Share

Chapter 2

Magkasabay na lumabas ng opisina si dyke at karrie matapos pirmahan ng dalaga ang mga papeles na pinapaayos sa kaniya ng dad niya. Halatang buhay ang intriga sa mga pagmumukha ng mga taong nasasalubong nila sa daan at maging sa elevator hanggang sa pagbaba ng palapag ng Villegas Company.

Bakas sa mga itsura ng mga impleyado duon ang pagtataka sa pagitan ng dalawa, halo- halong reaksyon at bulong bulungan ang nag- uumapaw sa mga impleyado, hindi rin naman maikakailang nakaka- intriga talaga ang pagsasama ng dalawang tagapag mana ng big phone companies sa pilipinas, pareho din namang may matitibay na personalidad ang dalaga at binatang kanilang pinag- uusapan.

Isa pang dahilan diyan ay, likas talaga sa mga pilipino ang pagiging chismoso, na mahihilig sa issue.

Habang papalabas pa lamang ng kompanya, ang pilyong binata ay may naisipan na naman  kakaiba na tiyak makakapag pa- wala na naman ng amor ng dalaga sa kaniya.

Kinuha ni dyke ang kamay ng dalaga at hinawakan ito nang mahigpit, akma namang ililihis ito ng dalaga ngunit nabigo siya nang pati- braso niya ay ipinaglandas ng binata mula sa matitigas nitong braso

Mas lalo pang naintriga ang mga nakakasalamuha nilang impleyado na halatang kilig na kilig sa ginawa ng binata, inis na inis na ang dalaga ngunit hinayaan niya na lamang ang binata sa gusto nito

Nang makalabas na sila ng building binuksan ni dyke ang kaniyang sasakyan upang alalayan si karrie papasok sa mamahalin nitong kotse. Kusang pumasok ang dalaga at bahagyang binigyan ng maamong ngiti ang binata bilang tanda ng pasasalamat sa inakto nito.

" Thank you" Ani karrie, tumango ang binata saka lumipat sa kabilang upuan upang magmaneho, isinaksak ng binata ang susi ng kotse at saka ito pinaandar.

Habang patuloy na umaandar ang sasakyan patungo sa restaurant na pupuntahan, nabalot ng katahimikan ang pagitan ng dalawa. Nakaramdam ng panlulumo ang binata, bumalin siya sandali sa dalaga na nakatingin lamang sa labas ng bintana ng kotse.

Binasag ni dyke ang katahimikan

"Pahirapan pa para pumayag ka sa gusto ko!". Sambit ng binata, marahang lumingon si karrie sa kaniya ngunit wala paring tugon.

" Matagal kanang ganyan sa akin, karrie. Hindi ko alam kung ano bang nagawa ko sayong masama" Sambit ng binata, bakas sa boses nito ang kalungkutan na may halong sama ng loob

Napalunok na lamang si karrie sa sinabi nito, alam niyang labis ang lungkot ng binata sa ipinapakita niyang pag- uugali dito, kaya mayroong parte sa puso niya ang makaramdam ng awa sa binata.

Nagu- guilty siya sa ginawa niyang pakikitungo dito, hindi niya rin naman kase masisisi ang sarili niya mula nuong nalalaman niya ang mga kasamaang pinaggagagawa ng binata sa ibang kompanyang walang awa niyang pinabagsak. Pati ang ibang maliliit na tao nadamay dahil sa mga kagagawan niya, maraming pamilya ang nawalan ng trabaho dahil duon, hindi naman sana magbabago ang pakikitungo niya dito nuon kung hindi ginawa ng binata ang lahat ng kasamaan na yun sa ibang tao.

Alam niyang may kabaitan si dyke ngunit nagpalamon ito sa galit, dahil sa ginawang pagpapa- patay sa kaniyang lolo ng isang kompanyang kumalaban nuon sa kanila, masaklap pa, iyon ay ang pamilyang Torres na labis na pinagkakatiwalaan ng kaniyang lolo sa pagmamani- obra ng  iba pang branch ng kanilang kompanya, masahol pa sa pagiging traydor ang ginawa ng pamilyang iyon, alam niya naman ang dahilan ng galit ni dyke ngunit hindi na ito tumigil sa paghihiganti hanggang sa napakarami  ng company ang nadamay ultimo pati mga impleyado ay nawalan ng trabaho dahil sa kagagawan niya.

"i'm— sorry, dyke" sambit ng dalaga.

Parang gumaan ang pakiramdam ni dyke ng marinig niya ang mga salitang iyon mula sa dalaga

"Hindi ka naman ganyan sa akin dati nuong mga bata pa tayo, ngayon ilang taon mo na akong binabalewala. Napaka- sungit mo na karrie, kailan ba kita mapapasagot?"

"Hayaan mo muna ako, dyke. Gusto ko baguhin mo iyang pag- uugali mo, ibalik mo yung dating ikaw!" Seryosong sumbat ng dalaga. Mariin itong nakabalin ng tingin kay dyke at lubos ang talas ng mga sinabi

"What?, look karrie, i didn't changed!. Ikaw lang ang nag- iisip nun, kung may nagbago man sa ating dalawa, ikaw yun!"

Natatagis na saad ni dyke, habang patuloy parin sa pagmamaneho, napakataas ng tensyon sa pagitan nilang dalawa ngunit nakapanatili lang sa paghinahon ang dalaga

"I've never changed, dyke. Sarili mo lang ang pinaniniwalaan mo, kung ano lang ang alam mong tama yun lang paniniwalaan mo. Lagi mong bina- block ang mga sinasabi ng ibang tao, bata pa lamang tayo never tayong nagkasundo sa mga bagay. Dahil ganyan ang ugali mo!"

Tuluyan nang napuno ng inis ang binata, kaya hindi na lamang ito nagsalita at hinayaan na lamang si karrie sa mga pangangatwiran nito. Binalin na lamang ng binata ang buong atensyon sa pagmamaneho l, habang si karrie naman ay bumalik sa pagtutuon ng atensyon sa mga nadadaan nila, hanggang sa makarating na sila sa kanilang paroroonan.

Sandaling ipinarke ng binata ang sasakyan saka nagmadaling bumaba upang pagbuksan ng pintuan at alalayan si karrie, kahit pa nagkaroon ng pagtatalo sa pagitan nila kani- kanina lamang.

Maingat na lumabas ng kotse ang dalaga ngunit hindi nag- alinlangan bigyan ng tugon ang pag- alalay sa kaniya ni dyke

" Thank you!" Hindi na iyon pinansin ng binata sabay inalok ang kaniyang braso upang kapitan ng dalaga.

"Shall we?" Tumango ang dalaga at kumapit sa braso ni dyke, nagpaubaya na lang ito at hindi na nagpakipot pa.

Siyempre sino ba namang babae ang hindi tatanggi sa matipuno at napakagwapong binatang ito para lang sa isang pag- alalay papasok ng restaurant.

Sumagi sa isip ni karrie na parang masyado nang hindi maganda ang pakikitungo niya sa binata sa mga lumipas na panahon. Napagtanto niya na baka sakaling sa simpleng pagpapakita niya ng amor dito ay maaring lumambot din ang binata, ngunit hindi niya naman ugaling samantalahin ang pagkakagusto ng nito sa kaniya.

Ramdam sa paligid ang lamig na mistulang niyayakap ang kanilang mga katawan kasabay ng hanging gumigising din sa gusto ni dyke na romantikong presensya. Gustong gusto ng binata ang ganitong pangyayari, dahil sakto lamang sa ninanais niyang set up ng date nilang dalawa ng dalaga

Related chapters

Latest chapter

DMCA.com Protection Status