Share

Chapter 11

Chapter 11

"Uy, gaga ka! Seryoso?!" Hindi makapaniwala nitong tanong at hinampas pa nga ako sa braso.

"Oo, hindi ba halata?" kinikilig kong tugon saka uminom. Muntikan pa nga akong mabuhusan ng tubig nang alugin nito ang katawan ko.

"Gagi! Ang landi mo talaga. Paano mo siya sinagot? Saan? Kailan? Bakit hindi ko alam?"

"Tara na sa cafeteria. Kuwento ko sa 'yo roon."

Kinikilig naman itong sumunod sa akin, excited sa ikukuwento ko, kahit naman ako. Ilang gabi ko ring sinarili ang kilig na ito, ano?

"So paano mo siya sinagot?"

Iyon kaagad ang tinanong niya nang makahanap kami ng pwesto. Binasa ko ang pang-ibabang labi upang umpisahan ang aking kuwento.

"Saan mo ba kasi ako dadalhin?" tanong ko sa lalaking may hawak sa pulsuhan ko at hatak-hatak ako.

Huminto kami nang marating namin ang likuran ng building nila. Maraming puno rito at wala pang estudyanteng tumatambay. Pumihit siya paharap sa akin at hinawakan ang magkabilang kamay ko.

"Pwede ba kitang maging girlfriend?"

Natulala ako at hi
Locked Chapter
Ituloy basahin ang aklat na ito sa APP

Kaugnay na kabanata

Pinakabagong kabanata

DMCA.com Protection Status