Share

Chapter 8

Author: Venera
last update Last Updated: 2025-12-23 19:05:47
Ria's POV

LUCKILY, he didn't faint. However, he was so weak that he couldn't walk further, so Sami and I agreed to take him home instead. Walking distance lang naman iyon mula sa spot kung saan siya natumba kaya hindi kami nahirapang dalawa na pasanin siya.

Agad namin siyang inihiga sa kama pagpasok namin sa boarding house niya. Halos maligo ito sa pawis kaya inalis ko muna ang suot nitong blazer at tinanggal ang ilang butones ng kanyang polo.

"Sami, pasuyo naman ng ice at gamot sa botika.
Continue to read this book for free
Scan code to download App
Locked Chapter
Comments (6)
goodnovel comment avatar
Lou
update please Author
goodnovel comment avatar
Lou
waiting for the update
goodnovel comment avatar
Venera
Mag-update po ako ngayong January 1. Happy new year po..
VIEW ALL COMMENTS

Latest chapter

  • Hiding My Student's Son   Chapter 11

    Ria's POV ALAS-QUATRO ng hapon nang marating namin ni Sami ang gymnasium kung saan gaganapin ang Mr. and Ms. Maxford pageant. Nagmistulang mga langgam ang mga tao sa loob dahil sa dami ng mga estudyanteng manonood. Mabuti na lang, maaga si Nurse Innie at nakakuha siya ng magandang pwesto sa harap kaya agad namin siyang pinuntahan. "Wow! Akala ko hindi na kayo sisipot! Alam niyo bang muntik ko nang ibigay do'n sa dalawang third year students ang upuan ninyo?" sermon ni Nurse Innie sa aming dalawa ni Sami. "Pasensya na, Innie. Eh, ito kasing si Sami ang tagal-tagal mag-retouch sa CR, akala mo naman siya 'yong sasali sa pageant!" katwiran ko pa. "Ay, sorry naman, beb! Kasalanan ko bang maganda ako?" aniya pero hindi ko na 'yon pinansin pa dahil paglapit ko sa aking upuan ay napukaw naman ang atensyon ko sa babaeng nakapwesto sa kanan ko. "Eunice," tawag ko rito. Tumingin siya sa 'kin at bahagyang nagulat sa presensya ko. "Oh. It's you, Ate Ria. I didn't expect you to be here." "P

  • Hiding My Student's Son   Chapter 10

    Ria's POV HUMINTO si Sawada sa harap ni Eunice na kasalukuyang nakatayo sa gilid ng pasilyo. Nabigla ako at napaamang nang basta niyang inangkin ang labi ng babae. Hindi ko alam kung bakit pero parang may kumirot sa puso ko nang masaksihan ko kung paano niya halikan ang pinsan ko na para bang walang ibang tao sa paligid. Mahahalata rin sa paraan ng paghalik ni Sawada 'yong tuwa at matinding pagkasabik na makasama niya ang kanyang nobya na marahil, ilang linggo niya ring hindi nakita. Kumalas din si Eunice at nagyakapan sila ng lalaki. As I stepped towards them, they drew apart, ending their sweet embrace. Agad din naman nilang napansin ang paglapit ko kaya ngumiti sa 'kin si Eunice. "Good morning, Ate Ria—I mean, Ma'am Salazar," masiglang bati nito. "Good morning din, Eunice. Magkakilala pala kayo nitong si Sawada?" patay-malisya kong tanong sabay turo ko sa lalaking tuod nasa tabi niya. "Yes po. We've been going out for over a year now. We met through his father, who happens to

  • Hiding My Student's Son   Chapter 9

    Ria's POV NAKAUWI ako ng bahay bago pa kumagat ang dilim. Pagbukas ko pa lang ng gate ay nasulyapan ko agad si Kuya na lumabas mula sa apartment unit namin dala ang malalaking eco bag. Hindi ako nag-atubiling lapitan siya. "Kuya, saan ang punta mo?" bungad kong tanong sa kanya. "Diyan lang sa drop-off area. Idadaan ko lang itong mga parcel na kailangan kong i-ship. Alam mo, tamang-tama ang dating mo. May bisita tayo ngayon galing Bulacan," aniya na naghatid ng tuwa sa sistema ko. "Talaga, Kuya? Sino?" "Nasa salas siya ngayon kausap ni Lolo Ramon. Pasok ka lang, ako'y lalakad na muna at baka magsara na 'yong opisina ng courier. Didiretso na tuloy ako sa palengke nang makapamili na 'ko ng hapunan natin." "Sige, Kuya. Mag-iingat ka, ha." Kinawayan ko siya bago ito tumalikod at lumabas ng gate. Pumasok na ako sa loob at mula sa salas ay naabutan ko si Lolo Ramon na kakwentuhan ang isang babae sa couch. Agad din niya 'kong nakita kaya kumaway ito sa akin. Dumiretso ako sa li

  • Hiding My Student's Son   Chapter 8

    Ria's POV LUCKILY, he didn't faint. However, he was so weak that he couldn't walk further, so Sami and I agreed to take him home instead. Walking distance lang naman iyon mula sa spot kung saan siya natumba kaya hindi kami nahirapang dalawa na pasanin siya. Agad namin siyang inihiga sa kama pagpasok namin sa boarding house niya. Halos maligo ito sa pawis kaya inalis ko muna ang suot nitong blazer at tinanggal ang ilang butones ng kanyang polo. "Sami, pasuyo naman ng ice at gamot sa botika. Ako na muna ang bahala rito kay Sawada," pakli ko na sinunod niya naman. Nag-prepare na ako ng batiya at alcohol habang hinihintay ko si Sami. Nakabalik din siya makaraan ang ilang minuto. Gamit ang pinigang towel na nilubog ko sa malamig na tubig at alcohol ay ipinatong ko iyon sa noo ni Sawada. Pinalis niya ang towel mula sa kanyang noo. "Iwan niyo na nga ako. Kaya kong alagaan ang sarili ko," pagmamatigas nito. "Naririnig mo ba ang sinasabi mo? Halos hindi ka na nga makatayo kanina sa

  • Hiding My Student's Son   Chapter 7

    Ria's POV MULI kong iminulat ang aking mga mata. Ang unang tumambad sa 'kin ay ang kamao ng lalaki na muntik nang lumanding sa mukha ko. Kung nagkataong walang pumigil sa 'min, tiyak nalagay na sa alanganin ang sitwasyon ko. Napatingin ako sa direksyon ng pinagmulan ng pamilyar na boses. Hindi ako nagkamali, nasa harap ko ang lalaking hindi ko inakalang magpapakita sa akin no'ng mga panahong iyon. "Sawada..." halos ibulong ko sa hangin ang kanyang pangalan. Dahan-dahang ibinaba ng lasing na lalaki ang kanyang kamay. "Hindi mo naman sinabi sa akin na may knight and shining armor ka pala, Miss." Humarap ito kay Sawada at kanya itong nilapitan. "Ano? Andito ka ba para iligtas ang mahal na prinsesa?" may pagkasarkastikong wika nito at nasundan iyon ng malalakas na tawa mula sa kanyang mga kasama. "Ano bang sabi ko? Hindi naman siguro kayo mga bingi, 'di ba? Pakawalan niyo siya," malamig na utos ni Sawada. Nakatulong ang sapat na liwanag mula sa streetlights para masilayan ko ang n

  • Hiding My Student's Son   Chapter 6

    Keith's POV MABILIS na pumatak ang alas-singko ng hapon. Katatapos lang ng klase namin kay Miss Salazar at ngayon ay palabas na ako ng campus kasama ang dalawang tukmol. "Hoy kayo, saan ba 'yong sinasabi niyong pupuntahan natin?" tanong ko kina Dylan at Sleng. "Ah, sa bilyaran sana, kaso nag-text sa kin 'yong kapatid ko kanina lang. Pinauuwi ako agad dahil may lalakarin sila ni Mama at wala raw maiiwan sa burol ni Lolo kaya naisip ko, doon na lang tayo dumiretso sa bahay. Ano, tara?" "Basta may kape at biscuit call ako diyan!" sabik na wika ni Sleng habang kumakain ng binili niyang burger. "Ikaw, par? Sama ka ba sa 'min?" pag-aaya sa 'kin ni Dylan. Napabuntong-hininga ako at hindi napigilang madismaya. Anak ng tokwa. Akala ko ba naman makakapaglakwatsa kaming tatlo ngayon. Kung alam ko lang na lamay ang pupuntahan namin hindi na sana ako pumasok. "Susunod na lang ako. Bibili pa ako ng kailangan ko sa grocery at uuwi na rin muna ako nang makapagpalit ako ng damit," sambit

More Chapters
Explore and read good novels for free
Free access to a vast number of good novels on GoodNovel app. Download the books you like and read anywhere & anytime.
Read books for free on the app
SCAN CODE TO READ ON APP
DMCA.com Protection Status