Share

Chapter 18

Kakadating lamang ni dyke sa parking lot ng kanilang company, saglit nitong pinatay ang makina ng kaniyang sasakyan, saka tumingin sa orasang pambisig... medyo maaga pa para sa kinahapunang oras. Marahang nag hintay ang binata matapos kumpirmahin ang oras. Sumandal siya sa gilid ng kotse habang naka- krus ang kaniyang mag kabilang kamay. Mga ilang sandali pa ay bigla na lamang may dumating na sasakyan, biglang natanaw ng binata ang napaka- gandang kotse na mercedes benz, mukhang alam niya na kung kanino ang sasakyang iyon kaya nagmadali siyang pumasok sa loob ng kaniyang kotse upang hindi siya makita ni eran at mag taka pa ito kung bakit siya naroon. Huminto ang kotse at saka nagmamadaling bumaba ng sasakyan  ang binatang si eran. Kita ng dalawang mata ni dyke sa kaniyang tinted na bintana na pinag buksan ni eran si daisy ng pintuan, napataas ang magkabilang bahagi ng labi ni dyke dahil duon. Mukhang may kakaiba sa dalawa ah, mabuti iyon upang hindi na umaligid kay karrie ang kaniyang kaibigan, dahil naiirita lang siya dito. Nang makalabas ng kotse ang dalaga, sabay na naglakad ang dalawa papasok sa company, nagtaka din si dyke kung bakit duon pa sila dumeretsyo ngunit hindi niya na lamang inintindi ang mga ito, nang masigurado niya nang wala na ang dalawa lumabas siyang muli at chineck ang kaniyang cellphone sa bulsa upang makita kung nasaan  na si karrie.

Ngunit bigo ang binata dahil wala pa ring message si karrie sa kaniya hanggang ngayon, mga trenta minuos na siyang naghihintay ngunit wala pa rin, mabuti na nga lang kalmado ang paligid sa loob ng parking lot, siguro kung si karrie ang mag hihintay sa kaniya sa ganitong lugar ay tiyak na natakot na yun. Sumandal muli si dyke sa kaniyang kotse saka tumingin sa itaas ng kawalan, nagbuga ito ng marahas na hininga habang tinutoktok ang kaniyang sasakyan upang duon ibalin ang pagka- inip sa pag hihintay, mistulang isang manhid na tao ang binata, dahil hindi niya manlang napansin ang kasalukuyang paparating na kotse, nakabalin lamang ito sa itaas habang nakatunganga, hindi niya manlang napansin iyon. Samantala ang laman naman ng sasakyan na iyon ay si karrie na. Nang makita ng dalaga ang ganuong itsura ng binata ay para siyang na- guilty dahil alam niyang natagalan na naman siya. Pinag buksan si karrie ni mang berting, tumango naman ang dalaga sa kaniyang driver saka nagpaalam at nagpasalamat sa paghatid sa kaniya.

" Thank you po mang, berting. Mag ingat po kayo!" Sumagot ang kaniyang driver habang nakangiti.

" Opo, ma' am, kayo din po!" Pumasok ulit sa loob si mang berting at agad na pinaandar ang kotse papalayo, gulat na napatanga na lamang si dyke nang mapansin na nanduon na pala ang dalaga sa kaniyang harapan. Ang tagal makabalik ni dyke sa kasalukuyan kaya't sobrang nahiya siya sa dalaga. Ang dami niya na rin kasing iniisip mag mula pa kanina nang makita niya sila eran at daisy sa parke na pinagbibigyan niya ng pagkain ng mga bata

.

" Nandiyan kana pala, karrie. i'm sorry hindi ko napansin" Ngumiti lamang si karrie sa binata, wala lang naman iyon sa kaniya. Sa totoo lang medyo na- miss niya rin ang gwapong lalaking ito.

"It's okay dyke. So, where are we going? " tanong ng dalaga, sa totoo lang talaga hindi pa alam ni dyke kung saan niya idadala si karrie dahil nawala sa isip niya ang kanilang napag usapan kanina.

" I don't know eh, saan nga ba?"

" Ha ha ha! you told me kanina na sa samyup khaa ayoo tayo pupunta, ano ba talaga?" 

" Oww sorry, I forgot. So let's go?" Parang nagbago ng isip ang dalaga dahil mas gusto niya ng cheap na date at presensya ulit ng tabing dagat. Kaya bigla na lamang niyang binawi ang napgkasunduan nilang dalawa.

" Wait, I changed my mind, pwede bang sa tabing dagat na lang ng Zamba wood? Near lapaz?" 

" But--!" 

" Okay lang kung ayaw mo dyke" Malungkot na pagkakasabi ng dalaga, natawa naman bigla si dyke sa reaksyon na iyon ni karrie. ang cute ng dalaga kapag ganito ang itsurain niya.

" Wala naman akong sinabi na ayaw ko ah, Okay sige suon tayo" Nagliwanag ang pandinig ng dalaga nang sumang- ayon sa gusto niya si dyke

" But, can we buy food first?" Nagtaas baba ang ulo ng dalaga simbolo ng pag sang- ayon

" Oum, let's go, but what  food?"

' for me, oaky na ang burger, footlong and milktea also some water? Okay lang ba sayo"

" Oo nama, no problem. kakasabi ko nga kanina na i want a cheap date" 

" Huh?"

 Pagtataka ng binata dahil wala naman siyang maalalang sinabi ni karrie yun kanina.Tinawanan lamang siya ng dalaga nang mapagtanto nitong wala pala siyang nabanggit na ganun, nasa isip niya lamang pala kaya nagbagio ang desisyon nila na pumunta sa samgyup khaa ayoo.

" Never mind, Hahaha. hindi ko nga pala nabanggit iyon, Let's go?" Pag- aaya ng dalaga, agad namang kumilos si dyke at umalis sa pagkakasandal sa kotse. Pinag buksan niya ng pintuan ang dalaga at maayos na inalalayan ito papasok, ngunit aksidente na lamang na natumba si karrie, hanggang sa napahiga siya sa upuan at hindi sinasadyang mahila si dyke papasok, na nagdulot ng pagkakapatong nito sa kaniya. Nagka- titigan ang dalawa medyo mainit ang pakiramdam na namumuo sa kanilang pagitan, natulala ang dalawa sa isa't isa. tila'y nagpapakiramdaman lamang sila ng damdamin. Sobrang bilis ng tibok ng puso ni karrie sa posisyon iyon, mistulang isang bombang kusa na lamang sasabog ang puso ng dalaga maging ang puso ni dyke na hindi makapaniwala at nagulantang na lamang ang isipan sa kagandahan ng dalagang matagal niya nang inaasam makuha ang matamis na oo. Mga ilang sandali pa ang lumipas ay sa wakas pareho na silang nakabalik sa kasalukuyan at inayos ang kani- kaniyang posisyon. Inayos ng binata ang kaniyang neck tie saka inalalayan si karrie sa pag kakaupo.

" I'm-- s-- sorry, hindi ko sadya yun, na out balance ako, pasenysa na!" Pagpapaliwanag ng dalaga kay dyke, tumango lamang si dyke sa kaniya na halatang gulat pa din sa nangyari.

" It's o--- okay, alam ko naman!" Medyo na uutal pa ang binata sa kaniya dahil kakaiba ang pakiramdam nito kanina, ramdam ni dyke na inuudyukan siya kanina ng kaniyang sarili na halikan si karrie ngunit hindi niya magawa, tinalo pa rin iyon ng kaniyang kosensya, baka ma- turn off pa si karrie dahil kung ginawa niya na naman ulit mag nakaw ng halik sa dalaga baka isipin nito na wala na siyang respeto. 

" So, let's go!" 

'"Okay!"  Sagot ni karrie sa binata. Pinaandar ng binata ang kaniyang kotse  saka malayang bumyahe papunta sa pinakamalapit na restaurant upang um- order ng makakain nila sa tabing dagat. Tahimik lamang si dyke sa pag mamaneho hanggang sa makarating sila sa pagbibilihan nila ng pagkain. Hindi na lang rin kumibo si karrie sa loob ng kanilang pag ba- byahe hanggang sa lumipas ang mga oras at makarating na sila sa kanilang patutunguhan.

Pinatay ni dyke ang makina ng kaniyang kotse saka pinag buksan ng pintuan ng kotse si karrie.

" Thank you!" Pag papasalamat ng dalaga, tipid na ngumiti si dyke sa kaniya habang inaayos ang nakusot niyang polo. Ngunit sa kalagitnaan ng pag- aayos naalala ni dyke na buhanginan na naman pala sa kanilang pupuntahan, at wala silang naidalang tsinelas na pamalit, pang lakad sana sa malubong buhanginan.

" Shooked!" 

" Why?" Takang tanong ng dalaga kay dyke na may bahid ng pagka- dismaya sa mukha.

" Hindi tayo nakapagdala ng slippers, buhanginan ang lalakaran natin, lalo na yang suot mo, naka- pang opisina ka pa"

" HAHAHA! " Napahalakhak ng tawa si karrie nang ma- realize niya na maling desisyon na naman ang pag punta sa dagat na kagagaling lang ng opisina, ilang beses nang nangyari sa kanilang dalawa ito, ngunit hindi pa rin nila naaalala na buhanginan ang kanilang pupuntahan. 

 

"Okay, ganito na lang gawin natin, may alam akong malapit na resort dito, duon na lang tayo dumiretsyo at tuloy na lang tayo mag check in, Okay lang ba sayo yun karrie?"

" Okay, basta may i- offer din sana silang damit na pamalit!" 

" Oh yah, meron dun. Naka- vist na ako sa resort na malapit dito dati, and may ina- allow silang nagtitinda ng mga swimsuit and other apparels na magagamit natin, Don't worry" 

Natuwa ang dalaga sa mga sinabi ni dyke, buti na lamang may ganuon, isa pa okay lang din naman kay karrie na mag tagal sila sa resort na yun, mag papaalam na lamang siya sa dad niya, at bibilinan na lang si daisy tungkol sa mga kailangang i- manage at mga papeles na kailangan permahan. She' ll be in charge to those things, mag unwine muna ngayon si karrie. 

" Should we go there right now?" Agaw atensyon ni dyke, tumango naman si karrie saka sumakay ulit sa kotse. Hindi niya na hinintay pa ang binata na pag buksan siya nito ng pinto, kaya naman nag pasya na din si dyke na dumiretsyo na agad sa loob ng sasakyan. Bumyahe ulit ang dala, ngunti mga ilan lamang ang distansya ng resort na yun kung nasaan sila kanina. Makalipas ang sampung minuto ay nakarating rin sila sa Alvista Resort, napaka ng resort na ito. ang daming puno ng pine tree na nakapaligid, kapansin- pansin din ang mga napakaraming taong turista na bumisita sa resort. 

Nang makbaba ang dalawa sa kotse, iginala ni karrie ang kaniyang paningin sa paligid na nauukupahan ng napakaraming tao, mga alas tres na ng hapon nang mapadpad ang dalaga sa kaniyang relong pambisig, inalis niya ulit ang atensyon dun saka bumalin sa kabilang parte ng napakalaking resort, dumako siya sa helera ng mga damit na naka- parada sa gilid ng isang shop, tama nga ang sinabi ni dyke na may nag bebenta ng mga damit dito, buti na lamang ay nag withdraw kahapon ang dalaga. 

" Let's buy some stuff?" Pag- aaya ni karrie sa binata habang nakaturo sa mga damitang nakaparada sa gilid ng isang shop. Tumango naman agad ito saka sabay na silang naglakad patungo sa shop na iyon.

nang makarating ang dalawa duon ay agad namang namangha ang dalaga sa mga magagandang damit na nakahilera duon, pati na rin ang mga swimsuit na pangarap niyang maisuot nang walang nagagalit na ama, sa bagay sa mga i*******m post ng dalaga ay isa na si dyke sa mga saksi sa kagandahan ng hubog ng katawan ni karrie. Hindi na nag atubili pang mag mamili si karrie, kinuha niya na lahat ang mga damit at swimsuit na alam niyang kakasya sa kaniya. Habang abala ang dalaga sa pag titingin sa mga damit na iyon ay ganun naman ang pamimili ni dyke sa mga maayos na kakailanganin niya. Pumili lamang ito ng maayos na T- shirt at short saka panligo in case na magyayang maligo ng dagat ang dalaga. Kumuha na rin siya ng maayos na tsinelas na babagay sa damit at short na ppinili niya. Tiyak na bonggan ang porma na napili ng binata dahil maganda ang pananamit nito, isama pa ang kalakihan at kagandahan ng katawan nito. Samantala ay si karrie abala pa rin sa pagkuha ng mga damit, dumako siya sa mga sandals na angkop pang lakad sa dagat saka kinuha ang may pinaka magandang design. Matatapos na silang kunin ang mga kailangan nila ay wala pa ing tao upang asikasuhin sila sa kanilang mga pinamili, hanggang sa may biglang bumukas ng pintuan at pumasok sa shp, kalmado lang babae, bumalin ito sa kanilang dalawa saka inayos ang parang lalagyan ng pera. Mukha iyon ang kahera sa shop na iyon.

" Tapos na po ba kayong mamili, ma'am and sir?" Mahinahon na pagtatanong ng kahera.

" Ahm, yes we're done, here" Inabot ni karrie ang mga napamili, at saka kinuha ang mga hawak ni dyke at pinagsama ang mga iyon. Kumuha ng paper bag ang kahera saka inayos sandali ang mga damit at hiniwalay nito ang slippers. Habang kino- compute ang kanilang mga napamili. nang matapos iyon ay bigla nang lumabas sa monitor ang kanilang babayaran. 7,637 ang total nun. Kinuha ni karrie ang ang kaniyang wallet sa kaniyang bag, ngunit bigla namang dumako ang kamay ni dyke sa braso niya saka nag salita.

" I'll pay for it!"

" Huh? No! hindi ako papayag, ako na magbabayad nito!"

" No, ako na, wag kanang mamilit"  Kumunot ang nuo ni karrie, saka nagbago ang pinta ng kaniyang mukha. Ngunit parang wala lamang kay dyke iyon bagkus ay binigyan lamang siya nito ng mahinahon na ngiti. Hindi na nakipag talo pa ang dalaga, kaya't pumayag na lang din ito.

" Okay fine! But I have a cash here!" Huling hirit niya ngunit tumanggi lamang si dyke.

" No, i'll pay for it, even if you have cash!" 

" Okay!" Kinuha ni dyke sa kaniyang wallet ang kaniyang credit card at inabot sa kahera iyon, kinuha nama ito ng kahera saka pinunan ang kabayaran nila sa lahat ng items na nakuha. Matapos nun ay lumabas na ang dalawa matapos magpasalamat sa mahinahon kahera. 

Agad naman sila tumungo sa hotel na kanilang tutuluyan, bumungad naman agad sa kanila ang mga tauhan ng resort saka sila sinabitan ng kwintas na bulaklak. Galak ang pagbati nito sa kanila pati ang cashier na nag aasikaso ng mga tao na mag che- check in sa kanilang hotel room. 

 

Tuwang- tuwa sila karrie sa napaka accomodating na resort na ito, and wala din naman silang reklamo sa kwarto na naibigay sa kanila. Saglit lamang ang mga pangyayaring iyon dahil nagmadali na rin silang makapasok sa kwarto dala ng pagod, at hindi na rin inisip ng dalaga na mgakatabi sila ni dyke sa iisang kama.

Medyo lumulubog na ang araw sa mga oras na iyon habang inaayos niya ang kanilang gamit, saka inilalagay ang mga iyon sa closet na nilaan ng resort. Hindi na rin talo ang mga turista sa resort na ito dahil kumpleto naman lahat sa gamit, kasama na rin ang pagkain sa kanilang binayaran sa pag check in.

Samantala si dyke naman ay dumiretsyo na agad sa kama upang humiga, ang tanging tinanggal niya lamang ay ang kaniyang sapatos saka agad na sumalampak na sa higaan. Sa bagay wala lang rin naman kay karrie iyon dahil hindi naman ito maarteng babae.

 

Related chapters

Latest chapter

DMCA.com Protection Status