Share

Kabanata 04

04.

"Good morning, Mr. Sullivan."

Maligayang bati ng isang middle age na lalaki na nakasuot ng itim na suit and a big black rimmed eyeglasses. Malapad ang ngiti nito habang maingat na inalalayan sa pagbaba ng kotse si Gideon.

Nahihirapan na kasi talaga itong maglakad dahil sa katandaan. Kailangan nito ng alalay sa tuwing maglalakad o hindi kaya'y kailangan nitong gamitin ang kaniyang mahiwagang tungkod.

"Nakahanda na ba ang lahat, Roger?" Tanong ni Damian sa lalaki na personal assistant ni Gideon.

"Opo, sir Damian. Nasa loob na po ang lahat maliban kay Mr. Montavo na mukhang hindi na darating." Balita ni Roger habang naglalakad sila papunta sa conference room.

"Ang lalaking 'yun," napapalatak na sabi ni Damian. "Hindi pa rin talaga marunong sumunod sa tamang oras ng meeting."

"Mukhang ganun na po talaga si Johan Montavo, sir." Nakangiting turan naman ni Roger.

"Dumating man siya o hindi, magsisimula na tayo." Sabi ni Damian kaya kaagad tumalima si Roger para asikasuhin ang iba pang mga bagay na kailangan. Pinaupo rin muna nito sa pinakagitnang upuan si Gideon na ngayon ay nagmukhang hari sa kaniyang trono.

Nang magsimula ang meeting para ipakilala sa lahat ng business partners ng Sullivan Empire si Louise ay wala pa ring Johan na dumating sa conference room.

Nasa kalagitnaan na sila ng pagpupulong at tapos na rin ipakilala ni Damian si Louise.

Hindi naman tumagal ng ilang oras ang meeting pero pagod na pagod na nakaupo ni Louise habang minamasahe ang kaniyang binti. Nangalay iyon dahil sa kaba na nagpanginig sa tuhod niya, dinagdagan pa ng four inches niyang heels na hindi niya sanay suotin.

Isa-isa ng nagsisialisan ang mga kameeting nila at binabati siya ng bawat napapadaan sa harapan niya.

Masaya ang mga ito para sa kaniya. Meron pa sa mga ito ang nagsabing nakapaswerte niya dahil isa siyang Sullivan at makapangyarihan ang mga Sullivan.

Tanging tango, ngiti at pakikipagkamay na lamang ang tinugon ni Louise sa mga ito. Hindi na rin kasi niya kayang makipag-usap. Nakapagbigay na rin naman siya ng impromptu speech kanina, na muntik ng pagpatigil sa pagdaloy ay dugo niya sa katawan.

Hindi niya kasi ina-anticipate na tatawagin siya ng ama para pagsalitain.

Hindi man lang din ito nagsabi in advance para hindi siya nabibigla ng ganun. Mabuti nalang talaga at matalino siya kaya, basic.

"Kumusta, Ms. Sullivan?" Bati naman sa kaniya ng isang lalaki na mukhang kasing edad niya lang.

"I'm good. Ikaw kumusta?" Natawa ang lalaki dahil sa kaswal na pakikipag-usap ni Louise.

"I'm certainly well, right now, actually. Ngayon na nasilayan ko ang walang katulad mong ganda. You're a rare beauty, Ms. Sullivan. How come that I didn't meet you before?"

"Um, siguro dahil iniingatan ng diyos na hindi magtagpo ang mundo nating dalawa. Isang mapanlinlang at isang mapaniwalain."

"Oh?"

Biglang uminit ang pisngi ni Louise nang maalala ang nobyo. Nag-e-echo ngayon sa utak niya ang sinabi nito sa best friend niyang si Deesse. 'Ikaw talaga ang gusto ko, Deesse.'

"Are you alright? Lalim ng iniisip mo, may problema ba?" Taas kilay na tanong ni lalaki.

Umiling-iling naman si Louise.

"Wala. What's your name?"

Tumaas ang isang sulok ng labi ng lalaki sa tanong ni Louise.

"Stephen. I'm Stephen Monterey. My pleasure to meet you, Ms. Sullivan." Inabot ni Stephen ang kamay ni Louise at hinalikan iyon.

"Ehem." Sabay silang napalingon sa likuran nang marinig ang pagtikhim ni Damian, kasama nito si Gideon at dalawa pang lalaki na nakatayo sa gilid ng matanda. Napakamot sa batok si Stephen tsaka humingi ng paumanhin sa ama ng dalaga.

"I'm sorry, sir." Sinsero niyang sabi. Nilapitan naman siya ni Damian at tinapik sa balikat.

Kung titingnan ay normal lang ang tapik na 'yun, ngunit ang totoo ay isa iyong babala. At mababasa sa mga mata ni Damian ang hindi mabitawang salita dahil sa presensya ng anak.

Nagkaintindihan ang mga lalaki sa pamamagitan ng tingin habang clueless naman si Louise.

"Mauna na po ako, sir." Paalam niya kay Damian, tumango rin ito kay Gideon. Hindi na nito muling nilingon si Louise na bigla nalang sumimangot dahil hindi man lang nagpaalam sa kaniya ang lalaki.

***

"Dadaan muna tayo sa restaurant bago umuwi. Saan mo gustong kumain, anak?" Tanong ni Damian sa anak.

Hindi naman namili si Louise dahil wala naman siyang alam na sosyal na restaurant. Wala pa kasi siyang experience sa mga ganun dahil hanggang karinderya lang ang afford ng pera niya.

Kagaya ng meeting sa kompanya ay parang lutang rin si Louise sa restaurant na kinainan nila. Hindi kasi siya marunong kung paano gamitin ang mga utensils, mabuti nalang at to the rescue ang lolo niya. Naiilang din siya sa mga tao dahil napakasosyal ng mga ito sa pananamit, pananalita at kahit sa pagkain ay sosyalin din.

Pagsapit ng gabi ay bugbog sarado ang katawan ni Louise. Dahil siguro sa buong araw siyang tense at wala rin siyang maayos na tulog dahil sa nangyari kagabi.

Sa totoo lang ay masakit ang beywang niya pagkagising niya kaninang umaga.

At sa tuwing nai-imagine niya ang ginawa sa kaniya ng lalaking 'yun ay parang gusto niyang magwala at murahin ang lalaking iyon dahil sa inis na nararamdaman niya rito.

Pero sa tuwing naaalala naman niya ang napakagwapo nitong mukha ay napapangiti siya. Iyon ang unang beses na nakakita siya ng ganun kagwapong lalaki, parang pinaghalong Adonis at Kupido.

Ngunit kapag naalala naman niya ang itsura nito habang nakatihaya sa kama ay parang gusto niya maglaho nalang sa hiya. Hindi niya maintidihan, wala namang ibang nakakaalam kundi siya lang. Wala rin namang nakakita sa kaniya na nakita niya iyon. Kaya safe siya at hindi dapat siya mag-alala.

Pero bakit siya napapraning? Dahil ba nanganganib ang lalaki at nag-aalala siya para rito?

Hindi niya alam.

"Bakit ba kasi tumihaya ang lalaking 'yun!?" Sigaw ni Louise habang kumakain sila ng breakfast.

Apat na linggo na simula nang dumating siya sa mansion. Medyo nasasanay na rin siya sa mga bagay bagay. May mga araw na sinasama siya ng ama sa kompanya para turuan kung paano magpatakbo ng negosyo.

Dahil laman palagi ng isip niya ang lalaki ay hindi niya namalayan na kasama pala niya ang papa't lolo niya na kumakain. Nandito rin ang dalawa niyang pinsan na si Jack at Jelo.

"Sinong lalaki anak? Tumihaya?" Kunot noong tanong ama.

"Tubig." Usal na lamang ni Louise dahil parang bumara sa lalamunan niya ang hiya, hindi siya makahinga.

"May problema ba? Bakit parang palagi kang balisa?"

"W-wala ho!"

Mabilis niyang nilagok ang tubig tsaka nanakbo papunta sa kwarto niya.

"San—"

Naiwang nakanganga ang bibig ng matanda. Hindi na nito napigilan ang pag-alis ng apo.

"Baka stress sa eskwelahan si Louise. Ilang linggo nalang mula ngayon ay ga-graduate na siya." Pagtatanggol ng mayordoma.

Buntong hininga na lamang ang naging tugon ng mag-ama. Nagpaalam naman ang mayordoma na hahatiran ng paboritong cake si Louise sa kwarto. Nakagawian na itong gawin ng mayordoma simula nang dumating si Louise sa mansion.

"Dala ko ang paborito mo." Bungad ng mayordoma sa alaga na ngayon ay nakayukyok lang sa desk niya. "Bakit hindi ka pa nag-aaral? Tapos mo na ba ang thesis mo?"

Pagkalapag ng mayordoma ng cake sa harapan ni Louise ay bigla na lamang umiwas ang dalaga at napatakip sa kaniyang ilong.

"Ew! Bakit po ganyan ang amoy?!"

Turo niya sa ube cake na paborito niya. Ang mayordoma mismo ang gumagawa ng cake kaya natutuwa ang matanda sa tuwing nauubos ni Louise ang isang tray nito.

Nagulat ang matanda sa naging reaksiyon ni Louise. Bagong luto lamang ang cake sigurado siyang hindi iyon panis.

Inamoy amoy niya pa iyon at wala siyang maayos na kakaiba o sira ang pagkain. Tinikman pa niya iyon para makasigurado.

"Wala namang mali sa cake, a?"

"Masama po ang am—"

Biglang kumaripas ng takbo papunta sa banyo si Louise dahil sa biglang pagbaliktad ng sikmura niya.

Sumama ang loob ng mayordoma dahil sa  reaksiyon ni Louise sa luto niya. Aalis na sana ito ng kwarto habang bitbit ang platito ng bigla siyang matigilan at pinuntahan sa banyo ang alaga.

"Buntis ka ba?" Tanong ng mayordoma, dahilan para mamutla sa kaba si Louise.

Alam niyang posible ngang mabuntis siya dahil sa estrangherong lalaking nakasiping niya.

Ang lalaking laman na palagi ng isip niya.

Comments (15)
goodnovel comment avatar
julz gentle
huwag na lng kayo gagawa ng story kung di nyo lng dn itotoloy.
goodnovel comment avatar
Carmen Apor
Gagawa gawa ng story putol nmn hindi nlng ninyo sana nilagay sa pag pipiliian wala nmn plng kasunod kakainiiiissss
goodnovel comment avatar
Nerissa Francisco Medallon Laya
sa din pala tong matagal mag updte
VIEW ALL COMMENTS

Related chapters

Latest chapter

DMCA.com Protection Status