แชร์

Chapter 5:

ผู้เขียน: Cyrille Shatire29
last update วันที่เผยแพร่: 2026-06-24 16:47:42

SOLANA'S POV

"Mommy?" mahinang tawag ni Mateo.

Pinilit kong ngumiti.

"Hm?"

"Bakit po parang galit kayo?"

Hindi ako agad nakasagot.

Dahil hindi naman galit ang nararamdaman ko kundi takot.

"Nothing, baby."

Pagdating namin sa ospital ay agad kaming sinalubong ng mga bodyguards ng Daddy. Mabilis kaming pinapasok sa private wing ng hospital.

Tahimik ang buong hallway.

Nang makarating kami sa silid ay agad akong napahinto.

Nandoon si Daddy.

Nakahiga.

Nakapikit.

Nakakabit ang iba't ibang tubo sa katawan niya.

At kahit ilang araw ko na siyang nakikitang ganon pero hindi pa rin ako nasasanay.

"Dad..." mahinang usal ko.

Lumapit si Mateo sa kama.

"Lolo Dad?"

Walang sagot.

Nakita kong bahagyang nalungkot ang anak ko.

Kaya lumapit ako at hinaplos ang buhok niya.

"Natutulog pa si Lolo Dad."

Tumango naman siya.

Pagkatapos ay inilapag niya ang dala niyang maliit na laruan sa tabi ng kama.

"So he won't be lonely."

At sa simpleng sinabi niyang iyon ay parang may pumisil sa puso ko.

Lumipas ang halos isang oras.

Abala si Mateo sa paglalaro sa couch habang tahimik naman akong nakaupo sa tabi ng kama ni Daddy.

Nakatingin lang ako sa kanya.

"Dad..." bulong ko habang hinahawakan ang malamig niyang kamay.

"Mommy?"

Mabilis kong pinunasan ang mga luha ko at nilingon si Mateo.

Nakatayo ito sa tabi ko.

Nakakunot-noo.

"Why are you crying?"

Napangiti ako nang pilit.

"I'm okay."

Hindi siya naniwala.

Hindi rin naman kasi magaling magsinungaling ang isang ina sa sariling anak.

Kaya lumapit siya at niyakap ang bewang ko.

Mahigpit.

Napakahigpit.

At sa sandaling iyon ay gusto ko na lamang umiyak nang tuluyan.

"Don't cry, Mommy."

Napapikit ako.

"You're the strongest person I know."

Tuluyan nang bumagsak ang isa pang luha ko.

Dahil hindi alam ng anak ko na sa mga sandaling ito...

Pakiramdam ko ay unti-unti nang gumuho ang lahat ng pader na itinayo ko sa loob ng limang taon.

At ang mas nakakatakot?

Hindi ko sigurado kung hanggang kailan ko pa kayang itago kay Kenjie ang katotohanan.

~~~~~~~

Pagdating ni Mommy sa ospital ay saka lang ako nakahinga nang kaunti.

"Go home and rest," mariin niyang sabi habang nakaupo sa tabi ng kama ni Daddy.

"Mom—"

"Solana."

Isang tingin lang niya ay alam ko nang wala nang saysay ang pakikipagtalo. Kaya pagkatapos ng ilang minuto ay tuluyan na rin akong umalis.

Mahimbing nang natutulog si Mateo sa mga bisig ko.

Nakapulupot ang maliliit niyang braso sa leeg ko habang nakasandal ang ulo niya sa balikat ko.

Tahimik ang hallway.

Tanging tunog lamang ng sapatos ko sa sahig ang maririnig.

Pagod na pagod na ako.

Gusto ko na lang umuwi at matulog kasama ang anak ko.

Nasa elevator na ako nang bumukas ang pinto nito sa ground floor.

Dahan-dahan akong naglakad palabas ng lobby.

Diretso sa parking area.

Hindi ko napansin kung gaano ako kalalim mag-isip hanggang sa...

"Solana?"

Bigla akong napahinto.

Nanigas ang buong katawan ko.

Hindi dahil hindi ko nakilala ang boses.

Kundi dahil kilalang-kilala ko iyon.

"Aiden."

Napasinghap siya.

Parang hindi makapaniwalang nakita niya talaga ako.

"God..."

Napailing siya habang nakatitig sa akin.

"It's really you."

Wala akong maramdaman.

Parang matagal nang namatay ang lahat ng emosyon ko para sa kanya.

"Ano'ng ginagawa mo rito?" tanong ko.

Bahagya siyang napatingin sa hospital building.

"My father is confined here."

Tumango lang ako.

At pagkatapos noon ay wala nang sumunod na salita.

Limang taon mula nang mahuli ko siyang nakikipagtalik sa bestfriend ko. At simula noon ay siniguro ko na hindi na muli ako magkakaroon ng koneksyon sa kahit sino sa kanilang dalawa.

Hindi ko na siya kinausap.

Hindi ko na siya binigyan ng pagkakataong magpaliwanag.

At wala rin naman akong balak.

Dahil wala nang dapat pag-usapan pa.

Ngunit mukhang iba ang plano ng tadhana.

Dahil napunta ang tingin niya kay Mateo.

Nakatulog pa rin ito sa balikat ko.

At doon ko nakita ang pagbabago ng ekspresyon ni Aiden.

Mula sa pagkagulat.

Patungo sa pagkalito.

Hanggang sa tuluyang panlalaki ng mga mata.

"Your son?" halos bulong niya.

Humigpit ang hawak ko kay Mateo.

"Yes."

Hindi ko alam kung bakit.

Pero parang biglang bumilis ang tibok ng puso ko.

Hindi dahil kinakabahan ako para sa sarili ko.

Kundi dahil alam kong darating ang susunod niyang tanong.

At hindi nga ako nagkamali.

"He's..."

Natigilan siya.

Parang may kinakalkula sa isip niya.

"Five?"

Hindi ako sumagot agad.

Pero sapat na yata ang katahimikan ko.

Dahil kitang-kita ko kung paano nawala ang kulay sa mukha niya.

Five years ago.

Five-year-old child.

Lahat iyon ay nagsimulang magsama-sama sa isip niya.

"Ano..." paos niyang sabi. "Ano'ng ibig sabihin nito?"

Malamig ko siyang tiningnan.

"Wala itong ibig sabihin."

"Solana."

"Aiden."

Mababa ang boses ko.

Babala.

Ngunit hindi siya tumigil.

Sa halip ay lalo siyang lumapit.

"Is he mine?"

"He's not yours. Walang nangyari sa ating dalawa kaya hindi siya magiging sa'yo.." mariing sambit ko.

Huminga ako ng malalim at akmang tatalikuran siya pero halos nabitawan ko ang anak ko nang bigla niya akong hinawakan.

"You created on me?" bulalas niya bigla na ikinalaglag ng panga ko.

Really?

Siya ang nagloko tapos itatanong niya iyon sa akin? G*go ba siya?

"Let go of me, Aiden. I never cheated on you...it was you who cheated on me--"

"Stop f*cking lying!" he yelled and Mateo woke up because of it.

"M-Mommy..." mahinang usal niya at agad akong naalarma ng marinig ko ang bahid ng takot sa boses niya.

Pilit kong iwinaksi ang kamay ni Aiden na nakahawak sa akin hanggang sa nagtagumpay ako. Tumalikod ako kay Aiden at mabilis na lumapit sa kotse na ginamit ko at ipinasok siya sa loob ng kotse at ini-lock iyon.

"MOMMY!!" my son screamed as he tries to open the door.

"C-Call, Mr Bodyguard," utos ko sa kanya at pagkatapos ko iyong sabihin ay umikot ako paharap kay Aiden ngunit agad akong napaatras ng mahawakan niya ang leeg ko at mahigpit akong sinakal.

"Nasira ang pangalan ko dahil sa'yo. Tapos malalaman ko na may anak ka sa iba? NILOKO MO'KO!!!"

Hindi na ako makahinga habang paulit-ulit na hinahampas ang kamay niyang nasa leeg ko.

"Sinira mo ang buhay ko. Ang career ko kaya ngayon sisirain ko ang mukha mo. Sisiguraduhin kong hindi kana magugustuhan ng mga fans mo!"

อ่านหนังสือเล่มนี้ต่อได้ฟรี
สแกนรหัสเพื่อดาวน์โหลดแอป

บทล่าสุด

  • Hiding The Dangerous Bodyguard's Son [A.G.S #3]   Chapter 7:

    KENJIE'S POV Tahimik akong nakatayo sa may sala habang nakatanaw sa hardin. Makalipas ang halos tatlumpung minuto mula nang makauwi kami galing ospital, nanatili pa ring mabigat ang pakiramdam ng buong mansyon. Sa ikalawang palapag... Naroon si Solana. Kasama ang doktor at dalawang nurse. Pinapahiran nila ng ointment ang namumulang marka sa kanyang leeg. Habang sa kabilang bahagi naman ng bahay ay naririnig ko ang galit na galit na boses ni Mr Sevilla. "...HOW THE HELL DID THIS HAPPEN?!" Umalingawngaw ang galit na boses ni Mr. Sevilla. Halatang kagagaling lang nito sa ospital matapos magising. Pilit siyang pinapakalma ng kanyang asawa at ng personal physician niya. "I HIRED BODYGUARDS TO PROTECT MY DAUGHTER!" "Sir, please calm down. Hindi pa po kayo puwedeng ma-stress—" "How can I stay calm?!" sigaw niyang muli. Napapikit ako dahil alam kong isa ako sa may kasalanan. Kung hindi ako natagalan sa pagsunod sa kanila ay hindi na sana ito nangyari. "Mr. Bodyguar

  • Hiding The Dangerous Bodyguard's Son [A.G.S #3]   Chapter 6:

    SOLANA'S POV My vision blurred. I clawed desperately at Aiden's wrist, but his grip only tightened around my neck. I couldn't breathe. "M-Mommy!" Mateo's terrified cries echoed from inside the locked SUV. Every scream shattered my heart. "A-Aiden..." nahihirapang saad ko habang pilit na inaalis ang kamay niyang nakahawak sa leeg ko. His eyes were wild. Filled with hatred. "You ruined everything!" sigaw niya. "You made me lose my career! My fans! My reputation! Isinapubliko mong naghiwalay tayo dahil niloko kita tapos ngayon malalaman ko na may anak ka at hindi ako ang ama?! T*ngina!!!" "I... didn't..." my voice barely came out. "You deserve this! Dapat noon ko pa ito ginawa! I should've just k*lled you that night!!" muling sigaw niya at lalong dumilim ang paningin ko dahul hindi na ako makahinga. Dark spots slowly clouded my vision. Not in front of my son. Please... Not in front of Mateo... Then...a powerful force slammed into Aiden. His hand was ri

  • Hiding The Dangerous Bodyguard's Son [A.G.S #3]   Chapter 5:

    SOLANA'S POV"Mommy?" mahinang tawag ni Mateo.Pinilit kong ngumiti."Hm?""Bakit po parang galit kayo?"Hindi ako agad nakasagot.Dahil hindi naman galit ang nararamdaman ko kundi takot."Nothing, baby."Pagdating namin sa ospital ay agad kaming sinalubong ng mga bodyguards ng Daddy. Mabilis kaming pinapasok sa private wing ng hospital.Tahimik ang buong hallway.Nang makarating kami sa silid ay agad akong napahinto.Nandoon si Daddy.Nakahiga.Nakapikit.Nakakabit ang iba't ibang tubo sa katawan niya.At kahit ilang araw ko na siyang nakikitang ganon pero hindi pa rin ako nasasanay."Dad..." mahinang usal ko.Lumapit si Mateo sa kama."Lolo Dad?"Walang sagot.Nakita kong bahagyang nalungkot ang anak ko.Kaya lumapit ako at hinaplos ang buhok niya."Natutulog pa si Lolo Dad."Tumango naman siya.Pagkatapos ay inilapag niya ang dala niyang maliit na laruan sa tabi ng kama."So he won't be lonely."At sa simpleng sinabi niyang iyon ay parang may pumisil sa puso ko.Lumipas ang halos i

  • Hiding The Dangerous Bodyguard's Son [A.G.S #3]   Chapter 4:

    KENJIE'S POV The whiskey burned as it slid down my throat. "You're unusually quiet tonight." I ignored Richard's comment and took another sip. The loud music inside the bar blended with the conversations around us. Normally, I'd be listening. Old habits never died. Especially after years in Special Forces. Pero ngayong gabi ay sobrang abala ng isipan ko sa ibang bagay. Hanggang ngayon ay hindi ko pa rin nakalimutan ang ginawang paghalik sa akin ni Sevilla. At hanggang ngayon ay patuloy kong iniisip kung bakit niya iyon ginawa. Richard sighed heavily. "That's your third glass, Ken.." komento niya. "It's my second," I corrected him but he shook jis head. "That's the third glass..." pagdidiin niya kaya hindi ko na iyon kinontra pa. Something had been bothering me all evening. Solana Sevilla. The woman I had been assigned to protect. The woman who somehow managed to destroy my peace of mind in less than two weeks. I hated that realization. Absolutely hate

  • Hiding The Dangerous Bodyguard's Son [A.G.S #3]   Chapter 3:

    SOLANA'S POV"Solana, your call time was moved to eight-thirty.." saad ni Vanessa."Okay.""And the director wants to review the revised script.""Hmmm," mahinang tugon ko."There will also be an interview after the shoot.""Okay," muling sagot ko at pagkatapos niyon ay napansin ko ang pananahimik niya. Napabuntunghininga ako at dahan-dahang inangat ang tingin sa kanya...at sumalubong sa akin ang matalim niyang tingin."Why do I feel like you're not listening?"I blinked. "I am listening, Vanessa.""Then what was the last thing I said?""Something about an interview after the shoot?" patanong kong sagot dahilan upang lalong nagsalubong ang kilay niya.She groaned."You're distracted.""How can i be distracted when i answered your question correctly?" sarkastikong balik ko sa kanya.Vanessa glared at me begore pointing her finger toward the black SUV parked outside of the cafe."The reason is standing over there," aniya.My gaze immediately landed on the tall man standing beside the v

  • Hiding The Dangerous Bodyguard's Son [A.G.S #3]   Chapter 2:

    SOLANA'S POV Five Years Later... "Mama! Faster!" A loud giggle echoed across the garden. I laughed breathlessly while chasing the little boy running ahead of me. "Mateo Sevilla! Sto running!!" pasigaw kong sambit. "No!" he shouted, laughing harder. "Come back here and eat your breakfast!" sigaw ko ulit pero natawa lang siya at mas lalong binilisan ang pagtakbo. I placed my hands on my hips. My four-year-old son looked over his shoulder and flashed me a mischievous grin that was entirely too handsome for someone his age. At sa totoo lang hindi niya namana sa akin ang ngiti niyang iyon. I'm beautiful when i smile...but he's on different level. "Mama can't catch me!" Mateo immediately burst into another fit of laughter. The little troublemaker. Alam na alam niya talaga kung papano kunin ang inis ko. "I will definitely catch your this time," saad ko at nagsimulang tumakbo papalapit sa kanya pero bago ko pa man siya tuliyang maabutan ay dumiretso siya sa may p

บทอื่นๆ
สำรวจและอ่านนวนิยายดีๆ ได้ฟรี
เข้าถึงนวนิยายดีๆ จำนวนมากได้ฟรีบนแอป GoodNovel ดาวน์โหลดหนังสือที่คุณชอบและอ่านได้ทุกที่ทุกเวลา
อ่านหนังสือฟรีบนแอป
สแกนรหัสเพื่ออ่านบนแอป
DMCA.com Protection Status