Chapter 16"Hindi ka na papasok?""Oo," nakayuko nitong sagot."Kheious, alam mo bang sinasabi mo?""Hindi ko gusto iyong kurso ko, Anaia. Pakiramdam ko nagsasayang lang ako ng panahon para sa isang bagay na hindi ko naman nakikita ang sarili ko. Lumalaki na rin ang gastusin natin. Lalo na ngayon na malapit ka ng mag-OJT. Kailangan kong mag-focus sa training at trabaho.""Pero paano ka?""Walang kasiguraduhan ang bagay na pinili ko pero susugal ako dahil pangarap ko ito.""Sigurado ka na?"Pinunas niya kaagad ang luhang bumasa sa mukha ko."Gusto ko ring makatapos ng kolehiyo at umakyat sa entablado— g-um-raduate kasabay mo. Pero mahirap pagsabayin ang pag-aaral, pagti-training, at pagtatrabaho. Kailangan kong bitawan iyong isa. Minsan tinanong ko iyong sarili ko. Ano ba ang mas matimbang? Iyong pangarap ko o iyong pangarap ng ibang tao? Pwede akong mag-aral kahit kailan ko gustuhin. Pero hindi na ako makakabalik pagiging teens o twenties para tuparin ang pangarap kong iyon.""Naiinti
Chapter 17"Sino ako? Ako lang naman ang nagmamay-ari ng mga paupahang bahay rito. Nakarating na sa akin na dalawang buwan na kayong hindi nakakabayad ng renta.""Pasensya na po, Madame. Medyo gipit lang kami ngayon," paghingi ko ng paumanhin."Aba hindi pwede ang pasensya lang. Ako naman ang malulugi sa inyo kapag ganiyan.""Ginagawan na po namin ng paraan.""Kapag hindi kayo nakabayad ngayong buwan, mag-impake na kayo!Nagkatinginan na lang kami ni Kheious. Kinabig niya ako palapit at niyakap. Sa mga ganitong pagkakataon ay ang isa't isa lang ang sandalan namin."Kung huminto muna kaya ako para makatulong sa 'yo sa mga bayarin.""Hindi mo gagawin iyan. Kaunting tiis na lang naman at matatapos ka na rin sa kolehiyo.""Pero nahihiya na rin kasi ako sa 'yo. Ikaw na ang nagbabayad ng lahat ng gastusin dito sa bahay tapos pati mga pangangailangan ko sa school ikaw na rin ang sumasagot.""Okay lang iyon. Sabi ko naman, 'di ba, gagawan ko ng paraan. Huwag mong kaisipin."Niyakap ko siya at
Chapter 18"Ang sarap talaga ng hangin dito.""Halika na nang makakain na tayo."Bumalik na ako kay Kheious na nakalupagi sa mat at katatapos ayusin ang mga pagkaing dala namin. Sa ganitong paraan namin naisipang i-celebrate ang pagka-hire ko sa trabaho."Congrats, love." Sinubuan niya ako ng fries."Thank you." This won't be possible without him.Maaaring ako iyong nag-aral o nag-apply pero siya ang nagpapalakas ng loob ko na sumubok at gawin ang mga bagay na takot ako. Bukod pa roon ay alagang-alaga at suportado niya ako sa lahat."Kailan ka pala magsisimula?""Sa Lunes, sa darating na linggo."Balik sa maagap na gising na nga ako dahil bawal ma-late sa trabaho. Nakakaumay na araw-araw ko na namang kailangang gumising nang maaga. Sa kabilang banda naman ay masaya ako dahil magagawa ko na ang trabahong pinangarap ko, ang magtrabaho bilang isang accountant."Bakit gising ka na? Mamaya pang alas dyis call time n'yo, 'di ba? Alas cinco pa lang, love. Matulog ka muna.""Ihahatid kita. Ma
Chapter 19"Hindi naman sa ganoon. Sadyang hindi ko lang sila kasundo kaya mas pinili ko na huwag ka ng iharap sa kanila.""Pero hindi pa rin nila ako gusto," malungkot nitong sambit.Hinawakan ko ang mukha niya at iginiya siya paharap sa akin."Hindi natin sila kailangan.""Baka iwan mo ako.""Of course not. Hindi-hindi iyon mangyayari lalo't kung sila lang ang dahilan."Hindi namin kailangan ng pagtanggap mula sa mga taong kilala ka lang kapag may maibibigay ka. Hindi natin kailangang ipagsiksikan ang ating sarili sa mga taong hindi tayo gusto. Masaya kami ni Kheious at mahal namin ang isa't isa. Iyon lang ang mahalaga."Tulungan na kita." Kinuha ni Dristan ang ibang box na dala ko."Salamat." Katrabaho ko siya pero never pa kaming nag-usap kaya naman medyo nakakagulat na nagboluntaryo siya na tulungan ako. "Congrats pala. Wala ka pang isang taon dito pero na-promote ka na. Ang galing mo kasi.""Salamat." Nauna na ako sa kaniya sa loob upang ilagay roon ang kahon.Nalihis naman ang
Chapter 20Malalim na ang gabi pero nananatili pa rin akong gising. Pinagmamasdan ko lang ang likod ni Kheious na nakatagilid ng higa, katabi ko. Hindi ko na siya nakausap kanina matapos niya akong lampasan. Mahimbing na rin ang tulog niya nang datnan ko siya rito sa aming kuwarto."Pagod lang pala," sabi ko sa sarili.Iyon na lang ang inisip ko dahil nasasaktan ako sa tuwing naaalala ko ang malamig niyang pakikitungo sa akin. Ngunit... akala ko lang pala iyon. Kinabukasan ay ganoon pa rin siya. May nagbago... sigurado ako roon. Malungkot kong pinanuod ang paglabas niya ng pinto."Umalis na naman siya." Pabagsak akong napaupo sa sofa.Wala akong trabaho ngayon kaya maghapun lang ako sa bahay. Okay sana kasi makakapahinga ako, kaya lang ay umalis ulit siya. Hindi ko alam kung saan pupunta. Naging mas busy si Kheious. Minsanan na lang din siya kung umuwi.Nauunawaan ko naman pero hindi maaalis sa akin ang magtampo. Kapag umuuwi siya minsan ay hating-gabi na kung kailan tulog na ako. Tap
Chapter 21"Mommy!" Tumakbo kaagad sa akin ang anak ko pagkababa ng sasakyan."How's your day, love?"Palagi kong tinatanong kung kumusta ang araw niya dahil mahalaga na kinukumusta natin ang mga anak natin. Sa pamamagitan din niyon ay maipaparamdam natin na may paki tayo at handang makinig sa kuwento nila."I got stars!" Ipinakita nito sa akin ang braso niyang maraming star stamp."Wow! Ang galing mo naman, baby." Tumayo ako upang harapin si Dristan na kanina pa kami pinapanuod na mag-ina. "Salamat sa pagsundo sa anak ko. Hindi ko maiwan iyong niluluto ko eh. May hinahabol kasi akong order na kailangan ng mai-deliver mamaya.""Patitikimin mo naman ako, 'di ba?" "Oo naman. Tara sa taas." Inakay ko na ang anak ko at umakyat na kami. Ikinuha ko si Dristan ng plato upang patikimin siya ng niluto ko. Nagbebenta kasi ako ng mga bento box dishes para may extra income. Nang sumama ako kay Dristan sa ibang bansa para sa project na in-assign sa amin ng kompanya ay doon ko na nga itinuloy ang
Chapter 22Sobrang lakas ng kabog ng dibdib ko habang nakatago, natatakot na baka makita niya ako. Bakit kasi ngayon pa? Sa lahat ba naman ng kuwarto, rito pa talaga?Sh*t! Palapit na siya. Napapikit na lang ako nang mariin. Nag-iisip na ng isasagot ko sa kaniya sa oras na magtanong siya. Para akong nabunutan ng tinik sa lalamun nang mag-ring ang telepono niya.Lumayo siya saglit upang sagutin iyon. Sinamantala ko naman ang pagkakataon upang makaalis. Dahan-dahan akong lumabas, panay ang lingon sa likuran. Nang makalayo ay tinakbo ko na ang kahabaan ng corridor. Dumiretso ako sa restroom upang huminga."N-Nandito siya," hindi makapaniwala kong sambit habang hinihingal na nakasandal sa likod ng pinto.Tiningnan ko ang sariling repleksyon sa malaking salamin sa lababo na nasa harapan ko, ilang metro lang ang layo. Wala sa sarili akong napangiti, kahit bakas sa mukha ang pagod.Ilang taon kong hindi narinig ng personal ang boses niya. Hindi ko itatanggi na na-miss ko siya. Gustuhin ko ma
Chapter 23"What?! Tama ba iyong narinig ko? Magtatrabaho ka sa ex mo?"Nahihiya akong tumango-tango. Na-i-stress naman siyang napalakad sa likuran ko."Gosh! Naloloka ka na ba? Paano kung apihin ka niya dahil sa ginawa mo sa kaniya? Alam kong mabuting tao si Kheious pero ikaw na rin ang nagsabi na nagbago na siya. Paano kung buntisin ka?""Grabe ka naman, Syn."Bigla akong kinilabutan sa sinabi niya."Aba eh nabasa ko na iyang ganiyan. Paano kung malaman niya iyong tungkol sa anak ninyo? Tapos kunin sa 'yo? Anong ga—""Please, tama na, Syn. Hindi nakakatulong." Napahilot ako sa sintido."Kasi naman, beh, parang pabigla-bigla desisyon mo. Parang noong isang gabi lang todo iwas ka kay Kheious tapos ngayon sasabihin mo na magtatrabaho ka sa kaniya. At hindi lang basta trabaho, Personal Assistant pa niya.""Hindi lang naman siya ang pagsisilbihan ko kundi pati na rin iyong ibang members niya.""Kahit na." Nai-stress siyang napabalik sa upuan. "Pero sigurado ka na ba talaga? Baka nabibigl