisip ng dalaga mula nang marinig ang mga salitang iyon na binulong ng binata.

Alam niyang ayaw masira ng mga magulang niya ang relasyon ng pamilya nila sa pinakamayang nag mamay- ari ng kompanya sa larangan ng phone industry.

Isa sa pinaka tanyag na pamilya ang mga De luna sa phone industry, kaya naman alam ng dalaga na malaki ang mawawala sa kanila kapag bumitaw ang mga ito sa pakikipagkasundo sa company nila. Hindi niya hahayaang bumagsak sa kaniyang sariling kamay ang pinaghirapang ipundar ng kaniyang mga magulang. Napalunok na lamang si karrie at huminga

ng malalim at saka pumayag na lamang sa gusto ng binata.

"Okay fine!, i'll go with you!"

Inis na pumayag ang dalaga ngunit bakas naman ang tuwa sa mukha ni dyke. Hindi alam ng dalaga ang mas malalim na dahilan ng binata kung bakit gusto siya nitong yayain, bukod sa gusto siya nito.

Para kay dyke, isang napakalaking bagay na iyon para sa kaniya dahil napapayag niya ang dalaga kahit na ginamitan niya pa ito ng pananakot na hindi niya naman talaga gagawin. Ngunit napakahalaga talaga ng araw na iyon para sa binata dahil hindi alam ni karrie na yun ang araw na una silang nagkakila nung sila'y mga bata pa lamang, sa isinagawang family bonding partnership na iyon ng kanilang pamilya, ay nagkaroon ng chance na makilala ni dyke ang batang babaeng nagpagaan ng kaniyang puso.

Sa saglit na panahon lamang na iyon ay lubos siyang napasaya nito, kahit hindi niya ipinapakitang natutuwa siya sa pagiging bibo at malambing ng dalaga nuon. Ang alam lamang ng dalagang ito sa kaniya na masama at nakapa sungit ng pag- uugali niya. Subalit hindi niya alam ang tunay na pinagdadaanan ng binata hanggang ngayon.

Related chapters

Latest chapter

DMCA.com Protection Status