Share

Chapter 10.1

"MYLA," tawag-pabalik ni Vesper sa bata.

"Sorry po, Mommy. Binuksan ko po 'yong bag niyo na nakatago sa ilalim ng kama. Noong masilip ko po sa door 'yong ginawa ni Mister Mavi, naalala ko po si Cinderella kaya hinanap ko po sa bag 'yong shoe."

"You're a very smart kid, Myla," nakangiting papuri naman ni Mavi.

The little girl smiled back. "Thank you po, Mister Mavi." Tumakbo ang bata palapit sa kanila at binigay kay Mavi ang sapatos. "Ito na po 'yong shoe, isuot niyo na kay Mommy!"

"As you wish, little princess," anito habang nakalagay ang isang kamay nito sa kanyang dibdib na parang isang butler na umaayon sa utos ng kanyang amo, sunod niyang kinuha ang sapatos mula sa kamay ni Myla at isinuot iyon sa paa ni Vesper.

"I have another wish po, Mister Mavi. Puwede niyo po ba isayaw si Mommy? Ang sabi niya po kasi kanina, nawalan daw ang kuryente sa party kaya hindi natuloy 'yong dance. Please?" pakiusap ng bata na halos pigilan na ni Vesper.

"Myla, huwag na. Nakakahiya kay Mister Mavi mo—"
Locked Chapter
Ituloy basahin ang aklat na ito sa APP

Kaugnay na kabanata

Pinakabagong kabanata

DMCA.com Protection Status