Share

Kabanata 24.1

Nasapo ni Johan ang kaniyang buhok tsaka hinampas ang kaniyang mesa.

Para siyang leon na nakalabas ang pangil at handa ng manakmal kung sino man ang mangahas na lumapit sa kaniya.

Muling niyang hinampas ang mesa dahil sa biglang pagpasok ni Mr. L. Bitbit nito ang isang telepono at hindi nagugustuhan ni Johan ang pagtawag ng kung sino man dahil wala siya sa mood makipag-usap.

Kumuyom ang mga kamao niya. Kung nakikita lang siguro niya ngayon ang tumatawag baka nasapak na niya ito sa mukha.

"Tell to whoever's calling na wala ako sa mood makipag-usap. Kung gusto niya akong kausapin, sabihin mo pumunta rito sa opisina at ng masikmuraan ko!"

"P-po?"

Natigilan si Mr. L sa pag-abot nito ng telepono kay Johan. Napalunok siya ng laway. Hindi niya maiwasang isipin na baka bigla na lamang sumabog sa galit ang amo dahil sa pagtawag ng ama.

"B-boss Johan, si Sir Franco po."

Napasentido si Johan at tamad na inagaw sa kamay ni Mr. L ang telepono.

"Yes, dad?" Sagot niya sa pinakakalmado't banayad n
Locked Chapter
Ituloy basahin ang aklat na ito sa APP

Kaugnay na kabanata

Pinakabagong kabanata

DMCA.com Protection Status