Ria Elaine's POV PUTING KISAME ang una kong nasilayan pagmulat ng mga mata ko. Tahimik ang paligid at ang tanging maririnig ko lang ay ang ugong ng aircon na may sapat na lamig na humahaplos sa balat ko. I looked around and I saw the nurse's table a few distance away from my bed. Nakaupo roon ang nurse na lalaki habang busy sa hawak nitong cellphone. "Um, excuse me. Nurse," tinawag ko siya. Kaagad na binitiwan ng nurse ang cellphone nito at lumapit sa akin. "Ay, gising na si Ma'am. Kumusta ang pakiramdam mo?" "Heto, medyo lightheaded pa. Actually, wala pa akong kain mula kaninang umaga. Puwede ba akong magpasuyo ng pagkain sa canteen? Hindi ko pa kasi kayang pumunta roon," pakiusap ko naman. "Sige, Ma'am. Tatawag na lang ako sa cafeteria staff para madalhan ka ng pagkain." "Salamat," sabi ko na tinigunan naman niya ng ngiti. "Ano nga palang pangalan mo?" "Inocencio Nicanor Chua. But most people call me Innie," aniya sa malamyang tono. "Bago ka lang ba rito, Ma'am? Ngayo
Terakhir Diperbarui : 2025-10-16 Baca selengkapnya