“Elle, Point of View”
“What are you doing here? ” Lasing na sabi niya. Nagsimula akong kabahan at nag-iisip kung ano ang idadahilan ko sa kaniya. Hindi ko naman pwedeng sabihin na kaya ako pumunta dito dahil concern ako sa kaniya. Pero, concern naman talaga ako sa kaniya, kahit na itanggi ko pa.Wala sa sariling napalunok ako bago nagsalita. “ N- nag-alala kase ako sa'yo,” mahinang sambit ko. Pero, sapat na siguro para marinig niya ito ng malinaw. Narinig ko ang mamunting tawa nito at para bang isang biro ang sinabi ko.“N-nag-alala? Don't blame me, Elle. I'm sure, you are happy. ” He's sarcastic said, hindi ako makaimik dahil inaalala ko na masakit para sa kaniya ang nangyari. Iintindihin ko na lamang siya dahil siya ang pinaka biktima dito.“Harris, I think, you need sleep right now. Lasing na lasing ka na, ” sabi ko. Lalapitan ko sana ito upang kunin ang bote ng beer mula sa hawak hawak niya ngunit bigla niya itong iniwas.“Leave!” seryoso nitong sabi sa akin. Napabuntong hininga ako dahil sa inasta niya, inaamin ko na sobrang naninibago ako sa paraan ng pakikitungo niya sa akin. Siguro nga baliw na ako dahil pumayag ako sa arrange marriage na gusto ng magulang namin. Siguro nga isa na akong desperadang babae dahil hindi na ako tumanggi sa kagustuhan ng magulang namin.“Harris, kung malungkot ka nandito lang ako. Pwede...” Naputol ang sasabihin ko ng bigla siyang magsalita.“I don't need you, Elle. Please, get out!” Lasing nitong sabi at nilampasan ako. Isang pulgada na lamang ang layo niya sa akin ng bigla itong matumba kaya nagmadali akong puntahan siya.“Don't touch me! Get out!” Sabi nito at magpumilit na makatayo. Hindi ako nakinig at aalalayan ko na siya sana ng tabigin niya ang kamay ko. Napaupo ako sa sahig dahil sa lakas ng pagtabig niya sa kamay ko.“Umalis ka na dito dahil wala ka naman mapapala sa akin, Elle! Kahit anong pilit mo hindi ako magpapakasal sa'yo!” Sambit niya at pagewang- gewang na naglakad patungo sa living room. Wala akong nagawa kung hindi tumayo at sundan siya sa loob ng living room.Tumigil lamang ako sa paglalakad ng maupo si Harris sa single couch. Tumingala ito at para bang pasan niya ang problema ng mundo. Nanatili akong nakatayo mula sa likuran niya, dalawang dipa ang layo mula sa akin.Siguro ay hindi niya alam na susunod ako sa kaniya dito sa living room.“I love you, Serah.” Rinig kong sambit niya. Mahal na mahal niya talaga si Serah kahit na niloko lamang siya nito. Kung ako siguro ang nasa katayuan ni Serah siguro ay magsisisi ako dahil sinayang ko ang isang taong mahal na mahal ako. Pero, malabong mangyari ‘yon. Ang swerte niya kay Harris pero, wala naman akong karapatan para husgahan siya.“Please, come back to me!” Ramdam ko ang sakit na nararamdaman ni Harris. Kung kaya ko lang pasayahin siya ay gagawin ko hindi ko kayang makita siyang nagkakaganito. I love him, ano na lamang kaya ang mangyayari sa aming dalawa ni Harris kapag kasal na kami.Yumuko ito at narinig ko ang mamunting hikbi niya. “I love you, Serah. Hindi kita kayang pakawalan,” umiiyak na sambit niya.Nagitla na lamang ako ng bigla niyang ibato ang isang bote ng beer sa wall dahilan ng pagkabasag nito.“I kill you, Darrell! ” Galit na sabi niya at nagtangkang tumayo ng mapaupo siyang muli. Hindi naman na ito tumayo at nahiga sa kinauupuan niya.“Tanging liwanag na nang gagaling sa labas ang nagbibigay liwanag dito sa loob ng living room. Para bang hindi ako nangangalay sa pananatiling nakatayo. Ilang minuto lamang ang nakalipas ng mapansin kong malalim na ange paghinga ni Harris senyales na tulog na ito. Doon ko lamang napagpasyahang lapitan ito para ayusin ang pagkakahiga.Nang makalapit ako sa kaniya yumuko ako para ayusin ang pagkakasandal ng ulo niya sa headboard nitong couch para, hindi siya mangalay at maging kumportable ang pagtulog niya.Nang, makasiguro akong magiging kumportable siya sa kaniyang pagtulog, lumuhod ako para maging pantay kami ni Harris. Kitang kita ko ang pagod sa mukha niya sinamahan pa ng sobrang kalasingan. Wala sa sariling naiangat ko ang kamay ko para haplusin ang mukha niya. Maingat lamang ang pagdampi ng kamay ko sa balat niya dahil natatakot akong magising siya at ipagtabuyan na naman ako.“Magiging maayos rin ang lahat Harris,” mahinang sambit ko. Habang pinagmamasdan ko ang maamong mukha niya ay may biglang nagsalita mula sa likuran ko na siyang ikinatayo ko. Humarap ako sa pinanggalingan ng boses na iyon at nakita ko ang bunsong kapatid ni Harris na si Stella. Nakasuot ito ng pangtulog na kasuotan at mukhang matutulog pa lamang ito.Lumapit ito sa akin, kung kaya umayos ako ng tayo. Close rin kami ni Stella pero, bibihira nga lang kami magkasama dahil na rin sa busy siya sa pagiging college student.Hindi ko alam kung nakita niya ang paghaplos ko sa mukha ng kapatid niyang mahimbing na natutulog. Kung napansin man niya iyon ay nakakahiya dahil wala naman akong karapatan para haplusin ang mukha ng kapatid niya.“Oh! Bakit gising ka pa?” Ako na ang unang nagsalita.Tumingin ito sa kuya Harris niya bago ako nilingon nito. “Inaalala ko lang si kuya, ate Elle.Galit na galit siya kanina ng malaman niya ang announcement nila ni Serah at Darelle,” sabi niya.Bumuntong hininga ako. “Stella, huwag muna nating isipin ang tungkol kila Serah at Darelle. Ang kuya mo ang dapat nating damayan, wasak na wasak siya dahil sa ginawa ni Serah,” sabi ko.“Alam ko naman 'yon ate pero, hindi ko maintindihan kung bakit nagawa niya pang lokohin si kuya. ” Inis na sabi nito.Inalalayan ko itong maupo sa kabilang couch, gano'n rin naman ang ginawa ko. Naupo ako sa tabi niya.“Maski, ako naguguluhan kung bakit ginawa iyon ni Serah pero, nangyari na wala na tayong magagawa.” Sabi ko at nilingon si Harris na mahimbing na natutulog.“By the way, mommy tell me na ikakasal na kayo ni kuya. That's true? Hindi ko alam kung ano ang isasagot ko sa kaniya. Sasagutin ko ba siya na “ Oo, magpapakasal na kami.”Samantalang arrange marriage lang naman ang nasa pagitan naming dalawa.“Napagkasunduan lang ng mga magulang niyo at ng parent's ko, Stella. ” Paglilinaw ko sa kaniya, kilala ko si Stella. Boto siya na maging girlfriend ako ng kuya Harris niya pero, ang problema ay hindi ako mahal ni Harris dahil si Serah ang mahal niya at ang pinangakuhan niyang papakasalan niya.“Kahit naman na arrange marriage ang magaganap sa inyo ni kuya ate Elle, masaya pa rin ako dahil magkaka- totoo na ang mga pangarap ko na magiging asawa ka ni kuya Harris,” Base sa pagkakasabi niya at tila sabik ito na maikasal ako sa kuya niya.“Stella, malabong mangyari ang nasa isip mo. Malinaw naman na hindi niya ako mahal at ako lang naman ang nagpapakatanga kahit na alam ko naman na hindi niya ako kailanman mamahalin,” mahinahon kong sabi.“Wala ka ng dapat na ipag-alala dahil ikakasal na kayo ni kuya Harris, next month,” sambit niya. May sumilay na ngiti sa perpektong labi ni Stella.“At pwede pa nila mommy padaliin ang kasal niyo,” nakangiting sambit niya. Halata sa mukha niya ang pagiging excited sa nalalapit na kasal daw namin ng kuya niya. Sa totoo lang ay kulang pa sa akin ang isang buwan para makapag isip-isip. Ayaw kong sayangin ang pagkakataon na dalaga pa ako, marami pa akong hindi nagagawa bilang isang dalaga. Kung padadaliin ang kasal naming dalawa hindi na ako maaaring makitulog sa bahay nila Cindy. At kapag mag- asawa na kami ni Harris, bubukod na kami at magkakasama kami sa iisang bubong.“Hoy!”Nabalik ako sa kasalukuyan ng kalabitin ako ni Stella. “Bakit natahimik ka ate, may problema ba?” Nag-aalalang tanong nito.“Ayos lamang ako, Stella. May iniisip lamang ako,” sabi ko.“Ano naman ang iniisip mo?” Tanong niya at para bang may nililihim ako dahil sa klase ng pagtatanong niya sa akin.“Don't tell me, iniisip niyo ang magiging honeymoon niyo ni kuya Harris.” Nanlalaking matang sambit nito. Pinamulahan ako ng mukha at nakaramdam ng hiya dahil sa klase ng iniisip ni Stella.“Mali ka ng iniisip mo, Stella. Hindi ito tungkol sa honeymoon namin ng kuya mo,” sabi ko.“Huwag mo akong lokohin ate, alam kong si kuya Harris ang iniisip mo.” Sabi nito at namaywang na para bang hindi ito satisfied sa palusot ko.“Tell me, ate. Huwag mong sabihin sa akin na hindi mo papakasalan si kuya,” nanlalaking matang sabi niya.“Hindi iyon, iniisip ko lang kung papadiliin ang kasal namin ng kuya mo. Hindi ko mae- enjoy ang pagiging dalaga ko,” sabi ko. Narinig ko itong tumawa ng mahina na ikinataka ko.“Haha! Akala ko pa naman kung ano na ang iniisip mo. Don't worry, mag eenjoy ka naman kay kuya Harris.” Sambit nito, napahilot na lamang ako ng sintido.“ Matulog ka na nga lang, antok lang yan. ” Pagiiba ko sa usapan naming dalawa.“I'm just kidding, ate. Wait me here, ikukuha ko lang si kuya ng blanket.” Ayon lamang ang sinabi niya at nag madaling umalis. Maka-ilang ulit akong napabuntong hininga, dito na lamang ako matutulog siguradong na I- lock na ang gate namin sa bahay.Ngayon, ngayon ang pinakahihintay naming lahat. Ang unang kaawaran ng triplets namin ni Harris. Bilis ng araw, ang daming mga nangyari. Ang simpleng event para Sa kaarawan ng triplets ay nauwi sa isang napakalaking siremonya. Sinekreto kasi sa akin ni Harris at Stella, maski ang family ko na isang boggang kaarawan pala ang magaganap ngayong araw. Nasa isang resort kami sa tagaytay ito ang inasikaso nila Stella at Harris. Napaka swerte ko sa kanila…Wala na akong ibang hihilingin pa sa panginoon. Masayang pamilya.Kumpletong pamilya. Maraming salamat kay Lord dahil pinagkaloob niya sa akin ang ganitong kasayang buhay. Sa mga oras na ito, abala ang lahat ng bisita sa aming mga anak ni Harris. Ngayon kasi, pinakilala na ni Harris at ng buong Gordion family ang anak namin ni Harris. Pati ako pina kilala sa mga bisita. Maraming bigating mga tao ang nandito. Palagay na ang loob ko, masaya na ako dahil wala ng problema. Ngunit hindi ko magawang maging masaya ng sobra- sobra.
-3 month later- Maingat kong inilapag sa lamesa ang larawan ng tatlo kong anak. Sa larawang ito, nasa gitna ang prinsesa namin, habang nasa kaliwat kanan nito ang dalawang prinsipe. Wala na akong hihilingin pa. Ang masaya at buong pamilya ang tanging gusto ko.Ang magkaroon ng kapayapaan habang nabubuhay pa ko. Ang mga anak ko, si Harris ang pamilya ko, kuntento na ako sa kanila. Matapos ang araw na ‘iyon, sinabi ko sa sarili ko na hindi na iyon mauulit pa. Walang sinuman ang pwedeng manakit sa mga mahal ko sa buhay. Lalong lalo na ang mga anak namin ni Harris. Sila ang buhay ko. Flash Back“Time of Death - 4:59 pm” Pagkasabi ng nurse na nagbibigay ng first aid sa anak ko. Nanlamig ng buo kong katawan sa mga oras na iyon. Hindi ako naniniwala na wala na ang anak kong si Hayden. Halos maglumpasay ako sa mga oras na iyon at pinakiusapan ang nurse na try pa niyang buhayin ang anak ko. Nagpumilit at nakiusap ako ng buong puso… Sinunod naman ng nurse ang pakiusap ko. Si
Bawat lapit nila Harris, Elle, at Stella sa mga sasakyang naka park sa parking area ng airport ay mahigpit na sinisiyasat ang loob ng sasakyan. Nagbabaka sakali na nandun sa loob ng sasakyan ang sanggol. Naiiyak na sa matinding takot si Elle habang tagaktak na rin ng pawis ang mukha nito. Sa sobrang init sa parking area ay mas nagiging matindi ang tensyon sa paghahanap sa sanggol nila. “Fuck you, Cindy! I will kill you!” Galit na sambit ni Harris ng walang makitang Hayden sa loob ng kotse. Hinampas niya ito ng malakaa sa salamin dahil sa matinding gigil at galit kay Cindy. “Where's my son… Fucking shit…” bulalas pa ulit ni Harris. Sa Mahabang minuto nilang paghahanap sa napakaraming sasakyan, ay hindi sila nagtagumpay na makita ang anak nila. Nanghihinang napaupo sa sahig si Elle at unti-unting tumulo ang kaniyang luha. “PAANO KUNG WALA NAMAN TALAGA DITO ANG ANAK NATIN, HARRIS?! PAANO KUNG NILOLOKO LANG TAYO NI CINDY!” umiiyak na sambit ni Elle. “Ate huwag ka m
ELLE POINT OF VIEW“BAKIT BA AYAW NIYO KONG PAPASUKIN SA LOOB?! KILALA KO ‘YUNG NANDUN SA LOOB NG EROPLANO!” naiiyak kong saad sa security guard na humaharang sa’ min ni Stella. Nandito na kami sa entrance ng airport. Kaso, hindi kami pinapayagang pumasok. Kahit sabihin ko na kakilala ko yung sangkot dun. Wala pa rin epekto. “Ma'am, delikado po sa loob. Lalo na ngayon, may hawak na armas ang babae sa loob ng eroplano.” Saad ng security . “Pero-” nahinto ako sa pagsasalita ng hawakan ako ni Stella sa brass at hinila palayo sa security. Nagtataka ko naman siyang tinignan. “Ate Elle, hindi talaga tayo papayagan ng mga ‘yan. We need to find other entrance. Don't waste our time para pilitin ang mga security na papasukin tayo.” Dahil sa sinabi ni Stella, pumayag ako at hindi na nagpumilit pa sa mga security. Nagtungo kami ni Stella sa parking lot sa loob ng airport. Dun kami magbabakasakali na makakapasok kami sa loob. Sa pagtungo namin dun andami namin nakasal
-Third POVSa loob ng eroplanong hindi pa umaandar, nagkakagulo ang lahat ng pasahero. Dahil sa isang babaeng may hawak ng baril habang nahihibang na itinutok sa isang lalaki. Hindi natuloy ang planong paglipad ng eroplano dahil sa kaguluhan. Suno - sunod ang pabulong na mura ng lalaki habang masama ang tingin sa babaeng nagngangalang Cindy. “Akala niyo ba maiisahan niyo ko?!” Natatawang tanong ni Cindy kay Harris. “I knew it already. Hindi ka talaga susunod sa deal natin.” Dugtong pa nito.“Ibalik mo na samin ang anak ko. It's done. You better move on now, Cindy.” Seryosong sambit ni Harris dito. Naaasar na napailing si Cindy. “Do you think madali ‘yun, Harris? Do you think I will do that? Haha. No! Hindi ako ganun katanga.” Pinaglaruan ni Cindy ang hawak nitong baril sa kamay niya. Na animoy isa itong laruan lamang na kahit kalabitin ang gatilyo ay hindi naman puputok. “ Hindi ko ibabalik ang anak mo… kung hindi ko rin naman makukuha ang gusto ko!” Dugtong pa ni Cindy.
STELLA POINT OF VIEW “Don't call Kuya Harris, Ate!” Pigil ko kay Ate Elle ng balakin niyang tawagan si Kuya. Sa tono ko, halatang halata ni ate Elle na natataranta ako. Well, natataranta naman talaga ako ngayon.“Bakit naman? Itatanong ko lang sana sa kanya kung nasa presinto na siya?” Saad ni ate. Ngumiwi ako at napakamot sa batok. “Hehe. Maybe, hes driving pa. Hindi niya masasagot tawag mo kapag nagmamaneho pa siya.” Palusot ko.Galingan mo pa pagpapalusot, Stella. “O’ sige na nga. Mamaya ko na lang siya tawagin.” Sumang-ayon na sambit ni Ate Elle. Ngumiti ako at tumango. “Halika dito ate. Let's watch movie muna.” Aya ko sa kaniya. Kaagad siyang smiling na ikinasimangot ko. “Why? There's problem ba Ate Elle?”“Wala naman. Kaso… hindi naman ako makakarelax sa pamamagitan ng panonood ng mga movie sa ngayon, Stella. Lalo na ngayon, hindi ko pa din nayayakap ang anak kong nasa kamay ng kidnappers.” Malungkot na sabi Ni ate. Ngumiti ako ng pagkatamis-tamis at kinuh