Share

Chapter 1

"HANDA na ang hapunan, anak. Halika na," Vesper called the attention of her seven-year-old daughter who's been sitting on the old sofa while happily drawing on a piece of paper.

"Okay po!" the girl answered cheerfully as she dropped her crayons and walked closer to their small dining table where the food has been served.

"Wow, chicken adobo!" tuwang-tuwang sabi ng batang babae. Sabik itong naupo sa bakanteng monoblock chair katabi ang kanyang ina na katatapos lang magluto.

Taimtim na nagdasal ang bata bago sumandok si Vesper ng kanin at ulam at dahan-dahang nilagyan ang kanilang mga plato.

"Pasensya na baby, ha. Ngayon lang nagluto si Mommy ng masarap na ulam. Kagabi ko lang kasi nakuha ang sahod ko, e. Hayaan mo sa susunod mas masarap pa sa adobo ang iluluto ko," ang pangako ni Vesper sa bata.

"Ayos lang po, Mommy. Hindi naman po ako maarte sa food. Basta po ikaw ang nagluto happy na po ako!" the little girl replied as she plastered a sweet smile on her face.

Vesper was flattered by her child's words. Sapat na sa kanyang marinig ang malambing na boses nito upang mapawi ang pagod niya sa maghapong household works. Maswerte siya sa pagkakaroon ng anak na mabait, maunawa at masipag mag-aral. Naging mapagbiro man ang tadhana for the past eight years, nakayanan niya pa ring tumayo dahil mayro'n siyang pinaghuhugutan ng lakas.

Sa dami ng pagsubok na dumating sa buhay ni Vesper, isa lang ang hindi niya pinagsisisihan—ang isilang sa mundo si Myla. Mahal na mahal niya ito, higit pa sa kahit sino o ano mang bagay sa mundo at kailanma'y hindi niya binunton ang galit niya rito sa kabila ng katotohanang si Myla ang bunga ng pakikipag-relasyon niya kay Mavi noon.

Sandaling umalis ng upuan si Vesper para kunin ang remote control sa TV set na kaharap ng la mesa. Tinapat niya ang remote sa telebisyon at pinindot ang power button. Kasalukuyang ume-ere ang news broadcasting show nang mga oras na 'yon.

Muli siyang naupo at sinimulang kumain ngunit bigong naisubo ni Vesper ang kutsara sa bibig nang bigla niya itong mabitawan sa sumunod na balita.

"Nagbabalik-Pilipinas ang 'Prince of Melody' na si Mavi Villahermosa. Kinumpirma ito ng JKL News nang lumapag ang sinasakyan nitong private jet pasadong alas-tres ng madaling araw kanina. Ayon kay Mavi, nagpasya siyang umuwi ng bansa upang ipagpatuloy ang buhay na malayo sa magulong mundo ng music industry. Matatandaang naharap si Mavi sa iba't ibang kontrobersiya, kabilang na ang tuluyang pagbasura sa renewal ng kanyang kontrata sa record label na Starfield Productions. Narito ang kanyang pahayag."

"It's good to be back in my home country to start a new life and I am looking forward to open new doors of opportunity as a normal citizen. I'd like to thank all of my fans for your utmost support throughout these years. I wouldn't be 'Prince of Melody' without you all. Mahal ko kayo," ani Mavi sa exclusive interview na isinagawa ng JKL News bago ito tuluyang pumasok sa sasakyan.

"Hanggang sa katapusan ng career, nakuha pang magpasikat!" pabulong na reaksyon nito.

Hindi niya inaasahang maririnig 'yon ni Myla. "Mommy, galit ka po kay Mister Mavi? Mukha naman po siyang mabait, ah. Saka magaling po siyang singer at love na love niya lahat ng tao sa earth! Para siyang angel!" anito na kinagulat ni Vesper.

"Bakit mo kilala ang lalaking 'yon?" she asked.

"Kasi po kapag ando'n ako kina Tita Jasmen lagi pong pinapatugtog ng kapatid niya ang songs ni Mister Mavi. Nag-joke pa nga po 'yong kapatid ni Tita na baka raw si Mister Mavi ang daddy ko kasi magkamukha raw kami. Mommy, ano po ba ang hitsura ni Daddy? Same ba sila ni Mister Mavi?"

Hindi niya inakalang tatanungin siya ni Myla tungkol sa bagay na iyon. Isang misteryo kay Myla ang pagkakakilanlan ng kanyang ama. Ni minsan ay walang siyang binigay na litrato, pangalan o kahit anong bagay na magpapaalala rito.

The only thing her daughter knows is that her father left for abroad and died before she was born. Itinago ni Vesper ang totoo dahil ayaw niyang bigyan ng false hope si Myla na magkikita pa sila ni Mavi gayong tuluyan na silang kinalimutan nito.

"Myla, now's not the time to discuss your father or that Mavi guy," she reminded her.

"Sorry po," mahinang sagot ni Myla, halatang dismayado sa naging reaksyon ni Vesper.

Vesper tried to focus on her food but the news about Mavi's return still bothers her. Paano kung balikan siya nito at kunin sa kanya si Myla? Maliit na ang mundong ginagalawan nila at hindi imposibleng isang araw ay bigla itong sumulpot at guluhin ang tahimik nilang buhay.

She dropped her utensils upon realizing it. The anger rise up on her. Hindi niya hahayaang makalapit si Mavi sa kanyang anak! Ngayon pa ba ito babalik kung kailan huli na?

"Subukan mo lang, Mavi! Magkakaproblema tayong dalawa!" she thought. Kung puwede nga lang isigaw ay ginawa niya na.

Naantala ang kanilang hapunan sa pagpasok ni Jasmen, ang mabait na kapitbahay ni Vesper sa apartment complex. Sa kanya madalas iwan ni Vesper ang bata kapag siya'y nasa trabaho.

"Tita Jasmen!" paunang bati ni Myla sa babaeng itinuturing niyang pangalawang magulang.

"Hi, baby!" tugon nito. Dire-diretso ang lakad ni Jasmen palapit sa mag-ina. "O, Vesper. Hindi pa kayo tapos diyan? Baka ma-late ka na sa trabaho mo," paalala ni Jasmen sa kaibigan.

"Heto na." Nagmamadaling inubos ni Vesper ang laman ng kanyang plato. Ang tanging naiwan lang sa mesa ay si Myla habang si Jasmen ay naupo sa bakanteng upuan.

"Ako nang bahalang maglinis ng pinggan. Hintayin ko lang na matapos si Myla," alok niya pa. Tumango lang si Vesper at kinuha ang sipilyo sa gilid ng lababo saka ito naglinis ng ngipin.

Tuloy-tuloy na nagsalita si Jasmen. "Nabalitaan ko nga palang nag-aalok ng scholarship 'yong congressman natin para sa mga single parent na hindi nakapagtapos. Bakit hindi mo subukang mag-apply? 'Di ba, nabanggit mo sa 'kin na hanggang second year lang ang natapos mo?"

Awtomatikong tumigil sa pagsisipilyo si Vesper at isiniksik sa bagang niya ang toothbrush. "Oo," tugon niya kay Jas.

"Subukan mo, sis! May monthly allowance 'yong kasama, plus meron ding thesis and book allowance. Sapat lang 'yon para matustusan ang pag-aaral mo. Chance mo na 'yan. Maraming opportunity ang naghihintay sa 'yo kapag degree holder ka. Mas mabibigyan mo ng magandang kinabukasan si Myla."

Sandaling napaisip si Vesper. Maganda ang offer na 'yon para sa kanya. Sa panahon ngayon, malaking advantage ang nakatapos ng kolehiyo para makakuha ng magandang trabaho. Gayunpaman, hindi biro ang maaari niyang kaharapin.

Nang matapos mag-toothbrush ay saka lang kumibo si Vesper. "Ang ganda niyan pero mukhang hindi ko yata kakayanin, 'te. Subsob na nga ako sa trabaho ko sa bar bilang waitress, idagdag mo pa 'tong pagiging hands-on mom ko kay Myla. Makukuha ko pa bang mag-aral?" alanganin niyang tugon.

Mabilis na kinontra ni Jasmen ang kaibigan. "Ano ka ba! Pwede ka namang pumili ng schedule mo. Hanapin mo 'yong oras na kaya mong i-balanse 'yong work, studies at pagiging nanay mo. Then, mag-part time ka na lang sa bar at makiusap ka sa boss mo na 'wag bawasan ng malaki ang iyong sahod. Mabait siya sa mga katulad mong single mother. You see, siya pa nga ang nag-offer sa 'yong magtrabaho sa bar dahil naaawa siya sa kalagayan mo. I'm sure maiintindihan ka naman n'on."

"Paano kung hindi umubra kay Boss ang pakiusap ko?" muling hirit ni Vesper.

Jasmen left her seat as she walks closer to her and whispered, "Eh 'di, makipag-settle ka sa tatay ni Myla at humingi ka ng sustento tutal andito na rin naman siya sa Pilipinas, 'di ba?" pabirong bulong ni Jasmen.

Vesper warned Jas by patting her hand against her arm. "Huwag mo ngang mabanggit-banggit sa 'kin ang tungkol sa lalaking 'yon, baka marinig ka ni Myla!" she muttered.

"Takot ka lang harapin siya, e. Bahala ka," pangongonsyensya pa nito. Dumistansya na si Jasmen mula kay Vesper. "Kung ako sa 'yo, makikipag-agawan na ako sa scholarship bago pa maubos ang slot. Sis, palay na ang lumalapit. Tukain mo na bago pa makuha ng iba. Isipin mo ang future niyo ni Myla. Sa una hindi magiging madali pero pasasaan ba't makakasanayan mo rin 'yan."

Nabalot ng katahimikan sa pagitan nila. She was caught between a hard and a rock place. Nanghihinayang siya sa offer na scholarship at ayaw niyang palampasin ito dahil baka hindi na siya mabigyan ulit ng gano'ng oportunidad. Pero sakaling pumayag siya sa suggestion ni Jasmen, kakayanin niya kaya?

"Pag-iisipan ko," ang sagot niya kay Jasmen.

Tuluyan nang nag-prepare si Vesper para sa six o'clock shift niya sa Crescent Bar na kalapit ng apartment building na tinutuluyan nila. Bago niya iwan ang bata sa pangangalaga ni Jasmen ay nagbilin pa siya sa kaibigan.

"Ate Jas, alam kong hindi mo pababayaan si Myla. Thank you for looking after my daughter. You're a good friend."

"Naku, wala 'yon! Hindi na kayo bago sa akin, 'no. Para na kitang kapatid at halos anak na ang turing ko diyan kay Myla." Ngiti lang ang isinukli ni Vesper kay Jas.

"Bye, Mommy! I love you," masiglang pagpapaalam ni Myla saka ito humalik sa pisngi ni Vesper.

"I love you too, baby ko. Be a good girl to Tita, okay?" bilin niya sa bata.

"Uhm!" She placed her palm on her child's head before she walks out the apartment room.

Sanay na ang mag-ina sa gano'ng set-up. Pinaintindi niya kay Myla na kailangan niyang kumayod sa gabi upang may panggastos sila sa araw-araw. At her young age, naunawaan naman ni Myla ang kanilang sitwasyon. Sa kabila n'on, hindi nawawala ang pagmamahal niya sa nag-iisang magulang na kasama niya all these years.

__

MAKALIPAS ang ilang araw, nagdesisyon si Vesper na mag-apply ng scholarship kay Congressman Moreno. Nag-take siya ng qualifying examination at nag-submit ng kaukulang requirements. She was chosen as one of the scholars for Ibarra College of Education (ICE), ang school branch ng Ibarra University kung saan siya nag-aral noon.

ICE was established three years after she dropped from school. Dahil na rin sa pagbabago ng curriculum ay napilitan si Vesper mag-retake ng first year sa halip na tumuloy sa ikatlong taon. Vesper is taking up BSEd Major in Science, ang parehong kurso na tinapos ni Mavi eight years ago.

Fortunately for Vesper, she was allowed to work as a part-time worker at Crescent Bar. However, kapalit nito ay salary deduction na isang libo't limandaang piso. Hindi na masama. Sapat pa rin ang sasahurin niya pambayad sa upa at sa gastusin niya kay Myla na ngayon ay grade 1 sa isang public school.

Dalawang linggo na mula no'ng magsimula ang klase. Mag-isa siyang nakaupo sa gilid ng iconic fountain ng ICE. This place reminds her of the heartbreak brought by Mavi. Wala naman siyang pagpipilian. Kaysa magmukmok sa classroom habang naghihintay ng next class, mas gugustuhin niya pang tumambay sa lugar na tahimik lang.

Vesper used to be alone most of the time. Well, making friends isn't easy since most of her classmates are engrossed with Korean pop culture, make-up and social media—something that she wasn't interested in. Luckily, there is one person in their class who can stand her attitude.

"Uy, Ate Vesper! Ba't andito ka? Hindi ka pumasok kanina," paalala ng bago niyang kaibigan na si Nelma Javier. Galing ito sa second floor ng college building nila. She sat right beside Vesper.

"Bakit, may teacher na ba tayo sa chemistry?" nagtatakang tanong nito sa kaibigan. Dalawang linggo na rin kasi silang walang guro sa dalawang major subject nila. Sa pag-aakalang wala pa ring teacher ay hindi muna siya um-attend ng 9:00 AM class.

"Oo, 'te. Kanina lang dumating 'yong special appointed instructor at posibleng siya rin ang hahawak ng astronomy. Alam mo bang nagkagulo rito kanina pagdating niya? Grabe! Kinabog pa 'yong grand fans day sa dami ng estudyanteng gusto siyang makita. Sayang nga, e. Hindi ako nakapapicture man lang or at least nakahingi ng autograph. Protektado kasi siya ng mga bodyguards niya," mahabang kuwento ni Nelma. Halata sa mukha ng dalaga ang magkahalong lungkot at panghihinayang nang mga sandaling iyon.

"Ha? Sino ba ang teacher na 'yan at kinukuyog ng madla? Artista?" Vesper asked in curiosity. Wala man lang kaide-ideya si Vesper sa pangyayaring 'yon dahil parang normal lang ang kaganapan kanina pagpasok niya ng campus.

Before she heard a response from Nelma, the sudden loss of the waterfall just happened, dahilan para masilayan niya ang lalaking nakatayo sa opposite direction ng fountain.

He was busy taking pictures of himself using his camera phone while being surrounded by his two bodyguards. Nahaharangan man ng cellphone ang mukha ay alam niyang malaki ang pinagbago nito kumpara noon.

The guy was wearing a dashing mulberry dress shirt embroidered with floral stitches around it, paired up with slacks and Charol footwear. His medium-dark wavy hair flowed in the wind like soft feathers. From a skinny dude, his muscles on his chest and arms were well-defined. Presko ito tignan at malakas ang sex appeal. Oh, he was damn sexy in his own way—whether in TV or in person.

Dumagundong ang kaba sa dibdib ni Vesper nang makumpirma niya kung sino ang lalaki. He's none other than her ex-boyfriend Mavi Villahermosa!

Mavi slowly lowered his phone and put it in his pocket. Nagtama ang paningin nila ni Vesper at pareho nilang natagpuan ang sariling gulat na gulat. Si Vesper, daig pa ang nakakita ng multo nang makaharap niya sa hindi inaasahang pagkakataon ang literal na multo ng kanyang nakaraan.

"Vesper?" he called out her name in his soft, shaky voice as if he was about to cry.

Mga Comments (3)
goodnovel comment avatar
Dimple
............nagkita na uli.........
goodnovel comment avatar
Crescentia Dela Cruz
finally nakahanap na din ng story na nasa 2nd pov...
goodnovel comment avatar
HanaIchiOne
aigooooooo!!
Tignan lahat ng Komento

Kaugnay na kabanata

Pinakabagong kabanata

DMCA.com Protection Status