MasukKeith's POV
MABILIS na pumatak ang alas-singko ng hapon. Katatapos lang ng klase namin kay Miss Salazar at ngayon ay palabas na ako ng campus kasama ang dalawang tukmol. "Hoy kayo, saan ba 'yong sinasabi niyong pupuntahan natin?" tanong ko kina Dylan at Sleng. "Ah, sa bilyaran sana, kaso nag-text sa kin 'yong kapatid ko kanina lang. Pinauuwi ako agad dahil may lalakarin sila ni Mama at wala raw maiiwan sa burol ni Lolo kaya naisip ko, doon na lang tayo dumiretso sa bahay. Ano, tara?" "Basta may kape at biscuit call ako diyan!" sabik na wika ni Sleng habang kumakain ng binili niyang burger. "Ikaw, par? Sama ka ba sa 'min?" pag-aaya sa 'kin ni Dylan. Napabuntong-hininga ako at hindi napigilang madismaya. Anak ng tokwa. Akala ko ba naman makakapaglakwatsa kaming tatlo ngayon. Kung alam ko lang na lamay ang pupuntahan namin hindi na sana ako pumasok. "Susunod na lang ako. Bibili pa ako ng kailangan ko sa grocery at uuwi na rin muna ako nang makapagpalit ako ng damit," sambit ko. Tutal, andito na rin ako sa labas, sasamantalahin ko na ang pagkakataong makabili ng mga essential goods ko dahil paubos na rin ang mga ito. "Eh, par, 'di ba sarado 'yong grocery na malapit sa inuupahan natin? Saan ka ngayon niyan?" tanong ni Sleng. "Oo nga pala. Sa SM na lang siguro. Iyon lang naman ang malapit-lapit mula rito, eh." "O siya, sige, par. Kitakits na lang tayo sa bahay mamaya. Hintayin ka namin," ani Dylan. Tumango ako at nagpasya nang iwan sila. Habang 'yong dalawa nag-abang na ng jeep, ako naman ay nag-book ng taxi papuntang SM. Narating ko ang mall makaraan ang sampung minuto. As expected, napakaraming namimili sa mga oras na ito, lalo pa't karamihan sa mga tao ay kagagaling lang sa school o trabaho. Dire-diretso ang lakad ko papuntang supermarket. Dala ang basket ay binili ko na lahat ng mga kailangan ko tulad ng tinapay, canned goods, beverages, personal care at iba pa. Inabot ako ng twenty minutes sa pamimili bago ko naisipang magbayad na. Pumunta ako sa counter na dalawang customer lang ang nakapila. Habang hinihintay ko na maasikaso ako ng cashier, kinuha ko muna ang cellphone ko. Scroll, scroll para kahit papaano hindi ako mabagot. Natigil din ako ilang sandali matapos kong maramdaman na may humihila sa blazer ko. Pagtingin ko, isang batang lalaki ang nakatayo sa aking harapan. May bitbit ito na malaking chocolate bar at kanyang inabot sa akin. "Hehe..." the boy laughed at me. Lumipat ang tingin ko sa lalaking kasama niya na agad siyang tinawag. "Kian! Halika ka rito, 'wag mong guluhin si Kuya." "I want chocolate," sabi ng bata saka niya inabot 'yong chocolate bar doon sa lalaki. "Naku, babyboy, mahal 'yan. Wala na tayong pera. Saka, ang dami mo nang pagkain dito sa basket, oh. Saka mo na lang bilhin 'yan kapag kasama na natin si Mommy, okay?" "B-But, I want it now," the boy insisted with his voice shaking, as if he was about to cry. "Kian..." Just then, the boy broke down in tears, drawing the attention of everyone. Nabitawan pa nito ang chocolate at napaupo sa malamig na sahig. Sinusubukan siyang patayuin ng kasama niyang lalaki pero hindi pa rin ito natigil sa pag-iyak. Kung tutuusin, wala naman ako sanang pakialam sa batang 'yon dahil hindi naman kami magkakilala. Pero may kung anong kumirot sa puso ko habang pinapanood ko ang pag-tantrum niya. I don't know, I just can't stand seeing him crying like that. "No worries. I'll pay for the chocolate," walang pag-aalinlangang sabi ko. Pinulot ko mula sa sahig ang chocolate, ibinigay iyon sa bata at saka ko inabutan ng dalawandaan 'yong lalaki. "Naku, bro. 'Wag na. Nakakahiya naman." "I insist. C'mon. Take it." Wala ring nagawa ang lalaki sa huli at kinuha na lang mula sa kamay ko ang pera. "Maraming salamat. Kian, oh. Binilihan ka ni Kuya ng chocolate. Anong sasabihin mo?" The boy sniffled, wiping his nose with the back of his hand. He headed towards me as he wrapped his short arms around my thighs. "Thank you! I love you!" His speech wasn't clear but I was able to understand what he said. Magkahalong gulat at pagkalito ang nararamdaman ko noong mga sandaling iyon. Mistula akong yelong nanigas sa kinatatayuan ko at hindi malaman ang gagawin sa batang ito na bigla akong sinugod ng yakap at kulang na lang ay tawagin akong daddy. "Uh..." Iyon lang ang kaya kong ilabas mula sa bibig ko. At nang mahimasmasan ako, saka ko napagtantong nakapatong na pala ang palad ko sa ulo ng bata! Ibig-ibig kong pagalitan ang sarili ko. 'What kind of foolishness is this? You know to yourself that you don't like children, yet, you let this kid treat you like his own father? Pucha, Keith, anong nangyayari sa 'yo?' reklamo ko sa aking isipan. "Pagpasensyahan mo na 'tong bata, sadyang malambing lang talaga 'yan sa kahit sinong nakakahalubilo niya," saad ng lalaking kasama nito at tuluyan na ngang kumalas sa akin ang bata. "Okay lang," sambit ko. "Anak mo nga pala?" "Ah, hindi. Sa kapatid ko 'to. Ipinasyal ko lang at mula noong mapadpad 'yan ng Maynila ay hindi pa nakalabas ng bahay. Ang balak nga ng Mommy niya sa weekend sila lalabas, eh mukhang hindi na kayang maghintay nitong pamangkin ko kaya isinama ko na." "Gano'n ba." Katahimikan ang naging sagot ng lalaki. Mayamaya, inasikaso rin siya ng cashier at hinintay ko na lang na matapos siya sa transaction nito. "O, Pare, mauna na kami, ha. Salamat nga pala uli sa libre," paalam ng lalaki matapos nitong makapagbayad. Tango lang ang naging tugon ko sa kanya. "Tara na, Kian. Baka hinihintay na tayo ng Mommy mo sa bahay." "Yey!" the boy said cheerfully. For the last time, he turned to me and waved his hand. "Bye bye!'" All I could manage was a stiff wave, completely speechless. As I stood there watching them walk away and disappear into the distance, only a single thought kept circling through my mind. How in the world does that kid share my face? __ Ria's POV WHAT A DAY. Nakakapagod. Punong-puno ang schedule ko kanina to the point na ang naging pahinga ko lang ay lunch break. Matapos ang lecture ko kina Sawada, dumiretso naman ako sa audio visual hall para sa meeting ng mga prof ng CBA. Inabot ako ng higit isang oras doon kaya naman gabi na ako nakauwi sa bahay. Napahugot ako nang malalim na hininga habang nakasandal sa headboard ng kama. Alas-otso y medya na ng gabi at katatapos ko lang patulugin si Kian. Hindi ko mapigilang ngumiti habang pinagmamasdan ko siya. Bakas pa rin kasi sa mukha niya ang tuwa matapos siyang ipasyal ng Tito Ralph niya sa mall kanina. May uwi-uwi pa itong malaking chocolate na noong una'y akala ko galing kay Kuya. Turns out, bigay pala 'yon ng lalaking customer na nakilala nila sa grocery store. Nakakatuwang isipin na marami pa ring generous sa panahon ngayon lalo na sa mga batang katulad ni Kian. Sayang lang at hindi namin nalaman kung sino siya, gusto ko sanang magpasalamat dahil hindi rin biro 'yong binayaran niya para sa anak ko. 'Di bale, sabi nga nila, the good you put out into the world will come back to you. Iyon na lang siguro ang maibabalik ko bilang token of appreciation sa ginawa niyang kabutihan. "Oww..." Agad na napugto ang pag-iisip ko nang sumakit ang tiyan ko. Ah, mukhang kailangan ko nang pumunta sa banyo dahil kanina ko pa nararamdaman ito. Tahimik akong lumabas ng kwarto at pumunta sa banyo. Sinuri ko ang sarili ko at nakumpirmang may dalaw ako kaya bumalik ako sa kwarto para kumuha ng pads pero wala akong nahanap. Napasapo na lang ako sa noo. Hay, sa sobrang busy ko nitong mga nakaraang araw pati napkin ay nakalimutan ko nang magtabi. Wala tuloy akong choice kundi bumili na lang sa labas. Sinamantala ko na ang pagkakataong wala pa 'kong tagos at nagtungo sa kalapit na tindahan na alam kong bukas hanggang alas-nuebe. Sa kasamaang palad, maaga silang nagsara. Naisip ko na pumunta sa botika sa may kanto namin dahil 'yon lang naman ang natitirang bukas sa mga oras na ito. May kalayuan nga lang pero wala naman akong pagpipilian. Habang nilalakad ko ang daan palabas ng kalsada, isang grupo ng kalalakihan ang nasulyapan kong naglalakad palapit sa direksyon ko. Base sa kilos ng mga ito, halatang nakainom sila. Biglang gumuhit sa dibdib ko ang kaba. Sinikap kong umiwas ng tingin at naglakad nang mabilis subalit bago pa sila makalampas ay hinarang ako ng isa sa kanila. "Hi, miss! Mag-isa ka lang 'ata. Gusto mo ba ng kasama maglakad?" nakangising tanong nito. Hindi ko maiwasang mapangiwi nang maamoy ko ang alak mula sa kanyang bibig. "A-Ah, hindi. Okay lang ako. Salamat," sabi ko. Lilihis sana ako ng lakad pero hindi niya ako tinantanan at pilit niya akong hinaharangan. "Oops! Huwag mo naman kami iwasan. Hindi ka naman namin sasaktan, eh," dagdag niya pa. Mula sa likod niya ay pagewang-gewang na lumapit sa 'kin ang dalawa niya pang kasama at pinalibutan ako. "Ano ba'ng kailangan niyo sa 'kin?" "Gusto ka lang namin samahan, babygirl. Ayaw mo ba n'on? The more the merrier!" sabi ng isa nitong kasama na medyo pandak at nakuha pang humalakhak. "Ayoko at pwede ba, huwag mo akong tawaging babygirl! Hindi mo ako syota!" pagmamatigas ko. "Aba, matapang 'to! Iyan ang gusto namin, 'yong lumalaban!" Ang kaninang tahimik na kapaligiran ay napuno ng tawanan. Sa puntong 'yon, halos lumabas ang puso ko sa nerbyos at nangangatog na rin ako sa takot gayong wala namang ibang tao na puwedeng magligtas sa akin at hindi ko alam kung anong kaya nilang gawin. Napasinghap ako nang hawakan nila ako sa magkabilang braso. "Ano ba? Bitawan niyo nga ako nakakadiri kayo! Aahh!" Sinusubukan kong kumawala pero masyadong mahigpit ang pagkakahawak nila sa akin. Hindi pa nakuntento 'yong isa at nakuha pa akong akbayan. "Hmmm... Ang bango nito at ang kinis pa! Tiba-tiba tayo rito mga pare! Hahahaha!" aniya, halos isubsob niya ang mukha niya malapit sa tainga ko. "O, ano? Sino mauuna sa 'tin?" "Ako ang unang lumapit, ako ang unang titikim." Inilagay ng lalaki ang marumi niyang hintuturo sa baba ko habang nakangisi ito na parang isang demonyo. Hindi ko alam kung saan ako kumuha ng lakas ng loob para duraan siya sa mukha. Ikinagulat 'yon ng dalawang kasama niya habang siya naman ay napahawak sa pisngi kung saan tumama ang likido. Nagsalubong ang mga kilay nito at kulang na lang ay umusok ang ilong niya sa galit. "Sinusubukan mo talaga akong babae ka!" Nanlaki ang mga mata ko nang bigla niyang itinaas ang isang nitong kamay at inambahan ako. Sa takot ko'y mariin akong napapikit at hinintay na lang na dumapo sa mukha ko ang kanyang kamao... "Bitawan niyo siya!"Keith's POV MABILIS na pumatak ang alas-singko ng hapon. Katatapos lang ng klase namin kay Miss Salazar at ngayon ay palabas na ako ng campus kasama ang dalawang tukmol. "Hoy kayo, saan ba 'yong sinasabi niyong pupuntahan natin?" tanong ko kina Dylan at Sleng. "Ah, sa bilyaran sana, kaso nag-text sa kin 'yong kapatid ko kanina lang. Pinauuwi ako agad dahil may lalakarin sila ni Mama at wala raw maiiwan sa burol ni Lolo kaya naisip ko, doon na lang tayo dumiretso sa bahay. Ano, tara?" "Basta may kape at biscuit call ako diyan!" sabik na wika ni Sleng habang kumakain ng binili niyang burger. "Ikaw, par? Sama ka ba sa 'min?" pag-aaya sa 'kin ni Dylan. Napabuntong-hininga ako at hindi napigilang madismaya. Anak ng tokwa. Akala ko ba naman makakapaglakwatsa kaming tatlo ngayon. Kung alam ko lang na lamay ang pupuntahan namin hindi na sana ako pumasok. "Susunod na lang ako. Bibili pa ako ng kailangan ko sa grocery at uuwi na rin muna ako nang makapagpalit ako ng damit," sambit ko. Tut
Keith Jasper Sawada's POVMakalipas ang ilang araw...TAHIMIK kong nilalakad ang hallway ng CBA para pasukan ang kaisa-isang subject ko ngayong hapon. 'Di sana ako papasok dahil tinatamad ako, sadyang pinilit lang ako ng mga katropa ko dahil may pupuntahan daw sila pagkatapos ng klase at plano nila akong isama.Iba't ibang mukha ang nakakasalubong ko sa mataong gusali. May mga babae na halos manlaway na sa kakatitig sa akin at meron din mga lalaki na hindi mawari kung naiinis o natatakot sa presensya ko.Dire-diretso lang ako sa paglalakad na para bang walang tao sa paligid. Bago pa ako makarating sa dulo kung saan ang hagdan patungong second floor, natanaw ko ang isang estudyante na may kalakihan ang katawan.Nakaharang ito sa daraanan ko kaya basta ko siyang binunggo at nilampasan."Ano ba! Wala ka bang mata? Nakita mo nang nakatayo ako rito hindi ka pa umiwas! Gago!" bulyaw ng mokong na pumukaw sa atensyon ng ibang estudyante.Awtomatikong huminto ang mga paa ko at nilingon ang lal
Ria Elaine's POV PUTING KISAME ang una kong nasilayan pagmulat ng mga mata ko. Tahimik ang paligid at ang tanging maririnig ko lang ay ang ugong ng aircon na may sapat na lamig na humahaplos sa balat ko. I looked around and I saw the nurse's table a few distance away from my bed. Nakaupo roon ang nurse na lalaki habang busy sa hawak nitong cellphone. "Um, excuse me. Nurse," tinawag ko siya. Kaagad na binitiwan ng nurse ang cellphone nito at lumapit sa akin. "Ay, gising na si Ma'am. Kumusta ang pakiramdam mo?" "Heto, medyo lightheaded pa. Actually, wala pa akong kain mula kaninang umaga. Puwede ba akong magpasuyo ng pagkain sa canteen? Hindi ko pa kasi kayang pumunta roon," pakiusap ko naman. "Sige, Ma'am. Tatawag na lang ako sa cafeteria staff para madalhan ka ng pagkain." "Salamat," sabi ko na tinigunan naman niya ng ngiti. "Ano nga palang pangalan mo?" "Inocencio Nicanor Chua. But most people call me Innie," aniya sa malamyang tono. "Bago ka lang ba rito, Ma'am? Ngayo
Ria Elaine's POV HINDI maalis ang malapad na ngiti sa labi ko habang nakatayo ako sa harap ng full-sized mirror. Suot ko ang bagong peach blouse na tinernuhan ko ng itim na blazer, skirt na hanggang tuhod at black stilletos. Katatapos ko lang din mag-make-up at kulutin ang aking buhok. Muli akong umikot at kumindat sa salamin na para bang kaharap ko ang isang babae na tanging sa TV ko lang nakikita. Kinuha ko na ang shoulder bag ko at lumabas na ng kwarto. Sa maliit na dining room ay naabutan ko si Lolo na nag-aalmusal kasama si Kuya Ralph at ang anak kong si Kian na kagigising lang. Lumapit ako upang magpaalam. "'Lo, Alis na ho ako." "Hindi ka na ba kakain, apo? Baka naman malipasan ka ng gutom niyan, lalo't first day mo sa trabaho," nag-aalalang wika ni Lolo. "Sige lang po. May cafeteria naman po sa school. Doon na lang po ako mag-aalmusal. Kailangan ko rin po kasi magpaaga at im-meet ko pa ang college dean namin," sabi ko. "Kian, be a good boy to your uncle and Lolo whi
Ria Elaine's POV "'TAY, anong ibig sabihin nito? Bakit nasa labas ang mga gamit namin?" naguguluhan kong tanong na may halong kaba sa dibdib. "Masyado kayong pabigat sa akin kung kukupkupin ko pa kayo. Isa pa, kung hindi naman dahil sa pagmamahal ko sa nanay mo ay hindi ako papayag na tumira kayo rito ng mahabang panahon. Ngayong wala na si Rachel, wala na rin kayong karapatang manatili rito kaya makakaalis na kayo!" tiim-bagang niyang sagot na halos ikagunaw ng mundo ko. "'Tay, 'wag naman kayong ganyan. Mula noong magsama kayo ni Mama, kayo na ang kinilala kong ama. Ilang taon din akong tumulong para mapalago ang grocery ninyo. Huwag niyo naman kami bastang palayasin. May anak ho ako, at sa sitwasyon namin ngayon, hindi madali para sa 'kin ang maghanap ng matutuluyan gayong kamamatay lang ni Mama. Maawa naman kayo!" pagsusumamo ko subalit kung titignan ang kanyang mga mata ay wala akong nakikitang awa mula rito. "Hindi ko na problema 'yon, hija. Ilang taon din akong nagtiis at
Ria Elaine Salazar's POVDUMAAN ang higit isang buwan na parang hangin. Kasalukuyan akong nasa banyo hawak ang pregnancy test. Nanginginig ang mga kamay ko habang nakatitig sa dalawang linyang nakaukit doon.Unti-unting nanlabo ang paningin ko gawa ng luhang namumuo sa mga mata ko. Agad na bumundol ang takot at taranta sa akin nang mga oras na 'yon, gayong hindi ko pa nasasabi kay Mama ang tungkol sa nangyari sa akin noong huling beses akong bumisita ng Maynila.Paano ko ipaliliwanag sa kanya ang tungkol dito, lalo pa't hindi si Brent ang ama ng batang dinadala ko?Humugot ako nang malalim na hininga, sinusubukan kong kumalma kahit patuloy ang pagkabog ng dibdib ko. Sa huli, isang desisyon ang aking nabuo.My mom deserves to know the truth. There's no point of hiding it from her because I know she would've found out as soon as my tummy gets bigger.Sana lang, matanggap niya pa rin ako sa kabila ng pagkakamaling nagawa ko.Lumabas na ako ng banyo at dumiretso sa salas kung saan naabuta







