Chapter 2
[Kheious' POV]
Napaawang na lang ang bibig ko habang nakatingin sa likidong bumasa sa aking balikat. Hindi ako nakagalaw kaagad dahil hindi ko alam kung ano ang gagawin. Mahimbing pa rin ang tulog nito at walang kamalay-malay na tumutulo na ang laway niya sa damit ko.
Gusto ko siyang alisin sa balikat ko pero nagwo-worry naman ako na magising siya. Ayaw ko na magising siya at makita ito dahil ayoko naman na mapahiya siya dahil dito. Hindi naman ako maarteng tao pero nag-aalala ako para sa suot ko ngayong damit pantrabaho. Baka basa na rin iyon ng laway. Jusko po huwag naman sana.
Maingat kong tinuyo ng tissue ang parteng bibig niya. Inilabas ko ang panyo sa bag at itinakip iyon sa mukha ng babae upang hindi makita ng ibang commuters na naglalaway itong matulog. Tangina, hindi ko alam kung paano ko gagawan ng paraan itong uniform ko. Bahala na.
[Anaia's POV]
Naalimpungatan ako nang marinig ang mga yabag ng paa. Inalis ko ang kung anong nakatakip sa mukha ko. Panyo? Kanino galing ito? Kinusot ko ang mata ko at nakita ang mga taong bumababa ng train. Pauunahin ko na lang muna sila dahil ayokong makipagsiksikan.
Hinawakan ko ang pisnge ko nang maramdaman na may kung anong nakadikit doon. Hindi nga ako nagkamali dahil mayroon. Nang tingnan ko ang sarili sa screen ng phone ko ay nakita ko ang tissue na naka-tape doon pa upang hindi mahulog. Kumunot ang noo ko.
"S-Sino may gawa nito? Bakit may ganito ako?" nakatulala kong tanong sa sarili.
Kahit anong isip ay wala akong maisip kung sino ang may gawa nito at saan ko nakuha ito. Sinakbit ko na ang bag at bumaba na ng train na puno ng katanungan. Pagtapak ko sa labas ng train ay para akong binuhusan ng malamig na tubig nang ma-realize ang isang bagay. Kinapa kong muli iyon at napaawang ang bibig nang maramdaman na mamasa-masa iyon.
"No, this can't be. H-Hindi pwede. Hindi!"
Luminga-linga ako sa paligid at doon ko lang napagtanto na nakatingin na sa akin ang ilang nandito. Ang iba sa kanila ay pinagbubulungan pa ako.
"Baliw na yata iyan."
"Sino ba 'yan?"
"Ewan ko nagsasalita na lang bigla mag-isa."
"May sira yata sa ulo."
"Hindi ako baliw, okay? Hindi! Mga epal kayo. 'Di n'yo ba alam iyong self-talk? Mga bwisit!" singhal ko at nag-marcha na palayo.
"Anyare sa 'yo, 'te? Bakit parang stress na stress ka yata? Saka ano 'yang nasa pisnge mo? Bandage ba 'yan?"
"H-Hindi. Tissue lang." May pagmamadali kong isinuot ang apron.
"Eh bakit ka may tissue?"
"Iyon nga eh hindi ko rin alam. Basta ang natatandaan ko lang sumakay ako ng train tapos nakatulog. Paggising ko may ganito na ako sa mukha. Kinapa ko wala naman akong sugat pero medyo mamasa-masa siya. Naisip ko nga paano kaya kung may ganito ako kasi... nilaway ako pagtulog?"
"OMG ka, sis! Hindi imposible."
"Ito naman paniwala kaagad. Malay mo naman may nan-trip lang tapos gusto lang ako lagyan ng tissue."
"Eh bakit ka naman lalagyan? Hindi naman pwedeng basta trip lang iyon. Walang mag-aabalang gawin ang ganoon, okay? Ang mas malapit sa katotohanan ay iyong sinasabi mo kanina. Baka sa sobrang antok mo, napasandal ka sa kung sino. Tapos hindi mo namalayan tumulo na pala laway mo. So since waterfalls ka na, nilagay ka na lang niya ng tissue."
"Iba talaga imagination mo. Alam mo kakapanuod mo lang iyan ng kung ano-ano."
"Sinasabi ko lang iyong mas malapit sa putukan, sissy."
"Hindi nakakatuwa, bakla, ah. Walang ganoong nangyari, okay? Ayokong isipin. Ayoko. Ayoko." Sinusubukan kong pakalmahin ang sarili upang iwaksi ang mga negatibong isipin.
"Eh paano nga kung totoo?"
"Edi sobrang nakakahiya. Imagine naglaway ako habang natutulog sa train tapos may nadamay pa. But you know what? Ayoko na lang isipin. Tutal hindi pa naman tayo sigurado d'yan. Pero sana talaga mali lang iniisip ko, sis. Lalake pa naman iyong katabi ko kung tama ang pagkakatanda ko. Nakakahiya talaga kung sakaling totoo. Isipin mo naman naglaway ako sa balikat ng ibang pasahero."
"Kilala mo ba iyong lalakeng nilawayan mo— este naglagay n'yan sa 'yo?"
"Hindi eh. Paggising ko wala na siya. Pero iniwan niya ito." Ipinakita ko sa kaniya ang panyo. "Nakatakip na iyan sa mukha ko nang magising ako."
Ibinuka nito iyon at tiningnan na para bang may hinahanap doon.
"Inferness mabango siya, sis. Oh ito may initial akong nakita. K.V.Z. Wala ka bang kakilala na may ganoong initial?"
"Wala, sis, at wala na rin akong planong kilalanin siya. Nakakahiya lang kung nagkataon. Ano sasabihin ko kapag nagkaharap kami? Hi, ako nga pala si Anaia iyong naglaway sa balikat mo roon sa train? Argh! Sobrang awkward nun panigurado. Kaya naman huwag na lang, ano." Tinanggal ko ang tissue at itinapon iyon sa trash bin na nandirito.
"Sabagay, you have point naman, sissy. Hmmm... Ako na lang hahanap. Malay mo fafa pala iyon hindi natin alam. And besides ang gentleman niya sa ginawa niya. Hays, may lalake pa palang maginoo sa panahon ngayon."
"Ano naman ang gentleman do—"
"Kayong dalawa? Ano pang tinutunganga ninyo d'yan sa kusina? Ang dami ng customer sa labas puro pa kayo tsismisan."
"Pasensya na po, boss. Labas na po kami." Itinali ko na ang buhok ko at lumabas na dala ang serving trey.
Nag-unat-unat pa ako pagkababa ko ng jeep. Alas-otso na natapos ang shift ko sa trabaho. Tapos traffic pa kaya naman nakakapagod talaga. Kapag ganitong nakakaramdam ako ng pagod, ang iniisip ko na lang talaga ay sahod.
"Good evening po, Madame," bati ko sa landlady namin na maraming curler na nakakabit sa buhok.
Nakaupo ito sa rocking chair niya at nagpapaypay dito sa veranda ng boarding house kung saan ako nakikitira. Senior High School pa lang ako ay nandito na ako kaya kabisado ko na rin ang ugali niya.
"Walang maganda sa gabi ko kung ganito lang din na hindi pa kayo nagsisibayad ng renta."
"Huwag po kayong mag-alala, pagsahod ko po sa Sabado mag-aabot kaagad ako."
"Dapat lang dahil dumating na ang bill ng tubig at kuryente. Kailangan na nating magbayad bago tayo maputulan. Hussle at gastos lang ang pagpapakabit ulit."
"Magandang gabi po." Tumawid ito sa harapan ko at nagmano kay Madame.
"Mabuti naman at umuwi ka na. Sasaraduhan na sana kita. Alam n'yo naman ang rules dito, hindi ba? Alas dyis ang curfew. Kapag wala pa kayo sa loob ng bahay ng ganoong oras, sa labas na lang kayo matulog. Nagkakaintindihan ba tayo?"
"Opo, Madame. Pasensya na po may mga tinapos lang sa work. Tapos na-traffic lang din po kaya natagalan," sagot ng lalakeng may katangkaran.
Maganda ang kaniyang tindig at pangangatawan. Naamoy ko rin ang pabangong ginamit niya. Magaan lang iyon at hindi masakit sa ilong. Ngayon ko lang siya nakita pero bakit pakiramdam ko nagkasama na kami. Hindi ko lang matandaan kung saan at kung kailan.
"Maiba ko magkakilala na ba kayo?"
Tumingin ang lalake sa akin at parang nagulat pa ito nang makita ako. Mabilis din naman itong nag-iwas ng tingin at pinaglaruan ang strap ng backpack nito na waring nahihiya.
"Hindi po," sagot ko kay Madame.
"Oh, hijo, ano pang tinutunga-tunganga mo? Aba galaw-galaw."
Pumihit paharap sa akin ang lalake at binasa ang pang-ibabang labi bago inabot ang kamay sa akin.
"Kheious."
"Anaia."
"Bagong boarder natin iyang si Kheious. Kadarating niya lang kahapon." Tumingin ito sa akin bago muling tumingin sa lalake. "Ito si Anaia, dalawang taon na siyang nakatira rito. Kapag may kailangan ka, hijo, huwag ka mahihiyang magtanong sa kaniya kapag wala ako."
"Uhm, sige po, mauuna na po ako sa taas. Maiwan ko na po kayo." Pumasok na ako at pumanhik na sa aking kuwarto.
Naglinis lang ako ng katawan at nagpalit ng damit. Gumawa ako ng assignment pagkatapos. Sakto naman na kauuwi lang ng roommate ko na si Seen.
"Hoy, sissy, nakita mo na ba iyong bagong boarder ni Madame? Ang gwapo, ano?"
"Oo, nakita ko na. Pinakilala ako ni Madame kanina. Kakalipat lang daw nun kahapon."
"Ano name? Hindi na ako nakalapit kasi kausap si Madame. You know naman na mapapagalitan ako dahil ganitong oras na ako nakauwi. Bukas na lang siguro ako lalandi." Hinubad nito ang damit at binuksan ang cabinet.
"Kheious," tipid kong sagot habang nagsusulat.
"Ang gwapo naman ng pangalan." Narinig ko ang pagsara ng cabinet. "Ah, Kheious," malandi nitong ungol kaya binato ko siya ng pambura.
"Landi nito."
"Joke lang naman. Ito naman hindi mabiro."
"Not a good joke, sissy."
"Sorry. Anyway, have you paid the rent na ba?"
"Not yet. Pero sinabi ko na naman kay Madame na magbabayad ako pagdating ng sahod ko sa Sabado."
"Ligo muna ako, sis."
"Geh lang. Lalabas din ako. Naubusan na pala ako ng ink. Bibili lang ako ng mga gagamitin ko at makakain d'yan sa labas."
"Okay, ingat, sissy," ani nito bago lumabas.
Iniwan ko muna ang ginagawa at nagsuot ng hoodie dahil malamig sa labas. Bumaba na ako para bumili sa tindahan na malapit lang dito. May bukas pa namang store ng ganitong oras.
"Saan ka pupunta?" tanong ng gwapong boses.
Napatigil ako sa paghakbang at napatingin sa lalakeng nakasandal sa gilid ng pinto habang nakapamulsa. Siya iyong lalake kanina.
"May bibilhin lang."
"Sasamahan kita."
"Thank you na lang pero kaya ko naman."
"Hindi na dapat lumalabas pa ng ganitong oras ang mga babaeng gaya mo lalo pa't mag-isa ka."
Pumihit ako paharap dito at tumaas ang isang sulok ng labi.
"Alam mo kahit anong oras pwede kang mapahamak. Wala namang pinipiling oras ang mga rapist."
"Ano bang bibilhin mo?"
"Wala ka na roon. Saka bakit ka ba tanong nang tanong? Hindi tayo close, Kuya, kaya huwag kang FC d'yan."
"Ano nga?"
"Hayss... O. 3 ballpoint pen, pastel light blue and pink highlighter, unicorn sticky notes, white tape medium, 220 ml yoghurt, bread stick na malaki, cup noodles na beef flavored, at dalawang garlic bread," sagot ko sa mabilis na pananalita.
"Akin na." Kinuha nito sa kamay ko ang pera at naglakad na palayo.
"Hoy saan ka pupunta? Ibalik mo nga 'yang pera ko!"
"Ako na ang lalabas para bumili. Maupo ka na lang d'yan, Miss."
Wala na akong nagawa nang lumabas na ito ng gate. Naupo na lang ako sa upuang nandirito. Marami iyon at mabilis pa ang pagkakasabi ko kaya alam kong hindi niya matatandaan lahat. Nag-scroll na lang ako sa twitter habang naghihintay. Puro issue lang ang nabasa ko at dahil lowkey marites tayo tamang basa lang tayo rito.
Bumukas ang gate at pumasok ang lalakeng iyon na may dalang paper bags galing sa book store at convenience store. Naglakad ito palapit sa akin at ipinatong ang mga dala niya sa bilog na lamesang nasa harapan ko. Tumayo ako upang tingnan ang laman niyon at nagulat ko nang makitang kompleto iyon. Walang labis, walang kulang. Tama rin ang sizes pati kulay.
"P-Paano mo nabili lahat ng ito?"
"Tinanong kita, hindi ba? Kinuha ko rin ang pera sa 'yo kaya naman nakabili ako."
"Alam ko pero... masyado iyong marami at bukod pa roon ay may sukat din at variations. Tapos mabilis pa ang pagkakasabi ko kaya paano mo natandaan lahat?"
"Hindi naman siya mahirap makabisado," nakapamulsang sagot nito at nilampasan na ako. "Lumalalim na ang gabi, umakyat ka na rin at magpahinga, binibini."
"A-Ano bang course mo?"
"Secret," bored nitong sagot at isinarado ang pinto.
Naiwan ako roong tulala at hindi pa rin makapaniwala.
—Azureriel
Chapter 3Ibinuhos ko ang isang tabong tubig sa katawan ko. May klase ako ngayong alas sais kaya gumising ako ng maaga. Terror iyong professor namin para sa period na ito kaya hindi ako pwedeng mahuli sa klase. Alas cuatro pa lang kaya tulugan pa ang mga kasama ko. Nasa kalagitnaan ako ng pagsasabon ng leeg nang biglang bumukas ang pinto."Bastos!""Hala sorry!" Mabilis nitong isinarado iyon. Niyakap ko ang sarili at ramdam ang malakas na kabog ng dibdib ko. Pilit kong iwinaksi iyon sa aking isipan at ipinagpatuloy na lang ang paliligo. Natapos na ako pero hindi ko alam kung paano lalabas. Sobra akong nahihiyang humarap sa kaniya. Alam ko naman na wala akong dapat ikahiya pero ang awkward lang kasi sa pakiramdam. Nakita niya lahat bhe. Sino ba naman ang hindi mahihiya roon?Huminga ako nang malalim bago pinihit pabukas ang doorknob. Lumabas na ako dahil hindi naman ako pwedeng tumira rito sa banyo. Dumiretso ako sa taas upang makapagbihis. Tulog pa rin ang magaling kong kaibigan na p
Chapter 4"A-Ano? Sorry slow." Napakamot siya sa batok."Ang ibig kong sabihin kaya kong pumunta ng restroom ng mag-isa, hindi ako tulad ng iba na pupunta lang ng restroom kailangan pa ng kasama.""Ahh, okay, gets ko na. Tapos pagbalik may dala ng turon, ano?"Natawa ako bigla sa sinabi niya. Hindi naman pala siya mahirap pakisamahan. Matapos kumain ay tinanong niya ako kung babalik na ba ako sa classroom. Noong sinabi kong "oo", nag-offer siya na ihatid ako. "Bakit nga pala sinunod mo mama mo kaysa kuhain ang course na gusto mo?""Walang pera eh.""H-Huh? Ang mahal kaya ng nursing." "Alam ko pero sabi kasi niya wala raw kasiguraduhan iyong pangarap ko. At least sa nursing daw, pagka-graduate at naipasa ko ang exam, makakapagtrabaho raw ako sa ibang bansa. Sure na raw ang kita.""Pero gusto mo talagang maging professional performer?""Oo." Yumuko ito habang pinaglalaruan ang strap ng backpack. "Pero kapag mahirap ka kasi hindi pwedeng unahin ang sarili. Kahit gaano mo pa kagusto ang
"Galingan mo, Kheious!"Nabuhayan ako ng loob nang marinig iyon lalo na nang makita si Anaia na may hawak na banner. Pumalakpak siya nang malakas kaya nakisabay na rin ang ibang audience. Muli akong kumanta at sa pagkakataong ito ay may kumpyansa na sa sarili. Ibinigay ko lahat ng aking makakaya dahil ayokong bumaba ng entablado ng may pagsisisi."Ang galing-galing mo," salubong nito sa akin pagkababa ko ng stage."Salamat." Niyakap ko siya sa sobrang tuwa ko. Kung sakaling hindi siya dumating kanina baka natulala na lang ako sa unahan. Nakalimutan ko na nga ang lyrics kanina sa sobrang kaba. Sana lang ay hindi iyon makaapekto sa resulta ng evaluation. Lumabas na kami dahil masyado ng maraming tao at maingay sa loob."Mabuti naman at naisipan mong mag-audition?""Naisip ko rin na sayang din kung palalampasin ko. Next year na ang sunod na pa-audition. At saka nakakapanibago kasi kapag hindi mo na nagagawa iyong mga bagay na normal mong ginagawa dati.""Ang galing mo kanina," ani nito
Natulala siya sa akin pagkalas ko ganoon din ako. Hindi ko alam ang gagawin... hindi ko alam ang sasabihin. Bago pa man siya magsalita ay tumakbo na ako palayo. Dumiretso ako sa restroom at napasandal sa likod ng pinto. Nasapo ko ang dibdib na dumadagundong."Anong kagagahan naisip mo at hinalikan mo siya, Anaia?" May estudyanteng lumabas sa cubicle kaya naman napaayos ako ng tayo. Humarap ako sa salamin at pinagmasdan ang sarili. Kinapa ko ang labi na dumampi sa kaniya kanina. Hiyang-hiya ako. Hindi ko alam kung paano ako magpapaliwanag kapag nagkaharap kami. Para bang gusto ko na lang iuntog ang sarili o mag-magic na magkaka-amnesia si Kheious para makalimutan niya.Nagbihis lang ako at nag-ayos ng kaunti bago lumabas. Hindi na ako nagpaalam kay Kheious. Dapat kasi ay sabay kami, kaya lang ay hindi ko pa siya kayang harapin sa ngayon. Dumiretso ako sa trabaho at sinubukang libangin ang sarili. Ngunit hindi talaga iyon mawaglit sa aking isipan. Hanggang sa pag-uwi nga ay dala-dala
Chapter 7"Ang bilis mo. Para kang walang kasabay," reklamo ko nang abutan siya."Mabagal ka lang talaga.""Hindi kaya. Mabilis ka lang masyado.""Samahan mo ako sa palengke. Mamimili ako ng para sa lulutuin mamayang gabi.""Ikaw ang toka?""Um." Namulsa siya at nagpatiuna na sa paglakad.Pumasok kami sa pamilihang bayan at nagtingin-tingin kahit hindi ko naman alam kung ano ang bibilhin."Ano bang lulutuin mo para sa hapunan?""Ginataang alimango na may kalabasa.""Wow! Sarap naman. Laki ng budget ah.""Nagki-crave kasi si Madame sa ginataang alimango kaya binigyan niya ako ng pera kaninang umaga para ipagluto siya.""Sana palaging mag-crave ng masarap si Madame para damay tayo."Naglakad-lakad kami, naghahanap ng mga sangkap na gagamitin para mamaya. Mabuti na lang at kabisado na namin ang lugar kaya hindi na kami nahirapan. Bawas oras tuloy sa paghahanap ng magandang bibilhan. Umuwi na rin kami agad pagkatapos mamili para makapagluto na ng hapunan."Ang bango," sambit ko.Pagbaba k
Chapter 8Nanatili akong walang ibo, nakatayo lang sa kung saan ako iniwan ni Kheious. Pilit kong ina-absorb ang ipinagtapat niya, ngunit magpahanggang ngayon ay hindi pa rin iyon tuluyang nagsi-sink in sa akin.Nagseselos siya? Gusto niya ako? Seryoso?"Anaia!" Hinihingal na tumakbo si Syn palapit sa akin. "Nand'yan ka lang pala. Ano? Uwi na tayo?""S-Sige..." wala sa sarili kong sagot habang nakatingin pa rin sa nilakaran ni Kheious."Hoy! Ayos ka lang? Bakit parang lutang ka?""N-Na-drain lang siguro utak ko dahil sa exam kanina. Tara, uwi na tayo." Hinatak ko na siya paalis.Simula nang hapun na iyon ay pansin ko ang pag-iwas ni Kheious. Maging sa bahay nga ay hindi kami nagpapansinan. Iniwasan ko na lang din siya, baka sakaling mawala ang pagkagusto niya sa akin. Ayoko rin kasi na kapag sinuyo ko siya ay ma-misinterpret niya iyon— baka isipin niya na may nararamdaman din ako... baka mas mahulog siya kapag c-in-omfort ko. Ayoko ko naman ng ganoon.Sa totoo lang ay hindi ko rin ala
Chapter 9Mabigat ang dibdib ko habang naglalakad. Hindi ko alam kung saan ako pupunta. Ang tanging gusto ko lang ay ang makalayo na sa lugar na iyon. Hindi naman ako nagseselos, 'di ba? Wala namang dahilan para magselos ako.Dumiretso ako sa rest room ng mga babae upang pakalmahin ang sarili. Ito na nga ang nagsilbing takbuhan ko sa tuwing kailangan kong huminga at pag-isipan ang mga bagay-bagay."Hindi ka nagseselos," pangungumbinsi ko sa sarili. "Naiirita ka lang kaya ka umalis... kaya hindi mo tinapos.""Grabeng pangga-gaslight naman sa sarili iyan, beh."Nagitla ako nang makita si Syn na nakasandal sa hamba ng nakabukas na pinto."K-Kanina ka pa ba d'yan?" utal-utal kong tanong."Sakto lang para marinig ko ang mga sianbi mo." Naglakad siya palapit sa akin. "Hindi raw nagseselos oh.""Hindi naman talaga!""Eh ba't ka defensive?""Malamang magiging defensive ako. Ikaw ba namang paratangan ng hindi totoo kung hindi ka---""Hindi ba talaga totoo?"Napaiwas ako ng tingin."Oh bakit hi
Chapter 10Nag-init ang magkabilang pisnge ko nang marinig ang sinabi niyang iyon. Mahal... tinawag niya akong mahal. Hinawakan nito ang baba ko at itiningala ako sa kaniya. Nagtama ang aming mga mata."Mahal ka d'yan," pagsusungit ko pa."Ganiyan ka ba talaga kapag nakaka-miss.""Sino naman nagsabi sa 'yo na miss kita?" Iniharap nito sa akin ang screen ng cellphone kung nasaan ang text message ko kanina. "Sinabihan lang kita na pinapauwi ka na ng mama mo pero hindi ibig sabihin niyon na nami-miss kita. Huwag ka ngang assuming.""Kausap ko si Mama sa phone noong nag-text ka.""K-Kheious..." utal-utal kong bigkas sa pangalan niya nang humakbang siya palapit sa akin. Tumama ang likod ko sa dingding.Nahugot ko ang hininga nang ituon nito ang mga kamay dingding at ilapit ang mukha sa akin. Kung sino-sinong santo na nga ang natawag ko dahil sa sobrang lapit ng distansya namin."Sabihin mo lang na miss mo 'ko, uuwi agad ako.""Ang ganda natin ngayon ah," komento ni Syn nang abutan ako sa h