Share

Chapter 16

"Mukhang na- eenjoy mo ata itong walking natin? haha" Nakangiting sita ni eran kay daisy na sobrang aliw na aliw sa paglalakad

" Ngayon na lang kase ako nakapaglakad ng ganito ka- payapa, pero i've been here before kasama ang dad ko when I was a kid,  we used to hangout here everyday, but now when i grew up it didn't happen again" Malungkot na pag ku- kuwento ng dalaga. Gumuhit ang saglit na pagkalungkot sa mukha ng binata at nagpasiyang mag kuwento na rin.

"Ganun talaga kapag bata no, mas na- eenjoy mo yung life. Walang iniisip na problema or mga stress dahil sa trabaho.  Habang tumatanda kase tayo nadadagdagan ang mga responsibilities na nai- aatang sa atin. But we can't ignore it as we go through our lives, kakambal na iyon ng pagmumuhay natin sa mundo,  kaya nga God created us because we have a good purpose here"

" That's a good one huh, you have a good mind set. That's why i live my life happily even though there are lots of difficulties or challenges that God had given to us, all we need to do is to deal with it and be strong always" Tumango ang binata at namakha na lamang sa sinabing iyon ni daisy. Totoo naman talaga ang mga salitang iyon na galing sa dalawa dahil nagpapakita lamang sa bawat isa sa atin na habang bata sulitin na natin dahil sa pagpapatuloy ng panahon sa pagdaan sa araw- araw mas nagiging mahirap ang sitwasyon kapag tumatanda, lalo tayong sinusubok ngunit mas lalo rin naman tayong pinapatibay ng mga ito, upang sa gayon ay maiintindihan natin ang tunay na kahulugan ng ating pamumuhay na ipinagkaloob ng diyos. 

Tumingin ng marahan ang binata kay daisy, pinagmasdan lamang nito ang kabuuan ng mukha ng dalaga , mula labi hanggang noo at maging sa gilid na parte ng mukha nito. Bakit parang mas nana- naig pa ang ganda nito kaysa sa ganda ni karrie na gusto niya nuon pa, para lamang sa nararamdaman niya ay mas pinapatibay nito ang kagustuhan niyang makasama ang babaeng nasa harapan niya ngayon, sandaling napa- tanga ang binata ngunit dahil sa pag kaway- kaway ng kamay ng babaeng nasa harap niya ay muli naman siyang naka- balik sa kasalukuyan hanggang sa napagtanto ni eran na kinakausap na pala siya ni daisy.

" What's wrong? hahaha, Bakit parang lutang kana eran, pagod kana ba?" Takang tanong ng dalaga dail sa ikinikilos niya.

" uhm- nothing, may pumasok lang sa isip ko bigla" Sagot ng binata, agad namang nakumbinsi ang dalaga at hinayaan na lamang ang weirdong inasta niya kanina.

" Okay" Tugon ng dalaga at muling naglakad kasabay ni eran, masyadong malakas ang hangin na naka- pagpapagaan sa kanilang paglalakad, sa totoo nga lang ay wala namang ka- alam- alam ang dalaga kung saan ba sila tutungo, hindi niya maintindihan si eran. bigla na lamang kase itong nag- iba. Kita sa mga mata nito na parang napaka- lalim ng ini- isip. Damang- dama ni daisy ang preskong pagyakap ng hangin sa kaniyang balat, malamig iyon ngunit hindi naman inda ng kaniyang katawan. Sumasabay din ang mga malalaking punong nag sasayawan maging ang mga huni ng ibon sa itaas ng mga ito. Ngunit habang pinapakiramdaman ang mga iyon ay hindi niya namalayan na nakatitig muli sa kaniya si eran, parang nahuhumaling ang binatang ito sa tunay at natural na ganda ng dalaga, hindi niya maintindihan ang sarili kung bakit parang ganuon na lamang ang hatak sa kaniya ng dalaga samantalang ngayon pa lang naman sila nagkasama ng ganito katagal. Patuloy lang na nakabalin ang binata kay daisy hanggang sa maramdaman ng dalagang iyon na nakatutok ang atensyon sa kaniya ni eran. 

"Hey! kanina ka pa napapatunganga sa akin haha,  why? " 

" uhm— wala naman!" tugon ng binata sa tanong ng may ma- among mukha na si daisy.

" Is it true? sorry to ask but I know you have something to tell me, what's that? "

Nag- ayos ng kwelyo ang binata at marahan tumingin kay daisy saka ito nagsalita. "Can I be honest? "

"Oum! Go ahead, tell me" Sagot ni daisy. Habang pinaglandas ang kamay nito. 

"You're so beautiful, I feel like I want to stare at you every single time, haha. It's so weird you know " Nagulat si daisy sa sinabing iyon ni eran, medyo kinilig siya sa pagkakataong iyon. Hindi niya mapigilang mapangiti dahil mismong panga na nito ang nag di- dikta na i- angat niya ang kaniyang magkabilang labi. 

"Thank you, that's a good compliment but I'm too shy to accept it, lol" Sagot ng dalaga, ngunit ngumiti na lamang si eran at nagpatuloy na lang muli sa paglalakad.

" Sobrang ganda mo ring kasama talaga sa mga ganito no? I'm very glad to hangout with you! " Untad ng binata sa dalaga na nakangiti pa rin hanggang ngayon habang nakayukong naglalakad upang maitago kay eran ang kilig na nararamdaman niya.

Nagpatuloy ang dalawa sa paglalakad habang nag pa- pakiramdaman na lamang muli sa isa't- isa hanggang sa makarating sila sa isang parte ng park na may maraming batang naka- pila isa- isa.  Mukhang sabik na sabik ang mga ito sa paghihintay, napakahaba ng pila ngunit natanaw ng dalawa ang isang gwapong lalake na nag- aabot ng mga plastic na may lamang pagkain at inumin muli Jollibee. 

"Thank you po kuya D! " Pag pa- pasalamat ng mga bata, sunod- sunod ang mga ito. Natutuwa namang nanonood sa gilid ang dalawa, mangha sila sa lalaking iyon na napakabuti ng loob sa mga bata, karamihan kase sa mga ito ay palaboy ngunit hindi alintana ng lalake ang itsurain ng mga iyon, hindi ma- mukhaan nila eran ang lalake dahil naka- mask at naka sumbrero ito ngunit halata ang katangkaran at pagiging maskulado ng katawan. Unang pumasok sa isipan ng binata ang kaibigan niyang si dyke dahil sa tinding ng lalakeng iyon. Subalit natawa na lamang siya sa kaniyang iniisip dahil hindi naman ganun ang kaniyang kaibigan at hindi ito mag gu- gugul ng oras sa kalyeng napakaraming bata. "That guy is too rude" sambit niya, hindi namalayan ni eran na nasabi niya pala ang dinikta ng kaniyang isipan kaya't nagtaka si daisy. 

"Huh?  who? that guy? " Tinuro ng dalaga ang lalaking nag aabot ng pagkain, saka bumalin sa binata. 

"No he's not! " Nang gagalaiting suhestiyon ni daisy. Akala nito na ang lalaking iyon ang tinutukoy ni eran na rude. 

"Hindi siya ang tinutukoy ko, bigla lang pumasok sa utak ko yung kaibigan ko, at ang kaibigan kong yun ang tinutukoy ko.  Hindi yang lalake na nag aabot ng pagkain sa mga bata haha! Sorry " Napatawa na lamang si eran sa pagkunot ng mukha ni daisy sa pag- aakala nito. 

"Ah, i thought that guy, sorry haha"

Ngumisi na lamang si eran  sa dalaga saka muling tumingin sa lalaking patuloy pa din sa pagbibigay ng pagkain sa mga bata, ngunit mga ilang sandali lamang ay mukhang napansin na nito na nakabalin sa kaniya ang dalawa. Kaya't nagbaba na lamng ng tingin ang lalake ngunit tuloy pa rin sa ginagawa. Nahahalata ni eran na parang may kakaiba sa lalake, samantala si daisy naman ay natutuwa sa ginagawa nito at hindi manlang napapansin ang kakaibang pag- iwas ng tingin ng lalake. Kumpara kay eran na nagmamatiyag lamang sa gilid  niya.

"He looks familiar to me! " Sambit ng binata habang nakatingin sa lalake. Bumalin naman ang tingin ni daisy kay eran na kunot nuong nakatingin sa lalake. 

"Him? " She pointed out the guy. Nagtaas baba ang ulo ni eran biglang pag oo. 

"Sino naman? " Takang tanong ni daisy. 

"A friend of mine, basta. Pero mukhang malabo naman na siya ito" Tugon ni eran saka akmang lalapit sa lalake,  ngunit hinawakan siya ni daisy bago pa lamang makaisang hakbang. 

"Wait—"

"Why? I want to ask his name" 

" Huh? For what? he's giving food to kids, maybe later na lang? " Suhestiyon ni daisy kay eran. Ngunit hindi na mapigilan ng binata na mag tanong sa lalake, parang mag something na nag uudyok sa kaniya na alamin kung sino talaga ang misteryosong taong iyon. 

"I'm gonna ask him if who is he"

"Baka kung anong isipin ng tao eran, patapusin muna natin siya sa ginagawa niya! " Pag kukumbinsi muli ni daisy. Subalit hindi talaga mapakali  si eran dahil parang may kakaiba sa lalaking iyon na gusto niyang malaman.

"Come on daisy, let's talk to him" 

"Okay,  i think he's done. let's go " Kumbinsidong sambit ng dalaga, naglakad sila papalapit sa lalake ngunit ng mapansin nitong sa kaniya ang tungo ng dalawa ay agad siyang nag- iwas ng tingin at nagmadaling nag lakad palalayo kila eran.  Nagmadaling tumakbo ang lalake hanggang sa makapunta ito sa papalikong parte ng park at agad ding nawala sa paningin  ng dalawa, kahit ang mga bata sa paligid nila ay nagtataka din sa ikinilos ng lalake ngunit hindi na lamang ito pinansin ng mabuti dahil nga sa pagkaing natanggap nila mula duon.  

Gulat na gulat sila eran sa ginawang iyon ng misteryosong lalake ngunit hinayaan na lang din nila dahil wala din naman silang magagawa.  Pero malaki talaga ang kutob ng binatang ito na may kakaiba talaga sa lalake dahil hindi naman magiging ganun ang akto niya kung hindi siya umiiwas sa binata. 

"What happened to him?  why did he run? "

Tanong ni daisy na bakas din ang pagtataka sa mukha. 

"I don't even know what's going on to that man,  he's literally so mysterious, I want to find him as soon as possible. He got my interest "  Untad ng binata, parang nakakaramdam ng pagka- inis si eran dahil parang ginawa lamang siya ng lalake na masamang tao,  sapagkat ganuon na lamang ang inakto nito sa kaniya. Nakakahiya rin sa mga batang nakatingin kanina.  

"Hayaan mo na yun, calm down" Mahinhin na pagkakasabi ni daisy sa binata.  Halata kasing sobrang apektado nito sa lalake. 

Ngunit ang ipinagtataka lamang ni daisy ay kung bakit ganuon na lamang ang kagustuhan ni eran na makausap ang lalake kanina. 

"I'll find that man, i swear to God " Muling sambit ng binata. 

"Ano bang meron sa lalaking yun, is there a problem with him? " Tanong ni daisy.

" Nothing, gusto ko lang malaman kung sino yun, para kase talagang familiar sa akin eh"

"Oww, i see. But just ignore him. You're ruining your day, we're having fun while hugging this relaxing place sir eran! " Nakangiting sambit ng dalaga. Lumambot ang puso ni eran sa mga sinabing iyon ng dalaga, kakaiba talaga ang hatid nitong saya sa kaniya. Ngunit hindi pa rin mawawala sa binata ang pagka- gusto niya kay karrie na mukhang malapit nang mapunta kay dyke, and he won't let him to take Karrie. He believes that someday karrie will love him too. 

" Okay hayaan ko na lang!" 

" That's good!"

Nalukot ang ngiti ni eran dahil tumatak sa isip niya ang nasabi ni daisy kanina na sir. 

" But you called me sir again? huh" Napatawa ng mahina si daisy at saka lang naalala na nasabi niya pala iyon. 

"Oww, I'm sorry eran hahaha,  i didn't mean it. seryoso ka kase kanina hahaha. I'm my bad! " 

" It was a joke daisy"

" Hahaha i thought you are serious again "

Tugon ni daisy ngunit ngumiti na lamang si eran at hinawakan ang balikat ni daisy. 

"You're so beautiful daisy!"

" Thank you!" Out of nowhere nasabi ng binata iyon kaya't nag pasalamat na lamang si daisy dahil ayaw niya namang mag pahalata na naiilang pa rin siya sa binata, isa pa wala lang naman yun. Baka isipin ng binata na kinikilig na naman siya which is totoo naman. Ang mga babae talaga sobrang pakipot at mahiyain pag binibigyan ng magandang compliment, ngunit may iba rin namang gandang- ganda sa kanilang sarili na hindi na tama. Mas maganda talaga na magpaka- humble lang palagi and be confident.

" Hi po ate at kuya!—"  Gulat na napabalin si daisy sa isang batang tumapik sa kaniya upang bumati, nagbaba siya ng katawan upang pumantay sa bata. Marahan niya itong nginitian at kinausap.

" Hello baby girl, what's your name?" Tanong ng dalaga habang malugod na nakangiti. Ngunit bigla namang napakunot nuo ang bata.

"Ano po iyon? Hindi po ako nakakaintindi ng ingles. Pasensya na po?" Nahihiyang pag- amin ng bata kay daisy, pero wala lang naman iyon kay daisy kaya inintindi niya na lamang ang bata.

" Ayos lang baby, ano nga palang pangalan mo?" 

" Shykie po" Mahinhin na tugon ng bata. Sobrang na cu- cutan si daisy sa batang yun dahil ang taba ng pisnge at napaka- puti.

" Nasaan ang mom and dad mo baby?"

" Ayun po!  Gusto po sana kita ma- hug ate, hindi ko po alam sa sarii ko kung bakit gusto po kita yakapin!" Lumambot ang puso ng dalaga sa kaniyang narinig mula sa bata, habang nakangiti lamang sa isang tabi si eran, natutuwa din ito dahil napaka- bait ng batang iyon, pati na rin sa paraan ng pag approach ni daisy dito.

" Aww, hug lang pala baby eh, lika dito. uuhhmm---" Niyakap ni daisy ang bata at agad din naman yumakap ito, damang- dama ng bata ang malamyos na yakap na iyon na nakaka- pagpalambot ng pakiramdam. Samantalng si eran ay parang inu- udyukan na lang ng isipan na maki- sana all. Medyo natatawa siya sa kaniyang iniisip na sana siya na lang ang batang iyon. 

Umalis sa pagkakayakap ang bata at malugod na nginitian si daisy. ' Salamat po ate! balik na po ako sa mommy ko, babye po" Matapos nun ay agad na tumakbo papalayo sa kanila ang bata at tumungo sa isang babae na edad 35 pataas at nakangiting binuhat ang bata, kumaway pa ang bata sa kanila at umalis na rin.

" Ang cute naman ng batang yun!" Papuri ni eran, habang naka- krus ang kaniyang mga braso.

" Kaya nga, nagulat ako sa ginawa niya. napaka lambing ng batang iyon, ang swerte ng parents niya sa kaniya. Mukha din namang napalaki ng maayos ang bata kay ganun"

" Yah, gusto ko ganun din ang future kids ko, sana lang hahah!" Pabirong sabi ni eran. Tumawa na lang si daisy saka naman nag- aya upang umupo sa isang bench na naka- pwesto sa malaking puno ng nara.

" Upo muna tayo dun" 

" Sige, tara pala!" Pag sang- ayon ng binata at sabay na silang nagtungo duon.

Related chapters

Latest chapter

DMCA.com Protection Status