Share

Chapter 17

Naka- upo lamang ang dalawa  habang pinagmamasdan ang napaka- preskong paligid. Maganda talangang mag pahinga sa mga ganitong lugar na maraming puno dahil talagang ma- re- relax nito ang katawan ng kung sino mang pipili ng ganitong pahingahan. 

Hindi lingid sa kaalaman ni dyke na makikita niya si eran at daisy na sekretarya ni karrie sa park na pinagbibigyan niya ng mga pagkain para sa mga bata, medyo kinabahan ang binata sa pagkakataong iyon dahil ayaw niyang malaman ng mga ito ang kaniyang ginagawang pag tulong, gusto niya lamang kumilos ng payapa at tago sa mga taong malalapit man o malayo sa kaniya. Sa pagkilos dapat lang na tahimik talaga. Hindi naman na kailagan ipagmalaki ang mga nai- aambag o nagagawa sa lipunan.

Kasalukuyang nag mamaneho ng mabilis ang binata kasabay ng pag- iisip sa nangyari kanina, paano na lamang kung nakilala ako ng mga yun, siguro baka iba na naman ang masasabi nila sa akin, napaka- gago talaga. Bulong ni dyke sa kaniyang isipan habang nakahawak ang isang kamay sa kaniyang ulo at ang kabila naman ay ang nag kokontrol ng manubela ng kotse niya. Balak pumunta ng binata sa kaniyang paburitong tambayan, ngunit nawawalan na siya ng ganang mag maneho. Huminto sandali sa gilid ng daan ang binata habang pinapakalma ang kaniyang sarili, namuo ang lamig sa paligid niya ngunit tagaktak ang pawis sa buong katawan. Dala na rin siguro ng kaba at pagkabigla kaya nagkaganuon ang kaniyang pakiramdam. 

"Fuck! " Sambit ng binata kasabay ng paghampas ng kamay nito sa manubela. Na bla- blangko ang utak ng binata ngayon, hindi niya alam kung namukhaan ba siya ni eran o hindi, walang maaring maka- kita sa kaniya ng ganun. Makalipas ang ilang minuto ay napakalma rin ng binata ang kaniyang sarili. 

Bagama't hindi na inda ng binata ang init ng kaniyang ulo ay nais niya pa ring mahimasmasan ang kaniyang buong katawan kaya nag desisyon itong tumungo sa isang resto bar upang magpalamig, naalala niya kanina na hindi pa pala siya nakapag paalam sa mga bata bago siya magmadaling umalis, ngunit alam naman na siguro ito ng mga batang iyon at naiintindihan ang kaniyang sitwasyon. 

Minaneho ulit ng binata ang kaniyang kotse saka dumaan sa ruta ng alam niyang pinaka- malapit na resto bar kung nasaan siya. Medyo maraming sasakyan ang nakakasabay niya kaya't hindi na bagi kung matagalan konti ang binata. 

Kasalukuyang nagmamaneho si dyke at kalmado nang nakikipag sabayan sa mga kotseng naglipana sa daan, makalipas ang kaonting takbo ng kotse ay nakarating din agad ang binata. Um- order agad ang binata ng Lemonade cocktail sa dalagang sumalubong sa kaniya kahit hindi pa siya nakaka- upo. Ang ingay ng dalagang waitress ngunit kita dito na napaka accomodating, pero walang pakialam si dyke dahil busy siya sa pagtitipa ng kaniyang keyboard. Chinat sandali ng binata si karrie dahil sa kagustuhan nitong malaman kung free ba ngayon ang dalaga, medyo nasabik siya bigla sa babaeng iyon kaya't biglang nagkusa ang mga kamay niya na kunin ang kaniyang cellphone at i- message ang dalaga. 

Samantala, habang nag lilipat ng pahina ng libro si karrie ay biglang tumunog ang kaniyang cellphone na nakapatong lamang sa gilid ng kaniyang table, subalit hinayaan lamang ito ng dalaga at nagpatuloy pa rin sa pagbabasa ng tungkol sa pagmamani- obra ng isang company. Sa kalagitnaan ng isang paragraph ay muli na namang tumunog ang kaniyang cellphone, kaya't hindi niya na ito natiis pa saka kinuha iyon at tignignan kung anong notification.

From: Unknown 

Are you free today? 

Hey! reply asap! 

"It's me, dyke! "

Kumunot ang nuo ng dalaga sa mensaheng iyon, napaisip siya kung paano nalaman ng binata ang kaniyang cellphone number, pero bigla namang bumalik sa kaniyang ala- ala na binigay niya pala ito nung nakaraang lumabas sila. 

" Hi! I'm currently reading a book! why? "

Reply ng dalaaga habang kagat labing naghihintay ng sagot ni dyke, makalipas ang ilang segundo ay nag reply muli ang binata muna sa kabilang linya. 

"Can we go out? " Sagot ng binata, huminga naman ng malalim si karrie at napahawak na lang sa kaniyang sintido.  Ito na naman kaya ang labas na aabutin ng isang araw. Mukhang kakaibang labas na naman ito, hindi naman sa nang o- okray ang dalaga pero parang ganito rin yung nangyari nung nakaraan. Minsan talaga hindi natin mata- taniya at masusuri ang laman ng isipan ng mga lalake. 

"Wait, let me finish these 2 more chapters. Then I'll call when I'm done,  is it okay to you? " Reply ng dalaga kay dyke.  Nagpasya siyang tapusin muna ang babasahin bago umalis para wala na rin siyang iisiping gawain. 

"Okay,  I'll wait" Pag sang- ayon ng binata. Nagpatuloy si karrie sa kaniyang ginagawa. 

Sa kabilang linya naman ay maayos na nag papalamig ang binata, dito muna siya magpapalipas ng oras habang hinihintay ang tawag ni karrie. S********p ng juice si dyke habang nakatutok lamang sa kaniyang cellphone. Nag i- scroll lamang siya sa i*******m at nakiki- ososyo sa status ng mga kaibigan at mga katulad niya business man. Pero trending ngayon ang post ng mga PS men na kilabot ng masa, isa na dun ang usap- usapan na si Knight Velasquez. Napaka lakas ng datingan nito at ng mga iba pa niyang kaibigan, but hinayaan lamang ito ni dyke at nag scroll ulit hanggang sa bumungad sa kaniya ang suggested friends at nakita dun ang pangalan ni Karrie Dane Villegas. Kaya't agad niyang chineck ito at in- stalk ang profile ng dalaga, buti na nga lang at hindi naka- private. 78 post, 3.5 million followers, 56 following. Hindi na nagtaka si dyke sa dami ng mga followers ng dalaga saka nag proceed na lamang sa bio nito.

Nuse, Asst. CEO of Villegas Company. Trustworthy! Napa- tanga na lamang si dyke habang binabasa ang bio ng dalaga saka nag scroll up sa mga photos nito. 

"Shit! Gorgeous as fuck! " Sambit ng binata nang makita nito ang photo ni Karrie na naka 2 piece bikini sa isang island resort. Sobrang sexy at ang ganda ng dalaga sa lahat ng kaniyang i*******m photos ngunit sa kalagitnaan ng pang I- stalk ni dyke ay nakita niya ang isang post nito na isang lalaking naka- upo sa bench habang nakatutok sa isang sketch book at may hawak na lapis. 6 na taon na ang litrato na iyon. Ngunit kilalang kilala ng binata ang lalaking iyon, biglang nagbago ang pakiramdam ni dyke sa nakita. Punong puno ng tuwa at kilig kasabay ng pagkagukat sa nakita. Stolen shot pa iyon. Sa loob ng limang taong panliligaw ay ngayon lang nalaman ni dyke na may I*******m account pala ang dalaga, hindi niya naman magawang tanungin ito nuon at wala rin siyang time na mag search ng tao sa I*. Pero ngayon sobrang tuwang- tuwa ang binata na nakita niya ang kaniyang litrato sa account ni Karrie. Wala siyang kamalay malay na anduon pala siya, sa tagal ng panahon na nandoon ang litratong iyon ngayon lang napag alaman ng binata na may paki- alam sa kaniya si karrie, ngunit hindi naman siya pwedeng mag assume kaagad, kailangan pa rin alamin ng binata ang dahilan kung bakit i- pinost ng dalaga iyon sa kaniyang social media accts. Ilang minuto nang naghihintay ang binata sa resto bar na kasalukuyang tinatambayan niya ngayon, kapansin- pansin din ang mga babaeng staff na nakatitig sa kaniya at parang kilig na kilig pa ang ekspresyon ng mga mukha ng mga ito, ngunit hinayaan na lamang iyon ng binata at nagpatuloy sa pag i- scroll sa i*******m matapos iwan ang profile ni karrie. Hindi na muna finollow ng binata si karrie dahil baka isipin nito na hanggang sa social media ay mangungulit siya.

"Ehem, excuse me, sir!" Pakunwaring pag ubo ng isang waitress na kalalapit lang kay dyke. Bumalin ng tingin dito ang binata dahil tagumpay na nakuha ng babaeng iyon ang atensyon nito.

" Yes?" 

Bumwelo ng pagsasalita ang babae habang kilig na kilig sa gilid ng counter ang iba pang waitress, nag taka si dyke sa mga ina- akto ng mga staff na iyon ng resto bar. Bigla naman ulit nagsalita ang babae na nasa harap niya na.

" Ano daw pong face book account mo, sir?" Napabungisngis ang binata sa tanong na iyon ng babae, nagtaas baba ang ulo n g binata at nagbasa ito ng labi saka sumagot sa tanong na iyon.

" Sorry, i'm not in to f******k, I only have an i*******m account!"

" Ay okay po, sir. Iyon na lang po. Pwede ko po bang makuha? Please" Agad na sambit ng babae, parang desperada na makuha ang social media account ng binata, ngunit nag dalawang isip si dyke kung ibibigay niya ba ito, kaso kung tumanggi siya baka mapahiya lang ang babae sa mga kasama niya, kaya kailangan niyang tantiyahin ang gagawing desisyon.

" Hmmm, Okay! here" Pag payag ni dyke saka lumipat sa kaniyang profile at pinakirta sa dalaga ang pangalan ng kaniyang i*******m account. Nanlaki ang mga mata ng babae habang nag mamadaling i- type sa search box ang pangalan ng binata. Namangha siya dahil sa laki ng followers nito. 16.5 million followers, 1k post, 105 following. Agad na finollow ng babae ang account na iyon at tuwang- tuwang nagpasalamat kay dyke.

" Ahhh! Thank you talaga, sir!" Sigaw ng babae sa tuwa maging ang mga waitress na naka- matiyag lang sa gilid at nag- aabang lang sa impormasyong nakalap ng babaeng nag tanong sa binata.Matapos mag pasalamat ng babae ay agad din itong umalis sa harapan ni dyke, siguro na- realize din nito ang kahihiyang ginawa niya, pero bonus na rin iyon para sa babae, mukhang sobrang kaligayahan na rin ang dulot ng bagay na iyon sa kanila ng mga ka- trabaho niya. Habang nai- isip ni dyke ang pangyayaring iyon ay natatawa na lamang siya, pinatay na ng binata ang kaniyang cellphone at saktong ilalagay na sana muli sa kaniyang bulsa iyon ay sakto namang tumunog iyon. " BInibini calling...."

Nagliwanag ang mga mata ni dyke saka agad na sinagot ang tawag na iyon mula kay karrie, makalipas ang halos isang oras na paghihintay ay sa wakas tumawag din ang dalagang pinaka- hihintay niya. 

" Hey, dyke. I'm sorry matagal ako, may inayos kase ako bigla, pasensya kana!" Sambit ng dalaga sa kabilang linya. Gumaan naman ang pakiramdam ng binata saka agad nag salita.

"it's okay karrie, i understand!" 

" So, what's your concern?" Tanong ng dalaga

" Can we go out?" 

" Mmm- kay, where?" Ngumiti ang binata sa pagpayag ni karrie, parang nanalo sa loto ang saya ng binata, hindi niya pinapahalata ang kilig na nadarama dahil nakikita niya sa kaniyang peripheral vision na pinagmamasdan siya ng mga staff ng resto bar.

" Samgyup Khaa yooh! Okay lang ba?" 

" Okay, but can you pick me up here?" Paki- usap ng dalaga, agad namang pumayag ang binata ngunit biglang nagbago ang isip ni karrie.

" Oww, wag na pala, naalala ko, baka kase pag- usapan na naman tayo ng mga impleyado namin, and isa pa. Nasa news paper tayo nung nakaraan, kaya i changed my mind. Just wait for me" Biglang nanlumo si dyke dahil gusto niya ring makasama ulit sa iisang kotse ang dalaga, gusto niya itong ma- solo ngunit mukhang malabo. Kahit naman hindi niya sundin ang dalaga ay mas iniisip niya pa rin ang kapakanan nito, gusto niya lamang ng tahimik dahil na rin sa mga matitinik na negosyante na baka gawing alas rin sa kaniya ang dalaga. Mahirap na, isang maling galaw niya lamang ay tiyak na may madadamay na importanteng tao sa kaniya. 

" Okay, but let's meet at our company, hintayin kita sa parking lot, sasakay ka sa kotse ko, sabihan mo na lang yung driver mo na wag sabihin na lalabas tayo, okay?" 

" Yep, okay clear. see you later" Pag sang- ayon ng dalaga

" take care!"  Napakahirap talagang kumilos kapag alam mong napakaraming tao ang nag mamatiyag at interesado sa buhay mo. Ayaw din namang mapahamak ng binata si karriedahil mahal na mahal niya ito, kung pwede lang pakasalan niya ito at ilayo sa mundong puno ng mga hayop na tao ay ginawa miya na, ngunit napaka sagrado ng sitwasyon para sa kanilang dalawa, gayon pa'y napakalakas ng pangalan nila sa industriya.Tumayong naka- ngiti ang binata saka tinawag ang waitress upang tanungin ang billna kaniyang babayaran, agad naman lumapit ang isang babae at ini- abot ang bill sa kaniya. Nang makita ang halagang iyon ay iniwan niya na ang pera saka agad nag lakad palabas ng restaurant. Sumakay siyang muli sa kaniyang kotse saka pinaandar ito patungo sa kanilang kompanya at sabik na sabik makita ang dalaga.

Kapag mahal mo nga naman ang tao ay wala kang pag aalinlangang puntahan ito, kahit ano pa ang tahakin mong landas ay ayos lang makapiling lamang ang importanteng tao na iyon, ngunit kung sa ibang sitwasyon, kapag nararamdaman mong ayaw ka ng tao o hindi ka importante sa kaniya, wag mo nang ipilit ang sarili mo. Dahil sinasayang mo lang iyong oras sa walang kwentang tao, kahit gaano ka ka- talino, pag dating sa pag- ibig mawawala yan, ang importanteng bagay na lamang kapag ikaw ay nagmamahal ng taong walang paki- alam sa iyo, hayaan mo na. Mas inahin ang sarili kaysa lamunin ng katangahan ang iyong sistema, sabi nga nila. May taong darating para sayo kaya matuto kang mag hintay. Para saan pa ang mga effort mo kung binabalewala lang ito ng tao. Para ka lang nag bigay ng regalo na diretsyo basurahan lamang, sayang ang pinag hirapan mo diba. Tandaan ang katagang sinasabi ni chou na hero sa mobile legends, " Empty your cup, in order to filled it again!" Parang sa love, itapon mo ang laman ng mga panget na ala- ala, para malagyan mo ng panibago at masasayang bagay na mas makapag bibigay sayo ng contentment and fulfillment, in order for you to live a happy life.

" I will, you too!" 

Related chapters

Latest chapter

DMCA.com Protection Status