Share

Chapter 7

Author: Venera
last update Last Updated: 2025-12-11 11:50:35
Ria's POV

MULI kong iminulat ang aking mga mata. Ang unang tumambad sa 'kin ay ang kamao ng lalaki na muntik nang lumanding sa mukha ko. Kung nagkataong walang pumigil sa 'min, tiyak nalagay na sa alanganin ang sitwasyon ko.

Napatingin ako sa direksyon ng pinagmulan ng pamilyar na boses. Hindi ako nagkamali, nasa harap ko ang lalaking hindi ko inakalang magpapakita sa akin no'ng mga panahong iyon.

"Sawada..." halos ibulong ko sa hangin ang kanyang pangalan.

Dahan-dahang ibinaba ng lasing na lalaki ang kanyang kamay. "Hindi mo naman sinabi sa akin na may knight and shining armor ka pala, Miss."

Humarap ito kay Sawada at kanya itong nilapitan. "Ano? Andito ka ba para iligtas ang mahal na prinsesa?" may pagkasarkastikong wika nito at nasundan iyon ng malalakas na tawa mula sa kanyang mga kasama.

"Ano bang sabi ko? Hindi naman siguro kayo mga bingi, 'di ba? Pakawalan niyo siya," malamig na utos ni Sawada.

Nakatulong ang sapat na liwanag mula sa streetlights para masilayan k
Continue to read this book for free
Scan code to download App
Locked Chapter

Latest chapter

  • Hiding My Student's Son   Chapter 7

    Ria's POV MULI kong iminulat ang aking mga mata. Ang unang tumambad sa 'kin ay ang kamao ng lalaki na muntik nang lumanding sa mukha ko. Kung nagkataong walang pumigil sa 'min, tiyak nalagay na sa alanganin ang sitwasyon ko. Napatingin ako sa direksyon ng pinagmulan ng pamilyar na boses. Hindi ako nagkamali, nasa harap ko ang lalaking hindi ko inakalang magpapakita sa akin no'ng mga panahong iyon. "Sawada..." halos ibulong ko sa hangin ang kanyang pangalan. Dahan-dahang ibinaba ng lasing na lalaki ang kanyang kamay. "Hindi mo naman sinabi sa akin na may knight and shining armor ka pala, Miss." Humarap ito kay Sawada at kanya itong nilapitan. "Ano? Andito ka ba para iligtas ang mahal na prinsesa?" may pagkasarkastikong wika nito at nasundan iyon ng malalakas na tawa mula sa kanyang mga kasama. "Ano bang sabi ko? Hindi naman siguro kayo mga bingi, 'di ba? Pakawalan niyo siya," malamig na utos ni Sawada. Nakatulong ang sapat na liwanag mula sa streetlights para masilayan k

  • Hiding My Student's Son   Chapter 6

    Keith's POV MABILIS na pumatak ang alas-singko ng hapon. Katatapos lang ng klase namin kay Miss Salazar at ngayon ay palabas na ako ng campus kasama ang dalawang tukmol. "Hoy kayo, saan ba 'yong sinasabi niyong pupuntahan natin?" tanong ko kina Dylan at Sleng. "Ah, sa bilyaran sana, kaso nag-text sa kin 'yong kapatid ko kanina lang. Pinauuwi ako agad dahil may lalakarin sila ni Mama at wala raw maiiwan sa burol ni Lolo kaya naisip ko, doon na lang tayo dumiretso sa bahay. Ano, tara?" "Basta may kape at biscuit call ako diyan!" sabik na wika ni Sleng habang kumakain ng binili niyang burger. "Ikaw, par? Sama ka ba sa 'min?" pag-aaya sa 'kin ni Dylan. Napabuntong-hininga ako at hindi napigilang madismaya. Anak ng tokwa. Akala ko ba naman makakapaglakwatsa kaming tatlo ngayon. Kung alam ko lang na lamay ang pupuntahan namin hindi na sana ako pumasok. "Susunod na lang ako. Bibili pa ako ng kailangan ko sa grocery at uuwi na rin muna ako nang makapagpalit ako ng damit," sambit

  • Hiding My Student's Son   Chapter 5

    Keith Jasper Sawada's POVMakalipas ang ilang araw...TAHIMIK kong nilalakad ang hallway ng CBA para pasukan ang kaisa-isang subject ko ngayong hapon. 'Di sana ako papasok dahil tinatamad ako, sadyang pinilit lang ako ng mga katropa ko dahil may pupuntahan daw sila pagkatapos ng klase at plano nila akong isama.Iba't ibang mukha ang nakakasalubong ko sa mataong gusali. May mga babae na halos manlaway na sa kakatitig sa akin at meron din mga lalaki na hindi mawari kung naiinis o natatakot sa presensya ko.Dire-diretso lang ako sa paglalakad na para bang walang tao sa paligid. Bago pa ako makarating sa dulo kung saan ang hagdan patungong second floor, natanaw ko ang isang estudyante na may kalakihan ang katawan.Nakaharang ito sa daraanan ko kaya basta ko siyang binunggo at nilampasan."Ano ba! Wala ka bang mata? Nakita mo nang nakatayo ako rito hindi ka pa umiwas! Gago!" bulyaw ng mokong na pumukaw sa atensyon ng ibang estudyante.Awtomatikong huminto ang mga paa ko at nilingon ang lal

  • Hiding My Student's Son   Chapter 4

    Ria Elaine's POV PUTING KISAME ang una kong nasilayan pagmulat ng mga mata ko. Tahimik ang paligid at ang tanging maririnig ko lang ay ang ugong ng aircon na may sapat na lamig na humahaplos sa balat ko. I looked around and I saw the nurse's table a few distance away from my bed. Nakaupo roon ang nurse na lalaki habang busy sa hawak nitong cellphone. "Um, excuse me. Nurse," tinawag ko siya. Kaagad na binitiwan ng nurse ang cellphone nito at lumapit sa akin. "Ay, gising na si Ma'am. Kumusta ang pakiramdam mo?" "Heto, medyo lightheaded pa. Actually, wala pa akong kain mula kaninang umaga. Puwede ba akong magpasuyo ng pagkain sa canteen? Hindi ko pa kasi kayang pumunta roon," pakiusap ko naman. "Sige, Ma'am. Tatawag na lang ako sa cafeteria staff para madalhan ka ng pagkain." "Salamat," sabi ko na tinigunan naman niya ng ngiti. "Ano nga palang pangalan mo?" "Inocencio Nicanor Chua. But most people call me Innie," aniya sa malamyang tono. "Bago ka lang ba rito, Ma'am? Ngayo

  • Hiding My Student's Son   Chapter 3

    Ria Elaine's POV HINDI maalis ang malapad na ngiti sa labi ko habang nakatayo ako sa harap ng full-sized mirror. Suot ko ang bagong peach blouse na tinernuhan ko ng itim na blazer, skirt na hanggang tuhod at black stilletos. Katatapos ko lang din mag-make-up at kulutin ang aking buhok. Muli akong umikot at kumindat sa salamin na para bang kaharap ko ang isang babae na tanging sa TV ko lang nakikita. Kinuha ko na ang shoulder bag ko at lumabas na ng kwarto. Sa maliit na dining room ay naabutan ko si Lolo na nag-aalmusal kasama si Kuya Ralph at ang anak kong si Kian na kagigising lang. Lumapit ako upang magpaalam. "'Lo, Alis na ho ako." "Hindi ka na ba kakain, apo? Baka naman malipasan ka ng gutom niyan, lalo't first day mo sa trabaho," nag-aalalang wika ni Lolo. "Sige lang po. May cafeteria naman po sa school. Doon na lang po ako mag-aalmusal. Kailangan ko rin po kasi magpaaga at im-meet ko pa ang college dean namin," sabi ko. "Kian, be a good boy to your uncle and Lolo whi

  • Hiding My Student's Son   Chapter 2

    Ria Elaine's POV "'TAY, anong ibig sabihin nito? Bakit nasa labas ang mga gamit namin?" naguguluhan kong tanong na may halong kaba sa dibdib. "Masyado kayong pabigat sa akin kung kukupkupin ko pa kayo. Isa pa, kung hindi naman dahil sa pagmamahal ko sa nanay mo ay hindi ako papayag na tumira kayo rito ng mahabang panahon. Ngayong wala na si Rachel, wala na rin kayong karapatang manatili rito kaya makakaalis na kayo!" tiim-bagang niyang sagot na halos ikagunaw ng mundo ko. "'Tay, 'wag naman kayong ganyan. Mula noong magsama kayo ni Mama, kayo na ang kinilala kong ama. Ilang taon din akong tumulong para mapalago ang grocery ninyo. Huwag niyo naman kami bastang palayasin. May anak ho ako, at sa sitwasyon namin ngayon, hindi madali para sa 'kin ang maghanap ng matutuluyan gayong kamamatay lang ni Mama. Maawa naman kayo!" pagsusumamo ko subalit kung titignan ang kanyang mga mata ay wala akong nakikitang awa mula rito. "Hindi ko na problema 'yon, hija. Ilang taon din akong nagtiis at

More Chapters
Explore and read good novels for free
Free access to a vast number of good novels on GoodNovel app. Download the books you like and read anywhere & anytime.
Read books for free on the app
SCAN CODE TO READ ON APP
DMCA.com Protection Status