Las Vegas, Nevada
WHEN people heard his name, the first thing that comes to their mind is the word 'marvelous.' Dubbed the 'Prince of Melody', Mavi Villahermosa is known as one of the most successful Filipino musicians today. Ang malambing at mala-anghel na boses ni Mavi ang talaga namang tumatak sa puso ng kanyang mga tagahanga. Mavi has a good heart for his fans, something people also liked about him.Nadiskubre siya ng Starfield Productions, ang record label na pagmamay-ari ng isang sikat na mang-aawit sa Amerika. Hindi nagkamali ng desisyon si Mavi na iwan ang Pilipinas dahil dito tuluyang nagbago ang buhay niya. Napagamot niya ang kanyang kapatid na may lymphoma at naitawid niya sa hirap ang kanyang ina na mag-isang bumubuhay sa kanilang magkapatid.Naging matagumpay ang mga unang taon ni Mavi at unti-unti rin siyang nakilala sa buong mundo. He was showered with fame and money. Nakabili siya ng maraming properties, mga mamahaling sasakyan at ito rin ang sumagot sa mga luho niya. His mother Miranda owned a famous Filipino-inspired restaurant across the country. Katulong niya sa pagpapatakbo ng kanilang negosyo ang kapatid ni Mavi.Pero gaya nga ng sabi nila, life is filled with ups and downs. Ang pagka-addict niya sa gambling ang naging mitsa ng kanyang pagbagsak. He lost a lot of fortune, leaving him saddled with debts. It drove into Mavi's head as he suffered a lot of stress and pain.Nagresulta rin ito sa pambubugbog niya kay Bradford Ibarra, ang bigating negosyante na isa sa pinagkakautangan niya. Nangyari 'yon nang minsan silang magkita sa isang restobar. Na-provoke siya nito hanggang sa tuluyang uminit ang ulo ni Mavi at nagawa ang pananakit.Sa takot na mauwi sa kalaboso, Mavi lowered his pride, expressed his regret and begged him not to file a case. Luckily, Bradford accepts his apology but the damages he caused are added to his debts. Bradford intentionally pressured Mavi to pay him back until he was strapped for cash and lost his wealth and power.Ang kontrobersiyang iyon ang isa sa naging dahilan kung bakit hindi na siya pinayagan ng record label na i-renew ang kanyang kontrata sapagkat isa si Bradford sa may koneksyon sa Starfield Productions at sa iba pang entertainment company na maaari niyang lipatan kung sakali. Sa madaling sabi, subukan mang lumipat ni Mavi sa iba ay parehas lang ang kanyang sasapitin.At the end of the day, tinanggap na lang ni Mavi ang kabiguan. Inabisuhan siya ng kanyang pamilya na ibenta lahat ng ari-arian niya upang mabayaran ang patong-patong na utang hindi lang kay Bradford, pati na rin sa iba pa. He left with no choice. He couldn't just sell his mother's business to cover up his debts since it's the only thing they have.Today, he successfully closed a deal with the buyer of his last property. Along with his driver, they're on their way to his brother's house in Las Vegas. Mariing napapikit si Mavi habang nakaupo sa backseat ng sasakyan. Ah, how life could be this miserable for him? Umaasa siya na sa muling pagmulat ng kanyang mga mata ay magwawakas din ang pagsubok na pinagdadaanan niya.A ringing phone interrupted his peaceful moment. Hindi na sana niya sasagutin ang tawag dahil alam niya kung sino 'yon pero sadyang makulit ito at paulit-ulit siyang tinatawagan. Inis na dumilat si Mavi, dinukot ang cellphone na nasa right pocket ng kanyang pantalon at sinagot ang nakakairitang phone call."Hello, brother," the caller spoke. As expected. Hindi ba ito makapaghintay gayong papauwi na si Mavi?"It's you again, Michael. What do you want?" malamig na turan niya sa kapatid."Masama bang kamustahin ang kakambal ko?" Mavi clicked his tongue upon hearing Michael's voice. Kabisado niya ang ugali nito. Everytime he mentioned the twin thing, Michael makes him feel guilty for spending less time with him.Minsan lang sila magkita ngunit madalas siyang kamustahin ni Michael sa telepono. They only meet whenever Mavi needs his twin brother. Siya ang nagsisilbing body double ni Mavi kapag hindi ito available. Kumbaga, may mga pagkakataong siya ang humaharap sa publiko bilang si Mavi. Halos wala silang pinagkaiba kung pagbabasehan ang hitsura kaya hindi katakatakang napagkakamalan siya bilang isa sa mga tinitingalang singer ngayon.Gayunpaman, nananatiling sikreto ang katotohanan tungkol kay Michael. Ang alam ng lahat ay matagal na siyang pumanaw sa sakit na lymphoma. Ginawa nila 'yon para protektahan ang kanilang sikreto. Michael agreed to the terms, considering the fact that he owes his life to his brother."Kung wala kang matinong sasabihin, I'll hang up-""Hold on," pigil ni Michael. "I want you to check the glove compartment. Nag-iwan ako ng cellphone diyan sa loob.""Okay?" Inutusan ni Mavi ang driver na buksan ang glove compartment at ibinigay sa kanya ang telepono. "So, what am I gonna do with this stuff?"Maririnig ang pagtawa ni Michael sa kabilang linya na para bang sabik siyang ipakita kay Mavi ang nilalaman ng cellphone. "Open it and you'll be surprised."Sinunod niya ang payo nito. Pag-unlock niya ng screen ay naka-direct agad iyon sa video files at may naka-save na isang video. Hindi siya nag-atubiling i-play 'yon.Makikita sa video na nakatutok ang camera sa lalaking nakaupo sa wooden chair habang nakagapos ang kamay at paa. Sapat ang liwanag na nanggagaling sa maliit na bumbilyang nakakabit sa kisame para tanglawan ang lalaking naliligo sa sarili nitong pawis."Wait a minute," he thought as he tried to figure out who the person was.Muntik nang mabitawan ni Mavi ang hawak na cellphone. His eyes widened in surprise as he recognized the guy's face. Siya ang lalaking kasama ni Vesper sa litrato walong taon ang nakakaraan!"Aaminin ko, nilasing namin ng mga kaklase niya si Vesper noong gabing iyon. Sinadya ko ring humiga sa kama nang hubo't hubad para magpakuha ng litrato katabi siya. Pinadala ko kay Mavi Villahermosa ang pictures bago ang graduation niya. Nagawa ko 'yon dahil nagbakasakali ako na maghiwalay sila pero lilinawin ko lang na walang nangyari sa amin ni Vesper! Hindi ko siya ginalaw!" ang sabi ng lalaki sa video na gumimbal kay Mavi.Dito na tuluyang dumulas sa kamay niya ang cellphone na galing kay Michael. Hindi pa nagsi-sink-in sa utak niya ang mga impormasyong nakarating sa kanya. So, he set her up to make him think that she slept with another guy?"K-Kailan mo pa alam ang tungkol dito?" nauutal na tanong niya kay Michael."Lately lang pero matagal ko nang hinahanap ang taong 'yan. Masyado siyang mailap but it didn't stop me from catching him.""Where is he now?""Andito sa 'kin, inaalagaan ng mga tauhan ko," mayabang na sagot ni Michael. "Pinagv-voice lesson ko pa nga. Baka sakaling sa susunod na pakantahin ko, nasa tono na.""What are you saying?""I see the possibility that someone pay him to do this. Hindi mo tinapos 'yong video pero nabanggit niya diyan na stalker siya ni Vesper noong mga panahong kayo pa but I don't buy it. Wala siyang koneksyon kay Vesper and no witnesses are proving that he's following her tail. Jeez, malamang malaki ang patong niyan sa ulo kaya hanggang ngayon ayaw umamin pero huwag kang mag-alala. Hindi siya makakawala hangga't hindi niya kinakanta lahat ng kasabwat niya."He fell into silence for a while, thinking about everything he heard just now. Tiwala si Mavi na gagawa ng paraan si Michael para mapanagot ang mga taong naminsala sa kanila ni Vesper. Ang hindi niya matanggap ay ang resulta ng nangyari noon. Iniwan niya sa ere ang babaeng minahal niya na simula't sapul ay inosente pala!"Mavi, are you still there?" Michael called his attention."So, I've been fooled for the past eight years?" hindi makapaniwalang saad ni Mavi."It can't be helped. You were young and naïve back then. Ang importante, lumabas din ang katotohanan na malinis si Vesper bago may nangyari sa inyong dalawa at ikaw ang ama ng bata."Nasapo niya ang noo sa labis na pagkadismaya. "How could I be so foolish? All this time, inakala kong pinagpalit niya ako sa lalaking 'yon! I didn't even believe her to be pregnant with my child! Tangina, Mike! Ang laki kong tanga!""Wala na tayong magagawa, Mav. Nangyari na, e. Alam mo ang gawin mo? Umuwi ka ng Pilipinas at punan mo ang obligasyon mo sa mag-ina. Baka sakaling mapatawad ka ni Vesper."Alanganing sumagot si Mavi, "Ando'n na tayo, Michael. I wanna make it up to them but now's not the right time. Hindi pa ako fully paid kay Brad-""Uunahin mo pa talaga 'yang utang mo kay Bradford? Ano bang mas mahalaga sa 'yo? Ang mag-ina mo o 'yang pera?""Kilala ko si Bradford! He came from a prominent family. He's powerful! Hindi niya ako patatahimikin hangga't hindi ko siya nababayaran nang buo! He'll kill me!" he shouted."What are you trying to say? I'm useless, na hindi kita kayang protektahan sa tarantadong 'yon?" Michael laughed bitterly. "Hindi ko inakalang magagawa mong sabihin 'yan, Maverick Jasper. I am protecting you for a long time! Kanino ba galing 'yang mga bodyguard at escort mo, 'di ba sa akin? You can't even hold a gun nor fire one! Why? 'Cause you're one hell of a coward who doesn't have balls! Dapat nga'y magpasalamat ka, e. Kasi kung hindi dahil sa 'kin, baka matagal ka nang pinaglalamayan sa dami ng pinagkakautangan mo!""Bakit, sinabi ko bang protektahan mo ako? Masyado kang pumapapel sa buhay ko! Hindi kita kailangan!""You don't need me, eh? Well, good luck to you. Ito na ang huling beses na papayuhan kita. Sell your back catalogues and pay that fucking guy! Umuwi ka ng Pilipinas!""I won't do it! I worked my ass off for this shit! 'Yan na nga lang ang meron ako, ibebenta ko pa? Since you're the one who suggested this, bakit hindi ikaw ang umuwi at-""Ako? Ako na naman? Give me a break, Mavi! Hindi ako makina na puwede mong paganahin kahit kailan mo gusto! I'm your brother! If you can't surrender your catalogue, book a flight to the Philippines now!"Bago matapos ang kanilang pag-uusap, isang sports car ang bumangga sa sinasakyan ni Mavi. Dahil walang suot na seatbelt ay lumipad siya sa harap at nagtamo ng head injury habang ang driver ay hindi rin nakaligtas sa insidenteng iyon."Mavi? What happened? Mavi!" sigaw ni Michael mula sa speaker ng telepono na tumilapon sa ilalim.~VESPER~ IT'S BEEN a year and a half since Michael proposed for marriage. Nang maka-recover si Vesper sa panganganak ay naging puspusan ang paghahanda nila ni Michael para sa kanilang kasal. Nais nilang maging memorable ang araw na iyon para sa kanila. After all, it was a once-in-a-lifetime experience na kanilang dadalhin hanggang sa pagtanda. They hired the best wedding coordinator in town, at ang selemonyas ay gaganapin sa isang kilalang simbahan sa Puerto Princesa, Palawan. Maaga pa lang ay dumating na ang make-up artist na siyang mag-aayos sa pinakamagandang babae ng araw na iyon. Sa isang silid kaharap ang dressing table ay kasalukuyang nakaupo si Vesper suot ang puting roba, habang ang kanyang mga kaibigang sina Jasmen at Nelma ay nakasuot ng sopistikadang bridesmaid gown na kulay rosas. "Ang lapad ng ngiti ng frienny natin, ah," tudyo ni Jasmen na nakatayo sa likuran ni Vesper. "Oo nga, Ate Jas. Parang ngiti lang ng bente anyos na naghahanap ng jowa," kantyaw pa ni Nel
ONE YEAR LATER (VILLAHERMOSA REST HOUSE IN PALAWAN) NAPUNO ng tawanan ang living room habang masayang naku-kuwentuhan ang magkakaibigang sina Vesper, Jasmen at Nelma. Dumating sila kagabi sa Palawan mula Maynila upang bisitahin si Vesper, na matagal din nilang hindi nakita. Sinamantala na ni Vesper ang pagkakataong iyon para bigyan sila ng exclusive tour sa kanyang tahanan. Sa nakalipas na isang taon, malaki ang pinagbago ng resthouse ni Michael sa Palawan. Ang noo'y malawak na lupain lamang ay dinarayo na ng mga turista dahil sa iba't ibang amusement rides at attraction na mayroon ang lugar na ito, at tinawang nila itong Wonderfair. Binuksan nila ito sa publiko noong nakaraang buwan lamang pero dagsaan na ang bumibisita rito. Katuwang niya si Michael sa pagpatakbo ng Wonderfair habang si Nathan at ang dalawang bodyguards na sina Robert at Luther ay binigyan nila ng magandang posisyon sa kumpanya. "Ate Vesper, maraming salamat sa binigay niyong second chance kay Kuya Nathan, ha. M
LIMANG araw matapos pumutok ang balita sa pagpanaw ni Mavi Villahermosa, nagtipon-tipon ang mga tao sa Starview Memorial Park upang idaos ang memorial service para kay Mavi bago ito ihatid sa kanyang huling hantungan. The service starts at 1:00 PM. Even though Vesper couldn't come because of her gunshot wound, she was able to catch up via video call from Michael's cellphone. She was left alone in her private room but Michael assured that she will be safe while he's not around. He hired extra security to protect her privacy just like what he always did to Mavi before.She has a vision of his silver casket from the video footage as the tribute song played. Parang pinipira-piraso ang puso niya dahil isa 'yon sa mga kanta ni Mavi na kasalukuyang inaawit ng kapwa singer nito. Mas sumidhi ang kanyang emosyon nang marinig niya mula sa video call ang paghikbi ng kanyang anak na nakaupo sa tabi ni Michael."Mamimiss ko po siya kahit saglit ko lang po siya nakitang buhay," malungkot na pahayag
PARANG isang pelikula ang nangyaring pamamaslang kay Dominic sa harap mismo ni Vesper. Masama man ang loob niya sa kanyang ama, naniniwala siyang maraming paraan upang mapagbayaran ni Dominic ang naging kasalanan nito sa kanya at hindi sa paraang ito.Malakas na hagulgol ang pinakawalan ni Vesper habang nanlalaki ang mga matang nakatingin sa malamig na bangkay ni Dominic na ngayon ay naliligo sa sarili nitong dugo. Who on earth could have done this?Well, katabi niya si Michael na kahit may tama ng bala sa kaliwang binti ay nakayanan pa ring manutok ng baril kay Dominic kanina. Ngunit sigurado siyang hindi si Michael ang bumaril dahil malayo ang distansya ng tunog mula sa kanyang posisyon. Idagdag pa ang bala na nanggaling sa likurang ulo ni Dominic na siya namang tumagos sa noo ng matanda. Talagang napaka-imposible.If Michael didn't do it, then there is only one person who could have pulled it off.Huli na nang mapansin niya ang isang lalaki na nakapwesto—ilang hakbang ang layo mula
NATARANTA si Vesper sa nakakabinging tunog na nagmumula sa labas ng bahay at sa lakas n'on ay tila nagpapahayag ito ng kanilang nalalapit na katapusan."Michael, anong nangyayari?!" natatakot na tanong ni Vesper hawak ang magkabilang tainga."Boss, we're screwed up! Natunton tayo ng mga kalaban!" anunsyo ni Robert kay Michael."Well, shit," he cursed out.From his standpoint, Michael quickly took his weapons from the cabinet. "Anong plano mong gawin?" tanong ni Vesper."Ano pa ba? Eh 'di, tatapusin namin sila," Mike answered fearlessly."What? How?"Michael didn't buy time to respond to her questions. He loaded his two pistols with enough bullets and keep some of them as a spare just in case he ran out of shots. Ikinasa niya ang dalawang baril at walang takot na humakbang palabas."Vee, go upstairs. Bantayan mo si Myla," bilin pa nito sa kanya. "Robert, let's take the front. Luther, stay at the backdoor. Siguraduhin mong walang makakapasok na kalaban," utos naman ni Michael sa dalawang
More than eight years ago... MICHAEL woke up in his bed after he underwent another cycle of his chemotherapy this morning. Mas maayos ang pakiramdam niya ngayon kumpara kanina pagkagaling nila ng ospital. 'Yon nga lang, nabanggit ng ina niyang si Miranda na luluwas ito ng Pampanga para pumunta sa burol ng kaibigan nito na namatay, pero ang kagandahan nito ay tinawagan siya ni Mavi kanina para ipaalam sa kanya na bibista ito sa bahay para bantayan siya. Binilin pa nitong huwag sabihin sa kanilang ina ang balak niyang pagbisita dahil surpresa raw iyon. Hay. Miss na miss na niya ang kapatid niyang iyon. Dahil sa Maynila ito nag-aaral ay minsan na lang sila magkita, gayumpmanan, madalas naman silang nag-uusap sa telepono. Ang madalas nilang pag-usapan? Stressful projects and exams at syempre, ang girlfriend nitong si Vesper. They used to talk about her very often. Nagmistula siyang diary ni Mavi dahil lahat ng ginagawa nila ni Vesper ay nababanggit niya kay Michael kaya para na rin niya
PINILIT ni Vesper na lapitan si Mavi kahit pa ibig-ibig nang bumigay ng mga tuhod niya. This is not the 'Mavi' she was expecting to see. Gusto niyang humagulgol dahil sa kaawa-awang kalagayan nito.Hindi siya sanay na makita ang taong mahal niya na nahihirapan ng ganito. Panay tusok ng karayom ang magkabilang kamay, at butas ang leeg dahil sa tubong nakakonekta sa ventilator na siyang tumutulong sa kanyang paghinga.Bago pa mawalan ng lakas ang kanyang mga paa, mariing kumapit si Vesper sa side rail ng kama. She took his hand as tears began blocking her vision."Hindi ko inakalang sa ganitong klase ng sitwasyon tayo magkikita, Mavi. Walong taon akong nagtiis nang wala ka. Sa awa ng Diyos, nakabangon ako at napalaki ko nang maayos ang anak natin," she said in pain.Pinalapit niya ang kanyang anak kay Mavi at ipinakilala ito sa pasyente. "This is Myla, siya ang bunga ng pagmamahal natin noon. Siya ang dahilan kung bakit naging matatag ako. Ang dami niyang namana sa 'yo. Kamukhang-kamukha
NATAGPUAN ni Vesper ang sarili na naliligo sa sarili niyang luha dahil sa mga pasabog na binulgar ni Michael sa kanya. Nanggigigil na piniga niya ang hawak na telepono at itinapon sa sahig. "So kung hindi ko pa hinalungkat ang cellphone mo at nahanap ang mga litratong 'yan, hindi ko pa malalaman ang totoong nangyari kay Mavi? Patuloy mo pa rin kaming lolokohin ni Myla, gano'n ba?" she screamed in frustration and disappointment."No, Vee. It's not what it is. Hindi ako umamin sa 'yo dahil umaaasa pa rin ako na isang araw, magigising ang kakambal ko. As soon as he wakes up, he will be able to continue what I've started," Michael replied, denying her accusations."Pero hindi mo maaalis ang katotohanan na niloko mo kami ng anak ko! 'Di mo ba alam kung gaano kasakit sa 'min 'yon? Paano ko ipapaliwanag kay Myla na 'yong totoong daddy niya ay naghihingalo sa ospital at ang lalaking inakala niyang daddy niya ay uncle niya pala! Have you ever thought about that, Michael? Sobrang masasaktan si
MISTULANG matigas na yelo ang lalaking kaharap ni Vesper at hindi makakibo nang isampal niya sa pagmumukha nito ang mga ebidensyang nakalap niya sa cellphone nito. Maski siya'y muntik na ring ma-estatwa kanina. Sino ba namang hindi kikilabutan gayong may posibilidad na ang lalaking katabi niya kanina sa kama ay hindi si Mavi?"Uulitin ko ang tanong ko. Ikaw ba si Mavi?" mariin niyang tanong. Nang wala siyang makuhang sagot ay naitulak niya nang bahagya ang lalaki. "Ano? Bakit hindi ka makasagot? Magsalita ka!""I'm sorry, Vesper—" Naging maagap ang reaksyon ni Vesper dahil sa mga salitang 'yon at isang malakas na sampal ang iginawad niya sa kaliwang pisngi ng lalaki."So inaamin mong hindi ikaw? Kung gano'n, sino ka?!" pasigaw na tanong ni Vesper.Dahan-dahang nag-angat ng tingin ang lalaki at nagpakilala. "I'm Mavi's twin brother and body double. My name is Michael Villahermosa."Nagulantang ang sistema ni Vesper sa narinig niyang rebelasyon. Sinong mag-aakala na ang lalaking plano ni