Share

Hiding His Wealth
Hiding His Wealth
Author: Sciphy

Prologue

NAGPASYA si Karrie na maglakad na lamang patungo sa isang ministop na malapit sa kanilang kompanya. Hindi niya naman magawang utusan ang sekretarya niyang si Daisy, sapagkat kaniyang nakita na halos hindi na ito magkanda- ugaga sa pag-aasikasong kaniyang ginagawa patungkol sa paperworks na kinakailangang ayusin at isa pa, alam niyang magagalit ang kaniyang ama, kapag hindi ito inuna

Tinanggihan niya din ang alok sa kanya ng driver niyang si mang Berting. Ang katwiran niya ay  pumasok siya sa kompanya nila para magtrabaho at matutong mag manage ng company nila, hindi para magreyna-reyna-han at magpa- baby sa mga tauhan doon.

Mga isang tawiran lang din naman at

madali na lang makapunta sa

ministop, bibili lamang siya ng kape, at nagpasya siyang doon nalang  saglit na manatili. Habang naglalakad patungo sa ministop, bigla nalang may sumulpot na isang matangkad na lalaki sa kaniyang harapan.

May tangan itong sako at karton na maaaring ginagawa nitong tulugan. Naka bukas palad ang kamay nito habang nakatuon sa kaniya.

" Puwede bang makahingi ng pagkain, ma'am?"

Untad ng lalaki sa kaniya. Laking

awa  naman ng dalaga dito kaya nilapitan niya ang lalaki at kaniyang napansin rin na ito ay may sugat  sa mukha.

Kinuha ni Karrie ang bulak sa kaniyang bag at binasa ito ng alcohol. Hinawi niya ang buhok na nagkukubli sa sugat ng binata, saka marahang pinunasan  ang bakas ng natuyong dugo sa pagitan ng mata

at pisngi ng lalake.

"Napaaway kaba?".

Bahagyang sumulyap ng tingin ang binata

"Hindi, bumangga lang ako sa poste kanina habang nakikipaghabulan ako sa mga magnanakaw na nanguha ng wallet ng matanda"

Panandalian itong hindi umimik.

Parang gumaan ang loob niya sa lalake, dahil sa mga sinabi nito. Kahit nung naisipan niyang lapitan ito kanina, hindi manlang siya nakaramdam ng takot, o  kahit pagiisip manlang na masamang tao ito. Likas naman na sa pag uugali niya ang hindi pagiging mapanghusga ng kapwa dahil napalaki siya ng tama ng kanyang mga magulang. Ang tanging nais niya lamang gawin sa lalake ay ang matulungan ito

"Halika!, sumama ka sa akin

Pag-aaya niya. Maingat na hinila niya ang lalake papasok ng ministop,saka siya umorder ng rice meal na may kasama ng ulam na friedchicken.

"Kumain ka"

Iniabot niya ang inorder sa

lalake at sinunod naman nito ang inutos niya. Tahimik itong kumakain na parang wala nang pakialam sa kanya. Patuloy lang ang pagsubay-bay niya sa lalake, namamangha si Karrie dahil kahit isa itong pulubi. May taglay itong kagwapuhan na hinihiling ng bawat babae sa mundo. Para ngang isa rin siyang pulubing nag wowork out dahil sa katikasan ng pangangatawan nito na tambad na tambad ngayon sa harapan ng dalaga.

Hindi naman porket namamangha siya sa mga taglay nitong katikasan at kagwapuhan ay pinagnanasaan na niya. Pwede namang tawagin na, paghanga lang sa isang pulubi ang nararamdaman niya.

"Are you done?!".

Tanong niya sa lalaking

kasalukuyan ngayong huminto sa pagsubo

at bumalin ng tingin sa kanya.

"Ah este!, Tapos kana?".

Bumuka ang mga labi nito at nagsalita.

"yes!"

Mangha siyang napatingin sa lalake,dahil sa gulat. Nakakaintindi ba ito ng English?.Hindi baka siguro dahil sa pag translate niya din kanina ng tagalog. At kaya niyang sumagot ng 'yes'.

"Ah sige sandali lang at may ibibigay ako sayo!".

Kinuha niya sa loob ng plastic ang wipes, bulak, betadine, na kasama sa kanyang mga pinamili at perang nagkakahalaga ng 1,000 pesos na galing naman sa wallet niya

Iniabot niya sa lalake ang mga iyon,ngunit tinanggihan naman ng lalake ang mga bagay na pilit niyang ibinibigay.

"ayos na ako, hindi ko na kailanganyan. Sobra-sobra na ang ibinibigay mo".

Para Kay Karrie ay napaka liit na bagay lang naman ang binibigay niya sa lalake. At kailangan niya rin tulugan ang mga nangangailangan

"Maliit na bagay lang ito, kaya tanggapin mo na!". Pagpipilit niya sa lalake.

"Hindi ko talaga matatanggap yan ma'am!, pasensya kana!"

Inurong pabalik ng lalake ang mga bagay na iyon at akmang tatayo na sana ito,nang bigla itong hinawakan sa kamay ng dalaga at saka siya pinabalik sa pagkakaupo

"Sandali lang pala,kung ayaw mong tanggapin ang maliit na tulong na yan, gagamutin ko muna yang sugat diyan sa pisnge mo!"

Tumango ng mahinahon sa kanya ang

lalake at nagpaubaya na ito.

"Kung yan ang gusto mo, maraming

salamat!".

Wika ng lalake sa kanya na

parang hindi komportable sa paglapit niya. Humugot si Karrie ng wipes at pinunasan ang kabuuan ng mukha ng lalake. Sa bawat pagpahid niya dito,nakikita niya ng paunti-

unti ang taglay na kagwapuhan nito, na nabalutan ng alikabok at uling na galing sa polusyong sanhi ng mga sasakyan.

Dahil magkalapit ang mukha nila sa isat- isa at buo niyang nakikita ang napaka gandang mata ng lalake na nakatitig sa kanya, hindi niya magawang pigilan ang kaonting awkward na nararamdaman sa pagitan nilang dalawa. Pero tiniis niya ito at tinuloy ang pagpunas patungo napakatangos nitong ilong at ang jaw line nitong perpekto sa pagkakahulma.

Nang matapos niya itong malinis,nanlaki ang mga mata niya dahil sa kaputian ng mukha nito mas dumagdag sa kagwapuhan ng lalake. Hindi niya akalain na may ganitong kulay ang lalake at sobrang kinis na mukha.

Pulube ba talaga ang lalaking to?, o parang napagtripan lang siya ng isang tarantadong gwapong lalake.Pero Hindi e, edi sana hindi ito humingi ng pagkain sa kanya?

Kumuha naman siya ng kapiraso ng bulak at nilagyan niya ito ng kaonting amount ng betadine, saka ipinahid niya ito sa mukha ng gwapong lalake.

Hindi niya na kailangang takpan ang sugat nito, upang madaling matuyo at hindi makulob.Kahit hindi siya isang nurse, Alam niya ang tamang gagawin pagdating sa mga gantong klase ng paggagamot sa isang sugat. Hindi rin naman kase lingid sa kaalaman ng ibang tao na, mas gusto niyang maging isang nurse, kaysa manahin ang kompanya nila.Wala naman siyang magagawa sa gusto ng ama niya para sa kanya. Mas mabuti nang sumunod sa mga magulang, dahil isa narin yun sa matatawag sa pagtanaw niya ng utang na loob sa mga ito. Dahil napalaki siya ng mga ito ng tama at hindi kulang sa pagmamahal.

"Ayan, ayos na!". Sabi niya sa lalake habang nakangiti.

Napansin naman niya ang pagmamadali nitong pagtayo,nang bumalin ito sa isang orasan na nakalagay sa harapan ng cashier.

"Mauuna na ako, maraming salamat sa tulong mo!".

Pinagmasdan niya lang na umalis ang

lalake, hanggang sa tuluyan na itong

nawala sa paningin niya.

Siya ay masaya dahil sa pag tulong na

nagawa niya para sa lalakeng iyon, na

hindi pasado para sa pagiging isang

pulube. Nagpasya narin siyang bumalik sa kompanya nila upang maasikaso pa ang mga papeles na kailangan niya pang pirmahan.

Related chapters

Latest chapter

DMCA.com Protection Status