Share

Chapter 1

Chapter 1

"Ninety-four lang? Kheious, ano bang nangyayari sa 'yong bata ka?" disappointed na tanong nito sa akin.

"Pasado naman po, Aun—"

"Jusko naman! Tingnan mo nga ninety-four lang general average mo this sem. Dati naman hindi ka bumababa ng ninety-five. With Highest Honor ka pa nga noong Junior High. Akala ko ba gusto mong makapasok sa magandang University?" 

"Gusto ko nga po," nakayuko kong tugon.

"Iyon naman pala edi mas pagbutihin mo. Kinausap na ako ng teacher mo noong meeting at ang sabi posibleng maging Valedictorian ka this school year. Kaya ayusin mo naman sana. Alam mo simula noong sumali ka sa grupo na 'yan nagkaganiyan na mga grado mo. Tigilan mo na kasi iyang pagsayaw at pagkanta na iyan. Distraction lang iyan sa pag-aaral mo. Hindi ka naman magkakapera d'yan." 

"Magkakapera pa rin naman po, Tita, kapag nanalo kami sa con—"

"Iyon na nga eh kapag nanalo. Kapag nanalo lang! Eh ang masama nga d'yan madalas kayong talo. Ilan ba kayo sa grupo? Sampu? Kinse? Tapos ang premyo limang libo? Aba eh paano n'yo papartehin iyon? Baka ni bigas at ulam hindi tayo makabili." Minasahe nito ang sintido at nai-stress akong tiningnan. "Hindi tayo mayaman, Kheious. Nakita mo naman siguro kung gaano ako kahirap mabuhay lang kayong magpipinsan. Hindi malaki ang kinikita ng Tito Emman mo. Wala kaming maipamamana sa inyo kundi edukasyon lang. Kapag naging Valedictorian ka makakakuha ka ng full scholarship sa magandang unibesidad sa Manila. Kapag ganoon hindi na kami magkakandakuba sa pagtatrabaho para sa kolehiyo mo. Iyong nanay mong nasa Canada, makakauwi na rin siya. Huwag mo naman sanang sayangin ang oportunidad. Naiintindihan mo ba?"

"O-Opo, Auntie. P-Pero gusto ko po talaga ang pagpi-perform. Dito po ako masaya."

"Hindi tayo mapapakain niyan. Mag-aral ka. Magtapos. Iyon ang sigurado kaya iyon lang ang gawin mo! Distraction lang iyang pagpi-perform na iyan. Kung iyon sanang oras mo sa practice at training nilaan mo sa pag-aaral edi mas mabuti."

"Pero, Aun—"

"Wala ng pero-pero! Tapos ang usap. Bawi ka next sem. Umakyat ka na roon ng makapagpalit ka na." 

Napabuntong hininga na lang ako at umakyat na sa taas sakbit ang backpack. Mabigat ang mga naging hakbang ko sa bawat baitang ng hagdan. Naiintindihan ko naman na ayaw lang ni Auntie na napapabayaan ko pag-aaral ko pero hindi ko pa rin maiwasang hindi malungkot. 

Pinahihinto nila akong gawin ang bagay na mahal ko. Iyon ang hirap sa panahon ngayon eh. Hangga't wala ka pang napapatunayan, wala kang suportang matatanggap. The worst is your own relatives will not even support your creative talent unless... you're earning from it. Tapos kapag sikat ka na, mahal ka na ng lahat— Proud na sila sa 'yo. 

"Oh bakit late ka?" tanong ng ka-group ko na si Geo.

"Hinintay ko pang makaalis si Auntie eh. Alam mo naman tumakas lang ako."

"Hayss... sinasabi ko na nga ba. Hayaan mo na ang importante nandito ka na ngayon, dre."

"Pero nakakapagod din kasi 'tol iyong palaging nagtatago. Hindi ko alam kung bakit nagagalit sila eh wala namang masama sa pagsasayaw."

"Ganoon talaga ang buhay, 'tol. Hangga't wala ka pang maipagmamalaki sa kanila maliit tingin nila sa 'yo. Pero magtiis ka lang muna sa ngayon. Darating din iyong araw na maiintindihan nila ginagawa mo."

"Sana nga." Bumuntong hininga ako.

"Ano pang hinihintay n'yo d'yan? Start na ulit ng practice!"

"Nand'yan na boss!" 

Tumayo na kami at lumapit na roon. Nagkaroon muna kami ng meeting bago nag-umpisa ng practice. May Dance Contest kasi sa kabilang bayan at malaki ang premyo kaya sasali kami. Magagaling ang mga kalaban pero sisikapin naming manalo. Simula noong pinagbawalan ako ni Auntie sa ginagawa ko, ganito na ang naging routine ko sa buhay, palaging patago kung mag-training. 

"Alkarez, Kheious Seith, Best in Mathematics, Best in Research Paper, Best in Performing Arts, Outstanding Student of the Year, and our class Salutatorian!"

Umakyat ako sa stage kasama si Auntie. Masaya naman siya para sa akin pero ramdam ko na nakukulangan pa siya. Hindi ko naman siya masisisi dahil valedictorian talaga ang hangad niya para sa akin. Pero kahit ganoon ay nagawa pa rin niya akong ipaghanda para ipagdiwang ang Graduation Ceremony naming mga Senior High. 

"Thank you, Auntie." Inakbayan ko ito at h******n sa sintido habang may hawak na paper plate sa kabilang kamay.

"Intindihin mo na iyong iba pang mga bisita. Kukunin ko lang iyong pinalamig kong coffee jelly sa ref."

"Sige po, Auntie." Pumunta na ako sa mga table at inasikaso ang mga bisita. 

"What's up, tol! Congrats salutatorian. Lakas talaga oh! 'Di kaya mga, pre, babad pa sa training 'yan ah."

"Iba talaga matatalino, pre. Kahit siguro nakapikit makakasagot."

"Ano ba kayo? Hindi ako matalino, okay? Masipag lang ako mag-aral."

"Matalino at masipag iyon ka. Wala pang naging salutatorian na dinaan lang sa sipag lahat. Siguro habang nagpa-practice tayo ng sayaw nagmi-memorize ka ng mga formula, ano?" Kumagat ito sa shanghai. 

"Sira hindi naman ganoon. Syempre kapag training, training lang para focus sa ginagawa. Binabawi ko lang sa mga exams para hindi ako mawala sa ranking."

"Magaling 'tol, magaling." Tinapik ng mga ito ang balikat ko. 

"'Geh, mga dre, kain lang kayo d'yan. Aasikasuhin ko lang ang ibang bisita." 

Maraming pagkaing niluto si tita. Nagpadala rin kasi ng pera si mama para may panghanda ako. Sayang nga lang at hindi siya nakauwi. Nakakalungkot pero wala naman tayong magagawa. Ganito naman talaga buhay ng may mga magulang na OFW. Tiis-tiis muna sa ngayon pero pasasaan ba at magkakasama rin kami balang araw. 

"Anak, congrats! Galing-galing talaga. Sayang wala ako d'yan. Edi sana nasabitan kita ng medals. Pasensya ka na ah kung hindi ako nakauwi para sa graduation mo. Ang dami kasing pinapagawa ng boss ko saka ayaw akong payagang mag-leave."

"It's okay, Ma. I understand naman po. Mag-focus na lang po kayo sa trabaho n'yo d'yan. Huwag n'yo na akong kaisipin. Don't worry, Ma, kapag naging sikat na performer ako at marami ng pera, hindi n'yo na kakailanganin pang magtrabaho d'yan."

"Ang swerte ko talaga na ikaw ang anak ko. Napaka-understanding at mabait. Maiba ko saan ka mag-aaral ngayong College?"

"Sa isang unibersidad sa Manila po, Mama. Nakatanggap ako ng scholarship sa school na iyon dahil sa pagiging salutatorian. Kaso 50% discount lang po eh. Pero ayos na rin iyon kaysa wala."

"Sabi ko naman kasi sa 'yo focus ka na lang sa studies mo. Akala mo siguro hindi ko alam na tumatakas ka para sa practice. Hindi naman sa hindi ko naa-appreciate ang pagiging salutatorian mo, ang sa akin lang kasi alam ko naman na kaya mong maging valedictorian. Edi sana full scholar ka na ngayon. Sure na sure na college mo kung ganoon."

Lumapit ako kay tita at niyakap ito mula sa likod upang lambingin siya. 

"Auntie, madali lang naman gawan ng paraan iyong natitirang fifty percent. Magtatrabaho naman po ako habang nag-aaral."

"Oh ayan na nga ba sinasabi ko magwo-working student ka habang nag-aaral. Hindi pwede baka bumaba grades mo. Kami na lang ang gagawa ng paraan."

Pumwesto ako sa likuran niya at niyakap siya upang lambingin. 

"Kayang-kaya ko po iyon. Suma-sideline din naman ako nitong High School ah. Nakaya ko naman, salutatorian pa nga."

"Sa High School iyon. Iba sa College. Mas busy na kayo n'yan kasi mas marami na kayong gagawin."

"Auntie, kaya ko po. Ako pa ba?"

"Ikaw ang bahala. Hindi ka naman makikinig sa akin. Kayo na lang ng mama mo ang mag-usap." Tumingin ito sa phone. "Sige na bunso dadalhan ko lang muna ng maiinom ang mga bisita sa labas."

Lumabas na ito kaya kami na lang ng nanay ko ang naiwan. Nagkuwentuhan lang kami tungkol sa mga buhay-buhay namin. Tinanong niya rin ako kung anong plano ko ngayong college. Kahit malayo kami sa isa't isa hindi naman naging hadlang iyon para manatiling maganda ang relasyon naming mag-ina. Pag-uusap pa rin talaga ang mahalaga. 

"Class dismiss!" Lumabas na ang masungit na professor kaya nakahinga na kami sa wakas nang maluwag.

First day of class pero grabe na iyong kaba na naramdaman namin. Unang araw ba naman surprise recitation kaagad. Pa-welcome ba tawag doon? Buti nga uwian na ngayon, makakahinga na ako. Ewan ko kung ako lang iyong ganito na feeling satisfied kapag sinabing dismiss na.

"Uwi ka na, 'tol? Sama ka muna sa amin. Gigimik kami d'yan sa bagong bukas na bar. Ano tara?"

"Salamat na lang pero may part time job pa kasi ako."

"Sige ingat, 'tol. Sama ka na lang next time."

Sinakbit ko na sa balikat ang backpack at lumabas na. 4:30 na ngayon ng hapun at alas cinco ang start ng work ko kaya nagbihis na ako sa restroom dito para diretso pasok na lang pagdating doon. Grey na polo shirt na may logo at itim na pantalon lang naman ang uniform namin. Pinaibabawan ko na lang iyon ng shirt para hindi naman mukhang sasabak kaagad sa kusina. 

Hindi ko maiwasang hindi magpalinga-linga sa paligid dahil sa lawak ng campus. Kapag may oras ako maglilibot ako rito. Lakas maka-feeling mayaman ng eskwelahang ito. Sabit lang yata ako rito eh. Nag-train ako papunta sa work dahil mas mabilis iyon. Humanap lang ako ng pwesto at naupo roon sa tabi ng babaeng may suot na earphone. 

Nagsuot ako ng earphone para naman kahit paano ay malibang ako sa byahe. Bigla akong napamulat nang maramdamang sumandal sa balikat ko ang babaeng katabi ko ngayon. Nilingon ko siya at nakita kong mahimbing ang tulog nito. Hinayaan ko na lang dahil mukhang pagod. Ipinikit ko na lang din ang mata ko habang hinihintay na makarating sa distinasyon ko itong train.

"Ay puta!" mura ko nang may tumulo sa balikat ko. 

—Azureriel

Kaugnay na kabanata

Pinakabagong kabanata

DMCA.com Protection Status