Share

Chapter 3

Chapter 3

Ibinuhos ko ang isang tabong tubig sa katawan ko. May klase ako ngayong alas sais kaya gumising ako ng maaga. Terror iyong professor namin para sa period na ito kaya hindi ako pwedeng mahuli sa klase. Alas cuatro pa lang kaya tulugan pa ang mga kasama ko. Nasa kalagitnaan ako ng pagsasabon ng leeg nang biglang bumukas ang pinto.

"Bastos!"

"Hala sorry!" Mabilis nitong isinarado iyon. 

Niyakap ko ang sarili at ramdam ang malakas na kabog ng dibdib ko. Pilit kong iwinaksi iyon sa aking isipan at ipinagpatuloy na lang ang paliligo. Natapos na ako pero hindi ko alam kung paano lalabas. Sobra akong nahihiyang humarap sa kaniya. Alam ko naman na wala akong dapat ikahiya pero ang awkward lang kasi sa pakiramdam. Nakita niya lahat bhe. Sino ba naman ang hindi mahihiya roon?

Huminga ako nang malalim bago pinihit pabukas ang doorknob. Lumabas na ako dahil hindi naman ako pwedeng tumira rito sa banyo. Dumiretso ako sa taas upang makapagbihis. Tulog pa rin ang magaling kong kaibigan na pinuyat na naman ng maling tao kagabi. Hindi ko na nakita iyong lalake kanina. Mabuti na rin iyon dahil hindi ko siya kayang harapin. 

"Pakopya ng assignment," pautos na sabi ng babaeng nakatayo sa harapan ko. 

Kilala ko siya dahil kilala siyang bully rito sa eskwelahan. Tss, college na isip bata pa rin. 

"Ayoko nga," matapang kong tugon at mabilis namang nagsalubong ang kilay nito.

"Anong sabi mo?!" 

Tumayo ako at nilabanan ang mga tingin niyang tila ba mangangain. 

"Ang sabi ko a-yo-ko."

"Tinatanggihan mo ako? Hindi mo ba ako nakikilala?"

"Kilala kita. Ikaw iyong bully rito sa campus na hindi gumagawa ng school works at umaasa lang sa kaklase." 

"Gago pala ito eh." Tumingin ito sa mga kasama at inundayan ako ng sampal ngunit mabilis ko iyong naiwasan. "P-Paanong..." 

Hinigpitan ko ang hawak sa pulsuhan niya kaya napangibit ito sa sakit. 

"Hindi ko ugaling mag-tolerate ng estudyanteng tamad mag-aral at umaasa lang sa kapwa estudyante." Padabog kong binitawan ang kamay niya at nilampasan sila. 

"Ang tapang mo ah!"

Pumihit ako paharap sa mga ito at pinag-cross ang aking mga braso. 

"Hindi ko ugaling matakot sa mga tapang-tapangang kagaya mo. Alam mo mag-aral ka na lang para naman magkalaman iyang utak mo kahit papaano. College ka na kaya tigilan mo na iyang pambu-bully mo, Riona. Grow up bhe hindi iyong pride mo lang pinapalaki mo. Kung iyong ibang estudyante nadadala ninyo sa pananakot, pwes ako hindi." 

Lumabas na ako ng classroom dala ang mga gamit ko. Nalaban nga ako ng suntukan sa mga lalake sa probinsya tapos sa kaniya matatakot ako? Tss! Asa siya.

"Sissy, wait!" Tumakbo ito palapit sa akin at hinihingal pa nang abutan ako. 

"Sasabay ka ba mag-lunch?"

"Hindi. May ka-lunch date ako ngayon eh. Nakita ko pala iyong ginawa mo kanina. Naku, sis, dapat hindi mo na pinatulan iyon. Kilala mo naman sila, ayaw nila ng binabangga sila, hindi ba?"

"At anong gusto mo, na hayaan ko lang silang i-bully ako? Mas mabuti na rin na alam nila na hindi ako tulad ng iba d'yan na kinakaya-kaya lang nila. Kaya lumalakas loob ng mga iyan na mam-bully eh kasi hindi sila pinapatulan. Isa pa may batas ang ekswelahang ito para sa mga ganiyan kaya bakit ako matatakot?"

"Alam ko pero kilala ko kasi ang mga iyan at nakita ko na kung gaano katindi mga nagawa nila. Iyong isa nga nating ka-batch hanggang ngayon iyon, naka-confine pa rin sa hospital. Ilang buwan na iyon doon ah. Ayoko lang na mapahamak ka. Alam mo naman na maski ang unibesidad na ito hindi sila mapasunod. Nag-aalala lamang ako, sissy."

Huminto ako sa paghakbang at pumihit paharap sa kaniya.

"Kung hindi sila mapapasunod ng eskwelahang ito, pwes ako ang magpapasunod sa kanila."

"Grabe iba ka talaga. Pero ayos na rin iyan para naman may kaibigan akong matapang. Basta ingat lang ah. I'm sure simula ngayon pag-iinitan ka na ng mga iyon lalo na't napahiya sila kanina. Sige una na ako. Baka naghihintay na si Boyfie."

Dumiretso ako sa canteen para mag-lunch. May libreng sabaw roon kaya roon na ako kakain. Sayang din. Kung minamalas ka nga naman oh wala pang bakante. Nagliwanag bigla ang mukha ko nang makita ang isang lalakeng mag-isang kumakain sa lamesa. Makiki-share na lang ako ng table tutal mukha namang walang kasama si Kuya. 

"Excuse me, Kuya. Pwede maki-share ng ta— ikaw?!" Namilog ang mga mata ko nang ma-recognized ang mukha nito.

"Sure—"

"Salamat na lang pala." Tumalikod na ako at handa ng umalis nang bigla itong magsalita.

"Maupo ka na. Wala naman akong kasama."

Lumunok ako bago muling pumihit paharap sa kaniya. Sa tingin ko naman ay walang masama kung makiki-share ako sa kaniya dahil unang-una hindi naman niya pagmamay-ari ang lamesang ito. Kung nag-aalangan man ako dahil sa nangyari kanina, hindi na dapat dahil hindi naman ako ang dapat na mahiya sa amin. 

Ipinatong ko ang trey sa lamesa at naupo na rin kaharap niya. Tahimik lang kaming kumain. Walang naglakas loob na magsalita. Sobrang awkward sa pakiramdam sa totoo lang. Buong akala ko ay ganoon na kami hanggang pagtapos pero nagkamali ako.

"Wala akong nakita," aniya bigla kaya napatingin ako rito.

"Huwag mo ako lokohin. Nakita ko na tumingin ka sa akin."

"Isinarado ko kaagad ang pinto. Tingin mo ba magagawa pa kitang titigan sa ganoon kabilis na pangyayari?"

"Bakit naman ako maniniwala sa 'yo?"

"Dahil iyon ang totoo." Ibinaba nito ang baso at tumingin sa akin. "Sorry sa nangyari. Akala ko kasi ako pa lang ang gising nang mga oras na iyon. Dapat ay naging mas maingat ako."

Napalunok ako matapos marinig ang mga sinabi niya. May punto naman talaga siya. Aksidente lang iyong nangyari. Pareho naming hindi ginusto iyon.

"I'm sorry rin. Nabigla lang din ako noong bumukas ang pinto. Pero nangyari na. Wala namang may gusto nun kaya kalimutan na lang natin." 

"Okay na tayo?" Biglang naging maaliwalas ang mukha niya.

"Um." Tumango-tango ako. 

Magkasama kami sa iisang boarding house kaya dapat lang na magkasundo kami. Siya rin ang lumabas kagabi upang bilhin ang mga pangangailangan ko. Naging protective na siya kaagad sa akin kahit bago pa lang kaming magkakilala. Alam ko sa sarili ko na hindi siya masamang tao. 

"Kakatok na po ako sa susunod."

Natawa ako bigla sa sinabi niya. "Dito ka rin pala nag-aaral?" 

"Yeah. First year. Ikaw?"

"First year din. Accountancy. Ikaw ba?"

"Nursing," tipid nitong sagot.

"Woah! Nursing ka pala. Hindi ko alam na pangarap mo pala maging nurse."

"Hindi ko pangarap iyon."

"Huh?" 

"Mama ko lang ang may gustong mag-nurse ako. OFW kasi siya sa Canada. Gusto niya mag-nursing ako para pagka-graduate, susunod ako sa kaniya sa Canada at doon ako magtatrabaho." 

"Parent's choice pala. Pero kung ikaw ang papapiliin, anong kukunin mo?"

"MMA."

"Huh? Anong MMA?"

"Multi-Media Arts. Kung hindi man kahit ano na lang na may kinalaman sa performing."

"Mahilig ka pa lang mag-perform? Ano ginagawa mo? Uma-acting? Kumakanta? Sumasayaw? O baka naman nagsi-circus ka?" 

Natawa siya bigla sa sinabi ko. "Sayaw at kanta. Pero minsan uma-acting din ako kapag kailangan."

"Talented ka pala. Sana all."

"Ikaw ba anong talent mo?" 

Tumingin muna ako sa paligid bago inilapit ang mukha rito upang bumulong.

"Kaya kong pumunta sa restroom ng mag-isa." 

—Azureriel

Kaugnay na kabanata

Pinakabagong kabanata

DMCA.com Protection Status