Share

Chapter 15

Tila'y isang istranghero ang turing ng bawat isa sa pagitan nila daisy, hindi naman magawa ng dalagang mag simula ng pag- uusapan dahil hiyang- hiya siya sa kaniyang magiging boss na ngayon ay parang lalamunin siya sa hiya dahil sa tigitg nito ngayon at kasalukuyang naka-kalumbaba. Napalunok na lamang si daisy sa ginagawang iyon ni eran at marahang nginitian ang dalaga. " Ngayon ko lang napansin na napaka- ganda mo rin pala daisy, parang si karrie. normal lang ba na maraming magagandang babaing impleyado ang villegas company?" 

Napatawa ng konti si daisy sa sinabing iyon ni eran, nagtakip na lamang ang dalaga ng bibig dahil sa hiyang nararamdaman. Bakit hindi ko mapigilang hindi kiligin?.

Tanong ng dalaga sa kaniyang isipan. Sabagay kahit sino namang poging lalaki ang mag bigay ng ganuong compliment sa isang babae ay tiyak na kikiligin din.

" Hindi ko naman po masisigurado sa aking sarili na maganda ako, sir. Sa totoo nga po ay ngayon lang ako nakarinig ng ganiyang kagandang papuri sa itsurain ko, but still thank you po, sir. Pinataas niyo po yung self confidence ko"  Naliwanagan bigla ang isipan ni eran sa mga sinabi ng dalaga saka napahawi na lamang ito sa kaniyang malambot na buhok. 

"Well, I'm not lying miss daisy, pawang katotohanan lang ang sinasabi ko. hehe" Tumango na lamang si daisy kapag kuwan ay bumalin na lang ulit sa kaniyang sini- simsim na kape. Dama pa rin ni daisy ang pagkailang dahil hindi niya alam kung paano muling magsisimula ng panibagong topic upang ma-entertain sana si eran dahil nahihiya na talaga siya sa binata. Ngunit mga ilang sandali pa ang lumipas ay saka naman dumating ang waiter na dala na ang mga in- order ni eran. 

"Ito na po yung order niyo, sir.  Pasensya na po medyo natagalan, nagkaroon lang po ng maliit na problem sa kitchen dahil namali po yung serving, sir" Paliwanag ng lalaking waiter, wala naman iyon kay eran ang mahalaga ay naibigay ang nais niya na parehas lamang sa in- order ni daisy. 

Ngumiti habang tumango lamang si eran sa waiter na parang kabado na baka ma- disappoint siya subalit hindi na lamang pinansin ng binata ang problemang iyon. 

"It's okay as well as you did your job, it's always fine, right? daisy? " Matapos sabihin iyon ay saktong tumingin ang binata kay daisy na halatang nagulat sa narinig. Pero agad din naman itomg tumango at sumang - ayon sa kaniyang sinabi.

"Yes, sir!" Tugon ng dalaga saka itinigil ang pinagkaka- abalahan kunwari. 

Bakas ang pagka- panatag ng lalaking waiter sa kanilang dalawa at nagpasalamat na lamang muli. "Thank you po, sir and ma'am! "

" Oum! " Tugon ng dalawa, umalis na ang waiter sa harapan nila erang at sila na lamang muli ang magkausap, sinimulan ng binata na kainin at inumin ang in- order habang nakabalin ang atensyon kay daisy. 

"Can I ask you a question? " sambit ng binata kay daisy, agad namang tumango ang dalaga sa kaniya. 

"Opo, sir. Ano po iyon? "

"Free ka pa ba mamaya? " 

" Ay oo naman po, sir. Binigyan po ako ni ma'am Karrie ng pahinga this day,  why po, sir? " Pabalik tanong ng dalaga.

"Pwede ba tayong mag lakad- lakad muna after kong kumain dito? " Tanong ni eran, naisip nitong maganda siguro na maglibang muna sa paligid habang naglalakad kasama si daisy kasabay ng pag higop nila ng sariwang hangin. 

"Okay po, sir. No problem po! " Biglang ginanahan si eran sa pagkain at agad inubos ang mga iyon pati na rin sa pag higop ng kape ay nagmadali na rin siyang ubusin. 

"Okay, just wait a little bit. I will just finish this first!" Untad ni eran, binigyan na lamang ito ng matamis na ngiti ng dalaga saka naghintay ng marahan.

Makalipas ang ilang minuto ay natapos din si eran sa pag ubos ng mga in- order niya. Nagpunas siya ng bibig at inayos ang kaniyang sarili. Bumalin siya sa dalaga na tahimik lamang na naka- upo.  

"Let's go? " Sambit ni eran

"Okay po,  sir" Akmang tatayo na si daisy nang biglang umalalay si eran sa kaniyang pag alis sa upuan, gulat si daisy sa ginawa ng binata at agad na naman siyang nakaramdam ng hiya dahil sa ginawang iyon ni eran, napaka galang naman kase talaga ng binatang ito. Talagang kahit sino ma- iinlove sa ganitong klaseng tao eh.  Lalo na't may lihim na pag tingin daisy sa kaniya tiyak na madali na lamang mahulog ang dalaga sa kaniya. 

"Thank you po!" Sambit ni daisy kay eran.  Ngumiti ang binata sa kaniya at imwenestra ang sariling kamay nito upang kaniyang hawakan. 

"here "  Alok ni eran, ngunit nakaramdam na naman ng pagkailang si daisy. 

"Kaya ko na po, sir!" Bakas ang panlulumo sa mukha ng binata kaya hinayaan na lamang nito si daisy na tumayo sa kaniga sarili.  

Matapos nun ay sabay din silang lumabas ng cafe, inunahan ni eran ang dalaga sa paglalakad upang i- guide ito sa pinagpatkehan niya ng kaniyang sasakyan. Habang kasalukuyan silang naglalakad ay bakas sa pagmumukha ng mga babaeng nakapaligid sa kanila na may pagnanasa ang mga ito sa napakagwapong binata, hindi nalalayo kay dyke na sobra din ang kagwapuhan tulad ng kaniyang kaibigan.  Sabagay kahit pareho silang may angking kagwapuhan ay magka- iba naman sila ng personalidad ni dyke.

Binuksan ni eran ang kaniyang kotse saka inalalayan muli sa pagpasok si daisy. Ngumiti ang dalaga sa kaniya at maingat na pumasok sa kaniyang BMW sedan na kotse. 

"Thank you, sir" Pagpapasalamat ni daisy. Tumango si eran at malugod na ngumiti bilang pagbibigay tugon sa dalaga. 

" Ahhm,  your seat belt? "

" Naikabit ko na po, sir! " 

"Okay then, let's take a ride! " Nagtaas baba ang ulo ni daisy upang pag sang- ayon sa binata kaya sinimulan na nitong magpa- andar ng kotse at ipagpatuloy ang pagba- byahe patungo sa Owell's Park.  

Medyo malamig ang namumuong atmosphere sa pagitan ng dalawa, dahil na rin siguro sa pagka- ilang sa nila sa isa't- isa , kasalukuyang nilang tinatahak ang daan patungo sa parke ngunit nanatili pa rin tahimik ang dalawa at hindi manlang nag- uusap, kaya gumawa ng paraan ang binata upang hindi naman ganuon ang mood ng kanilang pagba- byahe at para hindi lalaong mailang si daisy sa kaniya.

" Okay ka lang ba daisy? " Bumalin ang tingin ng dalaga sa pagtatanong na iyon ni eran.

" Ahm, yes po, sir"

" Okay lang ba talaga sayo na sinama kita? "

 Tumango ang dalaga saka malugod na ngumiti.  " Oo naman po, sir! "

Parang gumaan ang pakiramdam ni eran sa sinabing iyon ni daisy, at least hindi na siya mahihiya dito sa pagsama niya sa dalaga.

"Mabuti kung ganon, gusto lang naman kase kitang makilala pa ng husto, tutal magiging magka- trabaho naman na tayo"

" It's okay sir, naiilang lang po talaga ako at medyo nahihiya.  Hindi ko po alam kung paano makikitungo sayo haha"

Sikretong napatawa na lamang si eran sa narinig at saglit na tinapik si daisy ". Ano ka ba, feel free to talk wala naman tayo ngayon sa trabaho kaya ngayon pa lang dapat maging komportable kana sa akin" tipid na ngumiti na lamang si daisy at marahan nang nakipag usap sa binata.

" Alam mo sa totoo lang, sir. Hindi ko akalain na ganito ka ka- Approachable, unlike sa ibang tao na may mataas na posisyon bihira lang silang makipag- usap sa secretary na katulad ko, yung ganito ka- close ah" Napakunot nuo ang binata at tumugon sa sinabi ni daisy.

" Bakit mo naman nasabi yan, daisy?"   

" That's based on my experience kase sir, and madali lang naman tantiyahin ang tao"

Nagtaas baba ng ulo ang binata bilang pag sang-ayon. " I agree, ako naman kase natural na ganito, hindi sa nagpapa- impress o nagpa- pakitang tao ako ah. Ganito kase ako makitungo sa tao eh"

"Halata ko nga po, sir. Pero thanks pa din sa pagiging maayos niyo sa akin, means a lot sir" Sambit ni daisy, saka muling nag iwas ng tingin at bumalin sa tinatahak nilang daan. 

Mga ilang minuto ang lumipas at saglit na natahimik ang paligid ng makarating na sila sa parke. Ilang kilometro lamang ang layo nito sa cafe na pinanggalingan nilang dalawa kanina. Mukhang aabutin sila ng tanghali ngunit mukhang hindi naman magiging inda para sa kanila ang init dahil napakalilim sa paligid dala ng napakaraming malalaking puno na tumatabing sa init, napaka- kalmado ng paligid at sobrang dami din ng pamilyang nag sasalo- salo na may kani- kaniyang pwesto. Marami ring pwedeng pag upuan na katabi lamang ng malalaking puno. Halatang sariwa ang hangin base sa paningin ni daisy kahit hindi pa man binubuksan ni eran ang bintana ng kaniyang kotse, ngunit agad din naman itong nag- aya na palabas. 

"Tara? " Alok ng binata at tumano lamang si daisy. Naunang lumabas si eran at nagmadaling pumunta sa kabilang pintuan at pinagbuksan ng pinto ang dalaga. Nahiya na naman si daisy ngunit hinayaan na lamang ang binata sa gusto nito. 

Lumabas ng kotse si daisy at nagpasalamat kay eran.  "Thank you, sir!" Parang medyo nailang si eran dahil sa ilang beses nang pag ulit ng pagtawag sa kaniya na sir ni daisy. Hindi na natiis ng binata iyon kaya ipinaalala ni kay daisy na dapat ituring niya munang kaibigan sa ngayon ang binata dahil wala pa naman sila sa trabaho. 

"Ahm, Can you  do me a favor, daisy? "

"What is it, sir? " Takang tanong ni daisy habang nakakunot nuong nakabalin sa binata. 

"Pwede bang huwag mo muna akong tawaging sir ngayon? " Marahang napa- bungisngis si daisy sa binata dahil ang cute nitong tignan sa ginawa nitong pagpapa- pout. 

"Ay okay po! Hahaha" 

"Bakit ka natatawa? " He pouted again. Natutuwa si daisy sa ginagawa nito dahil ngayon niya pa lamang nakasama ang binata pero parang napaka- komportable na nito sa kaniya. 

"Nothing! "

"Hmm? " 

"Okay, not gonna lie but you're so cute,  eran! " Mistulang nagbigay ng masigabong palakpakan ang taenga ng binata, kasabay ng pagkalampag ng kaniyang puso sa kilig at tuwa ng kaniyang utak dahil sa sinabing iyon ni daisy.  Hindi niya maitago ang kilig kaya't hinayaan niya lamang ang sarili na magpakawala ng tawa. 

"Hahaha,  thanks. You too! " Tugon niya kay daisy na same feelings din sa naramdaman niya kanina.  Nako ang pag- ibig talaga kapag tumama sa'yo kahit gaano ka pa ka- propesyunal  na tao eh,  parang mawawala nalang bigla iyon at kikiligin ka talaga sa tuwa. 

"So, let's walk? " Pag- aaya ni eran matapos ang kilig factor na iyo. Nag taas baba ang ulo ni daisy kasabay ng pag arko ng mga labi nito bilang pag tugon sa binata. 

" Okay sige!" Sagot ng dalaga at saka na sila nag lakad- lakad habang dinadama  ang simoy ng hangin na sobrang nakaka- relax singhutin. 

Related chapters

Latest chapter

DMCA.com Protection Status