Share

Chapter 14

Free time ngayon ni daisy dahil binigyan siya ng special treatment ng boss niya na si karrie, natuwa kase ito sa ginawa niya kanina kaya nag kusa ang dalagang iyon na bigyan siya ng pahinga, hindi na sana papayag si daisy sa gustong mangyari ng boss niya pero ipinilit  pa rin nito ang bagay na iyon kaya hindi na siya nakipagmatigasan pa. Baka isipin ni karrie na hindi agad siya susunod sa gusto nito. 

Thankful talaga si daisy ngayon dahil sa sobrang buti ng boss niya at naisipan pa ang pahingang iyon na kailangan niya talaga, napakarami na rin kasing stress ang dumarating sa kaniya.

 Nagpasya si daisy na magtungo sa isang cafe malapit sa kompanya na pinagtratrabahuhan niya para duon  na lang muna magpahinga habang sumisimsim ng kape. 

Kasalukuyang papasok ang dalaga sa cafe habang patuloy lamang ang paningin sa pagmamasid sa paligid na sakto lamang sa nais niyang ambiance. Naghahanap siya ng maayos na mapag pu- puwestuhan at saka pumili na ng table, sabay namang lumapit ang isang waiter ng cafe na may dalang cardboard na naglalaman ng menu ng mga kape. Tumingin sandali ang dalaga sa kaniyang relong pambisig upang kumpirmahin ang oras, nakita niyang ito ay eksaktong 9 am, bale maaga pala talaga siya kaninang madaling araw para asikasuhin ang presentation ni karrie.

"Thank you! " sambit ng dalaga sa waiter matapos nitong kunin ang menue sandali na binasa ng dalaga isa- isa ang laman ng isang malaking cardboard na iyon hanggang sa naagaw ng kanyang pansin ang cappuccino with berries on top.  Mukhang nagning- ning sa mga mata niya ang matatamis na iyon kaya't nagpasya ang dalaga na iyon na lamang ang kaniyang order- in. 

"Excuse me, waiter! " inangat ng dalaga ang kaniyang kamay at marahan itong ikinumpas upang maagaw ang atensyon ng waiter na nasa waiting area. Agad namang lumapit sa kaniya ang matangkad na lalaking iyon na may malugod na itsura. 

"Yes, ma'am. Ano po iyon? " Tanong ng waiter. Saka naman itinuro ni daisy gamit ang kaniyang daliri upang ipakita ang kaniyang nais na kape

"Here's my order,  cappuccino with berries on top and 2 slices of chocolate cake! " Sambit ng dalaga, agad namang isinulat ng waiter ang mga sinabi niyang iyon saka pumunta sa pag o- order- an.

"Just wait a minute, ma'am and I'll bring here your order soon!" Ngumiti ang waiter sa kanya at tinugunan niya na lamang ito ng tipid na ngiti.

Habang naghihintay sa mga in- order na kape at pagkain, nagpasya na lamang si daisy na pagkaabalahan na lang muna ang kaniyang cellphone upang hindi mainip sa paghihintay, binuksan niya ang kaniyang f******k account at tinignan ang kaniyang in-laws upload na status kamakailan dahil hindi niya pa nalalaman kung sino ang mga nag react dito at mga nag comment na kaibigan niya sa kaniyang sexy photos.

Lumipas ang isang minuto, pagkalog in na pagkalog in lamang ni daisy ay biglang nagsitunugan ang mga notifications niya. 100+ notifications, gulat na gulat siya sa nakita nang buksan ang notification niya sa kaniyang in- upload na litrato. 1.3 k heart reacts plus 100+ comments.  Tumakbo tuloy sa isip ng dalaga kung bakit ganun na ba siya ka- sexy at kaganda? Biro niya sa kaniyang sarili dala ng tuwa, hanggang sa parang hinampas na lamang siya ng katotohanan na kahit maraming umi- idolo sa kaniya sa social media ay hanggang ngayon wala pa rin siyang kasintahan. 

Buong buhay niya umikot ang kaniyang mundo sa pag- aaral at pamilya kaya siguro naman ay nasa tamang edad na siya upang pumasok sa relasyon.

'sana balang araw may dumating rin na matinong lalake sa buhay ko!' Sambit ni daisy sa kaniyang sarili. Pagkakasabi pa lang ng mga salitang yun ay saktong bumukas ang pintuan ng cafe at bumungad sa kaniyang harapan ang pagpasok ng isang lalaking napakatikas ng tindig at maamong mukha kahit pa may nakasuot na shades sa mga mata nito.  Nanlaki ang mata ni daisy nang ma-realize niya na ang lalaking iyon ay si eran na kaniyang magiging boss na rin.  

"Nako! " Untad ng dalaga, saka simpleng nagtakip sandali ng kaniyang mukhang para sana hindi siya mapansin ng binatang iyon, ngunit ibaba pa lamang niya ang mga kamay nang bigla naman niyang maramdaman na lumapit ang binata sa kaniya

"Daisy? right? " nagulantang si daisy nang marinig niya na tinawag ng isang baritong boses ang kaniyang pangalan, nag- aalanngan pang lumingon ang dalaga ngunit hindi na  natiis ang kaba,  kaya't tuluyan na lamang siyang humarap sa binata

"Ye--Yes po, sir?" Ngumiti ang binata sa kaniya habang patuloy lamang nakabalin ng atensyon sa kaniya

" Can  I  sit here?, lovely lady? " Tanong ng gwapong binata,  samantala napailing naman si daisy sa boss niya ngunit pumayag na lamang siya. 

"Opo, sir! " Tugon ni daisy sa binata habang hindi pa rin komportableng tumingin kay eran na tamang chill lang sa pag- upo sa table na inukupahan ng dalaga

"Thanks! " 

Kasalukuyan lang nagpapakiramdaman ang dalawa sa gitna ng awkward na atmosphere na namumuo sa pagitan ng dalaga't binata na mga ito. Ngunit hindi na nakatiis si eran sa ganuong sitwasyon kaya't inalis niya ang kaniyang shades saka tumingin ng seryoso kay daisy. 

"So, can we talk? miss— haha" Napaangat naman ang mukha ni daisy saka bumalin ng tingin sa binata, hindi niya na rin naman matiis na mag kunwaring nagtitipa lamang ng phone. Sobrang hiyang- hiya talaga ang dalagang makipag usap sa magiging boss niya na rin, kaya't nilunok niya na lamang iyon sabay nag salita ng mahinhin. 

"Uhm— sir, ano pong pag- uusapan natin?"  

Tanong ng dalaga, binigyan siya ni eran ng ngiting mapang- akit para sa dalaga. Ugh,  ito na naman ang kahinaan ni daisy. Dapat hindi siya makaramdam ng kilig ngayon,  dahil baka mahalata ni eran iyon.

"Matagal kanang nag tra- trabaho sa villegas? " 

"Yes po, actually pagka- graduate ko palang po ipinasok na ako ng ma'am and dad ko sa Villegas dahil business partners sila dati ng parents ni karrie for experience lang sana. but suddenly i realized na ang hirap iwanan ng mga ibang impleyado dito dahil yung closeness na rin kasing nabuo, sa totoo lang marami ng offer sa akin sa ibang company pero i decided to stay. Hindi ko pa kayang iwan ang company  na to, lalo na ang treatment na ibinibigay ng parents ni ma'am Karrie pati siya, napakabuti nila eh" 

Tumango- tango si eran sa sinabing iyon ni daisy, labis ang pagkamangha niya sa mga sinabi ng dalaga, sobrang loyal ng taong ito para sa kaniya. Nginitian niya ang dalaga at agad na nagsalita

"Great, you're loyal huh,  mukhang magiging maganda ang relationship natin as workmates haha! " 

"Hope so,  sir! " Tugon ng dalaga,  saka naman lumapit ang waiter sa kanila habang dala- dala na ang mga in- order niya kanina

"Here's your order po,  ma'am" ibinaba ng waiter sa lamesa ang mga in- order ni daisy,  at agad din naman itong umalis matapos magpasalamat si daisy

"Thank you!" 

"wait! " Papalayo pa lamang sana ang waiter ng biglang magpahabol si eran

"I'll order hehe" Halatang naipinta sa mukha ng waiter ang kaba ng sabihin iyon ni eran sa kaniya, at dali- dali nitong kinuha ang isang maliit na notebook at ballpen

"Ay, pasensya na po sir,  hindi ko po kayo napansin! sorry po talaga" Paghihingi ng tawad ng waiter. Umiling na lamang si eran sa kanya at  tipid na nakangiti sa lalake

"No! it's okaya. wala namang problema eh hahaha!" Nagbaba na lamang ng tingin ang lalake at nag ayos ng pagkakatayo sa harap niya, saka nito tinanong ang order ni eran

"Ano po palang order niyo sir? "

"Kung anong in- order niya, ganun na rin ang akin" Sabay turo kay daisy na kasalukuyang sumisimsim ng kape sa kabilang side ng table nila. Napalaki na lamang ang mata ng dalaga at nagtataka sa weirdong inaasta ni eran sa harap niya. May sapak din ata ito eh, parang si sir dyke lang. Dikta ng isip ng talaga. 

Ang mga lalake talaga kung minsan hindi mo maintindihan ang nasa isipan kaya mananahimik ka na lag talaga sa ka- weirduhan nila. 

"Ok,  copy po, sir.  Be right back in a minute! " Tuluyan  nang umalis ang waiter sa harapan nila saka namang marahang tumingin si eran kay daisy na nagkakape pa rin. Ngunit agad din namang napansin ito ng dalaga saka medyo nakaramdam ng awkwardness sa pagitan nila. 

Related chapters

Latest chapter

DMCA.com Protection Status