Share

Hiding the Idol's Baby
Hiding the Idol's Baby
Penulis: Azureriel

Prologue

Penulis: Azureriel
last update Terakhir Diperbarui: 2022-09-29 11:37:18

Prologue

"OMG! Ang gwapo niya talaga! Anaia, tingnan mo oh." Hinatak ako nito bigla paharap sa TV na nandirito sa Coffee Shop kung saan ako nagtatrabaho. 

"Ano ba 'yan?" kunot noo kong tanong nang makita ang mga nagkakagulong press at mga taong tumitili.

"Ito naman oh. Tingnan mo kayang mabuti nang makita mo asawa ko." 

"Asawa? Boyfriend nga wa—"

"Pasmado bibig mo, 'te. Tingnan mo na lang kasi dami mong sinasabi eh. Kita mo iyang lalakeng pinagkakaguluhan ng media? Si Kheious 'yan. Hindi mo ba siya kilala?" 

Napalunok ako nang ma-recognized ang mukha nito. Hindi ako kaagad nakaimik at nanatiling nakatingin lang sa screen dahil sa pagragasa ng mga alaala. Ang layo na talaga ng narating niya. 

"Natulala ka na d'yan, Ate Girl? Crush mo na kaagad? Hoy 'wag ah. Asawa ko na 'yan. Hanap ka na lang ibang bias mo. Pinakita ko lang hindi ko sinabing angkinin mo, 'te."

"Wala naman akong sinabing aangkinin ko."

"Sus naninigurado lang ako. So ano 'di mo talaga kilala? Sobrang famous kaya niyan." 

I gulped. "N-No," I lied and walked to the dirty kitchen to avoid her questions.

Ayokong magsinungaling pero iyon ang dapat. Wala na rin namang sense kahit sabihin ko ang totoo. I'm not even comfortable talking about him after all... after everything that happened between us. Mabuti na lang din at nagdatingan na ang mga customers. Naging abala na kami pareho kaya hindi na ako nakulit pa ni Brea.

"Finally, uwian na." Itinaas nito ang mga braso at humikab. 

"Ang daming customers buti kinaya natin kahit tayong dalawa lang."

"Oo nga eh. Tapos ang sungit pa nung isang customer. Akala mo naman ang ganda-ganda."

"Sino?"

"Hindi ko alam pangalan basta ang arte. Huwag na lang natin pag-usapan. She's not worth it to waste our time. Duh!" 

"I have to go na." 

"Sige na umuwi ka na. Baka umiiyak na iyong anak mo roon wala pa namang nag-aalaga."

"Nandoon si Syn." 

"Nakauwi na pala iyong bruhang iyon?"

"Oo, dumating siya kaninang madaling araw." Tumawa ako at isinakbit na sa balikat ang strap ng bag.

"Gagang 'yon ni hindi man lang ako sinabihan. So ano kumusta siya? Nakabingwit na ba ng Afam?"

"Work pinuntahan niya roon, 'te, hindi landi."

"Kasama na 'yon, 'no. Hmm, since napag-usapan na rin naman ang tungkol d'yan, kung humanap ka na rin kaya ng bagong boyfriend."

"Hindi hinahanap 'yan. Kusa iyang dumarating sa tamang panahon."

"Marami namang dumarating pero ini-snob mo. Si Gelo ang tagal na nung nanliligaw sa 'yo ah. Hanggang ngayon 'di pa rin umuusad status n'yo."

"I told him in the first place na hindi ako nagpapaligaw at wala akong planong pumasok sa relasyon. Anak ko priority ko sa ngayon at sa mga susunod pang mga taon."

"Nasaan ba kasi tatay niyan? Tatlong taon na tayong magkaibigan pero hindi mo pa rin naipapakilala tatay ng anak mo."

"We have different lives now. Okay na sa akin na hindi kami nagkatuluyan. I'm just thankful na binigyan niya ako ng mabait na anak. Anyway, I need to go na. Kita na lang tayo bukas." H******n ko ito sa pisnge at lumabas na.

I don't have my own car so I need to commute. Pumara ako ng jeep dahil mas mura iyon. Medyo siksikan pero pinatos ko na para makauwi ako nang mas maaga. Badtrip lang dahil traffic. Alam mo iyong pagod ka na sa work at gustong-gusto mo ng  matulog dahil sa pagod pero heto ka at naiipit sa traffic na 'di mo alam kung uusad pa ba. Bumaba na ako nang marating ang aking distinasyon. 

Sobrang nakakapagod ang araw na ito dahil pay day kaya naman marami kaming customers kanina. Pero hindi ako pwedeng huminto sa pagtatrabaho dahil baka mamatay kami sa gutom. Ako lang ang kumikilos kaya hindi pwedeng magpahinga. Bumili muna ako ng lutong ulam sa tapat ng gusali ng apartment kung saan ako nakatira. Late na para magluto at pagod na rin ako para gawin iyon.

"Ate Esme, may ulam pa ba?" 

"May caldereta at chopsoy pa rito."

"Pabili nga po ng tig-isang order." 

Binalot na nito iyon at umalis na ako matapos kong iabot ang bayad. Tumingin muna ako sa kaliwa't kanan at nang masiguradong walang parating na sasakyan ay tumawid na ako. Pumasok ako sa gusali at inakyat ang mga hagdan papunta sa fifth floor kung saan ako nakatira. 

Napangiti ako nang matanaw na ang pintuan. Binuksan ko iyon at kaagad napawi ang pagod ko nang makita ang anak kong mabilis na iniwan ang kaniyang lego nang bumukas ang pinto at tumakbo upang yakapin ako. Lumuhod ako upang magkapantay kaming mag-ina.

"How's your day, baby? Nagpakabait ka ba sa Ninang?"

"Opo, Mommy." 

"Pinakain ko na ng dinner iyan. Mayroon pang ulam dito kumain ka na rin," sabi ni Syn na best friend ko na simula High School. 

Galing itong kusina at mukhang katatapos lang maghugas ng plato dahil nagtutuyo pa ng kamay. 

"Thanks, love, pero sa bahay na lang. Bumili rin kasi ako ng ulam." Itinaas ko iyon upang makita niya.

"Oh, I see. Paano ba 'yan, ba-bye na." Lumuhod ito para hagkan sa pisnge ang anak ko. "Drink your milk bago ka matulog."

"Opo, Ninang." 

"Thank you ulit sa pag-aalaga sa anak ko habang nasa work ako. Alam mo na wala akong ibang mapag-iwanan. Nahihiya na nga ako eh."

"Ano ka ba walang problema iyon. Saka mas gusto ko nandito siya tutal wala rin naman akong kasama. At least kapag nandito siya nalilibang ako. Sige na umuwi na kayo nang makapagpahinga na." 

Inakay ko na ang anak ko at lumabas na kami. Katabi lang ng tinitirahan niya ang sa amin kaya hindi mahirap kapag ihahabilin ko ang anak ko. Ganito na ang naging routine ko simula noong nagtrabaho ako para sa amin ng anak ko dahil wala akong ibang mapag-iwanan. Since home-based naman ang trabaho ni Syn, naiiwan ko sa kaniya ang bata.

"Mommy, our teacher told us to create a family tree."

Napatigil ako sa paghuhubad ng jacket nang marinig ang sinabi nito. I don't understand why most teachers are giving this kind of project. I know they want to teach students about what family is that it has mom, dad, and children. 

But how about those people who never meet their dad? Or those who came from a broken family? This topic was very triggering for them. And I know this would be so uncomfortable for them doing this too. Sometimes world is really unfair.

"Is that a project?" I tried my best to keep my voice calm because I was shaking.

"Opo. Mommy, iyong classmate ko sinundo ng daddy niya. Our teacher told us that a family composed of daddy and mommy. May daddy rin po ba ako?"

Bumigat ang paghinga ko dahil sa itinanong nito. Nagpalipat-lipat sa kaliwa't kanan ang tingin ko— naghahanap ng sagot. Lumuhod ako upang makausap ko siya nang mabuti.

"Uhm, baby, tama naman iyong sinabi ni teacher. Pero iba kasi iyong case natin. You have a daddy too but since he's no longer with us, si mommy na lang ang tatayong daddy. Is that okay with you?" He gave me a nod. "I promised na kahit ako lang ang tumatayong magulang mo, I will do everything to provide your needs. We can still be happy kahit tayong dalawa lang, anak. Mommy, loves you so much."

"I love you too, Mommy." Yumakap ito sa akin.

Gustuhin ko man ay hindi ko maaaring sabihin sa kaniya kung sino ang ama niya. I am still protecting his name after all. Ayoko ring madamay ang anak ko sa gulong posibleng mangyari sa oras na lumabas ang totoo. Alam kong hindi ko ito habang buhay maitatago sa lahat ng tao. Sasabihin ko rin naman sa kaniya pagdating ng araw. May tamang panahon sa lahat ng bagay at hindi pa iyon ngayon.

Nagbihis lang ako tapos inilabas na namin ang mga materyales na gagamitin para sa project niya. We have here everything we need except for one thing... his father's photo. Sobrang simpleng bagay lang niyon sa totoo lang pero hindi ko pa maibigay sa anak ko. And that hurts me so bad as a mother. Iniwan ko saglit ang anak ko nang maka-received ako ng tawag. 

"Brea, napatawag ka?"

"Busy ka?"

"Uhm, tinutulungan ko lang ang anak ko sa project niya. Bakit?"

"Help mo 'ko sa votings, 'te."

"Votings?" my brows furrowed.

"Oo, iyong group ni Kheious. Sige na oh para rin naman sa bansa natin iyon. Pa-advance birthday gift mo na lang din sa akin. Check mo message board mo, na-send ko sa 'yo ang link. Thank you in advance, girl. Mwa!" Ibinaba na nito ang tawag. 

Nang tingnan ko ang message board ko nandoon na nga ang link. I rolled my eyes after seeing her follow-up massages with the cry baby emoji. I placed back my phone on the table and go back to my son. Naabutan ko siyang nakalupagi pa rin sa mat at nagdidikit.  Tumingala ito sa akin at nakangiting iniharap ang family tree na nasa card board. 

"Mommy, look oh, I put a picture na for daddy."

I took a step backward when I saw the picture he pasted on the father's corner. 

"Baby, w-what's that?"

"I put Kheious picture, Mommy." 

Kinuha ko iyon at tiningnan. "Where did you get this?" I asked and my heart started to beat fast and loud.

"Tita Brea gave me that photo card when she visited me last week."

"Si Brea talaga." 

"Is there a problem, Mommy?"

"Uhm, baby, I think we should not use this. Kheious is an artist and we can't just use his photo especially in this case without his consent." 

"But why does Tita Brea using his photo?" Hindi ako nakasagot kaagad. "Let's use it for now. They knows naman na he's an artist and we were not serious about it. I just don't want to leave that space empty, Mommy. And besides, Tita Brea also calling me Baby Kheious because he looks like me raw." 

"Yes, baby, he looks like you." I carressed his face gently. 

He looks exactly like you because... he's your father. 

—Azureriel

Lanjutkan membaca buku ini secara gratis
Pindai kode untuk mengunduh Aplikasi
Komen (1)
goodnovel comment avatar
Rubylyn Ayson
nice story
LIHAT SEMUA KOMENTAR

Bab terbaru

  • Hiding the Idol's Baby    Epilogue

    EpilogueFour Years Later..."Huwag takbo nang takbo baka mangadapa kayo," paalala ko sa dalawang bata na naghahabulan sa makipot na kusina.Naghahalo ako ng niluluto ko nang may biglang yumakap sa akin mula sa likuran. "Good morning," bati ng asawa kong pinuyat ko kagabi. "Kumusta tulog mo?" tanong ko habang patuloy lang sa paghahalo. "Pinagod mo 'ko," sagot nito sa paos na boses. Natatawa kong pinatay ang kalan at pumihit paharap sa kaniya. I wrapped my arms around his neck and tipped toe to give him a good morning kiss on the lips. "Weak!" asar ko sabay pisil sa pisnge niya. "Kaya pala you passed out last night, huh?" Pinisil nito nang mahina ang ilong ko. Tumalikod na ako upang kumuha ng mga plato. "Hindi kaya!""Really?""Che! Maupo ka na roon. Maghahain na ako. Tawagin mo na rin ang mga bata nang makakain na tayo."Nagsuot lang ng shirt si Kheious tapos ay lumabas na ng kusina upang puntahan ang mga anak na naglalaro. Ako naman ay nag-umpisa ng ilatag ang mga plato't ku

  • Hiding the Idol's Baby    Chapter 38

    Chapter 38Gulat akong napatayo sa sinabi nito. "S-Seryoso ka ba?" tanong ko dahil mukhang pabigla-bigla siya.Hinawakan ni Kheious ang kamay ko at tiningala ako. "Noon pa kita gustong tanungin... at noong ko pa dapat ginawa ito." Lumuhod siya sa harapan ko at inilabas ang singsing. "Kahit hindi ko pag-isipang mabuti... alam kong ikaw iyong babaeng gusto kong makasama habang buhay. Ms. Cassianaia Noreen Servantes, will you marry me?""Yes," naiiyak kong sagot.Isinuot niya sa akin ang singsing at niyakap ako. Batid kong mahirap at nakakatakot dahil sa sitwasyon namin, pero hanggang kailan ba kami matatakot? Hindi pwedeng habang buhay na lang kaming magpapadala roon. Unfair man sa iba pero hindi ba't deserve din naman naming sumaya? Ilang taon din ang sinakripisyo namin para sa iba, and I think it's time para piliin naman namin ang mga sarili namin."OMG! So totoo nga?" kinikilig na pagkumpirma ni Syn nang ipakita ko sa video call ang singsing na suot ko. Nasa sala ako at kausap sila s

  • Hiding the Idol's Baby    Chapter 37

    Chapter 37"Kaya kong gawin ang kahit ano pero hindi ang itanggi kayo. Ayoko ring kapag lumaki na si Kheious at nagkaisip, mapanuod niya iyong video at isiping tinanggi ko siya. Ayoko nun, Anaia. Ayaw kong maramdaman iyon ng anak natin.""Pero paano iyong pangarap mo?" umiiyak niyang tanong at mabilis kong tinuyo iyon."Natupad ko na, Anaia. Nagawa ko ng mag-perform sa malalaking entablado at harap ng libo-libong tao. I already pursued my endeavors. But all of that will be worthless without you and our son.""Kheious, mag-usap tayo," galit na pagtawag sa akin ng boss."Don't worry about me," nakangiti kong sabi at hinagkan siya sa noo.Tinanguan ako nung anim bago ako umalis. Kinausap nila ako ng pribado sa isang kuwarto. Um-echo ang boses nila sa apat na sulok niyon sa tindi ng galit at disappointment nila sa akin. I tried to stay in the group despite of the disrespect and inconsideration I got. Pero noong nadamay na ang mag-ina ko roon na ako hindi nakapagpigil."Kumusta?" salubong

  • Hiding the Idol's Baby    Chapter 36

    Chapter 36"Mommy, bili tayo nun!" Hinatak ako ng anak ko sa stall ng mga chocolate."Sige pero kaunti lang ah. Baka saktan ka na naman ng ngipin." Hinawakan ko siyang mabuti dahil baka mawala.Masyadong malawak ang mall para maghanapan kami rito. Hindi kami nakapag-grocery nitong nakaraan dahil ilang araw din ang nilagi namin sa resort. Sakto naman na walang pasok si Kheious ngayon kaya sinamantala na namin na makapamili. Umuwi rin naman kami kaagad pagkatapos dahil marami pang gagawin.Balik trabaho na bukas kaya sinulit na namin ang araw na iyon. Gumawa kami ng hand paint naming tatlo tapos ay nagluto ng meryenda. Simple lang pero naging special dahil sila ang kasama ko. Kheious and I became more open to each other. Magkatuwang kami sa gawaing bahay at sa pag-aalaga kay Khoein."Teka hindi ka ba papasok?" tanong ni Kheious nang makitang hindi pa ako bihis."Masama raw pakiramdam ni Khoein. Dito na lang muna ako para may mag-aalaga sa kaniya. Hindi ko rin kayang iwan eh."Napuno ng

  • Hiding the Idol's Baby    Chapter 35

    Chapter 35"B-Balik na muna ako sa loob. Baka hinahanap na ako ni Khoein." Naglakad na ako pabalik sa hotel upang makaiwas.Ano bang sinasabi niya na mahal niya pa rin ako? Minadali ko ang bawat hakbang. Akala ko makakalayo ako sa kaniya, pero ang gago sinundan pala ako. Pasara na ang elevator nang may kamay na biglang humarang doon."What are you doing here?" iritable kong tanong sa pumasok."We will talk," he replied coldly."Really, Kheious, in front of them?""What's wrong with that?""Hindi ka ba nag-iisip? Sinabi mo sa harap nilang lahat na mahal mo pa rin ako. Alam mo naman na bawal kang mag-girlfriend, 'di ba?""Pero hindi bawal sa amin ang magmahal. Mga tao lang din kami, Anaia."Natahimik ako sa sinabi niya. Bumukas ang pinto ng elevator at nagpatiuna na siya sa paglabas."Ano bang gusto mong mangyari, huh?" tanong ko sa lalakeng naglalakad nang nakasuksok ang mga kamay sa bulsa. Huminto siya sa tapat ng isang pinto at sinamantala ko naman ang pagkakataon na iyon upang pumwe

  • Hiding the Idol's Baby    Chapter 34

    Chapter 34Mabilis kaming napakalas sa isa't isa nang dumating ang mga kaibigan ni Kheious."Anaia, hiramin muna namin ah.""S-Sige." Ngumiti ako."Tara na, dre, Mayang gabi n'yo na lang ituloy iyan."Gosh! Nakita ba nila? Nang umalis sila ay umahon na rin ako dahil medyo nilalamig na rin. Dumiretso ako sa hotel room namin upang magbihis. Hanggang doon ay isip-isip ko ang ginawa niya-- kung bakit niya ako hinalikan. Paglabas ko ng banyo ay naabutan ko si Syn na nakaupo sa kama at palinga-linga sa paligid."Talagang twin bed?""Oo, kay Kheious tapos sa amin ng anak ko.""Ang weird n'yo. Pwede naman kayong magsama sa iisang kama ah.""Masikip na.""Aba edi dito mo sa kabilang kama ihiga anak mo.""Uunahin ko pa ba siya kaysa sa anak namin? D'yan siya."Kinuha ko ang blower at tinuyo ang buhok ko gamit iyon. "Ah basta ako hindi naniniwala na hindi kayo magtatabi mamaya.""Bahala ka. Teka, si Khoein pala?""Nabihisan ko na. Nandoon sa labas kasama ang daddy niya. Nag-iihaw sila ng barb

Bab Lainnya
Jelajahi dan baca novel bagus secara gratis
Akses gratis ke berbagai novel bagus di aplikasi GoodNovel. Unduh buku yang kamu suka dan baca di mana saja & kapan saja.
Baca buku gratis di Aplikasi
Pindai kode untuk membaca di Aplikasi
DMCA.com Protection Status